Chapter 65
"Celso... what is he talking about?", nalilito at kinakabahan niyang tanong sa lalake pero hindi na ito nakatingin sa kaniya.
He was glaring at the guy named Sidapa. Hindi ata good terms ang dalawa.
"I believe it would be much better if we talked inside?", casual na sabi ng direktor bago bumaba ang tingin sa kaniya. "And I don't think you two looked ready to welcome some guests."
Napababa ang tingin niya sa sarili at doon na niya natandaan na nakapanty pa nga pala siya. Hindi sila nagpalit ng damit ni Celso dahil kakagising pa lamang nila. Walang pangtaas ang lalake habang siya naman ay walang pang-ibaba pwera na lang sa panty niya.
Celso immediately stood in front of her to hide her not-so presentable look but his glares are only directed to Sidapa.
"Umuna kayong maglakad sa loob.", seryosong saad ni Celso kina Direct Percy at sa lalakeng kasama nito. "And stop looking at my wife's legs, Sidapa!", inis nitong dagdag na nagpatawa lamang sa lalakeng katabi ni Direct Percy.
Sidapa just shooked his head in disbelief before walking first towards the house. Si Direct Percy naman ay pinandilatan ng mata si Celso.
"Celso! Tandaan mo diyos ang inaaway mo.", pabulong na banta ng direktor sa lalakeng nakatayo sa harapan niya.
He looked so territorial right now...
"Wala akong pakialam kung diyos siya. Magtangka lang siyang kunin ang asawa ko ay hindi ako mangingiming kalabanin siya.", tila nagpipigil ng galit na saad ni Celso na tinawanan lamang ng direktor.
"Huwag kang masiyadong seloso Celso.", tipid na lamang na saad ng matanda bago naglakad na rin papunta sa bahay.
Nag-aalala niyang hinawakan ang braso ng lalake at hinaplos iyon para naman kahit papaano ay matanggal ang inis sa kalooban nito.
"Anong nangyayari Celso?", nagtataka niyang wika habang natatakot na nakatingin sa nakatalikod na porma ng lalake.
He didn't respond at first but eventually he heaved a sigh before turning towards her and enclosing her face between his two palms.
"Ngayon mo na malalaman ang katotohanan, mahal. Please... be strong.", nag-aalala nitong sambit habang tinitingnan siya ng seryoso.
Be strong?
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito pero agad namang hinalikan ni Celso ang noo niya para mawala iyon. He looked at her lovingly again before speaking.
"Kukunin ko muna ang pajama pants mo. Dito ka lang.", mabilis nitong sabi sa kaniya bago tumalikod at naglakad pabalik sa bahay.
Sinundan niya ng tingin ang lalake. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa nangyayari ngayon. Her heart is beating so fast.
She was so demanding to know the truth but right now... she's scared.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Nilapag ni Celso ang tatlong umuusok na kape sa table ng living room nila. Agad namang kumuha ng isa doon si Direct Percy bago bumalik sa pagkakaupo sa single seater sofa.
Si Sidapa naman ay prente lamang na nakaupo sa kapares na upuan ni Direct Percy. Nakatutok lamang ang mga mata nito sa kaniya at alam niyang hindi iyong nagugustuhan ni Celso.
Magkatabi silang dalawa sa malaking sofa at mahigpit na nakahawak ang kamay ng lalake sa kaniya.
Purong katahimikan lamang ang namagitan sa kanilang apat hanggang sa naputol iyon dahil sa malakas na paghigop ni Direct Percy ng kape.
They all glanced at him but he just ignored their stares.
Pagkatapos nitong namnamin ang sarap ng giniling na kape na tinimpla ni Celso ay nagsalita na ito. Hindi niya ito masisisi dahil sa brand ng kape nina Horatia ang kapeng iyon.
Horatia's coffee.
Mapapa-sana all na lang siya. Naging brand pa ng kape ang pangalan ng bestfriend niya.
"Beatrice.", tawag sa kaniya ng matanda. Hindi naman ito sumisigaw pero ang lakas pakinggan ng tinig nito dahil sa napakatahimik talaga nilang apat kanina.
She looked at him seriously. Takot at ninenerbyos siya pero ayaw niyang ipakita iyon.
"What's the 'truth' then?", matatag niyang ani habang dinidiin ang salitang 'truth'.
The director smiled before sneaking a glance at Celso.
"Sisimulan ko na lang sa pinakauna.", ani nito bago prenteng sumandal sa sofa at nagcross legs pa. "Tanda mo ba kung ano ang role mo sa storya?", dagdag nitong tanong sa kaniya.
