Chapter 41
Die?
Is that the only reason why I'm here?
Just to die?
Napakumo siya sa kaniyang kamao at handa na sanang sumbatan ang matanda ngunit paglingon niya ulit sa pwesto nito ay wala na doon ang direktor.
Napapahid siya sa kaniyang mga luha.
Magpapakamatay ako?
Can I do it?
But how about my baby...?
Mamamatay rin ang anak ko.
Nanginginig niyang hinaplos ang tiyan habang pilit na pinipigilan ang pagbagsak muli ng kaniyang mga luha.
I want to escape the pain.
I want to escape the heartaches.
I want to escape all of this.
Pero paano ang anak ko...?
"Baby...", bulong niya sa hangin na parang maririnig siya ng anak niya ngayon. "Kakapit si Mommy...", matatag niyang sabi. "Pero kung hindi ko na kaya... pagpasensyahan mo na kung mahina ang Mommy mo."
Lalaban siya.
Hanggang sa makakaya.
Hanggang sa maging durog na durog na siya.
Hanggang may natitira pang pagmamahal para kay Celso sa puso niya.
She would fight.
Agad na nakuha ang atensyon niya mula sa iniisip nang marinig niya ang tunog ng kalesa at kabayo sa labas ng bahay. She quickly wiped the tears from her face and gathered her skirt so that she can walk fast towards the door.
Nang mabuksan ang pintuan ay nakita niya sina Celso at Maria na nakatayo malapit sa kalesa.
Mukhang aalis.
Agad siyang kinabahan.
Saan sila pupunta?
Kahit pa man magulo pa ang buhok at kusot ang damit ay nagmadali siyang lumapit sa mga ito.
They were chatting with big smiles on their face but it suddenly disappeared when they saw her walking towards them.
"Saan kayo pupunta?", agad niyang saad nang makalapit sa dalawa.
Wala siyang pakialam kung ayaw ng mga ito sa presensya niya. They are going somewhere but Celso never told her anything about it.
She glanced at Celso for some answers but he just looked at a different direction.
Napaubo na lang si Maria at pinili na lang nitong sagutin siya dahil mukhang ayaw siyang pansinin ng asawa.
"Ahh... Binibining Beatrice. Kina Nanay Soledad po sa kabilang bayan. Kakamustahin ko lamang po at sasamahan po ako ni Celso.", magalang nitong saad sa kaniya pero inis lamang ang tanging nararamdaman niya.
"Ginang.", inis niyang saad. "Ginang Isabel ang itawag mo sa akin at hindi Binibining Beatrice. Kasal na ako."
At asawa ko ang kinakalantari mo.
Gustong-gusto niyang idugtong ang mga huling salitang iyon.
"Sasama ako.", she firmly said before helping herself up on the kalesa.
Hindi na niya pinansin ang tila pagka-disgusto ng dalawa sa desisyon niya pero hindi siya nagpatinag.
Wala siyang pakialam kung para siyang bruha dahil wala pa siyang ligo miski panghilamos.
Hindi niya hahayaang umalis ang dalawa ng walang kasama.
Eventually ay sumuko ang mga ito at hinayaan siyang sumama.
All throughout the journey, the two continued talking ang talking to each other. Hindi siya pinansin ng mga ito.
Ang nakakagigil pa ay magkasama ang dalawa sa harapang bahagi ng kalesa habang siya ay nasa likod at matalim na tinititigan ang mga ito.
Maria sitting so close to Celso made her blood boil.
Mga walang respeto.
Mga walang modo.
Mga tang-ina.
Pinagmumura niya ang mga ito sa kaniyang isipan hanggang sa makarating sila sa bahay ni Nanay Soledad.
Agad na tinulungan ni Celso na bumaba sa Maria at mukhang makakalimutan siya pero agad naman itong napalingon sa kaniya at parang napipilitan pang tinulungan siyang bumaba.
The brief contact of their hands while he's helping her made her heart skipped a beat.
She missed touching him.
She missed hugging him.
She missed him.
Napakalaking tang-ina ng puso niya dahil isang simpleng pagdapat lamang ng kamay nila ay agad namang naghuramento ang puso niya.
Nang pumasok sila ay agad naman silang sinalubong ni Nanay Soledad but she didn't knew that this simple visit can make her heart break even more.
Nanay Soledad doted on Maria.
Just like how she was when they first met.
Pinagsilbihan nito.
Pinakain ng marami.
Nakipagkwentuhan.
Halos hindi na nga siya napapansin ni Nanay Soledad.
Pati si Nanay Soledad nakuha na ni Maria sa kaniya.
Apat sila sa hapagkainan dahil may nilakad si Pedro pero siya lamang ang tahimik sa kanilang lahat.
She's invisible.
She's uncared for.
She's thrown aside.
She's no one.
Nakatikom lamang ang bibig niya hanggang sa oras na ng pag-uwi ngunit nang sumakay na sina Celso at Maria sa kalesa ay nagpa-iwan siya.
Hindi niya kayang bumyahe na puro pagtatawanan ng dalawa ang naririnig.
