Chapter 53

FRANZ'S POV

"Can we go back to the hotel na?", bagot na bulong ni Betty sa kaniya.

They just finished with the table reading that took almost 4 hours and are now mingling with the other staffs, actors and actresses. Nakaupo lamang silang dalawa sa may gilid at pinapanood ang mga taong mag-interact sa isa't-isa.

Table reading are usually a good opportunity to know and be close to the people that they're gonna work with. Also, it is used to identify problems in the script that may pose some problems for them while shooting.

Mukha namang wala sa mood ang babae niyang kasama dahil kanina pa ito nakabusangot at ayaw makipag-kausap sa kanino man. Simula pa iyon nang bumalik ito galing sa pakikipagkausap sa direktor.

She looked pissed.

Really really pissed.

He knew why but Betty shouldn't discover that he's working for Kuya Celso. Not yet baka magwala ito.

"Maya-maya na.", tipid niyang sagot dito. "Nakakahiyang umuna ng alis Betty. Tingnan mo nga... narito pa ang lahat.", he pointed out while signalling the crowded room to Betty.

Narinig na lang niya ang inis na pagbuntung-hininga nito bago ipinatong ang ulo sa balikat niya. Mukhang inaantok ang bruha pero no choice ito kundi hintayin kung kailan siya aalis dahil hindi naman ito marunong mag-drive.

Hinayaan na lang niya ito at nilibot ang tingin sa silid na iyon. He quickly saw Kuya Celso watching them. Kitang naiinggit sa kaniya.

Binelatan niya ito para pang-inis sa lalake.

He's gay and Betty leaning her head on his shoulder doesn't mean anything to him but it seemed like Kuya Celso still feels jealous of him.

Sinesenyasan niyang lumapit ito sa kanila pero agad namang may lumapit na babae kay Kuya Celso kaya natanggal ang atensyon nito sa kaniya.

Kilala niya iyon.

That's the girl playing the part of Maria.

Pati ba naman actress ng putang-inang Maria na iyan ay ahas?!

Sinamaan niya ng tingin si Kuya Celso pero agad naman iyong nawala nang makitang tipid lang na nginitian nito ang babae at umiling-iling dito. Mukhang may sinabi ang babae kay Kuya Celso na inayawan naman nito.

After the girl disappointedly walked away from Kuya, he immediately focused his attention back to them. Mukhang gustong-gusto talagang lumapit.

Sinenyasan niya itong muli na lumapit pero sumenyas lang ito pabalik na mamaya na lang daw.

Naku ako ang naiistress sa lovelife nitong dalawa!

He sneakily peeked towards Betty's leaning form and saw her asleep on his shoulder.

Mukhang pagod ang gaga siguro dahil hindi nakatulog sa mga sunod-sunod na sorpresa ni Kuya kagabi. Siya pa naman ang nakipag-coordinate sa hotel manager para maayos ang mga mamahaling gamit doon sa hotel room ni Betty.

Pinakiramdaman niya muna kung malalim na ang tulog ni Betty bago muling sinenyasan si Kuya Celso.

"Tulog na.", he mouthed at him and that seemed to be the go signal for Kuya Celso because he immediately stood up and stride towards them. Ang laki ng ngiti sa labi ng lalake.

Hindi halatang excited no?

Nang makalapit ay unti-unti naman itong bumagal sa paglalakad para siguro hindi makalikha ng ingay at baka magising pa ang gaga.

Kuya Celso lovingly scooped Betty on his arms and glanced at him briefly to mouth the words "Thank you." before walking directly towards the exit.

Naku iyan lang naman ang pinunta nito dito.

Napa-crossed arms siya habang tinatanaw ng tingin ang dalawa.

They are both wearing white T-shirt and white washed jeans that made them looked like a couple. Pinagtitinginan na nga ang mga ito ng iba pang casts pero wapakels ang lalake.

Si Kuya Celso dapat sisihin sa mala-couple outfit ng dalawa.

Aba't ilang ulit itong tawag ng tawag sa kaniya kaninang umaga at tanong ng tanong kung ano ba daw isusuot ni Betty sa table reading.

Ano namang ideya ko kung anong isusuot ni bruha ngayong araw?!

Pero dahil nga sa ilang ulit siyang kinukulit ni Kuya kaya naman hinintay niyang makapagbihis si Betty at agad namang tinext iyon kay Kuya. Tama nga ang hinala niya na ang rason kung bakit ito late ay dahil sa naghanap pa ito ng kaparehas na damit para maisuot.

Tsk. Inlove eh. Hayaan na lang.

Goodluck na lang kay Betty dahil puno ng couple outfits ang bahay ni Kuya. Pagkatapos itong maturuan ng cousin niya na si Jason na mag-online shopping ay kung ano na ang naisip nitong pagbibilhin. Mostly doon ay mga couple outfit. Naghahanda na ang gunggong.

Palihim na lang siyang napatawa habang tinatandaan ang pagdating ni Kuya Celso dito.

