Chapter 61

Lumagpas tayo ng 60 Chapters. Hope it's ok to you guys. ☺️

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

She hurriedly step out of the bathtub and took a bath before drying herself using a towel and wrapping her body with the maroon Versace bathrobe that has the letter 'I' knitted at the side. Dalawa kasi ang nakasabit doon pero letter 'C' ang nakalagay sa isang mas malaking bathrobe kaya alam na niya kaagad na para sa kaniya ang isa at kay Celso ang isa.

She did her beauty routine dahil lahat ng mga beauty products na ginagamit niya ay nandoon na sa bathroom at nakahanda. Matapos iyon ay lumabas na siya ng bathroom at naglakad papunta sa may salamin ng kwarto.

Sinabi kasi ni Celso sa kaniya na ang salamin na iyon ay pintuan pala ng walk-in closet. She just needs to slide it to open the closet.

Nervous siyang tumingin sa salaming iyon bago napagpasyahang buksan ito.

I can't help but recall what Celso said earlier.

Excited siya na kinakabahan pero at the same time ay nahihiya.

Nang mabuksan ang closet ay agad siyang pumasok doon at tiningnan ang nasa loob.

It's actually huge.

Ang left side ng walk-in closet ay mukhang para kay Celso dahil nandoon ang mga damit ng lalake. Sa pinakaibabang shelf ay mga sapatos naman nito. She clicked a button that she saw at the side of one of the drawers and it suddenly slid open. Nandoon ang mga mamahaling relo ng lalake na nagpangiti naman sa kaniya.

He did spoil himself too.

She pressed the button again and it slowly slid close.

Napalingon siya sa right side at nakitang wala pang laman iyon. Para sa kaniya ata ang side na ito. Naglakad siya patungo sa pinaka-end ng walk-in closet at may nakitang mga damit doon.

Nakabalot pa ang mga iyon sa parang lalagyan ng mga damit. Iyong plastic na ginagamit sa mga laundry shop. She took one and brought it outside of the closet. Maingat niyang sinarado ang salaming pintuan nito bago nilagay ang damit na kinuha. Hindi niya pa nakikita iyon dahil nga sa plastic.

She unzipped it and carefully took it out of the plastic.

Nabigla siya nang makitang dalawa pala ang laman niyon. Pinaglayo niya ang dalawang hanger at doon na niya narealize na couple pajamas pala iyon.

Isa para panglalake at isa para pangbabae.

Napakunot ang noo niya bago inilapag muli iyon sa kama. She walked back inside the walk-in closet and rummaged through the other clothes and realized that everything that was at the end of the closet are couple outfits.

The hell? Mahilig si Celso sa couple outfit?

Napatawa na lang siya sa napagtanto at bumalik na sa kwarto.

Kinuha niya ang pangbabaeng pajama at binalik ang kapares nitong panglalake sa plastic na kinalalagyan nito at nilagay iyon muli sa loob ng closet.

Wala naman siyang ibang masusuot dito kaya ito na lang.

Matapos makapagbihis ay lumabas siya ng kwarto at naglakad sa glass tunnel na kumokonekta sa silid ni Celso sa bahay nito. Dala-dala pa niya ang bowl of bite-sized fruits na dinala ni Celso sa kaniya kanina dahil hindi niya pa iyon nauubos. She was also barefooted so she can feel the furry carpet on her every step.

Nang makalabas ng glass tunnel ay agad siyang naglakad papuntang kusina na hindi naman mahirap hanapin dahil nandoon pa rin naman iyon sa dati nitong lugar. Amoy rin niya ang niluluto ni Celso kaya naman mas napabilis ang paglalakad niya doon.

Likod ng lalake ang unang bumungad sa kaniya pagkapasok niya sa kusina. Nakaharap kasi ito sa electric stove nito at mukhang may priniprito. She can see a plate full of carbonara at the middle of the wooden table. May mga eating utensils rin doon na nakahanda na.

Napalingon siya sa may right side ng kitchen at nakitang may mini bar doon ang lalake.

Hindi pa ata siya naririnig ng lalakeng pumasok sa kusina dahil hindi ito lumingon sa kaniya.

Nag-aalangan man ay naglakad siya papalapit dito at niyakap ito mula sa likod. Mukhang nagulat naman ito sa ginawa niya pero kalaunan ay nakabawi at hinila siya papalapit dito.

"You're done washing up?", malambing nitong saad habang yakap-yakap siya. His left hand was wrapped around her waist while his right hand was busy flipping the cordon bleu.

