Chapter 35

The journey home became more comfortable for the both of them. They started talking about a lot of things. Marami siyang nalaman tungkol sa lalake habang si Celso naman ay maraming nalaman tungkol sa panahon niya.

He was still a little skeptical about the things that she described about her time but he remained open-minded about it.

Somehow, Celso started to become more loving to her after hearing her story. Siguro dahil nalaman nito na may pagkapare-parehas sila ng napag-daanan. Parehas silang may mga inang mas pinapahalagahan ang karangyaan at mga amang walang pakialam sa kanilang anak.
Sadly unlike him, wala siyang Nanay Soledad para saluhin siya

Nang makita niyang malapit-lapit na sila sa bahay dahil natatandaan niya ang palikong daan na tinahak nila ay napag-isipan niyang itanong ang isang bagay na talagang curious na curious siyang itanong sa asawa.

She hesitantly looked at Celso who's still holding her hand while driving the kalesa. Tutok ang atensyon nito sa daan kaya naman agad itong napalingon nang bigla siyang nagsalita.

"Uhmm... Celso... Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit hindi na ako birhen nang may unang nangyari sa atin?", nagdadalawang-isip niyang tanong sa lalake.

His calm expression quickly changed into a stoic one.

"Ayoko. Baka ako pa ang masaktan.", matigas nitong sabi habang agad na binalik ang tingin sa daan.

Uh oh... That didn't end quiet well...

She quickly realized that her question backfired to her when Celso let her hand go.

Tang-ina! Ang tanga mo Betty! Bakit mo pa kasi tinanong?!

Buong durasyon ng nalalabing biyahe nila ay hindi na siya pinansin ni Celso. She tried starting a conversation with him but he wouldn't give any attention to her.

When they arrived home, she was about to try to talk to him again but an unknown kalesa was parked in front of their house near the small bridge.

Nakakunot lamang ang noo ni Celso dahil sa kalesang iyon.

"Dito ka lang.", seryoso nitong saad habang sinasabihan siyang huwag pumanaog sa kalesa nila.

He swiftly got down from the kalesa and was about to walked towards the house but a strange man came out that made Celso stiffened.

Nakakuyom ang kamao nito at dahil hindi pa ito nakakalayo sa kaniya ay kitang-kita niya iyon.

"Anong kailangan mo, Garcia?", matigas na tanong ni Celso sa lalakeng kasalukuyang nakatingin sa kaniya.

Hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin ng lalake habang sinasagot nito ang tanong ng kaniyang asawa.

"Si Beatrice.", saad nito na nagpakunot naman ng noo niya.

Ako?

Mukhang nahalata naman nito ang pagtataka niya dahil agad itong nagpakilala.

"Ako si Isagani Garcia. Asawa ni Horatia. Pinapunta niya ako dito para kunin ka.", pagpapaliwanag nito sa kaniya. "Maaari ka naming tulungan Binibining Isabel. Hindi mo kailangang mag-tiis dito.", dagdag pa nitong sabi na nagpatulos sa kaniya.

Horatia sent him!

Matutuwa na sana siya dahil sa wakas ay pwede siyang makahingi ng tulong sa iba at hindi lang nangangapa sa dilim pero ang sayang iyon ay agarang nawala nang biglang nagsalita si Celso.

"Mag-empake ka na.", he coldly said before walking directly to his stone house, leaving her there with Isagani.

He didn't even looked back at her.

Parang wala lang itong pakialam kung sumama siya o hindi.

The hell is the problem with him?! Bago pa nga lang silang kinasal at LQ na kaagad sila!

She was still fuming mad and in pure disbelief with Celso's actions when Isagani called her.

"Binibining Isabel?", tawag nito sa kaniya na nagpalinga sa kaniya dito. "Gusto mo bang tulungan kitang mag-empake? Marami-rami ka bang gamit na dadalhin? Pagpasensyahan mo na kung nagmamadali ako. Kanina pa akong umaga naghihintay sa inyo. Si Horatia lang kasi ang naiwan sa bahay at malapit ng maghapon baka mag-alala iyon.", dagdag nitong pagpapaliwanag. Rinig niya ang pag-aalala sa boses nito.

