Chapter 30

Hindi siya makapaniwala habang pinapanood ang babaeng nagsalita kanina ng wikang English. Hinihila na ito papalayo ng isa pang binibini na sa hula niya ay kapatid nito.

Oh God! Another timetraveller!

Walang dalawang isip niyang nilapitan ito at hinawakan sa braso para mapatigil sa paglalakad.

"Are you a timetraveller too?!", she asked in hope of finding someone she can ask for help.

Baka naman may alam ang babaeng ito tungkol sa pag-time travel at matulungan siya.

The woman immediately whirled her head to her direction and the look of amazement and astonishment quickly registered on her face.

"Betty?!!", sigaw na tanong ng babae  habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

O...kay... That's creepy. How does she knew my name?!

"What? Why do you know my name?!", gulat na may halong takot na tanong niya dito.

This woman is a complete stranger to her yet she knew her name. She should be alarmed.

"Analyn! Lumayo ka nga sa babaeng iyan!", biglang sigaw ng babaeng katabi nito. It's the woman that towed the other one away from the fight that she witnessed on the bakery earlier. This time, she's so desperate to tow the stranger away from her as if she's some kind of a psycho or something.

"Iyan yung baliw na tinutukoy ni Ina!", dagdag nitong bulong sa kasamang babae pero rinig naman niya.

Seriously? Mahirap bang intindihin kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'bulong'?!

"Maya, hindi siya baliw. Kilala ko siya. Huwag kang mag-alala.", reassure naman ng babaeng kausap niya sa bruhang kasama nito.

Kilala? She never met her. Anong pinagsasasabi ng babaeng ito?

"Analyn! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao! Mapapagalitan tayo ni Ina kung mabalitaan niyang nakikipagkausap tayo sa baliw na iyan.", bulong pa rin nito sa babaeng nagngangalang Analyn habang tinitingnan siya ng may pagkadisgusto.

What a bitch! Makatingin ito sa kaniya ay para siyang basura.

"Excuse me! I can clearly hear you!", maarteng sigaw niya sa babaeng kanina pa siya nilalait.

"Kita mo na Analyn! Kung ano-ano ang mga pinagsasabi ng babaeng iyan!", takot na sumbong nito kay Analyn habang pilit pa ring hinihila palayo ang babae.

The woman named Analyn looked like she was contemplating whether to listen to Maya or not but eventually she held her arms and was about to pull her as if saying that she should go with her.

"Betty sumama ka muna sa amin. Mag-usap muna tayo.", sabi nito sa kaniya.

She was about to asked why she knew her name but Maya butted in yet again.

"Analyn! Ano bang pinagsasasabi mo?! Papagalitan tayo ni Ina kung malaman niyang nakikipag-halubilo tayo sa baliw na iyan!", mariing tanggi pa rin ni Maya at nahimigan na niya sa boses nito ang takot pero mas nag-register sa utak niya ang pagtawag nitong muli ng 'baliw' sa kaniya.

"Hey! You bitch! Stop calling me crazy!", murang sigaw niya dito habang dinuduro ito.

Aba't namimihasa na ata ito sa panglalait sa kaniya!

Mukhang na-stress na si Analyn sa pakikinig sa kanilang dalawa ni Maya kaya naman hinila na lang siya nito sa may gilid ng kalsada kung saan walang masyadong tao. She assured Maya that she won't take long.

"Betty! Anong ginagawa mo dito?!", tanong nito sa kaniya na as if matagal na silang magkakilala.

"Stranger, care to explain why do you know my name?!", maarte niyang tanong dito while pointing at her with her finger.

Masyadong pa-feeling close ang babaeng ito sa kaniya.

"I'm Horatia! Dummy!", Analyn answered while using the callname that they used to call each other back in highschool.

Horatia?! Horatia Cassidy?! Ang natatanging bestfriend niya noong nasa middle school pa siya at kasa-kasama sa mga parties noong college sila?!

"Dummy! It's you!", tuwang sabi niya sabay yakap ng mahigpit sa babae with matching beso-beso pa.

She can't believe this! Nandito rin pala ito?!

She was about to ask her why she's here pero naunahan na siya nito.

"Anong ginagawa mo dito? Most importantly, why do you look the same?!", curious nitong tanong sa kaniya.

Oo nga naman. Bakit iba ang mukha at katawang gamit nito?

"I don't know! I just remembered checking the movie shoot location for the new historical movie that I'm handling and then I got trasported here!", paliwanag niya dito. Hindi na niya sinabi pa ang iba pang details ng movie kasi sigurado siyang magfri-freak out ito sakaling malaman nito na babalik siya sa show business as an actress.

"I thought you're in Australia?", bigla nitong takang tanong sa kaniya.

She understood why she's puzzled. Simula kasi nang lumipat siya sa Australia ay hindi na sila muling nagkita.

They do call each other through voice or video chat but it's still different when they are one drive away from each other.

"Yes! I was supposed to be there for my documentary project but then my agent called me saying that I have to handle a project here in the Philippines. Actually, the location is like very very near to San Jose so I thought I would visit you after I'm done with the project but VIOLA! I'm here in this horrible place! Stuck with that over-bearing, assh*ole jerk named Celso!", pagpapaliwanag niya dito habang sinisingit ang pagkaka-inis sa future husband niya.

"You mean hindi ka nanghiram ng katawan nung napunta ka dito? You were able to take your body with you?!", hindi nito makapaniwalang tanong sa kaniya.

