Chapter 34

"Nanay Soledad, nakakahiya na po. Ang rami na po nitong binigay niyo sa amin.", agad niyang tanggi nang akmang ibibigay ng matandang ginang sa kaniya ang isa pang basket na puno ng prutas at gulay.

Umiling-iling lang ito at pilit pa ring pinapahawak sa kaniya ang basket na dala-dala nito.

Papauwi na kasi sila ni Celso. Isang gabi lang naman ang tinagal nila at ngayon ngang umaga ay uuwi na pabalik sa San Juan.

Nalaman ni Nanay Soledad na nasunog ang malaking parte ng kusina nila at mga imbak na pagkain kaya naman nagpupumilit itong magdala sila ng iilang pagkain papauwi.

Sumang-ayon naman siya nang nagbigay ito ng iilang kilo ng bigas sa kanila pati na rin mga halamang bulaklak nito dahil naisabi niya dito na nagustuhan niya ang mga iyon. Pero naging over the top na kasi si Nanay at gusto pa silang padalhan ng mga gulay at prutas.

Wala lang naman iyon sa matanda pero nahihiya siya dahil kagabi ay pinangakuan rin siya nito na tatahian siya ng mga Filipiñiana dahil naikwento ni Celso na nagustuhan rin niya ang naka-display sa may palengke ng bayan.

Kinuhaan siya ni Nanay Soledad ng measurements at balikan na lang daw niya sa susunod na linggo.

Sobra-sobra na ang binibigay ng matanda sa kanila kaya todo tanggi siya sa gusto pa nitong ipadala sa kanila ni Celso.

"Huwag ka ng mahiya, Isabel. Kunin mo na ang mga ito at dalhin niyo pauwi.", pagpipilit pa rin ng ginang sa kaniya.

Wala na siyang choice dahil kaysa ibigay pa sa kaniya ang basket ay si Nanay Soledad na mismo ang naglagay niyon sa kalesa nila ni Celso.

She was left speechless with the persistency of the old lady.

Naramdaman na lang niyang hinapit siya papalapit ni Celso at binulungan.

"Hayaan mo na lang si Nanay.", he whispered to her that stopped her from giving back the basket to Nanay Soledad.

Matapos ilagay ang basket ng mga gulay at prutas sa kalesa ay nilapitan siya ni Nanay Soledad at niyakap.

"Mag-iingat kayo sa biyahe, Isabel. May bibingka rin akong nilagay sa sisidlan kaya kung gugutumin kayo ay may maaari kayong kainin.", ika ni Nanay Soledad habang niyayakap siya.

"Salamat po talaga, Nanay.", nahihiya niya pang pagpapasalamat dito.

She never felt how it feels like to have a caring mother so Nanay Soledad's actions made her heart blossomed.

Matapos nilang tuluyang makapagpaalam kay Nanay Soledad at Pedro ay bumyahe na sila ni Celso. Ang rami-rami nilang dala kaya naman mas mabagal pa sa usual speed ng kabayo ang bilis ng kalesa nila.

Katulad ng nakagawian ay hinawakan ni Celso ang kamay niya habang nagmamaneho.

"Ang bait ng Nanay mo.", she said to break the silence between them.

Hindi naman awkward ang katahimikang iyon. Sadyang gusto niya lang talagang makipagkausap sa asawa niya.

"Oo. Si Nanay Soledad na ang nagpalaki sa akin at mas malapit pa ako sa kaniya kaysa sa mga totoong magulang ko.", saad nito na nagpalinga sa kaniya dito.

Tinitigan niya ito ng mabuti kaya naman napalingon ang lalake sa kaniya.

His forehead creased in confusion.

"Bakit?", nagtataka nitong tanong sa kaniya dahil tutok pa rin siyang nakatingin dito.

"Magkwento ka pa.", tipid niyang sagot habang hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang mukha nito.

Nagdadalawang-isip pa si Celso noong una pero kalaunan ay nagsalita na rin.

"Bata pa ako nang dinala ako dito ni Papá. Noong mga panahon na iyon ay wala pa akong kaalam-alam tungkol dito sa Pilipinas at hindi pa ako marunong magsalita ng wikang gamit-gamit ng mga tao dito.", pagsisimula nito pero agad na tumigil at nilingon siya para makitang nakikinig ba siya. Nang makita nitong tutok ang atensyon niya dito ay nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.

"Si Mamá ay nagpa-iwan sa Espanya. Ika niya ay mas marangya ang pamumuhay doon kaysa dito kaya naman hinindian niya ang pagtira dito.", pagpapatuloy ni Celso pero agad siyang sumabat.

"Hindi ka ba niya sinamahan dito? Diba kaisa-isahang anak ka nila?", gulat niyang tanong.

