Chapter 39

Patago siyang ngumiti nang makita ang nakakatawang expression sa mga mukha nina Celso at Jose habang tinitikman ang nilutong adobo ni Maria.

It's been a week since she started living here. Sa dating kwarto niya ito ngayon natutulog at kahit pa man matindi siyang umayaw sa suhestiyon ni Celso na ipagamit niya ang iilan sa mga damit niya kay Maria ay wala siyang nagawa.

Mas mainam na kaniyang damit ang gamitin nito kaysa naman ang damit ng asawa niya.

For the whole week that Maria's been here, she'd been sabotaging every food that she cooked. Kung hindi masyadong maalat ay nagiging masyadong matamis naman.

Ngayon nga'y mas matamis pa sa cake ang adobong nakahanda sa lamesa nila dahil isang lalagyan ang dali-dali niyang binuhos doon nang nalingat si Maria dahil sa pagtawag sa mga lalake para kumain.

"Sa susunod kasi, huwag masyadong mag-marunong. Sinabi mo na lang kasi sana sa amin na hindi ka marunong magluto para naman kami na lang ang gumawa.", nang-iinis niyang saad habang nakatingin kay Maria. "Masyado ka kasing pabibo.", bulong niyang dagdag at saka agad na tumayo para kunin ang adobong itinago niya kanina.

She took a bowl of adobo from one of the shelves in their kitchen and set it down in the middle.

Takam naman na napatingin ang dalawang lalake doon dahil siguro sa gutom.

Ilang araw na ba na hindi sila nakakakain ng maayos dahil laging 'palpak' ang mga luto ni Maria.

Sinisigurado niya palagi na hindi makakayang lunukin ang mga pagkaing niluluto ng bruhildang iyon.

"Pasalamat ka at nagluto rin ako ng adobo kung hindi sana ay wala na naman tayong hapunan ngayong gabi.", sarkastiko pa niyang sabi habang sinasandukan si Celso ng ulam na iyon.

Halatang gutom na ang kaniyang asawa dahil sa marami itong tinapos na mga orders kaya naman uunahin niya ito.

Actually, hindi siya ang nagluto ng adobo na iyon. Kumuha siya ng kaunti sa niluto ni Maria bago niya nilagyan ng asukal ang natitira.

Oh well, no one would ever know.

"Ang sarap nito, mahal!", biglang bulalas ni Celso na nagpatingin sa kanila dito.

She smiled sweetly at him before speaking.

"Hindi ba sabi ko sa iyo na nag-aaral na akong magluto.", saad niya habang pekeng nakangiti dito. Alam niyang hindi sa kaniya ang adobong iyon pero wala siyang pakialam.

As long as she would be able to paint Maria as someone who's inferior than her then she's ready to do anything even lie to her husband just to achieve that goal.

"Pa-pasyensya na po talaga.", Maria meekly apologized. "Hindi ko po talaga alam kung bakit nag-iiba na ang lasa ng mga luto ko kapag kakain na tayo.", parang iiyak pa nitong dagdag.

Kung iba pa sigurong tao ay kaaawaanan ito dahil para itong batang inaway pero hindi siya katulad ng ibang mga tao.

She craves the tears of leading ladies. 

Mas nasa-satisfy siya kapag nakikitang napapaiyak ang mga bidang karakter.

"Isabel, huwag kang mag-alala. Maayos lang sa amin. Magpatuloy ka lang sa pag-eensayo sa pagluluto at sigurado akong sasarap ulit mga luto mo. Alam ko iyon dahil lagi mo akong hinahatiran ng mga pagkaing luto mo noong sa mansyon pa ako nakatira.", pag-aalo naman kaagad ng asawa niya sa babaeng impakta.

Isa pa iyan sa mga kinaiinisan niya.

Sinabi na niya kay Celso na ayaw niyang tinatawag nito ang babae na 'Isabel' pero iwinaksi lang ng lalake ang reklamo niyang iyon.

Napatingin siyang muli kay Maria at nakitang mabini itong nakangiti kay Celso. Mukhang tuwang-tuwa dahil natatandaan pa rin ng lalake ang nakaraan nila.

The both of them being childhood friends doesn't sit well with her.

Maraming alam ang babae kay Celso. Mga bagay na kahit siya na asawa ay hindi niya alam.

Kapag minsan ay nagkakatinginan ang dalawa ay parang may bagay na tanging silang dalawa lamang ang nakakaalam.

She hates it.

Parang may sariling mundo ang mga ito at hindi siya parte niyon.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
That bitch!

That fucking bitch!

She angrily stomped her foot when Jose told her that Maria already washed all of their clothes.

Kakagising lang niya at agad siyang nagtaka nang hindi na niya makita ang mga labahin niya sa bahay nila ni Celso. Kagabi pa siya nagplaplanong labhan iyon kaya naman laking gulat niya nang wala ang mga iyon pagkagising niya.

