Chapter 70

"Beatrice...", rinig niyang tawag ni Sidapa sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin.

She continued crying while looking at the last photo that she took with Celso. It was when they went out on a dinner date and they wore matching outfits. Siya na naka-red dress habang ito ay nakapulang V-neck shirt.

They looked so happy.

Used to.

Niluko niya ang sarili sa kama at mas lumakas pa ang mga iyak niya. Wala na siyang pakialam kung pinapanood siya ng Diyos ng Kamatayan.

Ilang araw na bang binabantayan siya nito matapos ilibing si Celso sa mismong libingan na nasa rose garden nila.

Direct Percy and Sidapa is so worried about her. Hindi nila hinahayaang maiwan siyang mag-isa kahit nga pagpunta sa bathroom ay nakabantay ang isa sa mga ito sa labas.

They knew that she's gonna attempt to kill herself and they're stopping her.

Bakit ba nangingialam ang mga ito sa kaniya?!

She's so lost.

She's so afraid.

Hindi na niya alam ang gagawin ngayong wala na si Celso.

Her tears kept on falling on her pillow while reminiscing the day that she lost her whole world.

The day that she lost him.

She kept on begging Celso not to go.

She's so desperate to hold on to him but she can't.

Nasasaktan siya dahil parang ang dali lang para sa lalake na tanggapin ang pagkakamatay.

He comforted her.

He said that she should just trust him.

He said that everything would be alright.

How?! Paano magiging maayos ang lahat kung wala na ito?!

Celso then just kissed her forehead one last time and even if she can't feel his lips on her skin physically, she still felt his love.

The love that she lost.

The love that would never ever come back to her.

Kailangan pa siyang hawakan ni Direct Percy dahil nag-hysterical siya nang nagsimula ng maglakad papalayo sa kaniya si Celso.

She can't say goodbye but Celso told her that it is not a goodbye.

That it's not the end.

"I'm gonna miss you until we meet again. Hihintayin kita. I love you, mahal."

That's his last words to her before he left her.

Just like that and he was gone.

The love of her life was gone.

"Beatrice...", tawag muli ni Sidapa sa kaniya sabay upo sa gilid ng kama niya.

Unti-unti nitong inayos ang mga nakakalat na bagay sa may kama na buong gabi niyang iniyakan. His eyes then immediately zeroed in on a small planner. Nandoon nakasulat ang lahat ng plano nila ni Celso pagkatapos sana ng shooting ng pelikula.

Tiningnan lamang nito iyon bago binalik ang paningin sa kaniya.

Kita niya ang awang nararamdaman nito para sa kaniya.

"He promised me.", bulong niya habang nakatutok lamang kay Sidapa ang mga luhaang mata pero rinig na rinig iyon dahil wala namang nagsasalita sa kanilang dalawa kanina. "He promised that we would go to Disneyland together. He promised me that we would travel the world. He promised me that we would get married again and go to Bali for our honeymoon."

Hindi niya tinanggal ang paningin kay Sidapa kahit pa man unti-unti na namang bumabagsak ang mga luhang ilang ulit na niyang pinupunasan.

"Let me ask you one question, Sidapa.", halos kapusin na siya ng hininga habang pinipigilan ang muling pagluha. "Why?"

Tiningnan lamang siya ng seryoso ng Diyos ng Kamatayan at hindi siya sinagot kaya naman nagpatuloy siya sa sinasabi.

Inayos niya muna ang pagkakahiga at diretsong tumingin sa kisame ng kwarto nila ni Celso.

"Bakit ganito ang nangyayari sa akin?", tanong niyang muli pero mukhang sa sarili niya iyon tinatanong at hindi kay Sidapa. "Isang tao lang naman ang hinihingi ko pero bakit hindi man lang maibigay ng Diyos sa akin iyon? Isang tao. Hindi naman pagmamalabis iyon diba?"

Napakagat siya sa kaniyang labi nang maramdaman ang mga hikbing nagbabanta na namang lumabas mula sa kaniyang bibig.

