Chapter 58
"Mahal?", biglang alala nitong tawag sa kaniya. "Are you all right?", dagdag nitong tanong habang akmang lalapit sa kaniya pero agad siyang naglakad papalabas ng silid na iyon.
She felt guilty.
Big time.
"I want to wash up now.", mahina niyang ani habang papalabas sila.
Mukhang napansin naman ng lalake na nasira ang mood niya nang makita ang baby's room na inihanda nito. Maybe he thought that she hates the idea of being pregnant with his child. Hindi nito alam na iba ang dahilan ng kaniyang pagkatahimik.
Nakatingin lamang siya sa sahig habang hinihintay na tuluyang masara ni Celso ang kwartong iyon.
After hearing the click of the door, she immediately felt Celso's right hand enclosing her left one.
"Mahal... Hindi ko sinasadyang biglain ka... I just wanted you to see it.", pagpapaliwanag nito sa kaniya.
"It's... okay.", tipid niyang sagot dito. "I really want to wash up now, please.", pag-iiba niya sa usapan.
Hindi agad nagsalita o gumalaw si Celso. Mukhang may gustong sabihin ngunit baka nag-aalangan ito. Makalipas ang ilang segundo ay napagpasiyahan na lamang ng lalake ma hilahin siya papunta sa direksyon ng glass tube tunnel matapos nitong marinig ang sinabi niya.
It looked so cool especially because she can clearly see the night sky.
The floor in that glass tunnel was carpeted too. She likes it because Celso still used the color maroon for it.
Habang naglalakad sila doon ay napatingin siya sa labas dahil kitang-kita iyon mula sa loob.
Kita ang ilog na nasa harapan ng bahay sa right side ng glass tunnel. It still looked so magical from here. She then looked up and saw the stars above them.
Beautiful...
Lumingon naman siya sa left side ng glass tunnel at napatigil. Dahil sa magkahawak ang kamay nila ni Celso ay kasama itong napatigil.
"You have a pool AND tennis court?!", bulalas niya habang nakatingin sa labas ng glass tunnel.
Nasa likurang bahagi iyon ng bahay.
The pool is an architectural pool. It has definite lines and echoes the form of the house and has the same materials that made it looked perfect for the house. She loves how geometric and sophisticated it looked.
Halatang-halatang architect ang nag-design.
Ang tennis court naman nito ay nasa bandang pinakalikuran pa. Parang nasa park ka lang if titingnan iyon.
"Uhmm... yes.", sagot ni Celso sa tanong niya. "I designed the pool to match the whole house. Gusto ko na may form of relaxation ka dito sa bahay. The tennis court naman... well... napanood ko sa isa mo pang interview na tennis is your favorite sport. I also got personal training for it para pwede tayong makapaglaro during our free time.", pagpapaliwanag nito na nagpanganga lang sa kaniya.
He built a tennis court just because I like tennis?!
"The hell, Celso?!", di niya mapigilang bulalas. "Magkano ba nagastos mo para sa pagrerenovate ng bahay na ito?!"
"A few millions... Nothing much. Para naman sa iyo ang lahat ng ito kaya hindi ako masasayangan doon.", parang wala lang sa lalake ang sinabi nito.
Hindi na nito pinansin ang pagkakabigla niya bagkus ay hinila pa siya nito papunta sa bahay na bato nito na she thinks ay mas proper ng tawagin as kwarto na lang dahil nakadugtong naman na ito sa main house.
Habang papalapit sila sa pintuan ay biglang nag-flashback sa isip niya ang huling beses na pumunta siya dito.
It's the night where she heard Celso having sex with Maria.
The door and the whole house might looked different now but all she can see was the past.
She can even hear her pathetic cries while standing in front of that door.
Bago pa man mahawakan ni Celso ang doorknob para mabuksan iyon ay bigla siyang napatigil. Agad naman itong napatingin pabalik sa kaniya.
"Mahal?", nag-aalala nitong tanong sa kaniya dahil biglang bumibigat ang kaniyang mga paghinga.
Her eyes started getting blurry and that's when she realized that she's starting to cry.
Doon lamang siya sa doorknob ng kwartong iyon nakatingin pero parang bumalik siya sa nakaraan.
She started hearing their moans and groans inside again.
She started feeling her heart break into pieces again.
Ang sakit.
Para siyang nalulunod sa ala-alang iyon ngunit bigla iyong naputol nang ipinilig ni Celso ang kaniyang buong mukha paharap dito.
"Mahal?!", sigaw nito na para bang kanina pa siya nitong tinatawag. Nakapaloob ang kaniyang mukha sa dalawa nitong kamay at may halong takot ang makikita sa mata ng lalake.
Nakatulala siyang napatingin dito habang nararamdaman ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.
"A-Ayaw kong pumasok diyan...", mahina niyang bulong bago tinanggal ang pagkakahawak ni Celso sa kaniya at nagmamadaling naglakad pabalik sa main house.
Masakit pa rin.
Lolokohin niya ang sarili kung sasabihin niyang hindi.
That memory would forever be embedded inside her brain. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan.
"Mahal!", malakas na tawag ni Celso sa kaniya sabay hila sa kaniya. Agad naman siyang napaharap dito dahil sa ginawa ng lalake. "Please...", mahina nitong bulong habang nagsusumamong nakatingin sa kaniya.
She bit her lip before being able to gather enough courage to speak again.
"Alam mo bang nasa labas ako habang ginagawa niyo iyon?", mahina niyang tanong habang nakatutok ang mga mata sa mga mata nito.
Kita niya ang sakit na dumaan sa mga mata ng lalake dahil sa sinabi niya.
"Alam mo bang umiiyak ako sa labas habang umuungol kayo sa loob?", dagdag niyang wika na nagpatulo na naman ng mga luha niya.
Ayaw niyang ibring-up iyon ulit pero hindi niya mapigilan ang sarili dahil nasasaktan pa rin siya.
Napalunok siya at suminghot bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ayokong pumasok diyan dahil iyon ang palagi kong matatandaan kapag nakikita ko ang bahay mo.", umiiyak niyang sabi sabay talikod muli ngunit maagap siyang pinatigil ni Celso.
Mabilis siyang niyakap ng lalake at sinigurado nitong hindi na siya makakagalaw dahil sa higpit ng mga yakap nito.
"Mahal... Please...", halos papaiyak na nitong saad. "I know you're hurting right now but... but I would try my best to make up for it. Please... Nagmamakaawa ako mahal... Please... just one chance. Iyon lang hinihingi ko sa iyo... Isang pagkakataon. Please..."
Kung kanina ay sure na sure na siyang umalis at iwan ang lalake doon ay agad namang nag-iba iyon nang makita niya ang nakakaawa nitong mukha.
"Please... mahal.", halos pabulong nitong saad bago pinatong ang ulo sa kaniyang balikat at doon umiyak. "Isang pagkakataon lang... please."
One chance.
Ang daling sabihin pero ang hirap ibigay.
Natatakot siya.
Natatakot siyang masaktan ulit.
"Please... please... please...", paulit-ulit na bulong ni Celso na nagpatunaw ng galit at sakit sa puso niya. Para bang hindi ito titigil sa pagmamakaawa hangga't hindi siya pumapayag.
He sound so desperate.
Na para bang ayaw nitong pakawalan siya.
Why?
Why are you acting like this?
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Thank you nga po pala sa mga nag-message sa akin sa FB. ☺️ I'm really greatful for those wonderful and uplifting messages that I got from you.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top