Chapter 23
Hindi siya mapakali.
Kanina pa siya sa loob ng bahay na bato ni Celso at talagang nag-aalala na siya.
Well... she's gonna be truthful... excited rin siya.
Babalikan daw siya nito mamaya!
Matutuloy naman diba?!
Hindi naman siguro assumera lang siya masyado para isipin na ipagpapatuloy nila ang ginawa nila kanina.
She mentally slapped herself because of her horniness.
Baka may gulong nangyayari sa labas pero heto siya at kalibugan lamang ang nasa isip.
Padabog siyang tumayo mula sa kamang kinahihigaan.
In fairness, malambot ang kama ni Celso. Kung wala nga lang talagang gulo sa labas edi sana nakatulog na siya dito.
She paced back and forth and tried to decide whether she would go outside or stay here inside as what Celso told her. Eventually, she decided to just go out and see for herself what is happening outside.
She slowly opened the door and peaked outside. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid pero wala namang mga tao. It's actually really peaceful.
Good. No one's outside.
Wala naman atang away na nangyayari kaya confident na siyang naglakad papunta sa main house.
Nang makalapit doon ay agad niyang narinig ang mga boses ng mga lalakeng nag-uusap.
The voice that stood out for her is Celso's voice. Not just because she's attracted to him but also because he's slightly shouting at their visitor.
"Wala kayong karapatang kunin ang mga imbak naming pagkain!", rinig niyang galit na sigaw ni Celso sa kung sino mang kausap nito.
Hindi pa niya kita ang mga ito dahil nasa bandang labas pa siya ng bahay. Hindi pa nga siya nakakaabot sa pintuan pero rinig na niya ang mga boses nito. Dahil sa nararamdamang tensyon mula sa loob ng bahay ay tumigil siya sa paglalakad nang makalapit sa pintuan.
She leaned at the wall next to the front door and tried to listen to the conversation from the inside.
"Alam mo namang obligasyon ng mga tao sa bansang ito na tulungan ang Espanya sa pakikipaglaban sa mga putang rebelde na sumisira sa bansang ito.", rinig niyang preskong ani ng isang lalake. Hindi niya kita ito at hindi niya alam kung ano ang itsura nito dahil takot siyang sumilip sa loob. "At ang paghihingi ng mga pagkaing pwedeng kainin ng mga sundalo ang isa sa mga obligasyon na iyon."
"Hindi panghihingi ang pangunguha ng walang pakundangan at hindi sila mga rebelde. May pinaglalaban lang.", Celso retorted, his voice is laced with disgust and hatred.
Narinig niyang tumawa ang kausap ni Celso bago ito sinagot.
"Ipagpaumanhin mo naman Heneral Montallana kung hindi kapantay ng prinsipyo mo ang mga aksyon ko.", the man said but he quickly corrected what he said. "Pagpasyensyahan mo na ang aking pagkakamali. Hindi ka nga pala Heneral. Muntikan lamang. Isa ka nga lamang hamak na mamamayan. Hindi ba totoo iyon, GINOONG Montallana?", the man mockingly apologized while emphasizing the word 'ginoo' as if being a simple 'ginoo' is such a big slap on Celso's face.
Narinig niya pang tumawa ang bisita nila pero hindi naman niya inaasahan na lalabas na pala ito kaya hindi na siya kaagad nakapagtago. Agad namang napatigil sa may bandang pintuan ang heneral at ang dalawa pa nitong kasamahan nang makita siya.
She just stood there frozen under his malicious gaze. Para atang may balak ang lalakeng ito sa kaniya pero hindi iyon ang nagpapukaw sa isipan niya.
A part of the script suddenly passed her memories.
Fire.
May susunugin ang heneral na ito kasama ang mga sundalo nito.
He smirked while eyeing her up and down before looking back inside where Celso is.
"Kung ayaw mong bigyan kami ng kakaunting imbak ng pagkain ay baka pwede mong ikonsidera na bigyan na lang kami ng kasiyahan ng mga kawal ko.", malakas nitong sabi kay Celso bago siya tiningnang muli. "Mukhang may masarap na pagkain kaming pwedeng kainin.", nakakapangilabot nitong dagdag.
Mukhang naintindihan naman kaagad ni Celso ang ibig ipahiwatig ng heneral dahil agad niyang narinig ang nagmamadaling yabag ng lalake papalabas.
Naningkit ang mga mata nito nang makita siyang nakatayo sa labas.
