Chapter 68

"Tang-ina Celso huwag kang titigasan. Talagang matatadyakan kita ngayon.", inis na bulong niya sa lalake habang nakapatong ito sa kaniya.

Napatawa ng malakas ang kaniyang asawa kaya naman ilang segundo lamang ay narinig nila ang malakas na sigaw ni Direct Percy.

"Cut!", the pissed-off director shouted. Tinanggal nito ang mga mata mula sa camera at inis na tiningnan silang dalawa. "Ano bang problema niyong dalawa at kanina pa kayo tawa ng tawa?!", tila galit na nitong sigaw muli sa kanila.

His anger was understandable since they've been trying to shoot this scene for the nth time.

Kaysa matakot ay nagkalingian sila ni Celso at sabay silang napatawang muli.

Tila pagod na napabuntung-hininga ang director at naparoll-eyes pa.

It's been a month since they've started shooting the movie. All she could say is that it's going really well.

Celso can act.

Like really really act.

Ang galing nito kahit pa man baguhan pa lamang ito sa industriya kaya naman wala silang problema pagdating sa pag-arte. Sa katunayan ay ang dali lang nilang matapos sa kada scenes dahil parang natural na sa kanila ni Celso ang ginagawa. Syempre dahil sila naman talaga ang mga karakter na iyon.

Dito nga lang talaga sa sex scenes sila na-stuck dahil napapatawa silang dalawa ni Celso.

"Make-up artists!", sigaw muli ni Direct Percy at mabilis na nagsilapitan ang mga naka-assigned na hair and makeup sa kanilang dalawa ni Celso.

Parang nanghihinayang pa na umalis sa pagkakadagan sa kaniya si Celso. Nang mawala ang bigat ng lalake sa kaniya ay umupo naman siya at agad na kumuha na unan para ipantakip sa pang-itaas niya.

Well, she already had a pasty on her nipple, it's like a circular patch that she could stick on her nipple. Hindi naman siya dapat mag-alala tungkol sa down there part niya dahil nakasuot naman siya ng flesh-toned undergarments but Celso's heated gaze on her made her more anxious about her displayed goods.

Ang loko naman ay proud na proud pang nakadisplay ang modesty pouch nito kahit pa man lumapit na ang mga make-up artists nila. Ang mga gaga pasimple pang tinitingnan. Sarap manabunot.

Agad naman siyang kumuha pa ng isang unan at inihagis sa lalake. Nangbabanta niya itong tiningnan na tinawanan lamang ni Celso.

"Takpan mo nga iyan!", inis niyang saad.

"What? Nakatakip naman. May modesty pouch kaya ako.", nagbibiro nitong sagot na nagpa-irap sa kaniya.

Modesty pouch or what they usually call as "cock sock" is like... well you guessed it - sock that covers Celso's rod. Ang gago nilagyan ba naman ng smiley face na sticker ang pinakadulo. Iyong sa mismong ulo sa ilalim nito. Ayan tuloy nadidistract siya kada nakikita niya iyong nag-i-isway.

Tang-ina natatawa siya kada nakikita niya iyon kaya naman ikalimang take na nila ng sex scene na ito ngunit hindi pa rin sila natatapos.

"Tanggalin mo iyan!", parang bata niyang ani habang pumapadyak-padyak pa. Napatigil pa nga ang nag-i-ispray sa kaniya dahil sa biglaan niyang paggalaw. Her make-up artist was spraying rosewater and glycerin spray on her neck, shoulders and forehead to make her looked like she's sweaty from an intense fucking.

"Kanina ko pa sinabi sa iyo na kung ayaw mo sa smiley face na ito then ikaw mismo magtanggal.", tatawa-tawang ani muli ni Celso habang akma na namang tatanggalin ang unan na pinatong niya sa kahabaan nito.

Agad naman niyang pinalo ang kamay nitong nakahawak sa unan at sinamaan ito ng tingin.

"Isa Celso. Makakatikim ka talaga sa akin!", pagbabanta niya pero mukhang hindi naman natakot ang lalake.

