Chapter 43

CELSO'S POV

Tunog ng mga manok ang agad na nagpagising sa kaniya. Iinatin niya sana ang kaniyang katawan ngunit naramdaman niya ang bigat ng isang babae na nakayakap sa kaniya.

Kahit pa man hindi pa niya naibubukas ang mga mata ay agad na siyang napangiti dahil sa napagtanto.

Si Isabel iyon.

Inayos niya ang pagkakapwesto nito para mayakap niya ito ngunit bigla siyang napatulos dahil sa halimuyak na nanggagaling dito.

Hindi iyon ang nakasanayan niyang amoy ni Isabel.

Mabango pa rin ang babaeng katabi niya ngunit hindi iyon si Isabel.

Agad-agad niyang idinilat ang inaantok pang mata at nilingon ang babae.

Ang kaninang pagtataka na nararamdaman ay agad na napalitan ng kaba na may halong galit.

Sino ang babaeng ito?!

Mabilis niyang binaklas ang pagkakayakap ng babae sa kaniya at itinulak ito papalayo. Mukhang iyon ang nakapagising sa babae na kinukusot-kusot pa ang mga mata at tumingin-tingin sa paligid.

Ang pagtulak niya sa babae ang naging dahilan kung bakit biglaang nababa ang kumot na nakatabon sa kanila at doon na niya nalaman na parehas silang nakahubad.

Hindi.

Hindi ito totoo.

Si Isabel kaagad ang kaniyang naisip. Tiyak na masasaktan ang kaniyang asawa.

Mabilis siyang tumayo mula sa kama para makalayo sa estrangherong babae.

"Putang-ina! Sino ka?!", galit niyang sigaw habang aligagang hinahanap ang mga damit.

Mukhang natakot naman ang babae sa galit na nakikita nito sa kaniya kaya hindi ito nakapagsalita o nakagalaw mula sa kama.

Nang maisuot ang damit pang-ibaba ay kaniya namang pinulot ang mga damit ng babaeng nakakalat sa sahig ng bahay niya.

Nilukumos niya ang mga iyon bago nilapitan ang babaeng kanina pa tahimik at ayaw siyang sagutin.

Hinablot niya ng marahas ang braso nito at kahit nakahubad pa ito ay wala siyang dalawang-isip na hinila ito papaalis ng kama.

Hindi ito dapat makita ng asawa niya.

Itutulak na sana niya ito palabas ngunit bigla naman itong nagsalita.

"Direct Percy, mukhang kontrolado na niya ang katawan niya.", malakas nitong saad habang nakatingin sa likod niya kaya naman agad siyang naguluhan.

Walang ibang tao sa loob ng bahay nila kahit ang asawa niya ay wala doon kaya agad niyang hahanapin si Isabel pagkatapos niyang mapaalis ang babaeng ito.

"Huwag kang mag-alala, Maria. Naisakatuparan na ang mga plano ko. Maaari ka ng makaalis.", biglang may nagsalita mula sa kaniyang likod kaya napalingon siya doon.

May matandang lalake na nakatayo sa gitna ng bahay niya.

Wala ito kanina! Paanong nakapasok ito dito?!

Dahil sa sinabi ng matanda ay ang babaeng mahigpit niyang hawak-hawak na nagngangalang Maria pala ay kinuha mula sa kamay niya ang mga damit nito at agad na nagbihis bago mabilis na lumabas.

"Sino ka?", naguguluhan niyang tanong sa matanda.

Umismid lang ito bago siya sinagot.

"Marami akong pangalan. Ori ang tawag sa akin ng mga taga Africa. Shai ng mga Egyptian. Purysho ng Russia. Mahākāla naman ng mga taong sumusunod sa Buddhism.", saad nito na mas nagpagulo sa isipan niya. "Ngunit mukhang mas makikilala mo ako bilang si 'tadhana'.", misteryoso nitong dagdag.

Tadhana?

Anong pinagsasasabi ng matandang ito?

Kahit pa man maraming katanungan na umiikot sa kaniyang utak, mas pinili niyang maghanap ng pangtaas na damit para masimulan na niya ang paghahanap sa asawa.

"Hindi ka ba magtatanong kung anong nangyari sa iilang linggong lumipas?", may himig ng pagka-aliw sa boses nito na nagpatigil muli sa kaniya.

Iilang linggo?

"A-Anong ibig sabihin mo?", tila kinakabahan niyang tanong.

Namomroblema pa siya sa pag-iisip kung paano ipapaliwanag kay Isabel ang pagkakagising niya ng may katabing ibang babae... ano naman ba ang ibig sabihin ng matandang ito?!

May maliit na ngiti siyang nakita sa labi ng matanda. Mukhang nasisiyahan sa kaba, takot at pagtataka na kitang-kita sa buo niyang mukha.

"Ako ang kumokontrol sa iyo nitong mga nakalipas na linggo... Tulog ka sa loob ng katawan mo, Celso.", pagsagot nito sa katanungan niya pero tanging takot ang kaniyang nararamdaman ngayon.

