Special Chapter 1 Part 1
Tahimik siyang nakatingin sa dalawang lalakeng nag-uusap ng masinsinan.
It's been a week after she found out that Direct Percy, Sidapa and Celso planned everything in order to bring her to the past again.
Inayos daw ng mga ito ang lahat ng maling nangyari.
Walang Maria na dumating.
Hindi magtataksil si Celso.
Hindi siya mahuhulog sa bell tower ng simbahan ng San Juan.
They promised that her happily ever after is here... and this time it's the real ending.
Kasama na niyang muli si Celso at pinagbubuntis rin niya ang anak nilang dalawa.
Tipid siyang napangiti habang tinitingnan ang mag-ama na kasalukuyang seryosong nagtitinginan.
Celso was sitting next to her on a long sofa while his father chooses the single-seater one. Mahigpit na nakahawak ang kamay ng lalake sa kaniya na para bang doon kumukuha ng lakas.
"Nakakasiguro ka na ba sa desisyon mo?", Celso's father asked while looking directly to his only son.
He may looked indifferent and has apathetic composure but she can see deep within his eyes that he do really care for his son. He just doesn't know how to express his love for Celso.
Nilingon naman niya ang kaniyang asawa at ang seryosong mukha nito ang agad na bumungad sa kaniya.
She convinced her husband to talk to his father and straighten out everything between them. She knew that Celso still has grudge against his father.
His resentment to his father was understandable since this man in front of them is one of the people who quickly believed that Celso could kidnap, rape and kill a little girl.
Masakit iyon para kay Celso dahil hinusgahan kaagad ito ng ama.
"Oo.", tipid na ani ni Celso.
Ang boses nito ay rinig na rinig sa malaking espasyo ng bahay ng gonernador-heneral. Kahit pa man may mararaming pagkain na nakahanda sa maliit na lamesa na nasa sala ay wala sa kanilang tatlo ang nag-isip na kumuha ng kahit isang piraso man lamang.
That bibingka looks delicious though...
Mas humigpit ang hawak sa kaniya ni Celso kaya naman nawala ang kaniyang atensyon sa mga pagkain at napabalik sa lalake.
"Napag-isip-isip ko na... mas gugustuhin ko pa ang payak na pamumuhay kumpara sa gulong dala ng pagiging heneral.", dagdag na wika ni Celso.
Nagulat naman siya sa sinabi nito.
The reason why she's been bugging him nonstop to visit his father is because she wanted for him to fulfill his dream of being a general. She can still remember his uniform that was proudly adorned on his bedroom wall. Alam niya kung gaano kagusto ni Celso na maging heneral.
Naikwento na kasi sa kanila nina Direct Percy at Sidapa na malinis na daw ang pangalan ni Celso. Ginawan ng paraan ng dalawang diyos ang pagpapatunay ng kainosentihan ng kaniyang asawa kaya naman naisaliwalat na si Heneral Lenardo ang gumawa na karumal-dumal na krimen na iyon.
Natanggal na ito sa pwesto at si Celso nga ang napupusuang ipalit.
Mukhang katulad niya ay talagang nagulat ang ama nito sa desisyon ng lalake.
"Ngunit hindi ba iyon ang pangarap mo simula pa ng una?", nagtatakang tanong ng gonernador-heneral.
"Hindi ko iyon pangarap.", matatag na ani ni Celso. "Pangarap niyo iyon para sa akin at isa lamang akong anak na uhaw sa atensyon ng kaniyang mga magulang. Ngayong nandito na ang aking asawa ay napagtanto ko na mas nais ko pa ang maging simpleng karpintero lamang kumpara sa maging heneral na puro giyera at away lamang ang iniisip. Nais kong mamuhay ng payapa kasama si Isabel.", mahaba nitong dagdag sabay lingon sa kaniya.
He smiled at her sweetly as if saying that he would always choose a simple life with her rather than a chaotic living as a general.
Dahil sa pagtingin sa kaniya ni Celso ay nalipat ang atensyon ng matandang lalake sa kaniya. Agad naman siyang napalunok nang makita ang seryosong mukha nito na para bang inaalisa ang kaniyang buong pagkatao.
Ito ang unang beses na makikilala niya ang ama ni Celso kaya naman talagang kinakabahan siya sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya.
"Ito ba ang asawa mo?", seryoso nitong tanong kay Celso pero ang mga mata nito ay nakatutok pa rin sa kaniya.
She never ever felt this kind of nervousness in her entire life.
"Siya nga po.", agad namang sagot ni Celso sa ama at hinapit siya papalapit dito.
Akala niya ay may sasabihing hindi maganda ang ama ni Celso sa kaniya dahil sa seryoso nitong mukha ngunit napadungo lang ito.