"Makakatikim?", pilyong tanong nito sa kaniya. "Anong titikman ko?", dagdag nito na nagpa-inis ng todo sa kaniya.

"Bwisit ka Celso!", sigaw niya sabay kuha ng isa pang unan at pinagpapalo ito. Hindi naman siya pinipigilan ng lalake. Sinasalo lamang ng braso nito ang mga palo niya at ang mokong tumatawa pa ng malakas.

Napalayo naman kaagad ang mga make-up artists sa kanila at tila nafrufrustrate dahil sa nagulo na naman ang buhok nila ni Celso at ang fake sweat na inispray ng mga ito sa kanila ay natuyo na.

Napatigil lamang siya sa asar na pagpalo sa asawa nang marinig ang malakas na sigaw ng direktor.

"Children!", sigaw nito na nakapagpatigil sa harutan nila ni Celso. "Both of you are children!"

Sabay silang napalingon sa direktor at agad niyang binitawan ang unan nang makita ang nanggagalaiting mukha ng direktor.

"Everyone... take a break! Naii-stress ako sa dalawang ito!", dagdag nitong sigaw bago nag-walk out.

Direct Percy doesn't looked like a God of Destiny right now, rather he looks like a parent being so done with his two kids.

Nagkalingunan na naman sila ni Celso.

"Kasalanan mo.", bulong nito sa kaniya na agad namang ikinakunot ng noo niya.

"Ha?! Bakit ako?! Ikaw kaya!", pagtataray niya dito na ikinatawa naman ng lalake.

Nagulat siya nang hilahin siya nito papahiga sa kama at binalik ang pwesto nila kanina habang nagfifilm sila. Dumagan ito sa kaniya at mapagmahal siyang tiningnan.

Panic siyang tumingin sa paligid at nakitang nakalabas na rin pala ang lahat ng mga crew kaya naman sila nalang ni Celso ang naiwan sa loob.

"Celso... maghunus-dili ka!", nagpa-panic niyang saad nang halik-halikan nito ang leeg niya at i-grind ang ibabang parte nilang dalawa.

Sinubukan niya itong itulak dahil baka may crew na bumalik at makita silang ganoon ang posisyon kahit man hindi pa sila nagfifilm.

No one knew that they're married already. Kahit pa man halata ang pagiging malapit ni Celso sa kaniya ay "harutan" lamang ang iniisip ng mga taong nakakakita sa kanila. Kilala na siya bilang malandi kaya naman siguro akala nila ay nilalandi niya lang si Celso ngayon. Pati ang baguhang actress na gumaganap bilang si Maria ay nagseselos sa kaniya.

Ang bruha napaka-assuming!

Kinareer ang role nito at parang anghel rin sa harapan ng iba pero nagiging demonyo kapag silang dalawa lang.

Sinabihan ba naman akong malandi!

Ang inis na nararamdaman ay unti-unting nawala nang maramdaman niyang tinanggal ni Celso ang isang pasty na nakadikit sa right nipple niya at dinilaan iyon.

"Celso!", pagalit niyang saad para matakot ito dahil talagang bawal nilang gawin iyon dito.

Tinapik niya ang kamay nito at nang tingnan siya nito ay sinamaan niya ito ng tingin.

He grumbled annoyingly like a child before sticking her pasty back to her nipple and then helping her stand up from the bed. Agad nitong kinuha ang bathrobe na nakalagay sa kinauupuan ng mga make-up artists kanina at pinasuot sa kaniya ang isa.

"Mahal...", nanglalambing nitong saad habang tinutulungan siyang isuot ang bathrobe.

Nagtataka niya itong tiningnan.

"Mamaya... pag-uwi... please...", parang bata nitong pagsusumamo pero inilingan niya ito na ikanalungkot naman ng lalake.

"Hindi pwede. Maaga rin ang shooting bukas. Kailangan nating matulog ng maaga.", sagot niya sa hinihingi nito.

