Chapter 44
BETTY'S POV
She looked up at the bell tower in front of her.
It's tall and very menancing to look at, imposing it's great height on her. The somewhat dilapidated, weatherbeaten and tumbledowned image it portrays doesn't comfort her. In fact the old building looked like it was alive as if it's intimidating her.
Para bang alam ng simbahan na doon siya magpapakamatay at pinagbabantaan siya nitong hindi ganoon kadali ang pinaplano niya.
Her breathing became more heavy when she saw the churchgoers leaving the premises of the building.
Maaga siyang pumunta dito ngunit hindi siya kaagad naka-akyat sa bell tower dahil may misa kanina at tiyak na makikita siya ng mga nagsisimba na aakyat sa tore na iyon. Nasa loob kasi ang hagdanan papataas kaya naman matiyaga siyang naghintay sa labas.
Kanina ay malakas pa ang loob niya at talagang determinado siyang gawin ang pinaplano pero ngayong pinapanood niyang unti-unting nagsisi-alisan ang mga tao ay parang nabahag ang buntot niya.
"Ang pagpapakamatay mo ay isang malaking pagsasakripisyo."
Iyon ang mga katagang sinabi ng matandang direktor sa kaniya kanina.
He told her that her death would change Celso's fate.
Ikinuwento nito sa kaniya ang ending ng script.
Celso would commit suicide but that wouldn't happen if she die now.
Ang sa totoo niyan ay matagal ng pinaplano ni Celsong magpakamatay pero naglaho ang planong iyon nang dumating siya lalong-lalo ng maging mag-asawa sila.
Somehow, she felt comfort with the fact that he loved her even a little bit.
Loved.
Past.
Noon hindi ngayon.
Mapait siyang napangiti.
He might be in their house...
No.
It's no longer her house.
He might be in HIS house cuddled with Maria, enjoying the warmth of each other.
Buong gabi siyang umiyak pero ngayon ay unti-unti na namang tumutulo ang kaniyang mga luha.
Nandoon ang dalawa sa kama NILANG mag-asawa.
What happened to us, Celso?
Diba masaya naman tayo noon?
Why did you changed all of a sudden?
Fate.
Iyon ang sinabi sa kaniya ni Direct Percy sa kaniya kanina.
Kahit anong gawin natin ay hindi maiiba ang tadhana.
"Tadhana mong mamatay sa panahong ito, Betty."
That's what he told her.
Iyon lang daw ang rason kung bakit siya nandito.
In order to change Celso's terrible ending, someone has to shoulder his fate. Kailangang may mamatay ngayong araw sa bell tower na iyan para maiba ang tadhana ni Celso.
Saving Celso by dying on his stead would also take her back in her original time. Just like hitting two birds with one stone.
Malakas siyang napabuntung-hininga nang magsimula na siyang maglakad papalapit sa simbahan.
Every step felt like walking on fire or broken glasses.
Sinasabi ng puso niyang tumigil siya ngunit ang rasyonal niyang isip ang nagtutulak sa kaniyang magpatuloy sa paglalakad.
She peered inside and saw no one. Mukhang nakalabas na nga ang lahat ng nagsisimba at namamahinga na ang pari pagkatapos ng misa.
She carefully walked towards the left side of the church where the entrance of the bell tower is located. Paminsan-minsan siyang lumilingon sa mga imahe ng mga santos at ang malaking krus na nasa harapan ng simbahan. Para bang pinagmamasdan ng mga iyon ang bawat galaw niya.
Judging her.
Nang makalapit sa hagdanan ay nanginginig siyang nagsimulang maglakad papataas. Humawak siya sa batong pader na nandoon para masuportahan ang sarili.
Kada tapak ng paa niya sa mga baitang ay parang nagsusumigaw ito na papalapit na siya sa kaniyang kamatayan.
She's really doing it...
Her breathing temporarily stopped after making it to the top. The window facing the other side of the road from the church made her realize how tall the building is. Halos tuktok ng mga punuan lamang ang nakikita niya sa labas.
Kahit pa man natatakot ay hinay-hinay siyang naglakad papalapit sa bintanang iyon.
Kumapit siya sa lower side ng bintana at tiningnan kung gaano kalayo ang huhulugan niya mamaya.
She nervously gulped after seeing the distance of where she was peering to the ground.
Her breathing became ragged and she felt that she's gonna faint any moment now.
Natatakot siya.
Takot na takot.
Sino ba namang hindi kung ang kaharap niya ngayon ay ang kamatayan niya.
Kahit pa man naluluha at tila ano mang oras ay matutumba siya ay lakas-loob pa rin siyang sumampa sa bintana. She firmly hold on to the other sides of the stone window and peered down again.
Oh Gosh! I can't... I'm so scared.
Napatili siya ng mahina nang biglang may malakas na hangin na tumulak sa kaniya ng konti na para bang inuudyok siyang gawin na ang pinaplano.
