Chapter 8
"Mawalang galang lang po binibini ngunit sino po ba talaga kayo?", magalang na tanong ni Jose sa kaniya nang ibigay niya dito ang basket na puno ng mga food supplies na binili kanina ni Celso sa bayan.
Nang pumasok nga siya sa kusina at nakita siya nito ay bigla itong nagulat.
Mukhang hindi inaasahan na may makakapasok doon. Let alone a girl.
Pinaliwanag niya dito kung sino siya at kung ano ang ginagawa niya doon.
Jose seemed to be shocked that Celso even said yes to the idea of having a girl maid here.
Speaking of Celso... hindi matanggal-tanggal ang isipan niya sa sinabi ng lalake.
Mas nacurious siya dahil pinagbabawalan siya ng lalake na pumunta sa maliit nitong payag.
Well actually, it's not really a payag. More on like a stone age house.
Gawa iyon sa bato pero parang gawa sa hay yung roof. Walang bintana kaya hindi niya maintindihan kung paano nakakapasok ang liwanag doon kung parating sarado.
That place should really be hot inside.
(It looks like this pero miniature model lang ito kaya hindi masyadong maayos ang gawa. Nilagay ko lang po dito para may idea kayo kung ano yung outline ng bahay ni Celso. Mas maayos po yung kay Celso sadyang wala lang po talaga akong makitang ibang example. 😊)
Hmm... ano kayang gagawin niya sa akin if pumasok ako doon?
Ibibitay ba niya ako ng patiwarik?
Ano bang tinatago ng lalake sa loob at parang ingat na ingat ito doon?
Namention na rin ang batong bahay na iyon sa script pero hindi naidetalye ang nasa loob kaya naman wala siyang kaideya-ideya.
"Binibining Isabel, sabi po ni Kuya Celso na ipaliwanag ko po sa inyo ang mga gagawin niyo po.", biglang sabat ni Jose na nagpatanggal sa kaniya sa malalim na pag-iisip. Hindi man lang niya napansin na lumabas pala ito kanina at mukhang nagtanong sa amo kung totoo bang maid na siya dito.
Tumango na lang siya sa sinabi ng binata at nakinig dito.
Pinagmasdan niya ang buong mukha nito at naconfirm na kamukhang-kamukha nito ang matandang lalake na nakita niya sa isang picture noong nagsearch siya tungkol kay Celso.
He looks young. Mga around early 20's pa siguro ito ngayon. Sa pagkakatanda niya ay 22 si Isabel sa script at 24 si Celso pero hindi niya matandaan ang exact na edad ni Jose.
Totoo nga talagang nagtime travel ako...
I need to figure out what happened and what I should do to go back to my time. D*mn you Direct Percy!
"Binibining Isabel nakikinig po ba kayo?", biglang tanong ni Jose.
"Ahh... sorry. My head is in the clouds. What is it again?", agad niyang sagot dahil narealize niyang kanina pa pala nagsasalita si Jose sa harapan niya.
"Uhm... ano pong sinabi niyo?", tila awkward na tanong ni Jose sa kaniya.
"Ay! Pasyensya na. Ibig kong sabihin lumipad yung atensyon ko sa ibang bagay kaya hindi kita narinig. Ano nga iyong sinasabi mo?", agap niya sa slip of tounge niya kanina.
"Sabi po ni Kuya Celso na kayo po daw ang magluluto, maglalaba, maglilinis ng bahay at magwawalis sa paligid. Sa akin po kasi yung trabaho ng paglilinis at pagpapakain ng mga alagang hayop ni Kuya.", pagpapaliwanag nitong muli sa kaniya.
Teka... anong gagawin nung hinayupak?!
"Anong trabaho ni Celso?", nagtataka niyang ani kay Jose. Pati iyon ay nakalimutan niya.
"Karpintero po si Kuya Celso.", sagot nito sa tanong niya. "Sa may likod po ng bahay na bato ni Kuya Celso ay may maliit pong payag. Doon po siya gumagawa ng mga gamit sa bahay na pinapagawa ng mga taong bayan."
Napatango-tango na lang siya dahil doon. Gumagawa pala si Celso ng mga pintuan, lamesa, upuan... basically anything that can be made from wood.
She forgot about that detail from the script. Siguro kailangan niyang isulat sa papel ang lahat ng natatandaan niya para naman hindi niya ito malimutan.
"Binibining Isabel, magpapakain na po ako ng mga baboy. Utos po ni Kuya Celso na maghanda po daw kayo ng hapunan. Gusto niya po daw yung may sabaw.", paalam ni Jose habang naglalakad papalabas ng kusina na may dala-dalang balde.
When Jose is faraway and she was left alone in the kitchen, she suddenly realized how screwed she is right now.
Patay! Hindi ako marunong magluto!
Panic niyang tiningnan ang kusina.
All she could see are native cooking tools.
Ano bang aasahan ko?! Oven? Microwave?
Kahit nga ang mga iyon ay hindi niya alam paano gamitin. Never siyang nakatry magluto. Tanging coffee machine lang ang alam niyang gamitin sa kusina dahil since bata pa siya ay nakadulot na ang pagkain sa kaniya. Kung hindi lang siya addict sa kape ay baka kahit coffee machine ay hindi niya alam i-navigate.