"A-Anong ginawa mo?!", nanggagalaiti niyang sigaw dito.

Malaman niya lang na may ginawa itong masama sa asawa niya ay hindi siya mangingiming ibaon ng buhay ang matandang ito.

"Tsk...tsk...tsk... Maling katanungan, Montallana. Ang dapat mong itanong ay 'Anong ginawa KO'.", wika nito habang tinuturo siya.

Ako?

Anong ginawa ko?!

Agad siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo na naging sanhi ng pagkakaluhod niya sa sahig ng kaniyang bahay. Hawak-hawak niya iyon at pilit na pinipiga dahil sa sakit na nadarama.

Noong una ay akala niyang wala ng mas sasakit sa nararamdaman niya ngayon pero nagkakamali siya. Mga ala-ala na tiyak siyang hindi sa kaniya ang biglaang pumasok sa utak niya. Kahit na anong tanggi niya na hindi siya iyon ay hindi mapagkakaila ang lalakeng nagpa-iyak sa kaniyang minamahal ay siya.

Isabel!

Sumikip ang puso niya nang marinig niya mula sa mga bagong ala-alang pumapasok sa utak niya ang iyak at hinagpis ng kaniyang asawa.

Hindi.

Hindi ako iyon.

Isabel! Kailangan kong hanapin si Isabel!

Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga halakhak ng matandang lalake dahil sa nakikitang takot sa mukha niya bagkus ay patakbo siyang lumabas ng bahay niya at pumunta kaagad sa pangunahing bahay.

Nadaanan niya si Jose na mukhang galing sa kusina kaya naman agad siyang tumigil at hinawakan ito ng mariin sa mga braso nito.

"Ku-Kuya? Ano pong problema?", tila natatakot nitong tanong dahil sa nakikitang pamumula ng mata niya dahil sa galit at iyak.

"Si Isabel. Nasaan si Isabel?!", aligaga niyang tanong dito.

"Ahh... Kuya Celso. Sino po bang Isabel ang tinutukoy niyo. Si Binibining Maria po ba o si Binibining Beatrice? Kasi po sa pagkakaalam ko po ay magkasama kayo buong gabi ni Binibining Maria...", nag-aalangan nitong saad. Ramdam niya ang pagdadalawang-isip nito sa huling pangungusap nitong sinabi. "Si Binibining Beatrice naman po ay narinig ko pong umiiyak na pumasok ng silid na gamit-gamit ni Binibining Maria kaninang madaling-araw. Kung siya po ang hinahanap niyo po ay subukan niyo pong katukin.", rinig niya ang pagkadismaya sa boses ni Jose. Kitang hindi ito sang-ayon sa ginawa niya.

Nagkasala siya sa kaniyang asawa.

Agad siyang nagpasalamat kay Jose bago nagmamadaling pumunta sa silid na gamit-gamit ni Isabel noon.

Nang makarating ay nakaramdam naman siya ng pag-aalangan.

Umiiyak si Isabel kagabi.

Nakita nito ang nangyari.

Napahilamos siya sa mukha at napasabunot sa buhok.

Wala siyang matandaan. Huli niyang naaalala ay papunta sila sa palengke ni Isabel para bumili ng pako pagkatapos niyon ay wala na talaga siyang ibang matandaan.

Nanginginig siyang kumatok sa silid at naghintay ngunit walang sumagot.

"Ma-Mahal...", tila maiiyak niyang saad habang kumakatok muli. "Mahal pagbuksan mo ako. Magpapaliwanag ako."

"Wala diyan ang asawa mo.", bigla na namang wika ng matandang nakilala niya kanina.

Masama niya itong tingnan at nang makita ang ngiti sa mga mata nito na para bang nasisiyahan sa paghihirap niya ay walang dalawang-isip na sinugod niya ito at kinwelyuhan.

"Nasaan ang asawa ko?!", sigaw niya dito ngunit walang makikitang takot sa mga mukha nito kahit pa man mas malaki siya dito at kayang-kaya niya itong suntukin ng malakas.

"Kaysa sigaw-sigawan mo ako dito ay mas mainam na pumunta ka na agad sa San Juan. Naandoon ang asawa mo at papunta sa simbahan... mukhang tatalon.", mapanuyang sabi nito sa kaniya na para bang kinukutya siya.

Kahit nais niyang suntukin ang matanda ay agad niya na lang itong tinulak at mabilis na tumakbo papalabas.

Kailangan niyang maabutan si Isabel.

Kailangan niyang magpaliwanag.

Hindi siya ang lalakeng nagpasakit sa puso nito.

Hindi siya iyon.

Pakiusap.

Hindi niya makakayang mawala si Isabel.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
The truth has been revealed! Si Direct Percy ang kontrabida sa storyang ito! (Insert Direct Percy's evil laugh here) 😆

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top