Chapter 51

She froze upon hearing that familiar voice. Even his warm breath fanning on her right neck is so damn familiar.

No way! No! That's impossible!

Hindi niya kayang lumingon sa likod niya dahil hindi niya alam kung anong gagawin o kung ano ang dapat maramdaman sakaling si Celso nga ang nakatayo doon.

Dahil sa nakaharap pa naman siya kay Direct Percy kaya agad niyang nakita ang pag-smirk nito na para bang tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari. Palipat-lipat lamang ang paningin nito sa kaniya at sa lalakeng nakatayo sa likod niya.

"Doon kayo mag-usap sa may meeting room. Just don't take too long. Magsisimula na ang table reading maya-maya", nakangiting saad ng matandang direktor bago naglakad papunta sa iilang producers na kausap na pala ngayon ni Franz. Ni hindi man niya lang napansing umalis pala si Franz sa tabi niya kaninang nag-uusap sila ni Direct Percy.

Suddenly, she felt the man standing behind her enclosed his hand on hers before pulling her towards a wooden door. Dahil sa paghila nito sa kaniya ay doon na niya sa wakas nakita ang lalake.

Una itong naglalakad sa kaniya at nalilito pa rin siyang nakasunod lamang dito kaya naman bandang likuran lang nito ang kita niya.

He's wearing a white T-shirt and white washed jeans that looked exactly like her own outfit except that it's more manlier. Mukha tuloy silang dalawang naka-couple outfit.

Hindi niya pa kita ang mukha nito pero nahagip ng paningin niya ang stubbles nito.

She remained speechless until he pulled her towards the room where Direct Percy said they could talk earlier. Hula niya ay iyon ang lugar kung saan gaganapin ang table reading dahil maayos na nakapwesto na doon ang maraming upuan na nakapalibot sa isang malaking lamesa. May folders rin na nakapatong doon pati na rin mga nameplates para malaman kung saan uupo ang lahat ng kasama sa table reading.

Maingat siya nitong tinulak papasok at nang nasa loob na silang dalawa at malayo sa mga mapanghusgang mata ng mga tao ay isinandal siya nito sa pintuan at agad na niyakap.

She immediately gasped when he buried his nose on her neck and started crying sliently there.

Ang mahina nitong hikbi ay mas lumakas hanggang sa naging hagulhol na iyon. Both of her hands remained on her side and she didn't hugged him back.

Why is he here?! Most importantly... why is he crying like a lost man?!

Tila nagising siya sa isang mahabang panaginip nang mas humigpit ang yakap nito sa kaniya. Agad-agad niyang pinilit na tanggalin ang kamay nitong nakapulupot sa kaniya pero napakalakas ng lalake dahil hindi ito natinag.

"Get off me, asshole!", inis niyang saad habang pilit pa ring tinatanggal ang pagkakayakap nito sa kaniya.

"I miss you so fucking damn much, mahal.", hikbi nitong bulong sa may leeg niya. Ramdam pa niya ang pagtulo ng mga luha nito sa balikat niya. Sa tingin niya ay basa na ang damit niya dahil dito.

Miss her?!

Napakuyom siya sa kaniyang kamao bago ito marahas na tinulak at agad na sinampal.

Malakas ang pagkakasampal niya dito dahil rinig na rinig sa buong silid na iyon ang tunog na nilikha niyon.

Habol-hininga siyang nakatingin dito na para bang galing siya sa isang marathon.

Sa unang pagkakataon simula nang marinig niya ang boses nito ay sa wakas napagmasdan na niya ang mukha nito ng mabuti.

He was looking at her directly despite the red mark that her slap left. His eyes full of longing and sadness. Parang gusto pa nga nitong lumapit sa kaniyang muli pero pinagbantaan na niya ito.

"Sige kung lumapit ka pa ay sisigaw ako ng rape!", pagbabanta niya sa lalake na nagpatigil naman dito.

He looked the same yet also different. Mas mukha itong nagmature. His stubbles may be the reason why since he was always clean-shaven before. Sophisticated na rin ang pananamit nito at nahagip pa ng mata niya ang Rolex watch nito at Armani shoes. His fucking American accent just added to that freaking appeal.

"Ma-Mahal...", he softly said while looking at her with his damn soulful brown eyes.

"Why the fuck are you here?!", naiinis niyang tanong. "Iniwan ka na ba ng Isabel mo kaya ako ang binubulabog mo?!", dagdag niyang tanong na agad na nagpalamlam sa mga mata nito.

