Chapter 37
A week has passed since Direk Percy's sudden visit but his words still lingers on her mind.
"Hindi mo alam na lahat ng inaangkin mo ngayon ay pagmamay-ari pala ng iba."
What does he mean by that?
Sinong inaagawan niya?
She can't help but to feel scared and helpless. Hindi niya alam ang gagawin dahil hindi niya alam kung ano ba ang mangyayari.
"Mahal?", biglang tawag sa kaniya ni Celso na agad namang nakapagpalinga sa kaniya dito.
Kasalukuyan niyang inaayos ang mga tanim niyang bulaklak at nilapitan na pala siya ng lalake ngunit hindi niya ito napansin dahil sa mga bagay na bumabagabag sa kaniyang isipan.
She just found herself being obsessed with the different plants and flowers that she can grow near their house.
Nagsimula iyon dahil sa mga tanim na bulaklak na ibinigay ni Nanay Soledad sa kaniya at ngayon nga'y naging hobby na niya ang pagtatanim.
Her personal favorite are the roses.
Sinalubong niya ang papalapit na asawa nang lumapit ito sa kaniya at halikan siya sa labi.
She smiled when he hugged her really tightly before saying the reason why he was calling her in the first place.
"Mahal, sasama ka ba sa akin sa bayan?", malambing nitong tanong sa kaniya habang pinupugpog siya ng halik sa mukha.
She giggled when his kisses went down to her neck.
Agad naman niyang pinilig ang ulo ni Celso sa ibang direksyon para hindi na siya nito mahalikan bago ito sinagot.
"Oo. Sasama ako. Ngayon na ba?", natatawa pa niyang saad dahil pinipilit pa rin ng asawa na mahalikan siyang muli kahit pa tinatakpan na niya ang labi nito.
Celso stopped with his attempts and nodded as an answer to her question before trying to kiss her again.
"Mahal, tigil na. Magbibihis muna ako.", agad niyang pigil ulit kay Celso habang tinatanggal ang pagkakayakap ng lalake sa kaniya.
He reluctantly let her go but he pulled her again and kissed her before finally letting her walk towards their house.
Napailing-iling na lang siya dahil sa kaadikan ng lalake.
He really loves kissing her especially on her neck.
Hindi niya alam sa lalake kung bakit ba parang drug addict ito pag dating sa leeg niya pero gustong-gusto naman niya kaya hindi naman siya nagrereklamo.
Nang makapasok sa maliit na bahay na bato nila ni Celso ay agad siyang lumapit sa closet na pinaghahatian nila at naghanap ng masusuot.
Mostly sa mga laman ng closet nila ay mga damit niya. Ilang ulit na kasi siyang tinatahian ni Nanay Soledad ng mga Filipiñiana kaya naman halos sakop na niya ang buong closet nila.
Mabilis siyang pumili ng masusuot. Naghubad na siya at magbibihis na sana ngunit napatigil siya nang mahagip ng mata niya ang repleksyon niya sa salamin.
More specifically, the reflection of her tummy.
Ibinaba muna niya ang Filipiñiana na susuotin na niya sana at pinagmasdang mabuti ang kaniyang tiyan.
Hinaplos-haplos niya iyon.
There's a little bit of a bump there but she's still not sure if she's pregnant or not.
Hindi pa naman siya nakakaramdam ng mga symptoms at hindi naman sapat ang maliit na bump na iyon para makumpirma niya na buntis siya.
Nang napunta siya dito ay hindi na siya naging strict pagdating sa kaniyang diet lalong-lalo nang makasal na sila ni Celso.
Her husband won't let her leave the table if she haven't finished all of her food. Si Celso rin ang naglalagay ng pagkain sa plato niya kaya hindi maliit na portion ang napupunta sa kaniya.
Am I pregnant already?
She caressed her tummy one last time before deciding to dress up already. Baka kanina pa naghihintay si Celso sa kaniya.
Nang makapagbihis na ay agad naman siyang lumabas at nakitang inaayos ni Celso ang kalesang sasakyan nila.
She never let him go to the 'bayan' without her. Hindi niya rin ito hinahayaang makalapit sa simbahan ng San Juan. She doesn't want to take any chances. Proprotektahan niya ang kaniyang asawa hanggang sa makakaya niya at kung ang dapat niyang gawin ay maging bantay-sarado sa lalake ay talagang gagawin niya.