Naka-jackpot ata ang friend ko sa pinakasalan nito.

"Ayoko.", matatag niyang wika na nagpakunot ng noo ni Isagani. "Dito lang ako. Hindi ako sasama. Pagpasensyahan mo na kung naabala ka pa sa pagpunta rito ngunit hindi ako sasama sa iyo.", dagdag niyang wika habang pumapanaog na sa kalesa. Agad naman siyang nilapitan ni Isagani at tinulungan.

She thanked him for helping her before speaking again.

"Pakisabi na lang kay Horatia na maayos lang ako dito at huwag siyang mag-alala. Kung may pagkakataon ay bibisitahin ko siya.", saad niya kay Isagani.

At first, he was still hesitant with her answer but eventually he seemed to understand that her decision won't change no matter what he will say so he eventually decided to just leave.

Nang makalayo-layo na ang kalesa nito ay agad niyang tinuon ang mata sa bahay na bato ni Celso.

No. Scratch that. Bahay na bato NILA.

Inis siyang naglakad papunta doon at nang makalapit ay padabog na binuksan.

Celso didn't budged on the loud noise that the door made. He was sitting on their bed looking like a kid who just got into a fight by how heavy his breathing is.

"Anong problema mo?!", inis niyang tanong dito habang nameywang sa harapan nito.

He didn't looked at her. Tanging nasa sahig pa rin ang mga mata nito. Hindi rin siya nito sinagot at parang nag-aaktong bingi-bingihan.

"Sige. Ganito na pala tayo ngayon. Silent treatment.", sarkastiko niyang saad. "Ipagpatuloy mo ang pag-iinarte mo diyan pero sana isipin mo Celso na ikaw ang pinili ko kaysa ang umalis mula dito. Kung galit ka rin dahil hindi ikaw ang nakauna sa akin... pwes sana maisip mo na sa lahat ng mga naging lalake ko ay ikaw lang ang pinayagan kong makasal sa akin.", dagdag niyang wika bago piniling lumabas sa bahay dahil mukhang ayaw naman siyang kausapin ng lalake.

Galit siyang pumunta sa main house at dumiretso sa kwarto niya doon.

When she got there, she quickly realized that her room is still open. Hindi pa naaayos ang nasunog na bahagi ng kwarto niya at kitang-kita niya ang labas mula sa kinatatayuan niya.

Damn it! Saan ako matutulog ngayong gabi?

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Night came and she decided to just sleep at the sala. Naglatag lang siya ng banig doon at kumuha ng extra unan at kumot para magamit niya.

Hindi siya sumabay kanina kina Celso at Jose na maghapunan bagkus ay tumambay lang siya kasama si Maricel.

Nilabas niya ang frustrations niya sa manok at kahit simpleng hayop lang ito ay feeling niya namang naiintindihan siya nito.

"I can't believe that I would get so frustrated by a guy!", hindi niya makapaniwalang saad sa manok na diretso lang na nakatingin sa kaniya habang nakaupo siya sa isa sa mga malalaking bato doon. "BY A GUY! The hell?! Si Beatrice Isabel Ramirez?! Mafru-frustrate dahil lang sa isang lalake?! I don't even care about them!", malakas niyang reklamo.

Never pa siyang nagkandaloko-loko sa pagproproblema dahil sa isang lalake. She never really cared about their feelings.

Pero iba na ngayon. Asawa niya ang lalake at kahit pa man i-deny niya ay hindi niya maloloko ang sarili.

Apektado siya sa nararamdaman ng lalake.

Para bang hindi siya mapakali dahil alam niyang galit ito sa kaniya.

Eventually, she decided to go back inside the house and sleep.