She's so used to giving orders kaya naman hindi niya problema ang pagkain. Isang utos niya lang ay may magluluto na para sa kaniya.
Napatampal siya sa kaniyang noo nang narealize niya na siya nga rin pala ang maglalaba ng mga damit ni Celso.
I don't even freaking know how to use a washing machine!
Sanay siyang magpalaundry kaya kahit washing machine ay hindi niya alam paano paandarin, let alone washing dirty laundry with her bare hands.
Ano ba naman itong pinasok ko?!
Kahit na nag-aalangan ay lumapit siya sa may dapugan at tiningnan kung ano ang nandoon.
Hihintayin na lang niyang matapos si Jose tapos magpapatulong siya sa pagluluto. For now, she will make a fire.
Satisfied with her plan, she started to get some fronds and dried coconut shells. Inilagay niya iyon sa may kalan pero agad niyang napansin na walang posporo sa paligid.
She searched the whole area near the kalan pero wala talagang posporo.
Paano ko ito papaliyabin?
Taka siyang tumitingin-tingin sa may dapugan para maghanap ng posporo kaya naman hindi niya napansin na nakapasok na pala si Celso sa kusina.
"Hindi ka pa rin nagsisimula ng hapunan?", bigla nitong wika mula sa likod niya kaya naman napapitlag siya at agad na humarap dito.
Nakahalukipkip lang ang lalake habang nakasandal sa pintuan ng kusina.
"Huwag ka ngang manggulat!", inis niyang saad sa bagong dating na lalake.
Kumunot lang ang noo nito sa sinabi niya ngunit walang sinabi. Lumapit lang ito sa kaniya at may kinuhang dalawang bato na nasa gilid ng dapugan.
Para siyang bata na pinaharap ni Celso sa may kalan at pinakita sa kaniya ang dalawang bato.
"Nakikita mo ito?", mabagal na tanong nito sa kaniya na parang kinder ang kausap nito. "Itong dalawang bato ang pwede mong gamitin para makagawa ka ng apoy."
May ipinakita itong mga bato sa kaniya. Yung isa may pagkawhite ang color na may pagkaglassy-looking. Ang isa naman ay yung usual na batong nakikita niya sa paligid-ligid na kulay gray.
Celso striked the two stones hard and it made a spark.
Woah! That's so cool!
Hindi niya maiwasang hindi mamangha dahil first time niyang makakita ng ganoon.
Nagulat siya nang ibigay ni Celso ang dalawang bato sa kaniya.
"Ikaw magpatuloy.", bigla nitong ani at humalukipkip na naman sa tabi niya.
Para itong striktong teacher na binabantayan ang estudyante kaya naman bigla siyang naconscious.
Teka, ako ang gagawa?
Kahit na hindi pa niya naiintindihan ay sinubukan niya iyon. Unlike Celso, there's no spark that appeared when she strikes the two stones together. Tanging tunog lamang ng nagtatamang bato ang nalilikha ng kaniyang ginagawa. Walang apoy.
Frustrated siyang lumingon sa lalake at nakitang masinsin pa rin siya nitong pinapanood.
Inilahad niya ang bato patungo sa direksyon nito at inis na nagwika, "Ikaw na lang kaya gumawa!". With matching papadyak-padyak pa ang pagrerelamo niya.
"Ikaw ang utusan dito, hindi ako. Magpatuloy ka. Babalikan kita mamaya.", pagsasawalang-bahala nito sa kaniyang reklamo at lumabas na sa kusina.
T*ng-ina naman ito! Ang sakit-sakit na ng likod ko!
Kahit gustong magreklamo ay alam niyang wala siyang choice kaya bumalik siya sa ginagawa.
Finally, after almost half an hour ay nakagawa na siya ng apoy. Muntik pa iyong mamatay kanina kaya naman panic niyang hinipan iyon para magliyab. Luckily ay hindi naman namatay at may apoy na rin siyang muli.
Sayang-saya siyang nakatingin sa apoy na nagawa niya kahit pa man wala pang nakasalang na pagkain na lulutuin doon.
"Magaling.", biglang saad ni Celso mula sa likod niya na nagpagulat na naman sa kaniya.
"Freaking hell! Stop sneaking like a freaking thief!", gulat niyang sigaw dahil parang multo kung lumitaw si Celso sa likod niya.
Napatingin siya sa paa nito at napansing wala itong suot na kahit ano. Kahit tsinelas man lang ay wala. Kaya siguro ang tahimik maglakad ng lalakeng ito.
Come to think of it, nakapaa rin ito kanina noong nasa bayan pa sila.
Hindi ba nasasaktan ang paa nito?
Marahan siya nitong hinila sa isang wooden cabinet at binuksan iyon.
"Sa susunod, matuto kang maghanap ng mas maayos.", ani nito sa kaniya habang minumwestra ang loob ng cabinet sa kaniya.
Lumapit siya sa cabinet at tiningnan ang nasa loob.
Posporo!
Nanggagalaiti siyang lumingon kay Celso pero wala na ito sa kusina.
T*ng-ina! Nandito lang sa cabinet ang posporo tapos pinahirapan pa ako ng gago!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top