She nodded while watching him cook.

"Can you hand over the plate for me, mahal?", he asked while pertaining to the plate that was near her.

Agad naman niyang kinuha iyon at hinawakan malapit sa frying pan.

He carefully scooped the cordon bleu and transfered it to the plate that she was holding before turning off the electric stove.

"Kain ka na, mahal.", he said while leading her to the table.

Nakapulupot pa rin kasi ang kamay nito sa kaniya kaya naman mabilis lang siya nitong naigiya sa lamesa. He helped her sit down at one of the chairs and moved all the food near her.

Napalingon siya dito nang makita itong nakatayo pa rin sa may gilid niya.

"Ikaw?", nagtataka niyang tanong dito.

"I'm gonna wash up first. Kumain ka na kung nagugutom ka na, mahal.", sagot nito sa kaniya bago siya nito hinalikan sa noo at naglakad papalabas ng kusina. Sinundan niya ng tanaw ang lalake hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

She looked back at the food in front of her.

Parang hindi na ako ginugutom...

Mas gusto niyang makausap si Celso tungkol sa pinag-usapan nila ni Franz kanina kaysa ang kumain.

Malakas siyang napabuntung-hininga bago tumayo at lumipat ng upo sa may lamesa. Malaki naman ang lamesa ni Celso kaya naman may malaki pa rin siyang espasyo para upuan na malayo-layo sa pagkain na inihain nito.

She fished her phone from the pocket of her pajamas and decided to open her social medias. Inisa-isa niyang icheck ang mga iyon. She browsed through the latest news and even watched some YouTube videos while waiting for Celso.

Nang ma-bored siya sa kakapanood ng mga cute baby videos ay ang Instagram naman ang binuksan niya.

Muntikan na niyang makalimutan na sa Insta nga pala niya pinost ang picture nila ni Celso.

Their picture was only a few hours ago but it already had thousands of likes. She opened the comment section and saw how a lot of those are fans that can't wait for the movie to be available on the big screen. Maraming nagsasabing bagay daw sila ni Celso pero may iilang komento na umagaw ng atensyon niya.

"May lalake na namang dadagdag sa listahan ng nakama ni Betty."

"Bet si guy pero sayang pokpok yung girl na bida."

"Can they still recast the leading lady?"

Napakagat siya sa kaniyang labi habang nararamdaman ang pamamasa ng mga mata niya.

"That's enough social media for you, mahal.", saad ni Celso sabay hablot sa cellphone niya.

She whirled her head at his direction and saw his eyebrows scrunched together. Mukhang nabasa nito ang tinitingnan niya kanina.

Mas nagmukha itong galit nang makita ang mumunting luha na nasa mga talukap niya.

He immediately strides towards her and positioned himself in front of her. Dahil sa lamesa siya nakaupo ay pumwesto lang ito sa gitna ng mga binti niya bago siya hinapit papalapit dito.

"Hindi mo dapat iniiyakan ang mga walang kwentang komento ng mga taong iyon.", he worriedly said while hugging her close to him.

Pinulupot niya ang kaniyang dalawang braso sa may leeg nito at ang kaniyang mga binti sa waist nito.

"Pero totoo naman diba? Pokpok ako.", pabulong niyang saad na nagpakunot ng maigi sa noo ng lalake.

"Stop calling yourself like that!", galit nitong saad. "You're not a slut and you'll never be a slut!"

Kahit pa man ganoon ang reaksyon ng lalake ay naisip niyang i-open up ang nararamdaman.

"Celso... I'm not angry with you anymore... Napag-isip-isip ko na wala naman akong karapatang magalit sa ginawa mo dahil in the first place ay hindi rin naman ako malinis nang ikasal tayo. I probably deserve what you did because I'm such a slut...", saad niya habang nakadungo.

Hindi nagsalita si Celso matapos niya iyong sabihin at dahil nga nakadungo siya ay hindi niya kita ang reaksyon nito.

Ilang minuto rin ng katahimikan ang lumipas bago niya narinig ang boses ng lalake.

"Why?", halos pabulong na nitong tanong na nagpatingin sa kaniya dito.

He was breathing so hard. Para bang naghahabol ito ng hangin pero hindi dahil sa pagod kundi dahil sa galit.

"Celso...", she whispered but he suddenly cut her off.