She just sheepishly smiled at him but he just gave her a cold stare before walking towards her and shielding her away from the malicious stares of the general and his companions.
"Umalis na kayo. Walang lugar ang mga baboy sa lupain ko.", madiing sabi ni Celso sa mga bisita nila.
Tumaas ang kilay ng heneral dahil sa sinaad ni Celso. Tanda na hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kaharap.
"Masyado kang mapagmataas, Montallana.", galit na saad ng heneral. "Tandaan mo na kung wala pa ang ama mong Gobernadorcillo ay malamang pinaglalamayan ka na ngayon. Hindi ako magdadalawang-isip na sunugin ka ng buhay kung wala pa ang iyong ama na prinoproteksyunan ka pa rin kahit isa ka ng patapon.", dagdag nitong banta kay Celso bago naglakad papaalis. Ang mga sundalo nito ay nakasunod lamang.
She saw Celso's clenching fist at his side. Fury vibrated through his body. Kahit siya ay natatakot dahil sa aura na nakapalibot dito ngayon. Gayunpaman, inabot niya ang kamao nito at hinawakan iyon.
Hindi niya kita ang mukha nito dahil nasa likod pa rin naman siya nito pero alam niyang galit na galit ito.
One of the things that she can remember from the script was that Celso doesn't really like being dependent on his father. Ayaw nitong nasasabihan na lahat ng pinaghirapan nito ay dapat nitong ipagpasalamat sa ama.
"Ce-Celso...", mahina niyang tawag dito pero agad niyang pinagsisihan dahil malamig siya nitong tiningnan.
He forcefully grabbed her and walked towards his house. Towing her in the process.
Gusto niyang magreklamo. Nasasaktan siya dahil ang higpit ng hawak nito sa kaniya pero natatakot siyang magsalita at baka madagdagan ang galit nito.
When they got inside his house, he slammed the door hard and dragged her towards where his bed is. He shoved her there which made her sat down on the bed.
Flames of anger licked through him and he walked back and forth in front of her. He's even pulling on his own hair with frustration that made her want to say sorry.
Malakas itong napabuntung-hininga bago lumuhod sa harapan niya. Since nakaupo naman siya sa kama, magkapantay lamang ang mga mukha nila.
This is the same position that they have when he told her not to go outside but instead of concern and worry, his eyes are swirling with anger and fury with a little bit of frustrations.
"Anong sinabi ko kanina, Isabel?", he asked while using the tone that parents usually use when reprimanding their kids and she hates it. Iniwas na lamang niya ang mga mata mula sa mga tingin nito dahil ayaw niya talaga ang paraan ng pagsasalita nito pero agad naman nitong pinaharap siya pabalik dito.
"Anong sinabi ko kanina, Isabel.", mas madiin nitong saad. Hindi na nga maririnig ang question mark sa sentence na iyon dahil mukhang gusto nitong malaman niya na hindi lang ito simpleng nagtatanong kundi nag-dedemand ito ng sagot.
Kinagat niya ang labi at nakipaglabanan sa mga nag-aalab nitong paningin.
She hates being treated as a kid and Celso is doing just that.
"Isabel.", nakakatakot nitong saad kaya naman kahit mataas ang kaniyang pride ay kaagad siyang napasagot.
"Hi-Hindi ako dapat lumabas.", nauutal niyang sabi habang binababa ang paningin dahil hindi niya nakayanan ang pagtingin ni Celso sa kaniya pero agad na nilapit ni Celso ang mukha nito sa kaniya kaya naman napatingin siyang muli dito.
"Narinig mo naman pala ako ngunit bakit hindi mo ako sinunod.", galit nitong turan habang nakatutok lamang sa kaniya ang buong atensyon.
"Huwag mo nga akong tratuhing parang bata!", inis niyang sigaw habang tinutulak papalayo si Celso sa kaniya.
She hates being told what to do and being reprimanded by her actions. Hindi na siya bata!
"Kung ayaw mong trinatratong parang bata... Huwag kang umaktong parang bata.", matigas na ani ni Celso bago tuluyang lumayo sa kaniya.
Nakahinga siya ng maluwag nang tumayo na ito at lumayo sa kaniya pero agad naman siyang napatigil dahil sa sunod nitong sinabi.
"Kunin mo ang unan at kumot mo. Dito ka matutulog ngayong gabi.", saad nito bago siya tinalikuran at lumabas na ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top