Chapter 69
"A-Ano?", hindi pa rin makapaniwalang tanong niya dito.
Mamamatay si Celso ngayon?
She thought that she's the one who's at risk of dying. Ano ang kalokohan na ito?
Unti-unti siyang tumingin sa matanda at nakita ang guilt sa mukha nito.
"You said that we will have our happy ending...", bulong niya pero maririnig doon ang galit na nanggagaling mula sa puso niya.
"I... I'm sorry, Beatrice. Hindi ko alam... Hindi namin inaasahan ni Sidapa ito.", frustrated na paliwanag ng matanda na para bang kahit ito ay nagagalit sa nangyayari ngayon.
She shook her head in disbelief before snatching Direct Percy's phone out of his hand. Mukhang nagulat pa ang matanda sa kaniyang ginawa ngunit hindi na ito nagprotesta nang makita siyang hinahanap ang phone number ni Celso sa contacts nito. She immediately hit the call button after seeing Celso's name and waited patiently while it's ringing.
Every ring feels like a blade on her heart.
Natatakot siya.
Hindi niya makakayang mawala si Celso sa kaniya.
Celso is her everything and without him she is nothing.
She's been living a life without direction but when Celso came into her life, she found her purpose.
Natutunan niyang tanggapin ang sarili.
Natutunan niyang magmahal at mahalin pabalik.
He's her everything and losing him is just like losing the air that she breath everyday.
"Direct Percy? Why?", agad niyang rinig sa kabilang linya nang tumigil na ang pag-ring ng phone. The baritone voice of her husband comforted her a little bit.
Buhay pa ito. May pag-asa pa siyang iligtas ito.
"Mahal.", tila papaiyak niyang saad.
"Isabel? Mahal... bakit? May problema ba?", nagtataka nitong tanong sa kaniya.
"Celso where are you?", pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi siya bigla na lang mag-burst out at umiyak.
"On the way na sa city. Bakit? May ipapabili ka ba?", sagot ng lalake sa kaniya kaya alam na niyang nagmamaneho ito ngayon.
"Pull over please. Pupuntahan kita.", halos papaiyak na niyang sabi dito kaya naman parang nahalata iyon ni Celso at nag-aalalang tinanong siya.
"Mahal? Are you okay?", he said, worry deep in his tone.
"Just please...", hindi na niya napigilan ang sarili at napahikbi na siya. "Please stop driving Celso. Please... I can't lose you.", unti-unti nang tumulo ang kaniyang mga luha.
Napatigil naman sa pagsasalita si Celso dahil sa sinabi niya at siguro dahil na rin sa unti-unting lumalakas na ang mga iyak niya.
Nanginginig ang mga kamay niya dahil sa kaba at takot.
Why do we need to end up like this?
Bakit ganito na lang palagi?
Bakit kailangan may mamatay na isa sa kanilang dalawa?
Can't they have their happy ending?
Doesn't she deserved to be happy because she's always been the villain?
Villains can't have their own happy endings.
Sinners deserves to rot in hell.
That's what people would often say.
Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan na ginawa niya noon?
"Ma-", rinig niyang alalang ani ni Celso ngunit bigla iyong naputol na mas nagpakaba sa kaniya.
"Celso?", she worriedly asked.
Tiningnan niya ang phone ni Direct Percy at nakitang na-disconnect ang call. Mukhang napansin naman kaagad iyon ng matanda at may kinuha sa bulsa nito.
Pinakita nito sa kaniya ang susi ng sasakyan nito bago nagwika, "Tayo na. Hahanapin natin si Celso."
Agad naman siyang sumunod sa matanda nang mabilis itong naglakad papalabas at naghabilin sa mga assistant directors nito na i-shoot muna ang individual scenes ni Peaches dahil may pupuntahan sila.
They hurriedly ran towards the old director's car. Agad namang pinaharurot ni Direct Percy iyon at tinahak ang daan papunta sa city center ng San Juan.
"Beatrice...", tawag sa kaniya ni Direct Percy dahil kanina pa siya hindi makapakaling patingin-tingin sa labas ng sasakyan.
Napalingon siya sa direktor at kita rin niya ang pag-aalala sa mukha nito.
"Sidapa's looking for Celso already kaya huwag kang mag-alala. He would be alright.", pag-comfort nito sa kaniya pero napakunot lamang ang noo niya sa sinabi nito.
"Si Sidapa? Hindi ba siya ang dahilan kung bakit nangyayari itong lahat?!", singhot niya dahil tumutulo na naman ang mga luha niya.
