Chapter 57
After ng short picture-taking nila ay pinauna siyang maglakad ni Celso papunta sa bahay habang pinaparada nito ang sasakyan sa may garage nito.
Malapit lang naman ang bahay nito sa may ilog na pinaghintuan nila dahil nga magkatapat lang naman ang mga iyon kaya nilakad na lang niya.
She was waiting for him at the entrance kasi may code ang front door nito.
Habang hinihintay ang lalake ay nilibot niya ang tingin sa buong bahay.
It changed.
A lot.
Wala na ang Spanish-era vibes ng bahay at napalitan na iyon ng mga modern designs. Kahoy pa naman ang main material pero hinaluan na rin ng semento para siguro mas tumibay.
Kinakabahan siyang naglakad papunta sa bandang gilid ng bahay kung saan tanaw dapat ang bahay na bato ni Celso pero iba na ang nakita niya doon.
The stone house became bigger and more modern pero hindi iyon ang pumukaw sa atensyon niya kundi ang glass tube tunnel na dumudugtong sa main house at sa stone house ni Celso na noon naman ay hindi magkadugtong.
The glass tube tunnel is very long dahil may kalayuan rin naman ang bahay ni Celso sa main house. From where she's standing, she can clearly see the furnitures inside dahil nga sa glass lang ito. Ang kada ends naman ng tunnel ay may pintuan kaya naman hindi niya kita ang loob ng main house o ng stone house.
"Mahal? Hindi ka pa pumapasok?", biglang tawag ni Celso sa kaniya na nagpalingon sa kaniya dito.
"Ahh...", panic siyang napalingon sa pintuan bago lumingon muli sa lalake. "May passcode... Hindi ko kaya alam passcode mo.", sagot niya dito dahil talaga namang wala siyang kaalam-alam tungkol sa code ng bahay nito.
"It's your birthday. Sinabi ko kanina.", natatawang saad nito at ito na mismo ang nagpunch ng code.
Tiningnan niya ang code nito at nakumpirmang birthday nga niya iyon.
The door clicked at agad naman itong tumabi para paunahin siyang pumasok.
Nagdadalawang-isip siyang pumasok noong una pero kalaunan ay tinulak niya ang sarili para maglakad papasok. Syempre tinanggal niya ang heels niya sa may pintuan. May shoe cabinet naman doon.
Rinig niya ang pagsunod ng lalake sa kaniya at ang pagsarado nito sa pintuan nang makapasok sila sa loob.
"Wow...", mahinang saad niya sa sarili habang nililibot ang mga mata sa loob ng bahay.
Nakanganga siyang naglakad papaikot sa living room.
The living room has this old but sophisticated look. Iyong tipong hindi mo masasabing old-style pero hindi rin naman fully modern. It sits in between. Sa hula niya ay ganoon rin ang buong bahay.
Unlike before na simpleng kawayang upuan at lamesa lamang ang nasa sala, the living room has now a 43 inch TV mounted on a wall. Sa ilalim nito ay may wooden cabinet kung saan may mga carvings ng roses na naka-display. Ang sofa naman na nakaharap sa TV ay color maroon.
Her favorite color.
"I saw from one of your interviews na gusto mong maroon ang maging main theme color ng future house mo... kaya naman pinalitan ko ang lahat ng gamit at maroon ang piniling maging main color ng furnitures ng bahay.", biglang wika ni Celso sa likod niya. Mukhang kanina pa nakasunod sa kaniya at pinapanood ang reaksyon niya sa bahay.
Nilingon niya ito at nakitang nakangiti lamang ang lalake.
"Do you wanna see the other parts of the house?", tanong nito sa kaniya na agad naman niyang tinanguan.
He just smiled excitedly at kinuha ang kamay niya at pinagsiklop iyon sa kamay ng lalake. Maingat siya nitong hinila papaalis ng living room kaya naman naramdaman niya ang carpet na tumatakip sa sahig nila na noon ay matigas na sahig lamang. The carpet was still maroon.
Una siya nitong dinala sa kwarto kung saan noon ay natutulog si Jose. Celso opened it but he let her go inside first.
Pagkabukas ng pintuan ay automatic na bumukas rin ang ilaw ng kwartong iyon.
"I made it into an entertainment room but it can also be a mini movie theater.", paliwanag ng lalake habang nakalagay sa bulsa nito ang dalawang kamay.
Nanatili ito sa labas habang siya naman ay nilibot ang silid na iyon.
He's right.
It looks like a mini movie theater.
May malaking screen sa harapan habang may mga beanbags na nasa carpeted na sahig. Para siguro sa mga manonood doon. Sa may bandang likuran ng kwartong iyon ay PlayStation set at another two beanbags. Para naman siguro sa mga maglalaro.
"I also heard that you like playing PlayStation games and you would often miss your favorite movies dahil busy na busy ka... kaya naman pinagawa ko ito.", ani ni Celso habang nakatayo pa rin sa may bandang labas.
He researched about that?
"You wanna see your old room?", mahina nitong tanong sa kaniya na tinanguan naman niya kaagad.
She walked out of that room at si Celso na ang nagsarado bago sila pumunta sa dati niyang kwarto.
Para pang nagdadalawang-isip pa ito kung bubuksan nito ang kwarto niya pero kalaunan ay ginawa na nito.
Just like with the other room, agad na nag-on ang lights nang pumasok sila.
What she saw made her heart stilled.
It's a baby's room.
Maroon pa rin naman ang main theme color ng kwartong iyon kaya naman pwedeng-pwede para pang baby boy or girl.
Hesitant siyang pumasok pero nakita na lang niya ang sarili na naglakad papasok doon. She can hear Celso behind her at mukhang tinitingnan kung ano ang magiging reaksyon niya.
"I... I'm sorry if gumawa na ako ng kwarto para sa magiging anak natin pero... I'm just excited, mahal.", para pang nahihiyang saad nito.
'Magiging'.
Hindi pa nito alam.
Hindi pa nito alam ang tungkol sa anak nilang namatay.
Nagi-guilty siyang napalingon dito.
He still doesn't know that she killed their child because of her own negligence.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Pictures to guide your imagination.
(I imagined the glass tube tunnel to look like this but minus the hill-looking part. Like plain tube tunnel lang talaga siya na nagcoconnect sa dalawang house.)
(Ito naman po ang meaning ko sa parang in-between ng old-style at modern-style.)
(Hope this helps with your imagination. Pagpasensyahan na at kulelat si author when it comes to describing the surroundings ng story.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top