They already knew he was coming. Kabilin-bilinan kasi ng papa ng lolo niya na si Lolo Jose na dapat nilang tulungan si Kuya Celso pagdating nito sa panahon nila.

Utang nila ang magandang buhay na kinalakihan nila dito.

The money used for the different businesses there family owned are from Kuya Celso. Kaya kung susumahin ay kay Kuya Celso talaga ang lahat ng ari-arian nila. Ngunit mabait si Kuya at hindi iyon kinuha sa kanila. In fact, humingi lang ito ng shares sa kada business nila pwera na lang sa engineering firm na nirequest nitong ito mismo ang mamahala.

They're alright with it. Sa katunayan dapat pa silang maging thankful kay Kuya dahil hindi nito kinuha ang lahat ng pagmamay-ari nito na nasa kanila ngayon. Tinatapos na lang ni Kuya ang college degree nito at didiretso na sa masteral at ito na ang full na mamamahala sa firm.

Napabuntung-hininga siya habang iniisip ang tatlong taong paghihintay ni Kuya.

He's been here already for two years before Betty went to the past and then he has to wait for another year after she came back because that was Direct Percy's orders.

Kaya naman hindi niya ito masisisi kung masyado itong excited na makasama ang babae. Saksi siya sa lahat ng efforts ni Kuya. Ang mga roses na pinapadala nito sa kaniya para mailagay niya sa condo ni Betty. Ang pagsalo nito sa lahat ng gulo na kinakasangkutan ni Betty lalong-lalo na kapag may kailangang bayaran o may demandahan.

He can still remember when a magazine company said that they're gonna sue Betty for saying no to the planned photoshoot on the last minute. Hindi niya mahanap ang babae and it turns out that she forgot about the shoot despite his reminders and went out clubbing the night before.

Si Kuya ang nag-settle lahat ng iyon para hindi makasuhan si Betty pero ang gaga naman ay akalang siya ang umayos ng problemang iyon.

Sabagay hindi pa naman nito kilala si Kuya Celso at that time kaya siguro hindi ito naghinala.

The greatest sacrifice that he saw Kuya Celso did was him just turning a blind eye to Betty sleeping with different guys for three years.

Three years itong nagtiis dahil alam nitong wala pa itong karapatan. Hindi pa ito kilala ni Betty kaya walang obligasyon ang babae dito. Nang makabalik naman ang babae mula sa nakaraan ay pinigilan si Kuya ni Direct Percy dahil hindi pa daw tamang panahon para magkitang muli ang dalawa.

It has been a long three years for all of them pero at least may reward siyang nakukuha kay Kuya Celso kada taon na tumatagal siya as a manager for Betty.

The first year that he became Betty's manager, he asked Kuya Celso for a limited edition branded bag. The next year naman ay pink Lamborghini at ngayong taon ay house and lot ang ibibigay sa kaniya ng lalake.

Oh diba bongga! Worth it ang pagtitiis ko sa kamalditahan ng pinakamamahal nitong asawa.

"Nakaalis na sila?", biglang saad ni Direct Percy sa tabi niya na nagpabigla naman sa kaniya.

Agad naman siyang nakabawi sa pagkagulat at tumango sa matanda.

This old man gives me the creeps.

Bigla naman sumigaw ang matanda para marinig ng lahat.

"Everyone! You can go home now!", sigaw nito na nagpalingon sa lahat.

Everyone immediately started saying goodbye to each other after hearing that. Kasabwat nila kasi ang lahat.

Binayaran ni Kuya Celso ang buong staff at casts para hindi umuwi hangga't hindi pa nila sinasabi.

Iyon lang kasi ang paraan para hindi rin umuwi kaagad si Betty. Plano na talaga ni Kuya na makatulog muna si gaga para hindi magwala sakaling dalhin na nito sa bahay nila.

Syempre kung makita ni Betty na may uuwi ng maaga ay talagang mapipilit siya nitong bumalik na sa hotel kaya dapat walang uuwi ng maaga.

Malakas siyang muling napabuntung-hininga bago inabot ang kaniyang bag. Babalik na siya sa hotel. Magpapahinga siya.

Hay sana all may nagmamahal...

Pagkatapos talaga ng lahat ng ito ay maghahanap siya ng boylet.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Hi everyone! Just wanna give some informations about table reading.

table read (also known as a read-through) is an organized reading of a script in which the speaking parts, stage directions, voiceover, and scene headings are read out loud.

Kaya kung mapapansin niyo guys na if ever may controversial lines o di kaya scenario sa isang movie o teleserye ay lahat damay kahit mga artista. Some people would say "Artista lang sila. They don't write the script."

Well yes, hindi sila ang nagsusulat pero they can point out things that they don't like in the script during table reading. Kaya one way or another may idea sila about sa mangyayari sa script.

Pero may mga instances na hindi sinasabi ng mga writers sa actors/actresses ang mangyayari kaya minsan wala silang kaideya-ideya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top