She nodded.
"Oo. Maging kontrabida.", mapait niyang sagot dahil natatandaan na naman niya ang mga napagdaanan sa nakaraan.
"Tsk tsk tsk... My dear Beatrice... that's not really your role in the story.", tila nanghihinayang ang matanda sa sagot niya.
Agad na napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito ngunit mas nagtaka pa siya nang mas humigpit ang kapit ni Celso sa kamay niya.
"A-Ano?", she stuttered.
The director smiled secretly before leaning towards her and whispered.
"You're there to be the replacement of Celso's soul.", he quietly said but those words broke something inside her.
"I-I don't understand...", halos bulong na niyang saad. Parang sa sarili niya iyon sinasabi.
Instead of answering her questions, Direct Percy asked her another question.
"Ano ang natatandaan mong script?", tanong nitong muli sa kaniya na nagpagulo pa ng lubusan sa kaniyang isipan.
"Iyong... iyong dadating si Isabel sa buhay ni Celso tapos ay mag-iibigan sila ngunit mamatay siya dahil kay...", agad niyang sagot dito ngunit bigla siyang napatigil dahil sa naisip.
Celso would die because of Heneral Lenardo...
Bakit ngayon niya lang natandaan?!
That's the original script!
Magmamahalan sina Celso at Isabel ngunit mamamatay ang lalake sa ending dahil itinulak ito ni Heneral Lenardo mula sa bell tower.
Mukhang napansin ng matanda ang unti-unting realization sa utak niya kaya naman nagpaliwanag ito.
"Beatrice... actually... that's not the real story.", wika nito na nagpalingon na naman sa kaniya dito. "There is no Isabel in Celso's life. Ang totoong storya niya ay walang Isabel na dumating. Gawa-gawa ko lamang iyon.", dagdag nitong saad na nagdagdag ng gulo sa isipan niya.
"Then why am I there?! Bakit may Maria ring dumating?!", sigaw niya dito. Tatayo na nga sana siya sa galit pero mahigpit siyang hinawakan ni Celso.
"Just like what I said... ikaw ang kapalit sa kaluluwa ni Celso.", he casually answered.
She was about to shout at him but he speaks again.
"Bilang si tadhana... may kapangyarihan akong pakialaman ang buhay ng mga tao... at buhay ni Celso ang kumuha ng atensyon ko. I saw his destiny. He's gonna die at a ripe age of 27. Nakita kong mabait siyang tao... so I decided to change his fate... ngunit hindi iyon ganoon kadali. Saving a soul means a sacrifice of another soul. In order for him to not die... I need to find someone who would die for him at the same place... at the same exact time. That's where you came in. Ikaw ang napili kong mamatay para mabuhay siya.", paliwanag nito sabay turo kay Celso.
"Bakit ako?", she asked.
"Hindi mo ba natatandaan noong 18th birthday mo? You wished that you were never born. You wished that you'll die. Kagagaling mo lang sa pakikipagtalo with your parents at that time. Inaway mo sila dahil hindi sila pumunta sa debut mo. You have no one at your special day. Kahit si Franz ay hindi pa dumadating sa buhay mo. Your wish is somewhat a permission for me to use you since you don't want to live anymore.", sagot nito sa katanungan niya.
"My original plan is to get you to the past and let you die there. Simple as that. Kung mamamatay ka ay maiiba ang kapalaran ni Celso. He's gonna live a long life and you're gonna die instead of him which may I remind you... is your actual wish.", kibit-balikat nitong saad.
"Evrything is going well according to the plan but something happened that I didn't expect.", pagpapatuloy nito. Pinalipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Celso bago nagsalitang muli. "The two of you fell in love with each other. Dahil diyan ay nagka-intertwined ang tadhana ninyo. If you die...", he said then pointed at her. "then he will follow you.", turo naman nito kay Celso. "Magpapakamatay ang lalakeng ito kapag namatay ka kaya naman dagdag problema sa akin ang nangyari. I'm trying to save him from his own death by using you but he would kill himself if you die. Masasayang ang pinaghirapan ko. Idagdag pa diyan ang problema ko kung paano kita makukumbinsing patayin ang sarili mo in the first place."
All of the things that he was saying made her head spin around so much. Nakakalito.
