Chapter 67

BETTY'S POV

"Celso!", inis niyang saad habang sinasamaan ng tingin ang lalake. "Ayusin mo! Para kang kahoy! Magbody-roll ka!", dagdag niyang utos dito habang nakatutok ang phone niya sa lalake.

Napakamot lamang si Celso sa likod ng leeg nito at parang gusto na ng lalake na kainin na lamang ng lupa dahil sa hiya.

She's trying to make him dance the Pajama Party song. The one with the 'pamparampampam' in the lyrics. Ipopost niya sa TikTok niya.

"Ok. One more time. Ayusin mo!", parang batang pumadyak-padyak pa siya habang umaayos ng pwesto para makuha ng maayos ang pagsayaw ni Celso.

Pagkatapos kasi nilang magyakapan kanina ay pumunta sila sa may pool area at doon nag-usap. Kinuwento nito ang lahat. Simula nang dumating ito, ano bang reaksyon nito sa mga nakita, at ang pagsunod-sunod sa kaniya ng lalake for 3 years.

Celso was so careful with his words, afraid that he might hurt her feelings but she told him not to be. Alam niyang ang raming pagkakamali na nagawa niya noon at hindi niya hahayaan na isarili lamang ng lalake ang lahat ng sakit na naramdaman nito dahil sa kaniya.

Ikinuwento rin nito ang mga bagay na dinala nito mula sa nakaraan.

Dinala nito ang mga papel kung saan una siyang nagpractice para magsulat gamit ang quill pen, ang mga sinulat niyang notes noong tinatandaan pa niya kung ano ang nasa script at iyong wooden sculpture ng mukha niya.

Of course, he made sure to bring Maricel here.

Ayaw pa nga daw ni Direct Percy noon pero pinilit talaga ni Celso kaya naman umoo ang matanda.

Perhaps the most heartbreaking one that they've talked about was their baby.

Nakita ni Celso ang anak nila bago ito ihatid ni Sidapa. Inilarawan nito sa kaniya ang anghel nila.

He said that their baby has her black eyes and heart-shaped face. Ang ilong at labi naman daw ay nakuha ng baby nila kay Celso.

Celso was able to hold her for the last time.

He said she's so fragile and small.

He said that she smiled when he called her Isabel.

He said that she held his fingers on her tiny hand and that's where he burst out crying.

Niyakap niya ang lalake matapos nitong ikwento ang lahat sa kaniya.

She cried too.

Of course.

Kasi narealize niya na walang mas lamang sa kanila ni Celso. Walang mas nasaktan.

They both suffered.

They both experienced getting their hearts broken because of each other.

They both lost an angel.

Mahal na mahal niya ang lalake at alam niyang mahal na mahal siya nito.

Hindi na niya kukwestiyunin iyon.

Lalong-lalo na nang ikwento rin nito ang tungkol sa ilang ulit na muntikan niyang pagkakamatay.

He said that when she came back, her suicidal soul was so active. Ilang ulit na pala siyang muntikang mamatay lalong-lalo na noong mga panahon na bago pa lamang siya nakuhanan.

She rarely ate and she would often throw up everything even when her stomach has no food inside.

Ika ng lalake ay nalalaman nilang mamamatay siya ng araw na iyon dahil sa mga sulat na binibigay ni Sidapa sa kanila.

Every death has a letter given to Sidapa. It has this fancy golden seal and written inside on a cursive writing is the full name of the person who's gonna die that day.

Iyon ang nagsisilbing gabay ni Sidapa para malaman kung sino ang dapat sunduin sa oras na iyon. Marami naman itong mga alagad na gumagawa ng ganoon para sa kaniya pero dahil nga sa kapangyarihan ni Sidapa na malaman kung sino ang mamamatay ngayong araw ay naging malaking tulong iyon para maiwasan niya ang kamatayan.

Celso said that Direct Percy ordered him to stay away from her for the meantime so as to let her soul settle down to her new body.

Pwede daw magising muli ang suicidal soul niya kahit pa man namatay na ang anak nila kung palagi niyang makikita si Celso. It's because he's the reason why she's dead in the first place. Kaya naman tiniis ng lalake na maghintay pa ng isa pang taon.

The extra two years that he has to go through before she even met him were Direct Percy's decision.

Gusto daw ng direktor na parehas silang masaktan kaya naman ginawa nitong tatlong taon ang paghihintay ng lalake.

Kung nasaktan daw siya ay dapat masaktan rin si Celso kaya naman hinayaan nitong makita ni Celso ang dating siya.

Iniyakan nilang dalawa ang 'sana' nila ngunit alam nilang dalawa na kailangang mangyari iyon para makamtan nila ang happy ending nilang dalawa.

They promised to each other na babawi sila sa isa't-isa. Hindi niya pinayagan na si Celso lang ang mang-spoil sa kaniya. She wanted to show her love to him too.