"They said I'm perfect... They said I have everything... but the truth is I'm nothing without him.", wika niya habang pinapakiramdaman ang mga luhang tumutulo papunta sa pillow sheets niya. "Sabi nila nakakainggit kasi ang yaman-yaman ko... Fuck! I have so many houses all around the world but I'm homeless without him... He's my home. The safe place that I could call as mine."

Narinig niya ang malalim na buntung-hininga ng lalake bago sa wakas ay nagsalita na.

"Beatrice... alam ko ang nararamdaman mo-", panimula nito pero agad niya itong kinontra.

"No, you don't.", mariin niyang saad habang unti-unting tumayo mula sa pagkakahiga at tiningnan ng masama ang lalake. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil hindi mo naman naranasan ang mga bagay na nangyari at nangyayari sa akin ngayon. Kaya wala kang karapatang umaktong parang naiintindihan mo ako.", galit niyang saad habang nakakumo ang kamao.

Insensitive people are like that.

Saying things like 'I understand your pain' when the truth is they don't. They just want to show sympathy but they don't actually know what she's feeling right now.

Paano maiintindihan ng Diyos ng Kamatayan ang sakit na nararamdaman niya ngayon?!

Na-inlove na ba ito?!

Nasaktan dahil sa pag-ibig?!

Pinagkaitan ng pagkakataong magmahal?!

Hindi naman diba?

Kaya wala itong karapatang sabihing naiintindihan nito ang nararamdaman niya dahil ang totoo ay wala itong alam.

Seryoso lamang siyang tiningnan ng lalake bago napa-ismid.

"Sigurado ka bang hindi ko nararanasan ang nararanasan mo ngayon?", he muttered with a slight pain evident on his voice.

Dahil sa sinabi nito ay agad namang napakunot ang kaniyang noo.

Is he implying that he... fell in love with someone?

Mukhang napansin naman ng lalake ang pagkakalito niya dahil mahina itong tumawa pero ang tawa nito ay walang kasiyahan na maririnig.

He actually sounded... hurt.

Naglakad si Sidapa papunta sa may bintana ng kwarto nila ni Celso at tiningnan ang buwan na nagbibigay liwanag sa gabing iyon. Kahit pa man hindi ito nakatingin ng diretso sa kaniya ay kita pa rin niya ang sakit sa mga mata nito.

"Alam ko ang nararamdaman mo.", mahina nitong ani. "Iyong pakiramdam na magmahal ng isang tao na hindi para sa iyo. Iyong pakiramdam na kahit mahal na mahal niyo ang isa't-isa ay pinaghihiwalay pa rin kayo. Iyong pakiramdam na parang ang buong mundo na ang gumagawa ng paraan para maghiwalay kayong dalawa... Alam ko iyon Beatrice... Ilang siglo ko iyong paulit-ulit na nararamdaman."

Matapos nitong sabihin iyon ay nakita niya ang isang butil ng luha na tumulo mula sa mata nito ngunit agad rin iyong nawala na aakalain mong hindi ito umiyak.

"A-Anong nangyari?", nag-aalangan niyang tanong dito dahil kahit ang seryoso at matatag tingnan ni Sidapa ngayon ay alam niyang sa loob-loob nito ay isang lalakeng nasasaktan dahil sa pag-ibig.

"Nagmahal ako ng isang mortal.", tipid nitong sagot sa kaniya habang naglalakad papalapit sa kama at umupong muli sa tabi niya.

She rested her head on her knees and looked at him directly, showing him that she's interested to know more.

Mukhang naintindihan naman nito kaagad ang kuryosidad niya dahil nagsimula na itong magkwento.

