Chapter 7

"Hi!", magiliw niyang ani kay Celso habang pilit na pinapabilis ang mga hakbang niya.

Parang hinahabol ng aso kung makapaglakad ang lalakeng ito. Kulang na lang ay tumakbo siya para lamang makasabay sa paglalakad nito.

"I'm Beatrice Isabel Ramirez!", masaya niyang ani pero hindi siya pinansin nito. Siguro dahil nag-English siya kaya naman umubo muna siya bago pinakilala muli ang sarili.

"Kamusta! Ako si Beatrice Isabel Ramirez!", magiliw niyang wika habang nilalahad ang kamay dito kahit nahihirapan siya dahil nga sa may hawak siyang basket at naglalakad sila ng mabilis.

Todo effort siya sa pagngiti ngunit deadma pa rin ito sa beauty niya.

She rolled her eyes while retracting her hands and shooked it herself.

"Kamusta rin Betty! Ako nga pala si Celso Montallana! Nice to meet you rin!", inis niyang pagpaparinig dito ngunit parang hangin lang ang kausap niya.

Bumuntong-hininga na lang siya ng malakas at tiningnan ang paligid.

Puro na kakahuyan iyon at malayo na sila sa bayan. Kanina ay pumasok sila sa may parang daan papuntang gubat at ngayon nga ay parang 'hiking' lang ang ginagawa nila.

Gosh! I hate walking! Nakakapagod naman ito!

Nilingon niya ulit ang lalake at nagtanong, "Bakit wala kang kabayo?"

Hindi ito agad sumagot kaya naman iirapan niya sana ulit ito ngunit bigla itong nagsalita.

"Mas gusto kong maglakad.", ani nito sa baritonong boses.

Napakabuo nun at lalakeng-lalake ang dating. Hindi niya iyon nabigyan ng pansin kanina dahil sa mga nangyayari ngunit ngayon ay rinig na rinig niya iyon kahit pa man sabihin na hindi naman malakas ang boses ng lalake. Idagdag pa na puro huni ng ibon o di kaya'y tunog ng mga dahong nagbabanggaan dahil sa banayad na simoy ng hangin ang maririnig sa paligid.

Pwedeng pang-ASMR.

Matapos ang halos isang oras atang paglalakad ay may natanaw na siyang malaking bahay. Napapaligiran ito ng mga nagtataasang punong-kahoy at may ilog na dumadaloy sa harapan nito. There's a bridge that they can use to go to the other side.

Ang ganda...

She saw this house before.

It's the first picture that appeared when she tried searching for information about Celso Montallana.

Actually, ang hinahanap niya ay picture ng mukha ni Celso pero walang lumalabas at puro pictures of sketches lang ng bahay nito o di kaya'y mga historical sites sa San Juan ang lumalabas.

May picture rin naman ni Jose na sa pagkakatanda niya ay utusan ni Celso dito sa bahay nito. Kaya naman excited siyang makita ito. Sa picture ay matanda na ito pero sigurado siyang makikilala niya ito sakaling magkakita sila ngayon.

Naunang tumawid sa bridge si Celso habang siya ay nagdadalawang-isip pa at naiwang nakatayo doon.

Nilingon siya ng lalake at napakunot ang noo.

"Bilisan mo.", saad nito habang hinihintay siyang makatawid.

Hindi ba naman ako tutulungan ng lalakeng ito?!

Ang bigat-bigat ng basket na pinadala nito sa kaniya pero ni paglahad ng kamay para mahawakan niya ay hindi nito ginawa.

Ang gentleman sa script pero ang suplado sa totoong buhay! Parang mga kilala kong artista na ang babait sa harapan ng camera pero demonyo naman pala!

Kahit na nag-aalangan ay humawak siya sa lubid na nagsisilbing harang ng bridge at doon kumuha ng lakas para makatawid sa kabilang dulo.

Nang ligtas siyang nakatawid ay tumikhim lang si Celso at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa bahay.

Masama siyang nakatingin dito habang nakasunod ngunit bigla itong lumingon sa kaniya kaya naman agad-agad niyang pinalitan ng malaking ngiti ang kaninang lukumos niyang mukha.

Fake people be like...

"Ano na pong mga trabaho ang kailangan kong gawin?", peke niyang ngiti habang nagtatanong dito ngunit may narealize siya nang mga sandaling iyon.

That line is in the script.

She didn't really mean to say it pero natural itong lumabas mula sa bibig niya.

She can remember that Isabel said it in a gentle way. Yung klaseng pang-first lady ang dating. She, however, said it with sarcasm.

Come to think of it... Isabel is my second name.

Weird coincidence.

"Ilagay mo muna ang mga iyan sa kusina. Naroon si Jose at siya ang pagbigyan mo. Bukas ka na magsimula.", ani nito habang tinuturo ang kaliwang parte ng bahay. Siguro nandoon ang kusinang sinasabi nito

Nagsimula itong maglakad papunta sa isang maliit na payag na hindi kalayuan sa bahay.

Malaki-laki rin iyon ngunit hindi kasing-laki ng main house.

"Te-teka... saan ako matutulog?", taka niyang tawag dito dahil mukhang iiwan lamang siya ng lalake doon.

Nilingon siya nito at tinuro ang likurang parte ng bahay.

"Doon ka sa may mga kabayo.", malamig nitong saad.

"What?!", di niya makapaniwalang sigaw sa lalake. "Papatabihin mo ako sa mga kabayo?!"

"Bakit? Tutol ka ba sa desisyon ko?", nakataas ang kilay nito habang tinatanong siya. "Kung gusto mo doon ka sa tangkal ng mga baboy. Mas pabor ka atang tabihan ang mga iyon.", naghahamon na tanong nito. Para bang sinasabi na kahit umangal man siya ay wala siyang magagawa.

"Oo na! Ito na nga oh! Doon na nga ako matutulog diba!", padabog niyang suko habang naglalakad papunta sa kusina para ilagay ang basket doon.

She's cursing the guy inside her head when he suddenly called her.

"Isabel.", tawag nito sa kaniya.

Dahil hindi pa naman siya nakakalayo ay narinig niya ito kaagad. She looked back at him with a piercing glare.

"It's B E double T to the Y, Mister Montallana. Betty. Hindi Isabel.", mataray niyang pagtatama dito.

Aba't kaya niyang magpeke-pekean pero ibang usapan na ang pangalan niya.

"Hindi ko tinatanong. Mas magandang pakinggan ang Isabel.", walang emosyon nitong sabi.

Napanguso lamang siya dahil sa sinabi nito ngunit hindi na umimik.

"Hinding-hindi ka maaaring pumunta sa payag na iyon.", ani nito habang tinuturo ang payag na nakita niya kanina. "Teritoryo ko iyon kaya bawal ka doon.", may pagbabanta nitong sabi habang seryosong nakatingin sa kaniya.

"Paano kung maisipan kong pumasok doon?", nanghahamon niyang tanong sa lalake.

She's no other than Betty Ramirez and she craves challenges like it's the air that she needs to breath.

Hindi ito agad umimik ngunit makalipas ang ilang segundo ay umismid ito at nagsalita.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo.", he said in a warning tone but it just made her want to do it even more.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top