Chapter 56
Wow.
That's the only word that she can think of right now.
Hindi pa man niya kita ang buong bahay ay alam na niyang napakalaki nito.
Pagpasok ng sasakyan ni Celso sa loob ay ang familiar na ilog ang nakita niya kaagad. Kung noon ay isang simpleng wooden bridge ang nagkokonekta sa magkabilaang side, ngayon naman ay may bridge doon na gawa sa kahoy pa rin naman pero may mga flowers na nakaukit doon para designs.
Hindi rin papahuli ang paligid ng ilog na dumadaloy sa parteng iyon dahil puno iyon ng nga bulaklak na pwedeng-pwede ilagay sa "aesthetic look" na usually na nakapost sa Pinterest.
That beautiful riverside view was accentuated with ground lights. Iyon yung mga lights na nakabaon na sa lupa at natatakpan lamang ng glass para hindi matapakan. It gave the place a magical feel to it. Hindi kasi masyadong nakakasilaw yung ilaw pero hindi rin naman totally in the darkness iyong lugar.
Didiretso na sana si Celso papunta sa bahay pero agad niya itong tinapik.
"Tigil muna.", mabilis niyang saad habang nakatingin pa rin sa may ilog.
Celso looked at him in confusion but still did what she ordered him to do.
"Bakit mahal?", nagtataka nitong tanong sa kaniya.
"Picture.", tipid niyang saad habang hinahanap ang cellphone niya.
"Ha?", taka pa rin nitong tanong sa kaniya. He was just watching her pat the pockets on her jeans.
"Picturan mo ako.", dagdag niyang ani sabay lingon sa may backseat ng sasakyan.
Lumiwanag naman kaagad ang kaniyang mata nang makita ang shoulder bag na dala-dala niya kanina sa table reading. Mukhang dinala rin ng lalake nang binuhat siya nito papunta sa sasakyan nito.
She immediately rummaged through her bag and grinned when she saw her phone.
Excited siya kaagad lumingon kay Celso.
"Picturan mo ako. Ipopost ko sa Instagram ", tuwang-tuwa niyang wika sabay bigay ng phone niya dito.
Hindi na niya hinintay ang sagot ng lalake dahil lumabas na siya ng sasakyan at excited na lumapit sa may ilog na iyon.
Gosh! Ang ganda ng view! Perfect for my Instagram!
Nililingon-lingon pa niya kung saan ang perfect spot para sa picture niya nang marinig niya ang pagsarado ng sasakyan ni Celso. Mukhang bumaba na ang lalake dahil narinig niya ang paglapit nito.
"Mahal...", tila nag-aalangan nitong tawag sa kaniya.
"Hmm?", tipid niyang sagot sabay tingin dito.
He was scratching his head and looking at her with a face that looked like she just gave him a very hard math problem.
"Hindi ako marunong magpicture...", nag-aalangan muli nitong saad.
Napatawa naman siya dahil sa pinoproblema nito.
"It's easy, Celso. Just follow my orders. Bilis doon tayo banda. Mas maganda lights doon.", nakangiti niyang saad sabay hawak sa kamay nito at hila sa may bridge kung saan makikita ang carved roses na design nito.
Nagpatangay lang naman ang lalake sa kaniya. Mukhang mas nagustuhan pa ang paghawak niya sa kamay nito.
"Ok. Dito tayo.", saad niya sabay pwesto doon sa may bandang gilid ng bridge. Marami kasing bulaklak doon at maganda rin ang lighting.
Celso, however, just stood there awkwardly and looked at her as if asking for help.
Napatawa na naman siya dahil sa mukha nitong parang litong-lito.
"Upo ka.", utos niya dito. Sinunod naman kaagad iyon ng lalake. "Tapos i-angle mo yung camera na pataas. I-make sure mo mataas tingnan legs ko.", dagdag niyang instruct dito.
Kahit pa man nahihirapan ay sinunod ito ng lalake.
