Chapter 46

HORATIA'S POV

"Isagani...", tawag niya sa asawa para makuha ang atensyon nito mula sa daang tinatahak nila.

Kasalukuyan silang nakasakay sa kalesang patungo sa bahay ni Celso Montallana. Hinayaan niya munang ma-settle ang problema nina Analyn at Anwar bago harapin naman ang problema ng bestfriend niya na si Betty.

Seriously, she felt like a love guru dahil siya ang taga-ayos ng problemang pag-ibig ng mga nakapaligid sa kaniya.

Or maybe because she's really that old that made her feel maternal towards other people.

Napabuntung-hininga siya sa naisip.

Lumalabas na naman ang pagiging lola ko...

Kung noon ay iniiyakan pa niya ang mga taong tumanda siyang mag-isa na wala si Isagani sa tabi niya ngunit ngayon ay tinatawanan niya na lamang ang mga iyon.

Growing old taught her a lot of things and made her more mature when making decisions.

"Horatia?", rinig niyang tawag naman ng asawa niya sa kaniya. "May itatanong ka?", nagtataka nitong tanong.

She nodded her head before saying out loud the question that has been baffling her mind ever since she found out that Betty went back to the future.

"Naitanong mo ba kay Celso kung anong nangyari? Bakit siya iniwan ni Betty? O paano nakabalik si Betty sa hinaharap?", sunod-sunod na tanong niya dito na agad namang sinagot ng asawa sa pamamagitan ng pag-iling.

Her husband already visited Celso with Analyn in tow. Iyon yung mga panahon na nagkapalit sila ni Analyn ng katawan at naghahanap ito ng solusyon para maibalik siya.

Ang tanging ikinuwento ng asawa niya sa kaniya ay iyak lang daw ng iyak si Celso at kinulong ang sarili sa bahay nito.

Malakas siyang napabuntung-hininga dahil sa kawalan ng ideya sa mga pangyayari.

Somehow, she felt guilty...

Hindi man niya lang naisipang puntahan ang kaibigan ng personal.

Hindi niya naitanong dito kung ano bang problema nito. Ni hindi niya man inisip kung totoong ayos lang itong maiwan sa pangangalaga ng Montallanang iyon.

She really need to know what happened.

Agad namang sinabi ni Isagani na malapit na sila nang may matanaw siyang bahay na napapalibutan ng mga punong-kahoy. Sa katunayan ay nasa gitna ng gubat na ang bahay na iyon dahil natatandaan niyang lumiko sila sa kakahuyan kanina.

Nang makalapit na sa bahay ay agad naman siyang tinulungang pumanaog ni Isagani. He also guided her when they crossed the tiny bridge leading to the house.

Tahimik ang paligid nang tuluyan na silang nakalapit sa bahay. Parang walang tao doon kaya nagdesisyon siyang kumatok sa pintuan.

She choose to knock on the main house rather than go directly to the small stone house because the latter looked so grim. Para bang may buhay ang bahay na iyon at nagsasabing malungkot ang taong nasa loob nito.

"Tao po?", malakas niyang ani habang patuloy na kumakatok sa harapang pintuan.

Pagkalipas ng ilang minutong pagkatok ay may narinig silang kaluskos mula sa loob at yabag ng mga paang nagmamadali.

A young man opened the door in a hurried way. Mukhang kilala na nito si Isagani dahil agad niyang nakita ang recognition sa mga mata nito nang napalingon ito sa kaniyang asawa. He seemed to also recognize her that made her a little bit confused but she figured that this man already saw Analyn's body when she went here with her husband.

"Ginoong Isagani!" gulat nitong saad. "Bakit po kayo napabalik muli dito?", nagtataka nitong tanong na may bahid ng pagod sa tono nito.

"Si Celso... Gusto namin siyang makausap.", agad namang sagot ng asawa niya. "Hinahanap namin si Beatrice.", dagdag nitong saad na nagpalungkot naman kaagad sa mukha ng binatang nasa harapan nilang mag-asawa.

Noong una'y parang hindi pa nito alam kung ano ang sasabihin o gagawin para masagot ang tanong ni Isagani pero kalauna'y pinasunod sila nito papunta sa likod ng bahay.

Nagtataka silang nagkatinginan ni Isagani dahil sa inaasal ng binata ngunit walang reklamo silang sumunod dito.

The young man took them to a very beautiful garden at the back of the house. Hindi iyon kita mula sa harapan kaya naman wala siyang kaide-ideya na may ganoon doon.

Different tropical flowers can be seen all over the garden but one part of the garden caught her attention.

Puno iyon ng mga rose bushes kaya't malalaman na mahilig sa rosas ang nagmamay-ari ng garden na iyon. Ngunit hindi ang mga rose bushes ang nakakuha ng atensyon niya...

A grave is in the middle of it.

Napakapit siya ng mahigpit sa asawa nang paunti-unti ay nababasa na niya ng maayos ang nakaukit doon dahil sa paglapit nila.

Beatrice Isabel Ramirez Montallana

Oh God! No!

Napatakip siya sa kaniyang bibig at agad niyang naramdaman ang pagyakap ni Isagani sa kaniya para masuportahan siya dahil parang matutumba na siya.