She assessed Horatia's new body from head to toe and noticed the big difference from her original one.

"Yes, silly! By the way, you look amazing! Your boobs look great too! Not like your straight-as-hell, wall-like body. No offense though.", sabi niya dito sabay hawak sa dalawang dibdib nito.

The changes are so fascinating! Close na close na kasi sila ni Horatia kaya nakita na nila ang katawan ng isa't-isa. Kaya naman alam niya kung gaano kaliit ng dibdib nito na pwede ring ihambing sa mga batang babaeng hindi pa nagdadalaga.

Her new boobs isn't really that big pero kung ihahambing ang dating dibdib nito ay talagang makikita ang difference. Hindi na siya nahiyang hawakan ang mga iyon dahil talagang namamangha siya sa pagbabago nito.

Two women passing by them suddenly gasped. Mukhang na-eskandalo sa ginagawa niya pero wala siyang pakialam. They should mind their own business.

Horatia quickly slapped her hands away from her boobs while saying sorry sa dalawang babae na dumaan.

Nakasimangot siyang tumingin sa kaibigan.

I just wanna check it out!

"Betty! You can't do that! Hindi natin panahon ito!", reprimand ni Horatia sa kaniya na mas nakapagpasimangot sa kaniya.

"Ugh! I hate this timeline! Everyone calls me crazy and look!", pagrereklamo niya habang inilalahad ang kawawang kamay. "Look what that Celso did to my hands! I graduated in a well-known film school with flying colors but I end up washing clothes with that burning soap! My poor sensitive hands! Look at my nails too! I paid a fortune every month just to make sure they look good! Now look what happened!", parang batang dagdag niyang sumbong dito habang dinudutdot sa  mukha nito ang kawawang kamay niya.

Wala naman siyang problema sa paglalaba. Truthfully, nasasanay na siya sa gawaing iyon. Umaandar lang talaga ang pagiging brat niya at gusto niyang magsumbong. Idagdag pa ang inis niya kay Celso.

Speaking of that guy...

Napalingon siya sa direksyon ng simbahan at tiningnan kung naandoon na ba ang lalake pero wala pa naman kaya nilingon niyang muli si Horatia.

"Hoy bruha! Paano ka ba naman hindi mapagkakamalang baliw eh English ka ng English! Idagdag mo pa iyang Aussie accent mo! Para ka talagang tanga pakinggan!", agad na saad ni Horatia sa kaniya nang lumingon na siya pabalik dito.

"Why would I need to adjust to them! They could learn English for all I care!", mataray niyang sagot sa sinabi nito.

Bigla siya nitong binatukan at pinagalitan. "Umiiral na naman pagiging brat mo!"

She was about to defend herself but then she heard Celso's pissed off voice.

"Isabel?! Saan ka na naman ba sumuksok!", rinig niyang sigaw nito.

Hindj pa niya ito nakikita pero alam niyang malapit lang ito sa lugar kung saan sila nag-uusap ni Horatia.

"Gosh! That guy just can't give me a break!", inis niyang bulong habang lumilinga-linga sa paligid para makita kung papalapit na ba si Celso.

He's so annoying! Kung noon ay crush niya ito, ngayon naman ay naiimbyerna siya dito. Masyadong clingy ang lalake.

Matapos nilang masettle ang tungkol sa kasal ay kinausap nila si Jose at sinabi dito ang plano nila. Doon niya nalaman na nakita pala sila ni Jose na magkatabing natulog.

Nagpanic si Jose dahil sa sunog kaya naman hindi na nakakatok sa bahay ni Celso at dire-diretso na lang pumasok para sana humingi ng tulong sa kuya nito.

It doesn't take a genius to realize what happened between her and Celso.

Natatakpan man ng kumot ang katawan nila ay halata pa ring nakahubad silang dalawa. Idagdag pa na parang tarsier kung makayakap si Celso sa kaniya kaya naman may ideya na si Jose sa nangyari.

Wala lang talaga siyang kaalam-alam na nakapasok pala si Jose sa bahay ni Celso dahil mahimbing ang tulog niya.

She determiningly looked at Horatia.

"Take me with you!", saad niya sabay hila sa kaibigan papunta sa kalesa kung saan naghihintay si Maya.

She would just solve her problem with the help of Horatia. At least may iba na siyang alternative. Hindi iyong nangangapa siya sa dilim dahil kay Direct Percy.

She was dragging Horatia to their kalesa when she suddenly felt a strong, big hand gripped her arms in a protective manner at pinigilan siya sa paglalakad.

Damn you, Celso!

"Binibini, pasyensya na. Binubulabog ka ba ng babaeng ito?", magalang na tanong nito kay Horatia habang pinupulupot ang kanang braso sa kaniya. Siguro para hindi siya makatakas.

"Ahhh... hindi!", starstruck namang sagot ng bestfriend niya.

Aba't mukhang crush na nito si Celso!

"Pasyensya na talaga.", hinging paumanhin naman ng lalake sabay buhat sa kaniya na parang sako at naglakad na papaalis.

She squealed and shouted. "Put me down you human-sized rat!"

Pinagpapalo niya ang likod ng lalake dahil sa inis pero hindi man lang ito natinag sa kaniyang ginagawa.

Bago pa sila makalayo ni Celso ay narinig niya ang pagsigaw ni Horatia sa kaniya. "Betty! Ask for Isagani Garcia if you're gonna look for me!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top