"Hindi mo ba napansin na bigla-bigla na lang nawala sa landas niyo si Heneral Lenardo? He came and posed as a threat to your life but he was suddenly gone. Well... I'm the one responsible for that. Siya ang main villain ng totoong storya ni Celso dahil ito ang papatay sa lalake dahil sa selos nito sa atensyong nakukuha ni Celso kahit pa man hindi na ito sundalo. Celso's co-soldiers looked up to him. Mas gusto nilang maging heneral si Celso kaysa kay Lenardo. That made Lenardo enraged. Ito ang gumawa ng paraan para mapagbintangan si Celso sa panghahalay ng batang binabantayan sana nito. He thought that if Celso is out of the picture then he would come to the top and everyone would adore him but that didn't happen. Mas naging bukambibig pa si Celso sa mga kasamahan nito. Na sayang daw at hindi ito naging heneral... Na karapat-dapat daw ito...", Direct Percy continued and his story made her glanced towards Celso.
Seryoso lamang ang mukha ng lalake at kita niya ang galit nito dahil sa napag-uusapang panghahalay kuno nito pero hindi ito mukhang gulat sa sinabi ni Direct Percy. He's just pissed off not overwhelmed.
Napalingon siyang muli sa matanda nang pinagpatuloy nito ang kinukwento.
"Instead of letting Lenardo kill Celso... I changed the past by telling the gonernador-heneral, which is Celso's father, the truth. Naikulong ito at hindi natuloy ang pagpatay kay Celso ngunit may isa pa akong problema.", he said. "Iyon ay paano ka makumbinsing patayin ang sarili mo para hindi mamatay si Celso. Dahil kahit pa man naikulong na ang papatay kay Celso... mangyayari at mangyayari pa rin ang nakatadhanang pagkakamatay nito unless may pumalit sa pwesto nito... and that's when you'll come in.", he added while pointing at her again.
"I have to make you hate him. Dapat kang masaktan ng sobra-sobra para mapaniwala kita at sumunod ka sa gusto kong mamatay ka. I added Maria to the story. I changed your memories of the script by letting you think that there's an Isabel in Celso's life when the truth is... walang Isabel na dumating sa buhay ni Celso.", napanganga siya dahil sa sinabi ng matanda.
"Wait... Walang totoong Isabel?", hindi makapaniwalang tanong niya.
The old director nodded his head to answer her.
"Walang totoong Isabel. I just made you think that you're a villain of Celso's story so I can convince you to kill yourself.... and Beatrice... Celso didn't cheat on you.", bitaw ni Direct Percy na nagpatigil ng tibok ng puso niya.
"W-What?", halos paluha niyang tanong sabay lingon kay Celso.
He's looking at her and she can see his eyes are full of tears too.
"I was the one controlling his body when his feelings to you suddenly changed.", paliwanag ng direktor pero hindi siya dito nakatingin.
Kay Celso siya nakatingin at tuluyang bumagsak ang mga luha niya nang bumulong ito sa kaniya.
"I love you so much.", he whispered and hugged her.
Napasubsob siya sa dibdib nito at napaiyak ng malakas.
He didn't changed.
His love never faded.
Ito pa rin ang Celso na minahal niya at minahal siya.
Putang-ina!
Kahit pa man punong-puno ang mata ng mga luha ay nanggagalaiti siyang lumingon sa matanda.
"Fucking why?!", she shouted while standing up. Agad namang tumayo si Celso at hinawakan siya habang hinahaplos ang likod niya.
Direct Percy just casually looked at her crying face before speaking.
"Because I had to. Iyon lang ang paraan para kamuhian mo si Celso. Iyon lang ang paraan para mamatay ka.", kibit-balikat nitong saad na nagpainis ng todo sa kaniya.
"Dahil kailangan mong gawin?! Putang-ina namatay ang anak na dinadala ko dahil sa ginawa mo!", wala sa sarili niyang sigaw sa matanda ngunit huli na nang maalala niyang hindi pa niya nasasabi kay Celso ang nangyari sa anak nila.
Agad siyang napatahimik dahil doon.
Natatakot siyang tumingin kay Celso dahil ayaw niyang makita ang reaksyon nito sa sinabi niya.
"Oh Beatrice... you shouldn't be afraid to talk about your baby. Celso already knew about it. Actually... sinadya naming mamatay ang anak mo.", wika ng direktor na nagpatigil na naman sa tibok ng puso niya.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Hi guys! I've already posted the bookcovers of my upcoming "In His Past" series on my FB. If gusto niyo pong makita ay pwede niyo po akong iadd sa FB. Let's be friends. 🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top