That lying bastard! Nangako rin ito na ok na ang lahat!
Malakas na napabuntung-hininga si Direct Percy bago siya sinagot.
"Hindi kontrolado ni Sidapa ang mangyayari sa buhay ng isang tao. Hindi siya ang nagdedesisyon kung sino ang mamamatay ngayon at kung kailan ito mamamatay. Tagasundo lamang siya.", pagpapaliwanag nito sa kaniya na nagpatanggal ng ilang katanungan sa kaniyang utak.
He's not the one who wants Celso dead?
"Kanina ay pinuntahan niya ako. Sinabi niyang may nakuha siyang Letter of Death ni Celso. He asked where Celso is and when I told him that I saw your husband leaving the set, he immediately told me to warn you. Hahanapin naman muna daw nito si Celso.", pagpapatuloy nitong sabi. "It's not Sidapa's fault, Beatrice."
Matapos nitong sabihin iyon ay tinuon niya na lamang muli ang paningin sa labas.
"Then explain to me why the two of you told me that we're getting a happy ending? Bakit pinaasa niyo ako na magiging masaya na kami ni Celso kung ang totoo naman pala ay mamamatay siya?", humihikbi niyang sunod-sunod na tanong habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana ng passenger seat.
She can't look directly at the director without thinking of punching him right on his face. Mas mainam na sa dinadaanan na lamang nila siya tumingin.
"Hindi namin alam na may mangyayaring ganito, Betty.", agad na depensa ng direktor. "Masyado kaming nakatutok sa kaligtasan mo kaya naman nakalimutan namin na maaari nga palang mamatay si Celsong muli. You're our priority."
Dahil sa sinabi ng matanda ay malakas siyang napakagat sa kaniyang mga labi.
She has always been Celso's priority.
Laging siya na lang ang iniisip nito.
Nakalimutan na ng lalake ang sariling kaligtasan dahil sa kaniya.
Somehow... she felt that she's the one to blame. Everything that's happening right now is her fault.
Lagi na lang niyang iniisip na siya ang nasaktan.
Na siya ang naagrabyado.
Na siya ang dapat kaawaan.
Hindi man lang niya naisip na may mali rin siya.
Nang magtaksil si Celso sa kaniya ay ang agad na inisip niya ay ang lalake ang may kasalanan sa lahat.
Hindi niya pinagkatiwalaan si Celso.
Hindi man lang niya kinuwestyon kung bakit nag-iba ang pakikitungo nito sa kaniya.
She just immediately admitted defeat and watched him get taken away from her by Maria.
Bakit?
Dahil akala niya ang dalawa ang bagay sa isa't-isa.
Dahil akala niya kontrabida siya.
Dahil akala niya ay iyon ang ikasasaya ng lalake.
Putang-ina!
Ako lang naman si Beatrice Isabel Ramirez pero hindi man lang ako lumaban!
Ni isang sampal ay wala siyang naibigay kay Maria.
Gustong-gusto niyang hilahin ang buhok nito patanggal sa anit nito.
Ang sarap ingudngod sa nagbabagang uling ang mukha nito.
Pero bakit hindi man lang niya nagawa?
Dahil sa ang totoo ay duwag siya.
Duwag at walang confidence sa sarili.
Lumaki siyang ang tanging nasa isip ay isa siyang puta na babae.
Yes, she may have the confidence for her physical appearance but truthfully... she's just an insecure woman.
Naitanim na ng mga magulang niya ang kaisipan na hinding-hindi siya makakahanap ng magmamahal sa kaniya dahil lumaki siyang sira.
Kaya naman nang dumating si Maria na napakaperpekto sa mata ng lahat ay nainsecure siya kaagad.
Hindi siya marunong magluto.
Hindi siya marunong maglaba.
Hindi siya marunong sa kahit na anong bagay na kailangan daw para maging perpektong asawa pero ni minsan naisip niya bang ang mga bagay na iyon ay hindi sukatan para masabing mahal mo ang isang tao.
Pinaramdam sa kaniya ni Celso na hindi siya dapat maging world-class chef o expert house cleaner para maging asawa nito.
He loves her just how she is.
Hindi pamantayan ng isang perpektong asawa ang pagiging magaling sa gawaing-bahay.
Pinaramdam ni Celso sa kaniya iyon.
Hindi siya lumaban noon pero ngayon ay lalaban siya. Kahit pa man si Kamatayan ang awayin niya ay gagawin niya para lamang manatili si Celso sa tabi niya.
