Chapter 6
Hindi niya alam kung bakit biglang nagclick sa isipan niya na si Celso ang nasa harapan niya pero alam na alam niya na ito ang kilalang character sa historical movie na gagawin sana nila.
If the real character is here... then where am I?!
Did I just time travelled?!
Naputol ang iniisip niya nang biglang tumalikod si Celso sa kaniya at akmang iiwan na sana siya kasama ang mga bastos na lalakeng humahabol sa kaniya.
Agad-agad niyang hinila ang braso nito para mapatigil ang lalake. Inis itong lumingon sa kaniya at nakakunot ng todo ang noo.
"No! No! No! You can't just leave me here", hindi niya makapaniwalang saad dito. "You're supposed to be my knight in shining armor who will save me from this bad guys!"
Mas kumunot ang noo nito sa kaniyang sinabi at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso nito.
"Huwag niyo akong isali sa problema niyo.", saad nito sa mababang tono.
He just coldly walked away and he didn't even spare her a glance.
The two guys gripped both of her arms and tried to drag her again to the back of the building.
Did he just left me here?!
To think that I had a little crush on him while reading the script!
I knew it!
He's just too good to be true in the script!
That script is full of bullsh*t!
Tanging sa movies at libro na lang nag-eexist ang mga perfect guys!
Dahil sa pinaghalong inis niya kay Celso at sa dalawang bastos na lalake ay napuno na siya at tinadyakan ang isa sa mga lalake sa kaligayahan nito.
Malakas itong napaigik at napaluko.
She grabbed the opportunity to free her right arm and punched the other guy on his nose.
Napasigaw ito dahil sa kaniyang ginawa at paulit-ulit na nagmura.
"That'll teach both of you that you shouldn't mess with girls!", sigaw niya sa dalawa habang dinuduro ang mga ito.
Inirapan niya muna ang dalawa bago naglakad sa direksyon kung saan tumungo si Celso.
That bastard! He didn't even help me!
She can't let him leave her there because he's her only chance if she wants to get back to her time.
T*ng-inang Percy na iyon! He's the reason why I'm here! Talagang sasampalin ko siya kapag magpakita siya sa akin ulit!
Naglakad siya papunta sa may parang market kung saan nakita niyang nagtungo ang lalake.
When she saw Celso's broad shoulders amidst the crowd, she immediately trudged towards him with a clenched fist.
"Hoy lalake!", sigaw niya na nagpalingon sa mga tao sa kaniyang direksyon.
The guy, however, ignored her and continued walking.
Dahil sa inis ay tinanggal niya ang isang tsinelas niya at binato sa ulo nito.
Agad itong napahinto dahil sa ginawa niya ngunit hindi siya natakot.
Pasalamat ka hindi heels ang suot ko ngayon!
Matapang siyang lumapit sa nakatalikod nitong porma at pumwesto sa harapan nito.
She confidently looked up to his face and saw his scrunched eyebrows.
"Hoy pusong batong lalake! Masyado kang paasa! Napakaperpekto mo sa script pero ang antipatiko mo sa totoong buhay!", sigaw niya dito habang dinuduro ang dibdib nito.
Alam at ramdam niya na pinagtitinginan na sila ng mga tao pero wala siyang pakialam. This guy needs to learn some lessons about how to be a gentleman.
"Sino ka ba, binibini?", inis na tanong nito sa kaniya. Halatang naaalibadbaran sa presensya niya.
"I'm your destiny.", agad niyang sagot dito.
Kumunot lang naman ang noo nito at hindi makapaniwalang umiling-iling. Mukhang hindi siya maintindihan kaya siya ayaw seryosohin.
"Baliw nga talaga...", bulong nito sa sarili at lalagpasan na sana siya pero hinarang niya itong muli.
Naglakad naman ito sa kabilang direksyon ngunit hinaharangan niya ito.
"Mawalang galang lang naman binibini pero ano ba talagang kailangan mo sa akin?!", inis nitong sigaw sa kaniya.
"Katulong! Gawin mo akong taga-linis sa inyo!", utos niya dito.
Part 1 Scene 2:
Aaluhin ni Celso si Isabel dahil sa tangkang panghahalay ng mga lalakeng iyon sa kaniya. Sasabihin daw ng babae na bago itong salta sa bayan at naghahanap ng trabaho kaya naman iminungkahi ni Celso na maging katulong si Isabel sa pamamahay nito.
Since hindi naman ata accurate ang script ay dapat siya na mismo ang gumawa ng paraan para masunod iyon.
"Hindi ko kailangan ng taga-linis.", malamig nitong sabi at aalis na naman sana ngunit alam niya ang kahinaan nito.
"Laba!", sigaw niya na nagpatigil dito. "Pwedeng ako ang manglaba! Alam kong hindi mo iyon gusto!", nakangisi niyang saad dito dahil alam niyang kinoconsider na ng lalake ang kaniyang suggestion.
"Marunong rin akong magluto! Maglilinis ako ng buong bahay! Magwawalis ako sa loob at labas ng bahay kung gusto mo!", dagdag niyang sigaw para hindi na makapag-isip ng iba ang lalake.
Napatigil ito at mistulang sasang-ayon na sana ngunit umiling pa rin ito.
"Hindi pa rin ang sagot ko, binibini.", mariin nitong sagot at tinulak siya papagilid para makaalis na ito.
No this can't be! I don't want to bring this up but he left me no choice.
Hindi pa nakakalayo ang lalake ay sinigawan niya itong muli.
"Sige ka, kapag ako nahalay at pinatay dito... konsyensya mo ang hindi mapapanatag!", sigaw niya na nagpatigil muli sa lalake.
This time kitang-kita na ang pag-iiba ng aura nito.
Kahit ayaw man niyang ibring-up ang krimeng inakusa ng mga tao dito ay wala siyang choice. Kailangan niyang mapapayag ang lalake.
Nakikita niya ang mababaw na paghinga ng lalake ngunit hindi siya natakot. Bagkus ay lumapit siyang muli dito.
"Pakiusap. Kailangan ko lang talaga ng matutuluyan...", mahinang saad niya sa madilim na anyo ng lalake.
Hindi siya nito sinagot ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay itinulak nito sa kaniya ang mabigat na basket na dala-dala nito kanina.
"Sumunod ka sa akin.", mahinang wika nito sa kaniya bago naglakad muli.
Yes!
Napangisi siya dahil sa sinabi nito at tuwang-tuwa na inayos ang pagkakahawak sa basket.
Susundan na sana niya ito pero natandaan niya ang tsinelas na binato niya kanina at takbong binalikan iyon.
"Teka! Hintayin mo ako!", sigaw niya dito habang sinusuot ang tsinelas.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
A/N: Sorry po kung palamura si Betty. That's just her personality. 😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top