What kind of mother would just simply choose luxury over taking care of her own child?!

Oh, I know who.

MY mother.

Magrereklamo na sana siya sa ugali ng totoong ina ni Celso pero agad niyang na-realize na ganoon rin nga pala ang Mommy niya.

"Hindi.", sagot ni Celso sa tanong niya kanina. "Mas mahalaga kay Mamá ang makipaghalubilo sa mga kilalang tao sa Espanya kaysa manatili sa bansang ito kasama ng nag-iisang anak nito."

Rinig niya sa tono ng boses nito ang kalungkutan.

"Siguro iyon rin ang naging dahilan kung bakit hangad ko ang atensyon ni Papá. Noong sinabi nito na gusto niyang maging heneral ako ay agad kong ginawa ang lahat para matupad iyon... ngunit kahit anong gawin ko ay parang wala lang sa kaniya. Si Nanay Soledad ang naging ina at ama ko. Siya ang nagturo sa akin ng wikang gamit ng mga tao dito. Siya ang naging dahilan kung bakit unti-unting nawala ang bahid ng pagka-Kastila ko. Kahit pa man palagiang kinukutya si Nanay ay hindi ko siya kinahiya. Siya ang naging magulang ko kaya naman utang na loob ko sa kaniya ang buong buhay ko.", mataas na kwento ni Celso sa kaniya.

Ang kalungkutan na nasa mukha nito ay biglang nag-iba at napalitan ng galit.

"Hiyang-hiya ako nang kumalat ang balitang may hinalay at pinatay akong bata. Idagdag pa doon na may dipirensya sa pag-iisip ang batang babaeng iyon.", he added. Anguish deep in his voice. "Nakakahiya kasi maaaring isipin ni Nanay na hindi ko siya nirerespeto."

Isinandal niya ang ulo sa balikat nito para naman maramdaman ng lalake ang pag-unawa niya sa nangyari.

"Ano ba talagang nangyari?", mahinang tanong niya dito.

"Naatasan kaming magbantay ng mga bagong dating na pamilya mula sa Espanya. May mga banta kasi ng posibleng karahasan mula sa mga Pilipinong ayaw na nakikitang paunti-unting rumarami ang mga Espanyol dito. Naiintindihan ko naman sila kaya naman hindi ko rin sila masisisi.", pagsisimula ni Celso sa pagkwento ng nangyari. "May nakilala akong batang babae na kasama sa mga taong binabantayan namin. Isa siyang batang may kaparehas ng kondisyon katulad ni Nanay kaya naman naging malapit ako sa kaniya ngunit bigla akong tinawag ng nakatataas sa amin at may sasabihin daw sa akin. Iniwan ko ang batang babae kasama ng mga kasamahan ko sa pagbabantay ngunit pagbalik ko ay agad nila akong inakusahan na dinala ko daw ang batang babae sa isang liblib na lugar habang nawawala ako. Sabi nila ay magkasabay daw nawala ang batang babaeng iyon at ako. Hindi ko alam ang gagawin dahil totoong ako ang huling taong nakita na kasama ang batang iyon. Sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko pero sa huli ay wala na akong nagawa dahil hinusgahan na nila ako.", tila maiiyak na saad ni Celso.

Kita niya ang pagkumo ng kamao nitong nakahawak sa lubid ng kalesa kaya naman hinawakan niya iyon at hinaplos.

"Nahiya ako kay Nanay kahit pa man hindi ko iyon ginawa. Nawala lahat sa akin dahil sa maling paghihinala at nagtago ako mula sa mga mapanghusgang mata ng lipunan... Hinanap ako ni Nanay at kinausap. Ika niya ay hindi siya naniniwalang kaya kong gawin iyon....", pagpapatuloy ni Celso.

Hinarap siya nito bigla at tiningnan sa mata.

"Si Nanay ang naging kapitan ko noong nawala lahat sa akin... Noong tinakwil ako ng sarili kong ama. Noong hinusgahan ako ng mga taong inalayan ko ng buong buhay ko. Ngayon ay nandito ka na kaya dalawa na kayong babae ni Nanay sa buhay ko.", tipid nitong ngiti pagkasabi niyon.

Mas nilapit niya ang sarili sa asawa para maramdaman nito ang pagmamahal at suporta niya para dito. Hinaplos-haplos niya ang braso nito bago napagdesisyunan na siya naman ang magkwento tungkol sa pamilya niya.

"Artista ang ama at ina ko.", paninimula niya. "Nasabi ko na sa iyo noon kung ano ang ibig sabihin ng artista, diba?", agad naman niyang tanong kay Celso na tinanguhan naman nito.