She can't lose him.
Ang lalake na lang ang meron siya.
Without him she's a complete mess.
Natanggal ang atensyon niya sa iniisip nang maramdaman niya ang pagtigil ni Direct Percy.
Agad siyang napalingon sa direktor at nang makita niya na nakatingin ito sa isang bahagi ng kalsada ay napagawi na rin ang paningin niya doon.
Her whole world stopped when she saw the wreck on the middle of the road.
Dali-dali siyang bumaba sa sasakyan at napatakbo papalapit doon. Ramdam niya na pinagtitinginan na siya ng iilang motorista na napatigil din dahil sa aksidenteng nangyari sa daang iyon.
"Oh God... No...", usal niya habang unti-unting tumutulo ang mga luha niya.
Right at the middle of the road was Celso's white McLaren Speedtail. Tandang-tanda niya ang plate number nito. Hindi rin mapagkakaila na walang ibang magmamay-ari ng ganoong sasakyan dito sa San Juan kundi si Celso lamang.
No...
This cannot be.
"Beatrice.", rinig niyang tawag ni Sidapa mula sa likod niya.
Ang mukha niya na punong-puno ng luha ay mas nabasa nang paglingon niya ay agad niyang nakita si Celso na nakatayo sa likod ni Sidapa. Unti-unti itong lumapit sa kaniya at nilagpasan ang diyos ng kamatayan.
At first she felt relief.
Buhay ito.
Nailigtas ito ni Sidapa.
But after awhile, she noticed that Celso looked eerily unusual. That's when everything sinked in.
It's his soul that's standing in front of her, not his body.
"I'm sorry, mahal.", saad nito habang nakatayo di kalayuan sa kaniya. Parang papaiyak na ito ngunit pinipilit ang sariling maging matatag.
Mabilis siyang napailing-iling dahil sa sinambit nito.
He's not dead.
No.
He can't be dead.
Marami pa silang plano.
"No. No, this is not true. Hindi Celso. Hindi ka patay.", indenial niyang wika habang mabilis na nilakad ang pagitan nila ni Celso.
She desperately tried grabbing his arms but her hands only passed through his body. Mas lumakas ang hikbi niya dahil doon.
She can't touch him anymore.
She can't feel his comforting heat.
She feels like Earth losing it's Sun.
"No. No. No. This is not true. Panaginip lang ito. Hindi ito totoo.", iyak niyang saad habang pilit pa ring hinahawakan si Celso.
"Mahal...", mahinang ani ni Celso ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus ay pinagpatuloy pa niya ang desperate attempt para mahawakan ang lalake.
Hindi siya papayag.
Hindi pa ito patay.
"Mahal!", malakas na sigaw ni Celso kaya naman napatigil siya sa katangahan at napatingin dito.
His eyes immediately soften upon seeing her wet face. Itinaas nito ang kamay papalapit sa kaniyang pisngi ngunit agad rin iyong tinigil nang may matandaan.
"I'm sorry if I can't dry your tears...", naiiyak na rin nitong wika habang binababang muli ang kamay nito. "...but I just want you to remember that I love you. Ikaw lang ang minahal, minamahal at mamahalin ko."
"Stop it, Celso!", sigaw niya dito. "You're not dead kaya huwag kang mamaalam sa akin!"
"Mahal... siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa. Siguro bawal lang talaga ang pagmamahalan natin. Ako na nanggaling sa nakaraan at ikaw na nanggaling sa hinaharap. Dalawang taong hindi dapat nagkatagpo ngunit nahanap ang isa't-isa.", saad nito habang nakatutok lamang ang dalawang mata sa lumuluha niyang mukha. Kitang-kita sa mga mata nitong gusto siya nitong yakapin pero hindi nito magawa.
Napailing-iling siya sa binitawan nitong mga salita.
Their love is unusual but it's true so how could it be bad.
Mahal niya ang lalake at mahal siya nito. Ano pa bang mali doon?!
Love is simple, right?
Kung mahal niyo ang isa't-isa ay ibig sabihin niyon ay kayong dalawa ang magkakatuluyan.
Magiging masaya kayo hanggang sa mamatay kayo dahil sa mahal niyo ang isa't-isa.
Bakit ganito ang nangyayari?
Bakit kung sino pa ang lubos na nagmamahalan ay sila pa ang pinaghihiwalay?
Bakit?
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
I'm really sorry if natagalan ang update. 😣 Prelims week po kasi namin ngayon. Sorry po if sabaw. I really tried my best to write this chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top