Bahala na ang tang-inang lalakeng iyon. Hindi siya tatabi dito ngayong gabi at kung mag-iinarte pa rin ito bukas ay talagang patigasan sila ng will power.

Pagkabukas niya ng pintuan papunta sa sala ay agad siyang napatulos.

Nakaupo doon si Celso at parang hinihintay siya. Agad naman itong napatingin sa kaniya nang marinig nito ang pagpasok niya.

"Anong ginagawa mo dito?", pagtataray niya dito habang nakahalukipkip.

"Sa bahay ka matutulog. Huwag dito.", tipid nitong sabi pero inirapan niya lang ito.

"Ayoko.", matigas niyang saad habang papalapit sa banig na nilatag na niya doon sa sala kanina.

Hindi pa man siya nakakalapit ay agad na siyang pinigilan ng lalake at malambing na nagwika, "Mahal... Mag-usap tayo... Pakiusap."

"Ayoko nga.", muli niyang saad habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ni Celso sa kaniya.

"Malamok dito. Doon ka na lang sa bahay natin.", pagpupumulit nito.

Hihindi na sana siya ulit ngunit agad niyang napagtanto na tama ito.

"Doon ako matutulog pero tandaan mo Celso... Huwag na huwag mo akong hahawakan.", pagbabanta niyang sabi kay Celso bago niligpit ang nilatag niya kanina.

Iniwan niya lamang iyon sa may upuan ng sala nila dahil may unan at kumot naman siya sa bahay ni Celso.

Galit pa rin siyang naglakad papunta doon habang nakasunod lamang ang lalake sa kaniya. Ramdam niya ang pag-aalangan nito kung lalapit ba sa kaniya o hindi.

When they got inside his house, she immediately laid down and positioned herself at the far side of the bed.

Patalikod siyang humiga at hindi pinansin ang lalake.

After awhile, she felt Celso laid down next to her.

Wala itong ginawa noong una pero pagkalipas ng ilang minutong pagpapakiramdaman nilang dalawa ay naramdaman niyang maingat siyang hinapit nito papalapit.

"Celso huwag mo akong yakapin. Mainit.", pagrereklamo niya dahil ayaw pa rin niyang hawakan ng lalake.

Hindi naman gaanong kainit. Pinagpapawisan siya pero hindi naman uncomfortable iyon para sa kaniya.

She heard him sighed deeply before retracting his hands away from her.

Ramdam niya ang pagtayo nito sa kama kaya naman akala niya ay sa iba ito matutulog pero agad rin namang bumalik ang lalake.

Agad naman siyang nagulat nang maramdaman ang mahinang breeze ng hangin. She quickly glanced at Celso and saw him holding a fan.

Pinapaypayan siya ng lalake.

Para namang nalusaw ang galit niya nang dinama-dama pa ni Celso ang noo at leeg niya para makita kung pinagpapawisan pa siya.

He might have noticed her looking at him because he suddenly said something.

"Pasyensya na mahal... Nagselos lang ako.", parang batang pinagalitan nitong wika sa kaniya. "Ang saya-saya mo lang tingnan habang nagkukwento ka tungkol sa panahon mo... Mukhang mas gugustuhin mong bumalik kaysa manatili dito... Idagdag pa ang katotohanang marami ng lalakeng dumaan sa buhay mo... Sino ba naman ako kumpara sa kanila?", dagdag nitong paliwanag.

Kitang-kita niya ang insecurity na lumalabas mula sa asawa kaya naman ang galit niya ay biglang nawala.

Pinatigil niya si Celso sa pagpapaypay sa kaniya dahil kahit nagsasalita ito kanina ay mas priority nitong mahanginan talaga siya.

Agad-agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga at pinatungan ang lalake.

She caged his face between her two palms before kissing him deeply.

"Dito lang ako. Hindi ako aalis.", saad niya sa lalake na nagpaliwanag naman sa mukha nito.

Before he can react, she immediately leaned down and kissed him again.

Yes. I have a decision now. Hindi na ako aalis. Dito na lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top