They weren't able to do it for two weeks already. Masyado silang busy sa shooting kaya naman tulog lang ang nagagawa nila pag-uwi nila sa bahay.

Parang batang naka-pout si Celso at tila handang magdabog dahil sa sagot niya.

Malakas na lang siyang napabuntung-hininga bago inirapan ang lalake at naunang maglakad papalabas ng room na gamit-gamit nila para sa pagshoot ng sex scenes. Narinig niya naman ang agad-agad na pagsunod ni Celso sa kaniya.

"Mahal...", he whined while trying to catch up to her.

"Celso... No.", sagot niya kaagad at tumigil sa paglalakad sabay harap dito. She crossed her arms and arched her eyebrows like a mom scolding her child but her anger slowly evaporated when she heard Celso's loving voice.

"Mahal... I miss you.", bungad nito sa kaniya nang nakaharap na siya dito kaya naman kaysa magalit ay bigla na lang siyang natunaw na parang yelo lalong-lalo na nang yakapin siya nito at halikan sa noo.

"Celso... ayan ka na naman eh! Dinadaan mo na naman ako sa pagpapa-cute mo!", inis niyang saad pero mahigpit naman niyang pinulupot ang mga kamay sa lalake at niyakap ito pabalik.

Pinanggigilan nito ang leeg niya bago nagwika, "Ang bango mo talaga."

Napatawa naman siya ng malakas dahil sa sinabi nito at agad na hinila ang lalake papunta sa dining area ng shooting location nila bago pa may maisip na kalokohan ang lalake. 

Nandoon nakapark ang food truck na nagke-cater sa mga pagkain nila at pagdating nila doon ay palihim silang pinagtitinginan ng mga tao.

Naka-akbay na kasi ang lalake sa kaniya at ginigiya na siya patungo sa table kung saan nakaupo si Direct Percy.

Pinaupo siya ng lalake doon pero hindi ito sumunod sa kaniya bagkus ay hinalikan lamang nito ang noo niya at binilinan siya.

"Diyan ka lang. Kukuha muna ako ng pagkain natin.", ani nito bago naglakad papunta sa nakalatag na pagkain sa may food truck na kalapit.

Sinundan lamang niya ng tingin ang lalake pero agad namang nagsalita si Direct Percy na nakaupo kaharap niya.

"Para kayong mga tanga.", mahinang saad nito bago bumalik sa pagkain.

Puno ang plato nito at mukhang nag-stress eating na dahil sa katigasan ng ulo nila ni Celso.

"Ay? Tanga kaagad? Hindi ba pwedeng inlove lang?", tila na-hurt niyang saad pero alam naman niyang nagbibiro lang ang direktor.

Hindi lang talaga nito makayanan ang paglalandian nila minsan ni Celso lalo na kapag oras ng trabaho. There's one time that they were shooting a scene that doesn't involve any kissing scene but Celso just suddenly kissed her and she immediately kissed him back.

Abot sa kabilang bayan ang inis na sigaw ni Direct Percy dahil sa ang scene na iyon ay ang eksena kung saan unti-unti nang nawawala ang feelings ni Celso sa kaniya. Iyon yung unang beses siyang nasigawan ni Celso at dahil nga nasa script na dapat siyang umiyak ay talagang umiyak siya. Aalis dapat si Celso at padabog na isasara ang pintuan tapos cut na pero kaysa umalis ay lumapit ito sa kaniya at humingi ng sorry at hinalikan siya.

Isa lang siyang marupok na babae kaya naman humalik siya pabalik.

Wala tayong magagawa. Mahal ko kasi.

Natatawa siya sa naisip ngunit natigil iyon nang makitang papalapit na si Celso dala ang dalawang plato na punong-puno ng mga pagkain. Inilapag ng lalake iyon sa harapan niya sabay upo katabi niya.

Gusto niyang magreklamo ngunit nasanay na siya sa gawaing iyon ni Celso. Lagi kasing ito ang kumukuha ng pagkain para sa kanilang dalawa at alam niyang pinagchichismisan iyon ng ibang mga casts at crews. Most notably ay ang inggiterang si Peaches na gumaganap bilang si Maria.