Mukhang ang impaktang babaeng iyon ay naghahanap ng ibang way para maka-good shot sa asawa niya. Dahil nga laging pangit ang lasa ng luto nito kaya naman siguro sa paglalaba gustong bumawi.

Determinado niyang kinuha ang gunting sa may lamesa at lumabas ng kwarto at naglakad papuntang ilog kung saan nakikita niyang naglalaba pa rin si Maria. Mukhang kinuha lahat ng mga dapat labhan at inako lahat ng mga iyon.

Sa may di kalayuan ay kita pa niya ang halayan kung saan nakasabit ang mga damit, kumot, kurtina at pundang natapos ng labhan ni Maria.

Napatigil sa pagkukusot ang babae nang maramdaman ang presensya niya kaya naman kinuha niyang pagkakataon iyon para putulin ang halayan nito.

Maria panicked when she saw all of her washed garments fell down on the ground. Nadumihan ulit ang mga iyon. Idagdag pa na puro mga puti iyon kaya alam niyang mahihirapan ito sa pagkukusot mamaya.

"Oopps... Sorry.", bitchy niyang sabi. "Hindi ko sinasadya."

She walked all over the garments laid on the ground, making sure that they are all gonna be dirty by the time that she's done walking on it.

"Labhan mo ulit.", mandar niya dito habang tinuturo pa ang mga nadumihang labahin. "Siguraduhin mong walang dumi pagbalik ko."

"O-Opo...", tila tupang sumunod lamang si Maria sa sinabi niya at agad na pinagpupulot ang mga damit na nasa lupa.

She smirked evily when she saw how pitiful she looked but that smirk suddenly disappeared when she turned around as she was about to go back to their stone house and saw Celso's enraged face.

Agad siyang nakaramdam ng takot nang lapitan siya ng lalake at marahas na hinila papunta sa bahay.

"Aray, Celso! Nasasaktan ako!", daing niya dito pero mas hinigpitan lamang ng lalake ang pagkakahawak sa kaniya.

He slammed the door shut when they got inside. Itinulak naman siya ng asawa sa may pader at pinaningkitan ng mata.

"Anong problema mo, Beatrice?!", sigaw nito sa kaniya pero hindi ang pagsigaw nito ang nakapagpatahimik sa kaniya.

He called her Beatrice...

"Beatrice?!", balik niyang sigaw dito. "Ngayon Beatrice na ang tawag mo sa akin dahil dumating na iyang Isabel mo?!", dagdag niyang sigaw habang dinuduro-duro pa ang lalake.

"Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa iyo na kaya Isabel ang tawag ko sa kaniya ay dahil nakasanayan ko na iyon! Simula pa pagkabata ay iyon na ang tawag ko sa kaniya! Ano bang pagpapaliwanag ang dapat kong gawin para makapasok sa utak mo ang mga salitang iyon?!", tila napupunong sagot na sigaw ng kaniyang asawa.

"Hindi mo ba nakikita Celso na inaagaw ka niya sa akin?!", galit niyang tanong dito.

Bakit ba parang wala lang sa lalake ang pagiging malapit nito kay Maria?! Bakit hindi nito makitang nagseselos siya dahil sa pagngingitian nila ng babae at panaka-nakang pagtitinginan.

Puta! Kahit nga tuwing kumakain sila ay ilang beses na niyang nahuhuling nagtitinginan ang mga ito.

Ever since Maria got here, Celso became more distant to her.

Hindi na siya nito niyayakap sa pagtulog at kahit nga breakfast in bed niya ay nakalimutan na nito.

"Hindi ko maiiwasang magselos Celso dahil kahit nga Biyernes ngayon ay nakalimutan mo ang pangako mong hahatiran ako ng agahan sa kama. Hindi mo ba nakikita na nag-iiba ka na simula ng dumating ang putang-inang Maria na iyan.", halos papaiyak na niyang saad ngunit imbes na aluin siya ay mas nagalit pa si Celso sa kaniya.

"Putang-ina Beatrice! Marami akong ginagawa kaya hindi ko naihatid iyang putang-inang agahan mo! At maaari bang ayus-ayusin mo ang pananalita mo pagdating kay Isabel. Huwag mo siyang minumura!", nanggagalaiti nitong sigaw sa kaniya.

"Sige! Ipagtanggol mo pa iyang babaeng iyan at hindi talaga ako mangingimeng iwan ka!", she just shouted back at him without thinking twice but his answer made her want to cry her heart out.

"Kung ganiyan rin naman ang magiging ugali mo ay hindi ako magsisisi kung bigla ka na lang mawala.", galit pa ring wika ni Celso bago siya tinalikuran at agad na lumabas sa bahay nila.

He slammed the door to show how angry he is right now but that didn't made her budged.

His words kept ringing on her head.

"Hindi ako magsisisi kung bigla ka na lang mawala."

°°°′°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Ayan, dahil love ko kayo. Another update. 😆

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top