She then proceeded with her story.

Tila bumalik siya sa kaniyang nakaraan dahil sa pagre-reminiscing niya. Hindi na nga niya napansin si Celso at mas natuon ang atensyon niya sa nakaraang gustong-gusto niyang burahin.

Her parents are both stars. Sa katunayan ay loveteam ang mga ito simula pa noong teenager pa sila. Everyone around them gushes how perfect they are for each other or how they are certain that they would end up with each other.

Noong nagsisimula pa lamang ang mga career nilang dalawa ay parang iyon nga ang mangyayari pero habang mas tumatanda sila at mas nae-expose sa industry ay mas nakakatuklas silang dalawa ng mga bagay-bagay.

Her mother ended up being addicted to drugs while her father slept with different women.

The two of them started wanting something more than what they have right now.

Mula pa kasi ng sumikat ang loveteam nilang dalawa ay palaging silang dalawa na lang ang magkasama sa pelikula. Ayaw naman ipasubok ng mga manager nila na ipares sila sa ibang artista dahil napaka-lakas ng tambalan nilang dalawa.

They ended up getting married because of the pressure from fans.

Sinubukan nilang dalawa na magsama ng maayos. They always looked perfect on-screen but they would always fight each other inside the comforts of their multi-million house.

Nagka-anak ang dalawa at siya ang bunga.

She can still remember how loud her parent's screamed at each other.

She can still remember the sounds of broken plates or vases being hurled by her mother to her father whenever she caught him fucking girls inside their house.

She can still remember the times when her father would physically hurt her mother in front of her.

She hated it.

Kaya lagi siyang lumalabas ng bahay.

Lagi siyang nagliliwaliw sa labas para makalimutan ang problemang lagi niyang nadadatnan sa bahay.

Noong nag-high school siya ay napagdesisyunan na ng magulang niya na maghiwalay.

It's such a big news at that time.

People would comment on any post related to her parent's separation with words such as: "Perfect couple nga naghihiwalay, siguradong wala tayong pag-asang mga ordinaryong tao. " or "Proof na walang forever."

She hated how they would just made fun of her family's situation.

Seriously, wala siyang naramdaman nang tuluyan ng naghiwalay ang parents niya.

The custody for her was given to her mother but that woman doesn't care about her daughter.

Nag-asawang muli ang Mommy niya ng mayamang businessman at bumuo ng pamilya kasama nito.

Her father, on the other hand, never bothered contacting her. Masaya itong nagpapakasasa sa kalayaang natamo nito matapos ang hiwalayan.

None of her parents loved her.

Bunga lang siya ng pilit na relasyon.

Noon, nakatira pa siya sa Mommy niya pero tuwing nakikita niya ang pag-aaruga nito sa mga anak ng bagong asawa nito habang siya naman ay hindi pinapansin ay nagdesisyon siyang bumukod.

Her mother didn't care.

Bigay lang ito ng bigay ng pera sa kaniya para wala siyang ikarereklamo.

Senior High pa lang siya pero may sarili na siyang condo. That's when she decided to venture to stuffs that she shouldn't even try to do at her age.

That's when she got introduced with sex.

Malayang-malaya siyang gawin iyon dahil walang taong papagalitan siya.

Sex made her forget about her own life.

Sex became her companion.

She doesn't need anyone. She is perfectly happy to be by herself.

Hindi niya alam na lumuluha na pala siya kung hindi pa niya naramdaman ang biglaang pagpisil ni Celso sa kamay niya at ang pagpahid nito sa mga luhang unti-unting tumutulo mula sa mga mata niya.

Hindi niya alam kung naikwento ba niya ng maayos sa lalake ang buhay niya pero sa nakikitang pag-unawa sa mata nito ay alam niyang kahit papaano ay may naintindihan ito.

Ngayon niya lang napansin na nakatigil na pala sila at mas nabigla siya nang hapitin pa siya papalapit ng lalake at hinalikan ang noo niya.

"Nandito ako. Hindi ka na mag-isa.", bulong ng lalake sa kaniya habang ilang ulit na pinaghahalikan ang tuktok ng ulo niya.

His little actions made her feel important and loved.

She has someone now.

She's not alone anymore.

°°°°°°°°°°°°°°°°′°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Merry Christmas everyone!

This chapter is a little bit longer than usual. (Almost 2000 words) For the last part kung saan si Betty na ang nagsasalita. Remember, the one written here is what on her mind. Iba ang nasa isip niya at iba ang sinasabi niya. Nagtatagalog siya habang kinukwento kay Celso ang buhay niya habang nag-i-English sa isipan niya. Baka magtaka kayo bakit nag-English si Betty tapos naiintindihan ni Celso. 😆

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top