Chapter 49
"The roses on the backseat are for you. Nakita ko kanina sa bahay mo nung nag-empake ako ng gamit mo.", imporma sa kaniya ni Franz habang nginunguso pa ang likod ng sasakyan habang nagda-drive ito.
He picked her up earlier and they are now heading to the airport. Lilipad na sila papunta sa San Juan mamaya pero wala doon ang isipan niya kundi sa lalakeng nakabangga niya kanina sa elevator.
No.
That can't be.
Why would he be here?
Walang pwedeng dahilan si Celso para pumunta sa hinaharap. Wala si Isabel dito.
Maybe mali lang ang pagkakadinig niya kanina sa lalakeng nasa elevator.
Maybe ibang lalake iyon pero dahil binabangungot pa rin siya ng nakaraan ay nai-imagine niya ang dating asawa sa kahit sinong lalake.
Napalingon naman siya kaagad sa bungkos ng rosas na nakapatong sa backseat ng kotse ni Franz.
Fifteen.
Fifteen roses iyon.
Agad namang nag-flashback sa isipan niya ang labing-limang araw na panliligaw sa kaniya ni Celso noon.
Labing-limang beses siya nitong binigyan ng rosas araw-araw.
Fifteen.
It's such a simple number but it holds a lot of memories for her.
Bittersweet memories.
Palihim niyang pinahid ang luhang pumatak mula sa kaniyang mata at itinuon muli ang paningin sa labas ng sasakyan.
Hindi na niya dapat iyakan ang lalakeng iyon. Nakamove-on na siya. Hindi na niya mahal ang lalake. Nakabalik na nga siya sa dati niyang buhay.
Partying.
Getting drunk.
Fucking random guys.
She's back to normal. She's doing alright.
Imposible talagang si Celso iyon.
Ano namang gagawin ng lalake dito?!
She's out of the picture so he should be happily married to Isabel. Baka nga marami na ang mga anak ng mga iyon.
Instinctively, agad siyang napahaplos sa kaniyang manipis na tiyan.
Anak...
Her baby died.
Akala niya ay mamamatay ang kaniyang anak kapag tumalon siya sa bell tower ng San Juan. Kaya naman nang nakabalik na siya sa panahon niya ay hindi man lang niya naisip ang batang nasa sinapupunan niya na buhay pa pala at nadala niya dito.
She got depressed after she came back.
She can't eat because she'll just throw it up.
She can't sleep because those hurtful memories kept on haunting her.
She cried nonstop in hopes that the pain would go away.
Napabayaan niya ang sarili at iyon ang naging dahilan kung bakit nahulog ang anak niya.
She didn't knew that she was still pregnant.
It's my fault... It's all my fault.
Hanggang sa kamatayan ay dadalhin niya ang guilt na iyon. Naging pabaya siyang Ina. Tanging sarili niya lang at ang sakit na nararamdaman ang kaniyang inisip.
"Are you all right, Betty?", tila nag-aalalang tanong ni Franz sa kaniya. Ilang ulit siya nitong tinitingnan tapos ay ibabalik ang atensyon sa daan.
Ang biglaan nitong pagsasalita ang pumutol sa iniisip niya kaya naman napansin niyang may tumutulo na namang luha mula sa kaniyang mata.
"Yes.", tipid niyang sagot sabay pahid muli sa kaniyang pisngi.
I just need to fucking finish this historical movie and I would be able to go back to my normal life again.
After this movie, she would cut all of her ties in this country. Hinding-hindi na siya muling tatapak ng Pilipinas.
Just this one movie and she'll be free.
Napapikit siya at pinatong ang ulo sa bintana ng sasakyan. She reassured herself while doing that.
It's not Celso. He would never come here because he doesn't love her.
Tama. Ilusyon lamang ang pagmamahalang inakala niyang meron sila.
A beautiful illusion full of lies.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Nang makalapag na ang sinasakyan nilang eroplano sa airport ng San Juan ay agad silang dumiretso sa hotel na tutuluyan niya habang tinatapos pa ang filming ng movie.
"Reservations under the name of Beatrice Ramirez.", rinig niyang imporma ni Franz sa babaeng nasa front desk ng hotel. Agad namang tiningnan ng employee kung may reservations nga sila bago tinawag ang dalawang bellboy na nakaabang sa gilid para tulungan sila sa kanilang mga bagahe.
Those two barely-adult guys walked hurriedly to them and took their baggage before ushering them to the elevator.
Ramdam niya ang pagtitinginan ng mga taong nadadaanan niya pati na rin ng mga iilang employee ng hotel.
She's still a former actress in this country kaya naman talagang makikilala pa rin siya ng mga tao. Idagdag pa diyan ang pag-announce na siya nga ang napiling actress para sa iconic historical movie ng lugar na ito. Talagang laman-laman siya ng balita sa San Juan.
When she got inside her hotel room, the first thing she saw was another bouquet of roses.
Fifteen roses to be exact.
Tinapon niya kanina sa basurahan ng airport ang roses na sabi ni Franz ay nakita nito sa bahay niya pero heto at mayroon na namang panibagong bouquet.
Inis siyang lumapit sa kama kung saan nakapatong iyon at nakita ang card na nakaipit sa mga bulaklak.
She picked it up and opened it.
'Welcome home, mahal.'
Dahil sa nabasa ay mabilis niya iyong nilukot at tinapon sa sahig. Nanggagalaiti niya itong tiningnan.
Fucking shit! Is Direct Percy pranking me?!
Gusto na naman ba siya nitong saktan kaya siya nito binibigyan ng pag-asa na baka sinundan siya dito ni Celso.
Gusto na naman ba ng direktor na paglaruan ang feelings niya.
Galit siyang napalingon muli sa mga rosas at marahas iyong kinuha bago naglakad papalabas ng kaniyang hotel room at pumunta sa kabilang room kung saan nakacheck-in si Franz.
She aggressively knocked on his door and when he opened it, she immediately shove the flowers to him.
"Throw that away.", galit niyang saad bago naglakad pabalik sa kaniyang room.
Padabog niyang sinarado iyon at nanggigigil na napaupo sa isa sa mga sofa doon. Napasabunot siya sa kaniyang buhok dahil sa frustration.
Ito ba ang gusto ng matandang direktor?!
Ang saktan siyang muli?!
Ang pagtawanan siya at kutyain dahil hanggang ngayon ay apektado pa rin siya?!
Well then, she'll show him that she's not affected anymore.
Wala na si Celso para sa kaniya.
Her love for him was long gone.
Wala na.
Tapos na ang katangahan niya.
Even if Celso magically appeared right now, she still won't feel anything for him. Yet that thought alone would be impossible. Celso won't ever come here.
Dahil hindi siya si Isabel.
Hinding-hindi siya magiging si Isabel.
°′°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Hi guys! May FB nga po pala ako sa mga interested lang na makipag-interact sa akin. ☺️ Nasa profile ko po yung link. Just add me at i-accept ko po kayo. Mabait po ako. Promise! 😆
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top