"Ganito?", tanong nito sa kaniya na tinanguan naman niya kaagad.
"Sige take a lot of pictures of me. Iibahin ko na lang mga posing ko. Make sure na mataas ako tingnan sa picture... at dapat hindi ako mataba!", pagbabanta niya dito na kinakunot ng noo ng lalake.
"There's nothing wrong with you, mahal. Why do you need to look tall and skinny in your pictures?", tila disapproved ito sa sinabi niya pero pinagpatuloy pa rin ang pagkuha ng litrato niya. "You should always remember na wala akong pakialam kung hindi ka gaanong kataasan at kung tumaba ka man."
Dahil sa sinabi nito ay napatigil siya sa pagposing.
"Well... if I don't look tall and skinny... then people would hate me.", paliwanag niya dito na nagpakunot naman ng noo ng lalake.
"Bakit mo ba kailanganin isipin ang sasabihin ng iba?", he asked while walking towards her. Agad naman nitong inabot ang cellphone niya nang makalapit ito sa kaniya.
"Celso... artista ako... at isa sa inaasahan ng mga tao sa akin ay magmukha akong perfect. That's just how the movie industry is since the very start.", pagtatanggol niya sa sarili habang tinitingnan ang mga kuha nito.
Napatahimik naman si Celso kaya agad niya itong nilingon.
He was looking at her seriously that made her forehead creased in confusion.
"Bakit?", taka niyang tanong dito.
He didn't answer immediately but after awhile ay nagsalita na ito.
"Mahal... alam mo namang pwede kang tumigil sa pag-aartista kapag kinasal tayo ulit. I can provide you with everything you want. Hindi mo na kailangang magtrabaho.", seryoso nitong saad pero agad naman niya itong tinawanan dahil ayaw niya ang kaseryosohan nito.
"Celso... I'm happy being an actress at kaya ko pong buhayin ang sarili ko. I don't need anyone.", nakangiti niyang saad dito.
Mukhang nasaktan naman ito sa sinabi niya pero binalewala niya iyon bagkus ay hinila niya ang lalake papalapit at tinutok ang camera sa kanila.
"Come on, Celso. Pose for the camera. Publicity rin ito for the movie.", pag-iiba niya ng topic habang hinihila pa ang lalake papalapit.
Dumungo naman ang lalake para papaano ay hindi siya magtiptoe. Nang magkapantay na ang mukha nila ay humarap siya dito at hinalikan ang cheeks nito bago pinindot ang button. Agad namang lumabas ang flash ng camera at kinuha ang picture nila.
Natutuwa niyang inalis ang pagkakahalik sa pisngi nito at tiningnan ang kuha ng camera.
"Oohh... We looked good together in this picture.", komento niya dito pero tahimik lang naman si Celso sa tabi niya.
Palihim siyang lumingon muli dito at nakitang nakangisi ang lalake.
Ang daling pasayahin ng lalakeng ito.
"Stop with that foolish grin. Para lang sa publicity ng movie itong picture.", pagpapatanda niya dito bago kinalikot muli ang phone niya.
She applied a little bit of filter on the picture before clicking "post".
Palihim na lang siyang napangiti habang tinitingnan ang picture nila.
Yes. They looked good together. Perfect even.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Sorry po kung maikli lang. Hindi pa po kasi maayos ang pakiramdam ko pero itry kong makatapos ng isa pang chap.
Sa mga hindi pa po nakakakita ng announcement ko po. I said kanina na pinapakiusapan ko po kayo na maging isang responsableng reader. Talamak na po kasi ang illegal distribution ng PAID Stories both in Facebook at YouTube. Let's have some respect to those writers that worked hard for their works. Please report any account that does this illegal action and please huwag niyo pong tangkilikin. Alam ko po ang feeling na gustong-gusto nating makabasa ng PAID Stories pero isipin rin naman natin ang mga authors na naaapektuhan nito. Salamat po talaga! ☺️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top