Special Chapter 2
ELISA'S POV
"Elisa...", dinig niyang tawag ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Kuya Isagani ngunit hindi niya ito pinansin bagkus ay nagpatuloy siya sa pagtanaw sa paligid.
Umaasang makikita niya ang minamahal na naglalakad papalapit sa kaniya.
Darating siya.
Naniniwala siyang dadating si Danilo.
Nangako ito sa kaniya.
Itatanan siya ng lalake upang malayo sa kaniyang ama na pilit siyang pinapakasal sa isang mayamang doktor.
"Elisa... Hindi na siya dadating.", tila nahihirapang saad ng kaniyang kapatid.
Naiintindihan niya ito.
Simula pa pagkabata ay inalagaan na siya ng nakatatandang kapatid at ito rin ang nasasaktan habang pinapanood siyang maghintay sa lalakeng minahal na niya ngunit hindi na ata darating.
"Buong gabi tayong naghintay dito...", pagpapatuloy nito sa sinabi bago tinanaw ang kalangitan na unti-unting nalalagyan ng liwanag dahil sa papasilang na araw. "Hindi na siya dadating..."
Narinig niya ang mga yabag nito na papalapit sa kaniya at ang biglaang paghablot ni Kuya Isagani sa maliit na supot na dala-dala niya ngunit naiiyak siyang hinila ito pabalik sabay matinding umiling.
Niyakap niya ng mahigpit ang telang tinalian niya lamang para maging sisidlan kung saan nakalagay ang maliit na halaga ng pera na naipon niya at iilang alahas na alam niyang maaari niyang maibenta kung saka-sakaling kinakailangan nila ni Danilo ng pera sa pagtakas.
Naluluha siyang napatingin sa kapatid at nagmakaawa dito.
"Kuya... Kahit isang oras na lang... Maghintay pa tayo. Dadating siya. Nangako si Danilo sa akin. Itatakas niya ako... Magtatanan kami.", nanginginig niyang saad habang maingat na niyayakap ang sisidlang dala-dala upang hindi ito makuha ng kapatid.
Narinig niya ang malakas na pagbuntung-hininga ni Kuya Isagani at kitang-kita sa mga mata ang awa para sa kaniya at galit sa kasintahan niyang hindi dumating sa tamang oras na pinagkasunduan nila.
Alam niyang hindi ito sang-ayon sa nais niya ngunit ito na rin ang sumuko at naglakad pabalik sa malaking bato na kinauupuan nito mula pa kagabi.
Siya naman ay lumapit sa malaking puno na naging saksi ng pagmamahalan nila ni Danilo at hinaplos ang marka na iniwan nila doon noong una silang nagka-aminan ng lalake.
Unang letra lamang iyon ng mga pangalan nila at isang malaking puso sa gitna ngunit para sa kaniya ay napakalaking bagay na iyon.
Ito ang nagpapatunay ng pagmamahalan nila ni Danilo.
Ang lalakeng kasa-kasama niya simula pa pagkabata.
Ang lalakeng naging takbuhan niya tuwing napapagod na siya sa lahat ng mga bagay na pilit pinapagawa sa kaniya ng kaniyang ama.
Ang lalakeng bumihag sa kaniyang puso.
Nasaan ka na, Danilo?
Nangako ang lalake sa kaniya na ilalayo siya nito dito.
Nangako ito sa kaniya na mamumuhay silang dalawa ng magkasama... malayo sa mapangmanipula niyang ama.
'Elisa, magkita tayong muli sa dati nating tagpuan ngayong gabi... Magtatanan tayong dalawa.'
Iyon ang huling sinabi ng lalake sa kaniya ngunit nasaan na ito.
Buong gabi siyang naghintay kasama ang kapatid.
Desidido na siyang iwanan ang marangyang buhay kung ang kapalit naman nito ay ang buhay kasama ang minamahal na lalake.
Katangahan lamang ba ang lahat ng ito?
Pinaasa lamang ba siya ng lalake?
Danilo... Nasaan ka na? Hindi ko nais makasal sa iba... Sa iyo lamang.
Kaya't nasaan ka na?
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
This is just a short one but this one would be the catalyst for the whole "My Renege In His Past".
Abangan po natin ang pagbabalik ni Danilo ngunit kasal na si Elisa sa mga panahong iyon. 🥰
Thank you for reading this story! I'm officially closing this one. Again, thank you! ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top