"Una ko siyang nakilala bilang isang babaeng mandirigma sa panahon ni Lapu-Lapu.", simula nito habang may ngiti sa mga labi nito na para bang natatandaan nito ang lahat ng nangyari noon. "Matapang siya at kayang isakripisyo ang buhay para sa lupaing kinalakihan nito. Nagpakilala ako sa kaniya bilang isang madirigma rin at nagmahalan kami. Namuhay na para bang ordinaryong mag-asawa ngunit hindi iyon tatagal...", he continued his story but his voice suddenly became more hurt than ever. "...Hindi ako tumatanda, Beatrice.", dagdag nitong saad sabay tingin sa kaniya ng diretso.

Kita niya sa mga mata nito ang hirap at sakit na nararamdaman dahil sa pangyayaring iyon.

"Inamin ko sa kaniya kung ano ako at tinanggap niya ako ng buong-buo... ngunit ang sakit makitang tumanda ang minamahal ko habang ako'y nanatiling ganito.", he sounded like he's gonna cry but he didn't.

"Hinintay ko siyang muling mabuhay... at dumating ang panahong iyon sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ganoon pa rin siya... Walang pinagbago. Matapang at kayang ipaglaban ang Inang bayan. Tumulong ito sa mga sugatang Pilipino sa pamamagitan ng paggamot sa mga ito. Nagpakilala akong muli sa kaniya ngunit bilang isang doktor naman. Katulad ng dati ay nagmahalan kaming muli hanggang sa tumanda siya at naiwan na naman akong mag-isa.", pagpapatuloy nito sa kwento at doon na niya talagang naramdaman kung gaano kasimple ang sakit na nararamdaman niya ngayon kumpara sa pinagdaanan ng Diyos ng Kamatayan.

He's been witnessing the love of his life grow old and eventually die... and he can't do anything about it.

"Buhay na ba siyang muli ngayon?", mahina niyang ani dahil nangliliit siya sa sinabi kanina.

Sidapa actually understands her pain... in fact he has gone through more than what she's experiencing right now.

Malakas na napabuntung-hininga ito bago siya sinagot.

"Oo.", tipid nitong saad.

"Nagkakilala na ba kayong muli?", tanong niya ulit.

Napadungo ang lalake at parang nahihirapan.

"Hindi pa...", maikli nitong sagot ulit.

"Bakit?", nagtataka niyang tanong dito.

"Labing-anim na taon palang siya ngayon. Kailangan ko pang maghintay ng iilan pang taon bago ako pwedeng magpakilala sa kaniya.", sagot nito sa kaniya.

Oh... she's still so young and Sidapa is... well... he looks more older. Parang nasa 20s ang lalake kung titingnan.

Napakagat siya sa kaniyang labi habang pinoproseso ng kaniyang utak ang nalaman.

There love is more complicated than what she thought.

"Gusto mo na bang makita si Celsong muli?", biglang pag-iiba ni Sidapa sa usapan na kaagad na nagpakuha ng atensyon niya.

"Pa-Paano?", umaasa niyang tanong dito pero hindi siya diretsong sinagot ng lalake bagkos ay tinulungan siya nitong humigang muli sa kama at ito pa mismo ang umayos sa kumot niya.

"Matulog ka na, Beatrice.", saad nito habang inaayos ang pagkakakumot sa kaniya.

She looked at him directly before jokingly said, "Are you gonna kill me in my sleep?"

Hindi ito ngumiti sa joke niya kaya naman ang ngiting nasa mga labi niya ay biglang nawala.

"Matulog ka na, Isabel. Magiging maayos na ang lahat pagkagising mo. Magkakasama na kayong muli.", he whispered while caressing her head.

His soothing voice telling her that everything would be alright and his hands on her hair made her seek for the thing that she's been avoiding to do for a few days already.

To sleep.

Everything would be alright.

Makikita na niya si Celsong muli.

That thought alone made her smile.

She doesn't mind dying if it means that she would be back on Celso's arms.

Back to her home.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Hello po! Last chapter na po ito tapos Epilogue na tayo at Special Chapter. ❤️ May ilalagay rin po akong teaser for the "In His Past" series.

Salamat sa sumubaybay sa kwento nina Isabel at Celso. 🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top