Chapter 33
Hindi pa rin siya makapaniwala sa pag-aalagang nararanasan niya ngayon sa nanay ni Celso. Sinigurado nito na hindi na siya dapat tumayo at gumalaw habang nasa kainan sila.
Nahiya siya dahil si Nanay Soledad ang dumudulot ng pagkain para sa kaniya. Siguro noon ay sanay na siya na dulutan lang ng pagkain pero iba ngayon.
Nanay ng asawa niya ang gumagawa ng bagay na iyon at talagang nahiya siya pero parang wala lang ito sa matanda at mas nawiwili pa sa pagsisiguradong nakakain siya ng maayos.
Their lunch earlier was full of questions that made her panic a little bit since she doesn't know how to answer them.
Tanong kasi ng tanong ang nanay ni Celso tungkol sa kaniyang personal na buhay tulad ng saan ba siya pinalaki o sino ba ang mga magulang niya at kung ano-ano pa. Hindi naman iyon madaling sagutin dahil malalaman nitong galing siya sa hinaharap kung nagkataon. Buti na nga lang talaga at maagap na sinasalo ni Celso ang sitwasyon at nililihis ang atensyon ng nanay nito mula sa kaniya.
Celso encouraged his mother to talk something about herself. Ikinatutuwa naman iyon ng matandang ginang at doon niya na napag-alamang mahilig pala ito sa bulaklak. Halatang-halata naman dahil sa napapalibutan ang bahay nito ng iba't-ibang klase ng bulaklak at kahit nga sa loob ng bahay ay maraming mga bulaklak na naka-display.
At first, she would find Nanay Soledad's tics as somewhat distracting. Pati na rin ang biglaang pag-shrug nito ng shoulder at mabilis na pag-blink pero eventually ay nasanay na siya doon at hindi na nga niya napapansin kalaunan.
Napakabait nito at masayahin. Mahilig rin itong makipagkwentuhan dahil hindi ito napapagod magsalita. Kung hindi pa nga ito sinabihan ni Celso na ipapasyal siya sa hardin nito ay hindi talaga sila makakatayo mula sa lamesa.
Kahit kasi tapos na silang kumain ay hindi pa rin sila maka-alis dahil nga kay Nanay Soledad na hindi nauubusan ng topic na mapag-uusapan.
After hearing Celso's request to show her around, Nanay Soledad agreed to stop with their chit-chat.
Ito na ang nanghugas kahit pa man pinipilit niyang siya na lang. Kahit sana iyon ay magawa niya pero pinagtulakan lamang siya ng matandang ginang papalabas ng bahay para daw makita niya ang mga rosas nito na palagi daw hinihingi ni Celso para sa kaniya.
Her husband then gently led her outside towards the flower garden that they saw earlier.
Nang makalayo sa bahay ay agad nitong hinawakan ang kaniyang kamay na nakapagpalinga sa kaniya dito. Nakangiti itong nakatingin sa kaniya kaya naman napakunot bigla ang noo niya.
"Bakit?", nahihiwagaan niyang tanong dito dahil parang hindi pa siya sanay na makitang may ngiti ito sa labi.
"Pabor si Nanay sa iyo.", nakangiti pa rin nitong sagot sa kaniya.
"No shit, sherlock. Halos pumutok na tiyan ko dahil sa rami ng pinakain ng nanay mo sa akin.", tawa naman niyang reklamo dito habang hinahaplos-haplos pa ang nanlalaking tiyan niya.
Ilang ulit na kasi siyang dinadagdagan ni Nanay Soledad ng kanin at caldereta at kahit sanay siyang mag-diet ay napasabak siya sa all-out na kainan. Nahihiya kasi siyang humindi sa mabait na ginang at pinilit na lang ang sarili na lunukin ang mga pagkaing nilalagay nito sa plato niya.
Ang kaninang nakangiting mukha ni Celso ay biglang sumeryoso habang nakatingin sa tiyan niya na hinahaplos-haplos pa rin niya ngayon.
Agad naman siyang napatigil sa ginagawa dahil sa napagtantong iniisip ng lalake.
Celso shifted his gaze to her face before asking, "Hindi mo ba talaga nais na magka-anak tayo?"
He really wanted to get her pregnant...
Awkward siyang napaubo at lumingon sa ibang direksyon bago ito sinagot, "Ikokonsidera ko ngunit hindi muna ngayon."
Hindi umimik si Celso kaya naman napalingon siya dito.
He is smiling from ear to ear and she can clearly see that he is already happy with her answer.
Hinapit siya nito papayakap at hinalikan sa noo.
"Maghihintay ako.", bulong nito sa kaniya bago siya hinila papunta sa mga rose bushes na nakita niya kanina.
She secretly smiled because of his reaction.
Nang makalapit sa may halamanan ay agad na pumitas si Celso ng isang rosas at tinanggalan iyon ng tinik gamit ng maliit na kutsilyong dala-dala nito sa may bulsa nito. Nang masigurado nitong wala ng nakakatusok na tinik sa rosas na hawak-hawak ay binigay nito iyon sa kaniya.
"Napulot ko. Sa iyo na lang.", nakangiti nitong saad habang gamit-gamit ang signature line nito.
Sinuklian rin niya ng ngiti ang sinabi nito sabay lapit ng rosas sa may ilong niya at inamoy iyon.
Fifteen...
Ika labing-limang rosas na niya ito mula sa lalake.
Mabango ang bulaklak na iyon at napakagandang tingnan. Parang pwedeng ibenta ng mga mamahaling flower shops sa panahon niya.
"Mahal, ngayon ba tayo uuwi?", wala sa isip niyang tanong kay Celso dahil nakatutok lamang siya sa rosas habang nagsasalita.
Hindi kaagad sumagot ang lalake sa kaniya kaya naman nilingon niya itong muli.
Para itong tanga habang nakangisi na naman sa kaniya. Mahina niyang tinampal ang pisngi nito para magising ito dahil ilang segundo na rin itong nakatingin sa kaniya.
"Hoy, tinatanong po kita.", pagtataray niya dito pero hindi naman ito pinansin ni Celso at hinila siya papalapit na naman para yakapin siya.
"Bukas pa, mahal. Dito tayo matutulog, mahal. Ipapasyal pa kita dito, mahal.", sunod-sunod na sabi nito habang hinahalikan ang leeg niya.
Napatawa naman siya dahil sa ginagawa nito bago nag-ika, "Word limit naman po tayo diyan!"
Sinubukan niya itong itulak pero mas hinihigpitan naman ni Celso ang yakap sa kaniya at mas pinanggigilan ang leeg niya.
Dahil sa wala naman siyang magagawa para pigilan ang lalake ay napatingala na lang siya sa langit.
This won't end right? Please tell me yes because I don't know what to do if the day comes that Celso no longer wants her.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Foreshadowing? (insert author's evil laugh here) 😆
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top