"Sana'y nakapunta ako sa kasal ninyo...", nanghihinayang nitong bulong ngunit nahagip nila iyon.
Oh... that's right. Wala nga pala silang inimbitahan sa kasal nila ni Celso.
"Huwag po kayong mag-alala. Magpapakasal kaming muli ni Isabel at sisiguraduhin ko na engrande iyon.", sabat naman ni Celso na nagpagulat sa kaniya.
She was about to say something but Celso spoke again.
"At nais ko po sanang kayo ang maghatid sa babaeng minamahal ko sa altar.", dagdag nitong ani na nagpagulat na naman sa kaniya.
Napalingon naman siya sa ama nito at nakita ang malaking ngiti sa mga labi nito. His face looked so much friendlier after doing that.
"Ikagagalak kong ihatid ang napakagandang binibining ito sa kamay ng aking kaisa-isahang anak.", tila proud pang sagot ng gonernador-heneral na nagpanganga sa kaniya. "Huwag kayong mag-alala dahil ako na mismo ang gagasto sa lahat. Hindi ko dapat palampasin ang kasal ng unico hijo ko.", dagdag nito na ikinangiti ni Celso at parang iyon ang naging ice breaker sa tensyon na lumalabas sa dalawang lalake dahil ang sunod na nangyari ay magkayakap na ang dalawa at kinausap pa siya ng Papa nito para ihabilin ang anak sa kaniya.
Nakapagpaalam na lang sila at nakaalis sa mansyon ng gonernador-heneral ay hindi pa rin siya nakababawi sa nangyari.
Just like that and the two are okay?
Parang nalaman lang ng ama ni Celso na may asawa na ito ay biglaang nalusaw ang alitan ng dalawa.
She still can't believe it.
"That's it?", bigla niyang saad sabay hinto habang naglalakad sila ni Celso papalapit sa kalesang sinakyan nila kanina papunta dito.
"What do you mean that's it, mahal?", tanong nito sa kaniya habang hinahapit siya papalapit.
He can't really hug her since she's wearing that large thingy that girls put around their shoulders. Hindi niya alam ang tawag doon pero ang ganda-ganda niyon kaya naman hindi na siya nagreklamo. At saka dapat mag-ayos siya talaga ngayong araw dahil pinakilala na siya ni Celso sa Papá nito.
"Ang ibig kong sabihin ay ok na kayong dalawa?", tanong niyang muli dito habang nilalayo ang sarili sa lalake.
Pinipilit kasi ng asawa niya na mayakap siya nito pero napaka-awkward ng posisyon nila dahil sa suot niya.
"Mahal... Hindi naman iyon ganoon kadali ngunit napagtanto ko na tama iyong sinabi mo sa akin kagabi... Na dapat bigyan ko ng pagkakataon ang aking ama para makabawi sa akin. You told me how horrible your parents are so I have to treasure mine's.", pagpapaliwanag nito sa kaniya na nagpa-alala sa kaniya sa masinsinan nilang pag-uusap kagabi.
She told him that he should grab the chance on being able to talk to his father and to mend all the wounds from that false accusations.
Maaayos pa ni Celso ang relasyon nito sa ama hindi katulad niya na sinukuan na ng mga magulang.
She wanted to at least help him in that simple way.
"May sorpresa ako sa iyo.", biglang pag-iiba ni Celso sa topic nila kaya naman agad na napakunot ang kaniyang noo.
"Ha? Ano?", taka niyang tanong sa asawa.
"Mamamanhikan ako sa inyo.", tipid nitong sagot na mas nagpalito sa kaniya.
"Mamamanhikan? Celso... wala dito ang parents ko. Paano ka mamamanhikan?", nalilito niyang tanong muli dito pero nginitian lamang siya ng lalake at maingat ng hinila sa kalesang dala-dala nila.
"Sigurado ka bang wala sila?", he grinned while saying that and it made her heart skip a beat.
My parents are here?
How?
They never wanted anything to do about her.
Bakit sila nandito sa nakaraan?
"Trust me.", misteryosong sagot ni Celso at tuluyan na siyang hinila papalapit sa kalesa nila.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Hi guys~ Nakalimutan ko nga palang ipaalala na sa 'In His Past' series ay ang method of time travelling nila is the same with Horatia na may ibang katawan ang gamit sa nakaraan unlike nitong kay Betty na dala-dala ang katawan niya.
Naisip ko kasi na parang ang weird nung pagkakasabi ko sa 3rd Book sa 'In His Past' Series kasi magkapatid sina Zynder at Victoria. Take note lang po na ang kapatid ni Victoria doon ay ang lalakeng nagmamay-ari ng katawan na gamit-gamit ni Zynder. Hindi si Zynder mismo. 🥰
Thank you so much~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top