Kaya naman they decided to enjoy the last day of their free time before the shooting begins at ang napagtripan niya ay ang TikTok.

Her attention went back to Celso and sighed defeatedly upon seeing him dance like a swaying oak tree.

Napaface-palm siya at nahihiyang pinatigil ang lalake.

"Tigil na.", wika niya habang nilalapitan si Celso. Pinahawak niya dito ang phone at inutusan itong siya naman ang videohan.

He hesitantly directed the camera at her and when she heard the start of the TikTok song, she immediately did the hit dance.

Habang ginagawa niya iyon ay napanganga si Celso bago tinigil ang pagrerecord at matinding umiling.

"No. Absolutely not, mahal. Bakit kailangan mong i-sway ang hips mo ng ganiyan?", tila nagrereklamo nitong tanong habang niyayakap siya.

She grinned when she saw his eyebrows meet in the middle.

Seloso.

"Iyon kaya ang nasa dance step. Sumusunod lang ako sa uso.", pa-cute niyang sabi habang mas hinihigpitan pa ang yakap sa lalake.

"Ayoko. Hindi maaari.", madiin nitong saad na mas lalong nagpatawa sa kaniya.

Pinisil-pisil niya ang cheeks nito at pinanggigilan iyon.

"Bakit ba ang seloso mo masiyado?", tawa pa rin niyang tanong dito pero hindi pa man nakakasagot ang lalake ay dinagdagan niya ang tanong niya dito. "At bakit ang init ng ulo mo kay Sidapa? Di kayo in good terms?"

Binuhat siya ni Celso at agad niyang pinalibot ang mga binti sa waist nito. Dumiretso ito ng lakad sa kusina para balikan ang ginagawa nitong breakfast kanina bago pa man dumating ang dalawang diyos kanina.

Actually magluluto na sana ito pero pinilit niya itong gumawa muna ng isang TikTok video para maipost niya kaagad.

Nang makapasok na sila sa kusina ay nilapag siya nito sa counter na kinauupuan niya kanina at bumalik sa pagluluto.

Akala niya hindi na siya nito sasagutin pero bigla itong nagsalita habang nagsisimula ng magprito ng bacon.

"Nakita ka niyang nakahubad.", tipid nitong wika pero rinig na rinig niya ang inis mula sa boses nito.

"What?! Paano? Bakit?", hindi niya makapaniwalang sunod-sunod na tanong dito.

Malakas na napabuntung-hininga si Celso na parang pinipigilan ang inis nito kay Sidapa.

"Ang sabi niya ay 'binabantayan' ka daw niya. Puta! Bakit sa loob siya ng bathroom mo nagbantay?! Hindi ba pwedeng sa labas lang?!", sagot nito sa tanong niya pero parang ito pa ang nasilipan kung makapag-react.

"Wait. Hold up Celso. Tell me the whole story nga muna. Hindi kita maintindihan.", natatawa niyang sambit pero agad naman niya iyong pinigilan dahil parang batang nagmamaktol si Celso.

"It's the time when we got the first letter for your death. Maglalaslas ka daw sa loob ng bathroom mo. You're so heartbroken with the loss of our baby that you've became depressed.", panimula ni Celso na nagpawala sa ngiti niya.

She remembered that day.

Iyon yung plano niya sanang magpakamatay. She got out of the shower but the sadness hits her again and again that she just found herself looking for a razor inside her bathroom. Surprisingly, wala siyang nakita kahit pa man alam niyang mayroon siya noon.

"Why didn't I saw him then?", nagtataka niyang tanong.

"He's invisible. You can't see him. Ang putang-ina pinagdidiinan na gusto lang nitong masiguradong hindi ka magpapakamatay kahit na kinuha na nito ang kahit na anong matalim na bagay sa bathroom mo.", inis pa ring saad ni Celso na nagpatawa na naman sa kaniya.

She had the feeling that Sidapa isn't attracted to her. Both emotionally and physically.

Parang tuod ang lalakeng iyon.

Marunong bang magmahal si Kamatayan?

She doesn't think so.

"Huwag mo siyang pagselosan mahal.", nanlalambing niyang saad habang bumababa sa counter at niyakap mula sa likuran ang lalake.

Nagpriprito pa kasi ito ng bacon kaya naman hindi ito makaharap sa kaniya pero alam niyang gustong-gusto nitong yakapin siya pabalik.

"Let's just be happy that we will finally get our own happy ending. It's the two of us again and we will enjoy the rest of our life together forever.", dagdag niyang reassure dito habang mas hinihigpitan pa ang yakap sa lalake.

Direct Percy told her that this is the start of her happily ever after.

Si Tadhana ang matandang direktor kaya naman pagkakatiwalaan niya ito.

Mabubuhay silang masaya.

Wala ng dadating na problema... diba?

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Mahal...", tawag ni Celso sa kaniya habang papunta sila sa shooting location.