"Nandito ang Isabel ko kaya nandito rin ako.", he replied while trying to come near her again. He's acting like someone drowning who's desperate for a breath of air or a dying man on a desert desperate for a single drop of water.

She immediately walked towards the other side of the room away from Celso. Ayaw niyang mapalapit sa lalake. Nanghihina siya.

"Cut the crap, Celso! Wala si Isabel dito! Go back to the past and live happily ever after with her!", may halong sakit na sabi niya.

The memories flooded back in her mind but she remained strong with her chin high up. Hinding-hindi siya iiyak para dito.

Never again.

"Hinding-hindi ako babalik doon dahil nandito ang kasiyahan ko.", matatag nitong sagot habang seryosong nakatingin sa kaniya. "Nandito ka.", halos pabulong na nitong dagdag.

Napakagat siya sa kaniyang labi para pigilan ang sarili mula sa pag-iyak.

"Kasiyahan?! Nagbibiruan ba tayo dito Celso?!", she sarcastically laughed while pacing back and forth. "AKO ang Isabel mo?!", she mockingly added.

Malakas siyang napabuga ng hangin bago ito masamang tiningnan muli.

"Hindi iyon ang naramdaman ko nang mga huling sandali na nandoon ako.", she angrily pointed out.

He didn't made her feel that she's the only one. Dumating lang ang Mariang iyon ay nawala na siya sa isipan nito.

She was thrown away like a piece of trash.

He taught her how to love but he was also the one who made her hate that fucking word.

Kita niya ang tila internal conflict sa loob ng utak ni Celso. He looks like someone who wants to do or say something but he can't because something is holding him back.

He frustratedly ruffled his hair before speaking.

"Magpapaliwanag ako Isabel... pero hindi muna ngayon... Hindi pa pwede.", parang nahihirapan nitong pangako sa kaniya at muli na namang sinubukang lumapit sa kaniya. He's so desperate to hold her.

He was about to pull her into a hug again but she avoided his grasp. Lumayo siyang muli dito at sinigurado niyang may enough distance sa kanilang dalawa.

Nagtitimpi siyang tumingin dito ng diretso bago nandidiring nagsalita dito, "Don't ever touch me. Nakakadiri ka."

Agad na bumalatay ang sakit sa mga mata nito na nakapagpatahimik sa lalake.

"You can call me a slut or a whore for sleeping with dozen men but fucking another woman in our own marriage bed is far more worse than what I did.", pigil iyak niyang saad habang dinuduro ito. "Sana sinabi mo na lang na ayaw mo na sa akin... Para naman nakapaghanda ako... Para naman bumitaw na ako bago pa ako tuluyang nasaktan ng sobra-sobra."

"It's not like that, mahal. I can explain.  I promise that I would but I can't do it right now. Please just give me a chance.", tila papaiyak na rin nitong pagmamakaawa sa kaniya. "Babawi ako please.", nagsusumamo nitong dagdag sabay luhod sa harapan niya.

He looked so rich and powerful in this timeline but now he only looked like a dog desperate for his owner's attention. Buti hindi ito kumapit sa mga binti niya dahil sigurado siyang tatadyakan niya ito.

"Your explanations are worthless if I choose not to listen to them. Hindi mo na ako mauuto. I won't fall for your lies.", she said, hatred laced on her voice.

Nilagpasan niya lamang ang nakaluhod nitong porma bago naglakad diretso sa pintuan. Bago pa man niya mabuksan ang pintuan ay narinig niya itong muling nagsalita.

"Montallana ka pa rin, Isabel.", he said that made her whirl back to look at him again.

The hell?! Pagkatapos nitong lokohin siya ay ito pa ang may ganang sabihin na mag-asawa pa sila?! Shouldn't he be pushing their separation para sumaya na ito kasama si Isabel?!

Nang makalingon na siya dito ay nakita niyang nakatayo na ito at nakatingin sa kaniya ng diretso.

Her forehead creased in confusion while muttering, "What?!"

"Asawa pa rin kita.", tipid nitong saad pero mahihimigan ang confidence ng lalake. Para bang may plano na itong naisagawa at confident itong wala na siyang kawala.

"Noon iyon hindi ngayon.", inis niyang sagot.

The past is different as well as the future. Their marriage was not valid anymore.

"You're still married to me in this timeline. I made sure of that.", he said while walking towards her.

Wait. What?! Am I married to him in this timeline, too?!

Tumigil ito nang magkatapat na sila at dumungo para magkapantay ang kanilang mga mata. "Our house is waiting for you, mahal.", he whispered before kissing her forehead and wiping her tears away.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top