Nang maikabit na ni Celso sa kabayo ang kalesa ay agad naman siya nitong tinulungan na makasakay. Hinabilinan muna nito si Jose bago ito sumakay katabi niya.
Tulad ng nakagawian ay hinawakan nito ang isang kamay niya habang nagmamaneho ito.
She secretly smiled and contemplated whether to tell him about her IUD or not. Eventually, she decided to open up the topic to him.
"Mahal...", mahina niyang tawag dito na nagpalingon naman sa asawa niya sa kaniyang direksyon.
"Matutuwa ka ba kung mabuntis mo ako?", nag-aalangan niyang dagdag na tanong dito.
His face immediately lightened up and a big smile appeared on his face.
"Kailangan pa bang itanong iyan, Mahal?", tila natatawa nitong sagot sa kaniya. "Sino ba namang lalake ang hindi matutuwa kung malaman niyang magiging doble na ang magbibigay ng kasiyahan sa kaniya?", dagdag nitong saad.
Should I tell him now?
Wait.
I'm still not sure if I'm indeed pregnant.
Agad-agad naman niyang iniba ang topic para hindi mahalata ng lalake ang gusto niyang sabihin.
They spent the whole journey just talking about their daily life.
Katulad lang ng mga normal na mag-asawa.
Sa loob-loob niya ay gustong-gusto niyang sabihin sa asawa ang hinala niya ngunit ayaw niyang ma-dissapoint ito kung sakaling false alarm pala.
When they arrived at the market, Celso helped her get down from the kalesa. Inaalayan siya nito habang naglalakad sila at patingin-tingin sa mga binibenta doon. Suddenly, she heard some old women gossiping and their topic caught her interest.
"Nababagay lamang sa lalakeng iyon ang mapatalsik sa pwesto niya! Napakagahaman nito!", rinig niyang ani ng tindera ng mga gulay sa isa pang ginang na bumibili dito.
"Tama ka diyan! Iyang Heneral Lenardo na iyan ay nababagay na itapon sa impyerno.", sagot naman ng ginang na kausap nito.
Heneral Lenardo?
Napatalsik siya sa pwesto nito?
Agad naman niyang nilingon ang asawa at nakitang nakikinig rin pala ito. She saw him smirked a little bit at parang tinatago pa nito ang pagkatuwa sa balitang narinig.
Mukhang napansin naman nito na nakatingin siya dito kaya naman ngumiti ito bago nagsalita.
"Mukhang bumabalik sa Lenardong iyon ang lahat ng mga kasamaang ginawa niya.", mahina nitong bulong sa kaniya.
Dahil doon ay napangiti na rin siya.
Karma is a bitch nga talaga.
"Ano nga pala bibilhin natin?", tanong niya sa asawa dahil hindi niya naman alam kung bakit sila naroon.
"Mga pako. Naubusan ako at kailangan ko pa ng iilan dahil may tinatapos pa akong lamesa.", sagot nito sa kaniya bago siya hinila sa direksyon kung saan may nagbebenta ng pako.
Before they could get there, they will pass an alleyway.
A very familiar alleyway.
Agad namang napatigil si Celso nang may narinig na sigaw ng humihingi ng tulong mula doon.
"Dito ka lang.", seryoso nitong saad bago siya iniwan sa may daan at naglakad papasok sa alleyway na iyon.
Sinunod naman niya ito at naghintay doon ngunit dumaan ang ilang minuto ay hindi pa bumabalik ang lalake kaya naman napili niyang sundan ito.
What greeted her is a scene that she wished she never ever saw.
Nakabulagta ang dalawang lalake sa may lupa.
Tandang-tanda niya kung sino ang mga ito.
They're the same guys that tried raping her pero hindi sila ang nagpasakit ng puso niya.
It's the two people who are face to face with each other.
Celso was kneeling down alongside a woman. Magkahawak ang mga kamay nila at ang mga mata nila ay halos hindi na matanggal-tanggal sa isa't-isa.
They looked like in a movie where the two lead characters finally met each other for the first time.
Para bang nakalimutan na ng mga ito kung nasaan sila o kung sino ang mga tao sa paligid nila. Ang importante ay silang dalawa lamang.
There and then she realized...
The real Isabel is here.
Nandito na ang bida at balik na naman siya sa pagiging kontrabida.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Surprise! Hindi si Betty ang bida sa storyang ito! Kwento ng kontrabida ang sinusubaybayan natin. ☺️ And we all know kung ano ang nangyayari sa mga kontrabida sa ending.
Nauuwing luhaan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top