This is the first day of the shooting so she's quite excited. Nakapag-bonding naman sila ni Celso kahapon. They did everything that his house can offer. Nag-tennis sila, naglaro ng PlayStation games, nag-movie marathon at iba't-iba pa. They enjoyed each other's company.

Maaga silang dalawa na gumising ngayong umaga dahil may hair and make-up pang dapat gawin bago ang start ng shoot. Sa pagkakaalam niya ay uunahin daw nilang ishoot ang mga scenes na ginanap sa bahay ni Celso.

Of course, hindi sa totoong bahay nila gaganapin iyon dahil nga sa ang laki ng pinabago ni Celso doon. May ginawang copy ng bahay nila noon at doon nga sila papunta.

Excited na excited siya.

She missed their house.

Kahit pa man maraming mapapait na ala-ala siya doon ay mahal pa rin naman niya ang bahay nila.

"Hmm?", patanong niyang ani habang nililingon si Celso sa may driver's seat.

Nakahawak pa rin naman ang kamay nito sa kaniya habang nagmamaneho ito at tulad noon ay panaka-nakang hahalikan iyon.

"Sigurado ka bang maayos lang sa iyo na balikan ang lahat ng nangyari sa atin? I-I know we're just gonna act it out but... I'm concerned you might get hurt with those memories", tila nag-aalala nitong sabi sa kaniya.

Rinig niya ang pag-aalala nito na talagang naiintindihan naman niya.

Celso became somewhat like a... overly cautious person.

Lagi nitong iniisip siya. Kung anong mararamdaman niya. Kung anong magiging reaksyon niya. Kung makaka-apekto ang isang bagay sa kaniya.

Nagi-guilty siya minsan kasi siya na ang top priority nito.

Parang feeling niya kinalimutan na ng lalake ang lahat ng tungkol sa sarili nito dahil sa kaniya.

She tried asking him last night about his dream to become a general. She saw first-hand how he loves that dream pero he just shrugged off her question and said that they're happy now in this timeline.

Nag-aalala siya dito pero ayaw naman pag-usapan ng lalake ang tungkol doon.

Bukod sa pag-iwas nito sa katanungan niya tungkol sa pangarap na kinalimutan na nito ay may isa pang dumagdag sa problema niya.

Just this morning, Celso had a nightmare.

Nagising siya dahil sa iyak at sigaw ni Celso.

He was asking her not to go.

He was begging Sidapa not to take her away.

Binangungot itong namatay pa rin siya.

She shooked him awake, so damn worried about his nightmare but when she asked him if he wants to talk about it... he still said that she doesn't need to worry about anything.

He just hugged her so tight and would constantly looked at her as if checking if she's still there.

Parang may trauma na ito sa lahat ng pinagdaanan.

She's so worried about him. Lagi itong nag-aalalang mawawala siya dito.

Kahit na nag-aalangan ay nilingon niya ang lalake na nagmamaneho.

She cleared her throat before asking him.

"Celso... I know you're worried that I'm still gonna die right now but... I just wanted you to feel reassured. Si tadhana AT kamatayan na ang mismong nagsabi na mabubuhay na tayo ng masaya. Two gods who knew about what's gonna happen to the lives of people around them.", saad niya habang taimtim na tinitingnan si Celso.

She saw his eyes waver a little bit.

Alam niyang iyon ang tinatago ng lalake sa kaniya.

He's scared that she's gonna die yet again.

Malakas na bumuntong-hininga ang lalake bago itinigil ang sasakyan sa may gilid ng daan.

Inis nitong ginulo ang buhok bago nanghihinang binaon ang mukha sa mga palad. Rinig niya ang paghikbi nito at nag-aalalang tiningnan ang lalake.

"I'm scared, mahal... I'm so fucking scared.", his voice broke down. "I can still remember it. I can still remember the feeling of your fingers slipping away from my hold. I can still remember how desperate I am to stop you from falling. I can still remember your lifeless eyes when I came running down towards your dead body. I can still remember the blood dripping from my hands as I desperately tried to stop it.", he was whispering those things while looking at his own hands as if he's no longer here with her and he's back in the past.

She immediately held his hands that seemed to snap Celso out of a trance. Mabilis itong lumingon sa kaniya at nakita niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata.

She smiled at him and palmed his left cheeks.

"I'm here. Nandito lang ako, mahal. Hindi ako mawawala.", reassure niya dito habang hinahaplos ang pisngi nito.

She then immediately pulled him towards her and hugged him tight. Napaiyak ito sa bisig niya at alam niyang talagang takot na takot ito.

Ang higpit ng yakap nito sa kaniya na para bang natatakot itong bigla na lamang siyang mawala.

I'm not gonna leave him anymore.

Diba happily ever after na nila ito?

Diba?

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Hindi pa po tapos. ☺️ Maraming nag-akala na ending na iyong last update. Hindi pa po. ☺️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top