Ang higad naging mapangahas nang magsimulang magshooting ito at si Celso sa mga scenes nila. Makahawak sa asawa niya ay parang aakalain mong magkarelasyon ang dalawa. Buti na nga lang at iniiwasan naman ni Celso ang babaeng iyon kundi talagang hindi siya magdadalawang-isip na manabunot.

She looked at the far side of the room where she saw Peaches looking at her in a bitchy way.

Mainggit ka!

Hindi niya tinanggal ang tingin niya dito habang sinusubuan siya ni Celso. Papainggitin niya ito hanggang sa ito na ang mapuno at magburst out sa galit.

You think you're a bitch? Let me show you the real definition of the word bitch.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
"Mahal?", rinig niyang tawag ni Celso sa kaniya habang inaayusan siya ng mga make-up artists niya sa dressing room.

Lahat ng tao sa loob ng dressing room ay napalingon dito pati na rin si Peaches na katabi niya na inaayusan rin ng mga make-up artists nito.

He peered inside the room and immediately went inside when he saw her getting her make-up done.

"Bakit?", nagtataka niyang tanong dito.

"Pupunta muna ako sa city. May ipapasa akong blueprint na requirements para sa isang subject ko.", pagpapaalam nito sa kaniya.

Pinagpaliban muna kasi ni Direct Percy ang mga sex scenes nila at sinabing mga scenes muna na kasama niya si Peaches ang ishoshoot kaya naman naiwang walang gagawin si Celso kundi hintayin siyang matapos.

It's a good idea to grab this free time to pass his project. 3rd year college pa kasi si Celso at tinatapos pa nito ang kolehiyo through online classes pero syempre kailangan pa rin nitong magpass ng mga projects nito.

"Ok.", nakangiti niyang saad dito at agad namang pumikit ng patakan siya nito ng halik sa labi.

"Do you want anything? Baka may gusto kang ipabili.", tanong nito sa kaniya pero umiling lang siya at sinenyasan na ang lalake na lumakad na para maaga rin itong makabalik.

Lalabas na sana si Celso pero agad namang nagsalita si Peaches sa kabilang bahagi ng mirror na kaharap niya.

"Are you not gonna ask me too? It's not good manners to ignore other people inside this room.", parang pagpapa-cute pang wika ni Peaches pero seryosong tiningnan lamang ito ni Celso bago nagsalita.

"Bakit? Asawa ba kita?", tila bored nitong tanong na ikinanganga ng bibig ng bruha.

"Asawa?! You two became so attached to your characters that you literally think you're married?!", hindi makapaniwalang saad ng babae habang tumatawa pa in a mocking way.

Napa-crossed arms lang si Celso habang tinitingnan ng diretso ang antipatika.

"Sorry to burst your bubbles missy but she's indeed my wife.", pagtatama ni Celso sa sinabi ni Peaches.

Agad naman niyang narinig ang pagsinghap ng mga tao sa loob ng dressing room at pagbulung-bulungan ng mga make-up artists.

"Wha-What?! Mag-asawa kayo?!", hindi mapigilang sigaw ng babae sabay tayo na para bang gustong mag-object sa sinabi ni Celso.

"Oo. Kaya tigil-tigilan mo ang pagdikit sa akin at baka magwala ang asawa ko.", pagbabanta ni Celso bago siya nilingon muli at hinalikan.

He said his goodbye to her before leaving the room.

Nang makalabas na si Celso ay naka-smirk siyang tumingin sa reflection ni Peaches sa salamin. Nakanganga pa rin ito dahil hindi pa rin ito makapaniwala. Pati na rin ang mga make-up artists sa dressing room ay parang ayaw paniwalaan ang sinabi ni Celso kanina.

Who would be?

Si Beatrice Isabel Ramirez pumayag na magpatali?!

That seemed like a very impossible thing to happen but it did.

"I don't know how you were able to seduce Celso but I'm telling you this already...", biglang saad ni Peaches na ikinataas ng kilay niya. "...hindi kayo bagay!"