Tumungo naman ang kaniyang mga mata sa mga salitang nakaukit sa ilalim ng pangalan ng kaniyang kaibigan.

"Aking minamahal na asawa, susundan kita."

Asawa?

Sinong asawa ni Betty?

Nabaling ang kaniyang atensyon sa isang hukay na katabi ng libingan ni Betty.

Napakunot naman ang kaniyang noo dahil doon. Mukhang nakita naman kaagad ni Jose ang kaniyang pagtataka dahil agad itong nagsalita.

"Si Kuya Celso po ang naghukay niyan.", tila pabulong nitong imporma sa kaniya.

Her head immediately piece every information together and finally realized that Betty and Celso got married.

Ang hukay na katabi ng libingan ni Betty ay para kay Celso.

Is he planning to kill himself?

Jo-Jose... ano bang nangyari? Bakit namatay si Betty?", nanginginig pa niyang tanong sa binata.

Kahit na nag-aalangan ay ikinuwento ni Jose sa kanila ni Isagani ang lahat.

Ang awa na naramdaman niya kanina para kay Celso ay biglang nawala at napalitan ng pagkamuhi. Unti-unti niyang kinumo ang kamao at hinanap kay Jose ang Mariang sinasabi nito sa kaniya pero ika ng binata ay bigla na lang daw nawala ang babae matapos ang nangyari.

If that bitch isn't here then I should settle for the cheating bastard himself!

Galit siyang naglakad patungo sa bahay ni Celso ngunit agad siyang pinigilan ni Jose na ikina-inis naman niya.

"Bakit ba pinipigilan mo ako?!", asik niya dito na nagpatakot naman sa lalake. Mukhang napansin iyon ni Isagani dahil agad siya nitong nilapitan at pinakalma.

"Binibining Analyn... masangsang po kasi ang loob ng bahay ni Kuya...", takot nitong wika na nagpalito naman sa kaniya.

"Ha? Bakit?", taka niyang tanong dito.

"Matapos po kasing mahulog ni Binibining Beatrice sa tore ng simbahan ay dinala po siya ni Kuya sa bahay nito... Tatlong araw po niyang tinago ang patay na katawan ni Binibining Beatrice sa loob... Iniiyakan... Kung hindi pa nga po dumating ang kaniyang Ama kasama ang ilang kawal ay hindi po makukuha si Binibining Beatrice.", mahaba nitong paliwanag sa kaniya.

Iniiyakan?!

At may decency pa itong umiyak?!

Matapos ng lahat ng ginawa nito?!

Despite hearing Jose's explanation, she still firmly trudged towards the small stone house and opened it harshly. Lumikha ng malakas na ingay ang pagbukas niya ng pintuan pero hindi man lang natinag ang lalakeng nasa loob dahil sa biglaan niyang pagpasok sa bahay.

Nakakaawa itong tingnan.

He was lying down on a cocoon form while hugging a Filipiñiana stained with blood. Ang kinahihigaan nito ay isang banig lamang na may puting hanig ngunit hindi na makikita ang kaputian niyon dahil sa mga natuyong dugo na nakadikit na sa tela.

It smells horrible inside.

She doesn't need to be a genius to figure out that the Filipiñiana that Celso is holding was Betty's dress when she died and the white sheet indicated na doon hiniga ng binata ang duguang babae nang dinala nito iyon dito at itinago. Not wanting anyone to get Betty's body away from him.

Hindi na siya nagtaka na sa banig lang ito nakahiga ngayon dahil bago siya makalapit sa bahay nito ay nakita na niya ang sirang kama sa labas na parang tinapon ng lalake doon.

Mukhang na-guilty pa ang puta dahil sa mismong kama pa nilang mag-asawa ito nakipagtalik sa ibang babae.

"Hoy Montallana! Tumayo ka diyan!", sigaw niya sa nakalukong lalake. Hindi siya naaawa dito kahit pa man naririnig pa niya ang mga hikbi nito.

Hindi siya nito pinansin at patuloy pa rin sa pag-iyak nito.

"May alam akong paraan para makita mong muli si Beatrice.", malakas niyang saad na agad namang nakakuha sa atensyon ng lalake dahil mabilis itong lumingon sa kaniya.

Anwar can help Celso.

Ipinangako ni Analyn sa kaniya bago ito bumalik sa nakaraan na babalik sila pagkatapos nitong manganak para naman makilala nila ni Isagani ang anak nila ni Anwar.

But she won't ask Anwar to help Celso.

No. He deserves what he's going through right now.

She immediately smirked upon seeing his reactions.

"Ngunit hindi kita tutulungan...", dagdag niya nang makita na ang buong atensyon nito ay nasa kaniya na. "Ang bagay sa mga lalakeng katulad mo ay magdusa. Walang kapatawaran ang ginawa mo sa kaibigan ko! Tandaan mo Montallana na hanggang sa libingan ay dala-dala mo ang kahihiyang ikaw mismo ang gumawa!", sigaw niya sa lalake bago tumalikod at naglakad papalabas.

Nadaanan niya si Isagani na nakatingin kay Celso. Ang mukha nito ay puno ng awa kaya naman agad na niya itong hinila.

Cheaters doesn't deserve any remorse.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Please understand Horatia. Galit lang siya at hindi niya alam ang buong story. ☺️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top