"Bakit mo sinisisi ang sarili mo sa kasalanang ginawa ko?!", pagalit nitong wika pero alam niyang hindi para sa kaniya ang galit nito kundi para sa sarili nito mismo. "Mahal, dahil sa sinasabi mo ay mas gusto ko pang saktan ang sarili ko dahil ang gago-gago ko."

Kinuha nito ang kamay niya at nilapit iyon sa pisngi ng lalake.

"Sampalin mo ako. Suntukin. Saktan mo ako, mahal... pero huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo sa kagaguhang ginawa ko.", halos papaiyak nitong wika.

Imbes na gawin ang sinabi ng lalake ay hinaplos niya lang ang mukha nito.

"Celso... hindi ka ba nandidiri sa akin?", kagat labi niyang ani.

Kununot lamang ang noo nito bago nagsalita.

"Mahal, kayang-kaya kong ilista lahat ng lalakeng naikama mo kasama na ang lugar, buwan at taon kung kailan ka nakipagsex sa kanila pero hinding-hindi pa rin ako mandidiri sa iyo.", tila nafrufrustrate na nitong sabi sa kaniya. "Mahal... ako ang pandirian mo at huwag ang sarili mo. Ako iyong nagkasala sa ating dalawa pero sarili mo pa ang sinisisi mo."

"Isa lang naman si Maria eh... I mean... maybe you want to try a different experience with other woman. Maybe I wasn't able to satisfy you...", sunod-sunod niyang sabi pero agad namang hinawakan ni Celso ang mukha niya at iniharap dito.

"Stop blaming yourself, mahal. Para mo na rin akong pinapatay sa sinasabi mo.", malungkot na ani ni Celso.

She stared directly at him before saying the words that she wanted to say so much.

"Celso...", she whispered while staring directly on his eyes. "I love you. I still do. Hindi nawala. Kahit pa man ilang ulit akong umiyak dahil sa nangyari sa atin ay hindi pa rin mawala-wala. Mahal na mahal pa rin kita."

His eyes became moist upon hearing those words. He was looking at her as if he can't believe what she just said. Biglaan siya nitong niyakap at humagulhol ito sa may leegan niya.

"I love you, too. I love you so much! So fucking damn much, mahal! Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko panghabang-buhay. Wala ng iba.", iyak nitong saad habang mas humihigpit pa ang yakap nito sa kaniya.

"Shh... Huwag kang umiyak.", alo niya dito.

"Hindi ko mapigilan, mahal. Ang saya-saya ko.", iyak pa rin nitong saad habang nakabaon pa rin ang mukha sa leeg niya.

"Hmm... Sige ka kung hindi ka titigil sa pag-iyak eh hindi mo maririnig ang sasabihin ko.", tila naaaliw pa niyang sabi na nagpatigil sa pag-iyak ni Celso. Tinanggal na nito ang pagkakabaon sa mukha nito at hinarap siya ng nakakunot ang noo.

"What is it?", he curiously asked.

She just smiled secretly before leaning towards Celso's right ear.

"Tinanggal ko na ang IUD ko kanina.", bulong niya dito bago muling nilayo ang sarili sa lalake.

Tulala lang itong nakatingin sa kaniya pero agad siyang nagulat nang biglaan siya nitong binuhat. Hindi naman ito nahirapan dahil sa kanina pa nakapulupot ang mga binti at braso niya dito dahil sa pagkakapwesto niya sa lamesa.

"Celso!", tili niya nang binuhat na sana siya nito papalabas ng kusina pero agad namang napahinto ang lalake at napabalik.

"Fuck! You haven't eaten yet!", mura nito habang binabalik siya sa pagkakaupo sa lamesa.

Aligaga nitong nilapit ang mga pagkaing niluto na mukhang hindi na mainit dahil sa nakaligtaan na nila ito kanina. Kumuha ito ng konting carbonara at agad na inilapit ang tinidor sa bibig niya.

"Kain na mahal pero pakidalian please.", wika nito habang sinusubo sa kaniya ang pagkain. Mabilis itong humiwa sa cordon bleu na niluto at nilapit ang kutsara sa kaniya.

"Teka nga Celso. Mabubulunan ako.", natatawa niyang sabi habang nilalayo ang mukha sa kutsarang hawak nito.

Gosh... He's like a kid on a Christmas day.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Ay wala pa ring SPG? 😆

Promise po bukas ng gabi meron na ang hinihintay niyong SPG. Ang raming pinagkaitan ng kaligayahan last chapter eh. 😆

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top