Chapter 28
Celso guided her towards the bed when they got inside his stone house.
Hindi naman ito mukhang galit pero alam niyang hindi masaya ang lalake dahil sa nakita.
Maingat siya nitong pinaupo sa kama bago ito naglakad papunta sa closet nito at kumuha ng pamalit. Basa at puno ng putik kasi silang dalawa pero mas malala ang kay Celso dahil ito ang humakot ng mga tubig kanina. Siya naman ay nasa gilid lang ng ilog at ang laylayan lamang ng slacks ni Celso na gamit-gamit niya ngayon ang nabasa.
Walang hiya-hiya itong naghubad at nagpalit ng damit sa harapan niya.
His confidence was understandable considering the thing that happened to them last night.
He walked back towards her. May dala-dala itong mga damit at nang makalapit na ito sa kaniya ay inutusan siyang itaas ang mga kamay.
Is he gonna change her clothes too?
Kahit pa man nagtataka ay sinunod na lang niya ito at tinaas ang mga kamay.
Nilapag muna nito sa may kama ang mga damit pamalit na dala-dala at hinawakan ang laylayan ng shirt na suot-suot niya. He raised it and even guided her hands and head.
Kahit pa man kitang-kita ang dibdib niya dahil sa wala siyang suot na bra sa ilalim ng shirt nito ay hindi na siya nahiya.
Her body isn't something she should be shy of.
Kinuha nito ang damit pamalit at maingat na pinasuot sa kaniya. He then asked her to stand up so he could also change her lower garments.
It is such an intimate gesture but still sweet nonetheless.
Matapos iyon ay maingat siya nitong hinila papahiga sa kama at niyakap.
Oh... He wants to cuddle...
Nagtataka man ay hinayaan na lang niya ito.
She just let him sniffed her neck like a drug addict and wondered if she should start explaining right now or just wait for him to wake up from his reverie.
Interrogation ba ito o cuddle session?
After a few minutes of Celso just kissing and nibbling her neck and just totally forgetting what they were supposed to talk about, she decided to clear her throat and hesitantly asked him. "Magpapaliwanag na ba ako?"
Those words seemed to wake him up because he suddenly stopped.
He gave her neck one last kiss before adjusting his position and looking at her directly. He just nodded his head as if telling her to start explaining.
O...kay... Where should she start?
"Uhmm... Galing ako sa hinaharap.", she slowly said. Testing if he would believe her or not.
His forehead creased in confusion but he didn't said anything. Binibigyan ata siya ng oras para mas magpaliwanag.
"Nabasa ko yung mangyayari sa iyo mula sa isang script na ginawa ni Direct Percy.", she continued but suddenly realized that he might not understand some words that she said.
"Script ang tawag namin sa parang libro na naglalaman ng mga mangyayari sa isang pelikula. Ang pelikula naman ay yung parang mga pagtatanghal sa teatro pero hindi mo na kailangang pumunta sa tanghalan para manood. Sa panahon ko ay may TV kami. Iyon yung parang kahon kung saan pwede mong mapanood iyong mga pagtatanghal.", mahaba niyang paliwanag pero base sa ekspresyon sa mukha ni Celso ay masasabi niyang para siyang baliw sa paningin nito ngayon.
She sighed defeatedly and pondered whether she should continue explaining or not.
"Huwag mo akong tingnan na para akong baliw.", inis niyang sabi dito. "Ayoko na nga!", dagdag niyang ani dahil siya ang nagmumukhang tanga dahil sa mga pinagsasasabi niya.
She pushed him away but he embraced her even tighter.
Dahil sa inis niya dito ay mas nilakasan pa niya ang pagtulak dito pero agad namang nagsalita si Celso para tumigil siya.
"Huwag ka munang umalis. May pag-uusapan pa tayo.", he said while chuckling that made her stopped.
Ngayon niya lang nakita at narinig itong tumawa kaya naman ay agad siyang napatigil dahil sa gulat.
His smile is a better alternative than his intimidating scowl.
Mukhang napansin naman nito kaagad ang pagkabigla niya ngunit kaysa itago ang ngiti nito ay mas lumaki pa iyon.
Nakakapanibago.
Hindi pa siya nakaka-move on sa pagtawa nito kanina ngunit bigla ulit siyang nagulat nang magsalita ito.
"Pupunta tayo bukas sa San Jose.", saad nito habang hinahalik-halikan nanaman ang kaniyang leeg. "Magpapakasal tayo."
The hell?!
Panic niyang naitulak ang lalake. She fiercely shooked her head to show him that she really doesn't want to get married.
"No no no no....", paulit-ulit niyang wika habang pilit na lumalayo kay Celso.
Pagtataka na may halong disappointment ang agad na rumehistro sa mukha ni Celso habang pinapatigil siya sa paglayo dito.