Nanay Soledad let her stay and Celso didn't care if she won't go home with him.
"Isabel? May problema ba?", tila nag-aalalang tanong ng matandang ginang nang makaalis na sina Celso na agad namang nagpabuhos ng mga luha niya.
She called me Isabel.
I'm still Isabel for Nanay Soledad.
Para iyong validation na hindi pa rin siya nito nakakalimutan.
Mabilis siyang yumakap dito at umiyak ng umiyak. The old woman hugged her and waited for her to calm down.
Nang feeling niya ay kaya na niyang magsalita ay unti-unti siyang lumayo sa matanda bago mahinang bumulong.
"Nanay... Buntis po ako.", pag-amin niya dito.
Her face lightened up but that quickly disappeared when she saw her distraught face.
"Bakit ka malungkot, iha? May nangyari bang masama? Nagka-away ba kayong mag-asawa?", sunod-sunod nitong tanong sa kaniya na tinanguan niya naman.
She told Nanay Soledad everything.
For the first time, may nasumbungan siya.
May napaglabasan ng problema.
Nanay promised to smack Celso's head the next time he visits.
Kahit pa man pugto ang mata ay napangiti siya.
May kakampi na siya.
After that, Nanay made her eat again because she noticed that she didn't eat a lot during their lunch pero hinindian niya ito. She's not really hungry. She instead ask what time would Pedro come home.
"Bakit, Isabel?", nagtatakang tanong ni Nanay na kaniya namang agad na sinagot.
"Magpapahatid po sana ako kina Isagani... Isagani Garcia.", sagot niya dito.
Sumang-ayon na lamang si Nanay sa plano niya at nang makauwi na si Pedro ay agad naman siya nitong hinatid sa bahay ng bestfriend niya.
Nang makarating kina Horatia ay pinauwi na niya si Pedro at sinabing doon siya matutulog.
Agad-agad siyang umakyat sa may teresa ng bahay at kumatok nang makitang sarado iyon.
"Horatia?", sigaw niya habang ilang ulit pa ring kumakatok doon.
No one's home?
Agad siyang nakaramdam ng lungkot.
I really need a friend right now...
Gusto niya ng taong pwede niyang masabihan ng lahat.
She wanted someone who she can tell the unfiltered truth.
Ang naikwento lang kasi niya kay Nanay Soledad ay pawang mga bagay na hindi ito maghihinala na time traveler siya.
"Horatia isn't home.", biglang saad ng matanda sa likod niya. "She's having fun with her new friend, Elisa."
Ilang ulit na pasulpot-sulpot lamang si Direct Percy kaya naman hindi na siya nabibigla dito.
Inis niyang nilingon ang matanda at sinamaan ng tingin.
"Elisa? Sino si Elisa?", nagtataka niyang tanong.
"Just like what I said... a new friend.", walang pakialam nitong sagot sa katanungan niya. "Can't you see, Betty? Everyone is happy right now... except for you."
"I don't care.", inis niyang wika dito.
The old director smirked before speaking again.
"Himala at hinayaan mong mapag-isa ang asawa mo at ang babaeng iyon... Oh. I remember... Hindi mo nga pala alam ang susunod na mangyayari.", tila nasisiyahan nitong saad na nagpakunot sa kaniyang noo.
"What do you mean...?", kinakabahan niyang tanong.
"Let me tell it to you then...", he playfully said before clearing his throat as if he's reciting something. "Nang makauwi ang dalawang nag-iibigan ay hindi na nila napigilan ang pagmamahal sa kanilang mga puso...", he slowly added while watching her expression to his every word.
"Hahalikan ni Celso ang babaeng mahal na mahal. Sa una'y nagpipigil hanggang sa umalab ang paghahangad nito at ang lalake na mismo ang humila kay Isabel.", he added and his smile became more bigger when he saw how tears slowly dropped from her eyes.
"Since masyadong mataas ang paglalahad sa parteng iyon ay sasabihin ko na lang ang isa sa mga pangungusap doon na tiyak akong maiintindihan mo kaagad...", agad nitong sabi bago nagpatuloy. "Tanging mga ungol at tunog ng kanilang pag-iisa ang maririnig sa buong bahay.", he said that made her heart break into pieces.
"No...", hindi niya makapaniwalang sabi sa sarili habang umiling-iling. "Hindi ako maniniwala sa iyo.", pagtanggi niya sa narinig.
"Ayaw mong maniwala? We should go back to your house then. Para naman ikaw mismo ang makasaksi. Ihahatid kita. May kalesa akong dala.", kibit balikat nitong wika habang tinuturo ang kalesang nasa di kalayuan na kanina ay wala doon.
No.
That's not true.
Celso won't do that to her.
Mag-asawa pa rin sila.
He won't sleep with another woman.
Right?
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Happy New Year everyone!
Sorry if papaiyakin ko na naman kayo. The next chapter would be a little bit heartbreaking?
Ok lang ba kayong mag-update ako bukas? Sure kayong gusto niyong umiyak sa pinakaunang araw ng 2021?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top