Please... Dear God... I can't do this...
She slowly turned around and faced the inside of the bell tower. Mas mainam na hindi siya nakaharap sa lupa kung mahuhulog na siya.
It would be a comforting idea to die watching the beautiful sky above her.
She closed her eyes and tried to calm herself down. She started counting from one to ten, deciding that she would let herself fall when she got to number ten but she was still on number six when a man's hurried voice shouted her name from the bell tower's staircase.
Celso?
Anong ginagawa nito dito?
Nakakunot ang noo niya nang patakbong pumasok si Celso sa tuktok ng tower na iyon.
"Isabel!", he shouted but his voice suddenly trembled when he saw where she's standing. "I-Isabel... pakiusap... Huwag kang tatalon. Magpapaliwanag ako.", hingal nitong wika habang unti-unting lumalapit sa kaniya.
Nang makita ang pinaplano nito ay agad siyang umatras kaya muntikan na siyang mahulog. Buti na nga lang at nakakapit siya.
Celso looked like he was about to get a heart attack because of her actions.
Nilingon niya itong muli bago sinumbatan.
"Paliwanag?! Para saan?! Para maloko mo na naman ako?! Kasi alam mo na isang salita mo lang ay mapapasunod mo na ako... Na dahil mahal na mahal kita kaya kaya kong magbulag-bulagan sa mga pinaggagagawa mo?!", sigaw niya dito habang unti-unti ay nararamdaman niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata. "Celso... Pagod na ako. Pagod na pagod. Ayoko na. Ang sakit-sakit na.", dagdag niya habang tinuturo ang puso.
Mukhang nasaktan ang lalake sa sinabi niya dahil tila mapapaluha na ito dahil sa mga salitang binitawan niya.
"Ang raming mga bagay na pumapasok sa isip ko. Sana hindi na lang ako napunta dito. Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang kita pinakasalan... Sana hindi na lang kita minahal.", iyak niyang saad. Pabulong na lang niyang nasabi ang pinaka-huling pangungusap dahil sa tindi ng kaniyang iyak. "Ang rami kong mga 'Sana' dahil talagang pinagsisisihan ko ang parte ng buhay kong ito. Ang tanga-tanga ko para isipin na maaari akong magkaroon ng masayang pamilya. Nakalimutan ko nga palang kontrabida ako mula noon hanggang ngayon.", dagdag niyang saad habang pagak na tumatawa.
"Kontrabida sa nanay kong puta na ayaw sa akin dahil nakakasira ako sa imahe ng bago niyang pamilya! Kontrabida sa gago kong ama na walang ginawa kung hindi maghanap ng mga babaeng kasing edad ko pa! Kontrabida sa mga kamag-anak kong walang ibang ginawa kundi huthutan ako ng pera! Kontrabida sa lahat ng mga tao dahil napaka-gaga ko!", iyak niyang sabi. "Celso... kahit ikaw na lang... Kahit isang tao lang... Iyon ang hinihingi ko sa Diyos. Isang tao na pwede kong mahalin at mamahalin rin ako. Isang tao na magiging kakampi ko at magpaparamdam sa akin na hindi na ako mag-isa. Hindi naman pagmamaramot iyon dahil isang tao lang naman ang hinihingi ko... pero bakit?... Bakit mo iyon nagawa?", hagulhol niya na naging dahilan para lapitan siyang muli ng lalake ngunit pinagbantaan niya itong tatalon siya.
"Mahal na mahal kita noon Celso.... pero ngayon... Isa lang ang nararamdaman ko para sa iyo.", naghahabol ng hininga niyang wika. "Iyon ay pandidiri. Nakakadiri ka Celso! Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga katarantaduhang ginawa mo sa akin! Ngayon malaya ka na. Magpakasaya ka sa bago mong Isabel.", sigaw niya sabay tanggal ng singsing na nasa daliri niya at binato iyon sa lalake.
Agad naman iyong sinalo nito ngunit dahil sa nawala ang atensyon ni Celso sa kaniya ay iyon ang ginamit niyang pagkakataon para itulak ang sarili papahulog sa bell tower.
Huli na nang makalingong muli si Celso sa kaniya. He tried running towards her, reaching for her, brushing his fingers on her own in the process but he's too late. She's already falling down.
She never closed her eyes and the last thing she saw was Celso peering down from the window.
Shouting her name.
Crying.
I hate you so much. I would never forgive you.
Then everything went black.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Pasensya na po talaga kung sabaw ang update. 😟 Wala pa rin po kasi ako sa mood.
Salamat rin po sa mga encouraging words. I'm really sorry if naapektuhan ang update schedule dahil sa isang reader. Sensitive po kasi akong tao at madaling masaktan. Nagpahinga muna ko ng isang araw para makahinga. ☺️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top