"Bakit? Akala ko ba gusto mo ring makasal sa akin?", he disappointedly asked. He sounded so hurt but she doesn't want to soften her heart.
"Celso... nagbibiro lang ako nang sinabi ko iyon.", she hesitantly whispered. She knew that it will hurt him even more and she was right because his hold on her suddenly loosened.
Wala siyang planong magpakasal.
Oo, aaminin niya na may point in time na kinonsidera niya iyon pero she quickly realized that marriage is a big thing and she's not here to stay. She will eventually go back to her time and leave him here.
Celso's shoulders slumped and his head hanged in defeat. Unti-unti rin nitong tinanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya.
Several seconds of silence filled the room.
Hindi niya alam ang gagawin para i-comfort ang lalake pero bago pa siya makagalaw ay bigla siyang nilingon ni Celso. Determination can be seen clearly on his face.
"Hindi pwedeng hindi mo ako pakasalan... sigurado akong mabubuntis kita dahil sa nangyari kagabi.", confident nitong sabi pero agad niya itong kinontra.
"Naka-IUD ako.", agad naman niyang sabat dito pero dahil sa nakitang pagtataka sa mata nito ay napagdesisyunan niyang ipaliwanag iyon. "Intrauterine device ang buong pangalan niyon. Nasa loob ko siya.", ika niya habang tinuturo pa ang kaselanan niya. "Pinipigilan nito na mabuntis ako."
IUD made her more confident with her sexual rendezvous. Hindi siya natatakot mabuntis dahil doon kaya walang dapat problemahin si Celso sa kaniya.
She glanced at Celso and saw his annoyed looked on her 'down there' part.
"Tanggalin natin.", ika nito matapos ang ilang segundo at akmang huhubarin ang slacks na suot niya.
Agad niya itong pinigilan at tinapik ang mga kamay nitong nakahawak sa damit niya.
"Hindi ganoon iyon kadali, Celso!", pagpapatigil niya sa plano sana nitong gawin. "Trained professionals tulad ng doktor ang dapat magtanggal ng IUD at hindi kung sino-sino lang!", pagalit niyang dagdag.
Actually, she can remove her IUD by herself. Mas mataas ang string na nakakabit sa IUD niya para madali lang niyang makuha if ever gusto niya ng kunin. She opted for self-removal IUD so that she can have a choice when to remove it but she won't tell Celso because he might plan to remove it by himself.
"Celso... wala kang obligasyon sa akin dahil sigurado akong hindi mo ako mabubuntis.", pagdidiin niya para tigilan na nito ang 'marriage' topic na iginigiit nito.
He looked so defeated again because of what she said but his face suddenly brightened up.
"Ako.", bigla nitong sabi na nagpakunot sa noo niya.
"Anong ikaw?", nagtataka niyang sabi.
"Panagutan mo ako.", seryoso nitong sabi sa kaniya. "Kung ayaw mong panagutan kita... ako na lang ang panagutan mo.", dagdag nito.
Napanganga siya sa sinaad nito.
What the fuck?
"Celso... Bakit kita pananagutan? Mabubuntis ba kita?", hindi makapaniwala niyang tanong dito.
"Hindi... pero may nawala rin sa akin dahil sa nangyari sa atin kagabi.", seryoso nitong saad na mas nagpataka sa kaniya.
"Aber anong mawawala sa iyo?! Sa pagkakaalam ko ay kayo pang mga lalake ang nasa advantage pagdating sa ganitong topic dahil pwedeng-pwede lang kayong mang-iwan pagkatapos ng pagtatalik. Celso, walang mawawala sa iyo.", agad niyang pagkontra sa sinabi nito.
Aba't totoo naman talaga ang sinabi niya. Kaya ang hayok-hayok ng mga lalake sa sex dahil wala namang mawawala sa kanila habang silang mga babae ang naiiwang luhaan.
"Merong nawala sa akin.", diin nitong sabi na tila pinapakita sa kaniya na may pinaglalaban ito.
"Ano ba iyang nawala sa iyo at parang kailangang talagang ipaglaban mo?", inis niyang tanong dito at para makontra rin niya ang pinaglalaban nito.
"Puri ko.", seryoso nitong saad.
His answer made her froze in confusion for a moment.
Ano daw?
After awhile, she suddenly realized what he meant.
She fiercely shooked her head in disbelief.
"No freaking way!", sigaw niya dito. "Hindi ako maniniwalang virgin ka pa kagabi!", dagdag niyang angal na nagpatawa sa lalake.
He smirked and she can immediately decipher what he was thinking.
He caught her now and she has no way out.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: I know hindi usual sa mga Wattpad stories na ang lalake ang virgin pero sana hindi turn-off para sa inyo. ☺️ From my opinion lang, guys that know how to wait is more desirable than guys that fuck around without any thought.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top