Napatawa lamang siya sa sinabi nito at agad na sinenyasan ang mga make-up artists nila na lumabas muna ng kwarto.

They hesitantly followed her orders but she knew they would be lurking outside the door to hear what would happen next.

Nang makalabas na ang lahat pwera na lang sa kaniya at kay Peaches ay mataray niyang tiningnan ang babae with matching head-to-foot pa.

"For someone so new in this industry... you're kinda rude to a superior.", saad niya na tinawanan lamang ni Peaches.

"Wala akong pakialam kung mas nauna kang maging actress kaysa sa akin. Papalaos ka rin naman. I'm the new trend while you're just a throwaway.", walang galang na sabi nito sa kaniya at mataray rin siyang tiningnan.

"Oh really...", nakangiti niyang ani. "You're right. Papaakyat ka na... pero alam mo ba kung anong laging sinasabi ng mga tao tungkol diyan?", she said while showing her fake-ass smile.

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito at bumulong sa tenga nito.

"Mas madaling itulak ang papaakyat pa lamang... at tandaan mo kung sino sa ating dalawa ang nasa taas na at handang itulak ang isa.", lumayo siya dito at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Hinaplos-haplos pa niya ang buhok nito at kung titingnan sa malayo ay parang magkaibigan sila.

"Alam mo rin ba kung bakit pinili kong yakapin ang slut image ko?", dagdag niyang tanong habang nakangiti pa rin na mukhang ikinakatakot na ng batang actress. "It's because that's who I am and I don't hide my true identity to them... unlike some other girls who show how pure and innocent they are but are total sluts behind the camera. Akala mo ba hindi ko alam ang tungkol sa pagiging cocaine addict mo? O baka naman gusto mong pag-usapan ang ilang one-night stand mo with different guys? Ano kayang sasabihin ng mga tao kung ang kilala nilang 'Nation's Sweetheart' ay hindi naman pala ganoon kalinis? Girl... walang sikretong hindi nalalaman sa industriyang ito at payo ko lang kung gusto mong tumagal... maging totoo ka sa sarili mo and... don't do drugs. Nakakapangit iyon.", mahaba niyang saad bago iniwan ang babae doon at dumiretso papalabas.

Pagkabukas niya ng pintuan ay ang nagkukumpulang mga make-up artists ang agad niyang nakita.

Hindi na lamang niya pinansin ang mga iyon bagkus ay diretso siyang naglakad at plano sanang hanapin si Franz ngunit ang humahangos na mukha ni Direct Percy ang agad niyang nakita.

"Beatrice!", sigaw nito sa kaniya. May takot na makikita sa mga mata nito.

"Bakit? Anong problema?", kinakabahan niyang tanong dahil parang hindi alam ng direktor ang gagawin.

"We have a problem.", saad nito.

"Ano nga?!", inis na niyang sigaw dahil sa natatakot na siya sa inaakto ng matanda.

Direct Percy grabbed her hand and guided her inside an empty room. Inilock nito iyon bago seryosong tumingin sa kaniya.

What? What's happening?

Nag-aalangang inilahad ni Direct Percy ang isang envelope na may golden seal sa kaniya. The seal was already broken kaya naman madali lang niyang nabuksan iyon.

She slowly opened it and saw Celso's name written there along with the date for today and the words 'car crash'.

Bumilis ang tibok ng puso niya at nahihintakutang tumingin sa matandang direktor.

"A-Ano to?", nanginginig niyang tanong dito kahit pa man may ideya na siya kung ano iyon.

"Letter of Death.", mahinang ani ng matanda. "Ibinigay iyan sa akin ni Sidapa kani-kanina lang. Beatrice... ngayon mamamatay si Celso."

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Salamat nga pala sa lahat ng nag-aadd sa akin sa FB! 🥰 I really do appreciate the messages that some of you sent me! Sorry rin if hindi ako nakapag-update kahapon. I hope this chapter could fill for that. 🥰

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top