Chapter 20

"Let me guess. Napulot mo na naman?", sarkastiko niyang sabi sa papalapit na Celso.

Hindi na niya kailangang manghula kung anong kailangan nito sa kaniya. Isang tingin lang sa rose nitong dala ay alam na naman niya kung ano ang sasabihin nito.

'Napulot' lang daw nito ang rosas.

It's been more than one week since he first started giving her roses.

Fourteen days to be exact.

Sa kada araw na iyon ay lagi siyang binibigyan ni Celso ng roses na 'napulot' daw nito.

Mukha tuloy siyang galing sa debut dahil malapit ng mag eighteen roses ang nakadisplay na flowers sa kwarto niya. Nanghiram pa nga siya ng vase kay Jose para may paglagyan siya.

Now, she's feeding the chickens and she was almost done when she saw Celso walking towards her, flower on one hand.

Tulad na nakagawian nito ay kinuha lang nito ang kamay niya at inilahad iyon para mailapag ang rosas sa palad niya sabay sabi. "Napulot ko. Sa iyo na lang."

Noong mga unang araw pa na ginagawa nito iyon ay kinikilig pa siya. Syempre si crush ang nagbibigay pero eventually napalitan ang kilig na iyon ng inis.

Every time she asked him what he meant by the roses, he would just slimly dodged the question. Laging sinasabi nitong 'napulot' lang daw nito ang mga iyon.

Aba't tang-ina! Saan ba dumadaan ang lalakeng ito at araw-araw na may napupulot na roses?!

Dahil sa frustration ay hinila niya si Celso bago pa ito makalakad papaalis.

Lagi nitong ginagawa iyon. Tatakas kaagad pagkatapos maibigay ang roses.

Napahinto naman ang lalake dahil sa paghila niya sa manggas ng damit nito.

He turned his head towards her, maybe to ask her what's the problem but she used that opportunity to give his lips a peck.

Hindi naman iyon katagalan.

Hindi nga ata aabot ng 2 seconds pero napahinto na si Celso dahil doon.

"Hoy Celso, kung ikaw trip mong magpabebe pwes ibahin mo ako. Sanay ako sa bakbakan at kahit biglaan ay may dala pa rin akong bala. It's either you like me and we try having fun or you don't and we'll treat each other as strangers. Madali akong kausap.", she said.

She tiptoed again and planted a soft kiss on his lips before pinching his right cheek.

"Ang cute mo! Sarap rin papakin ng lips mo.", gigil niyang sabi bago naglakad papabalik sa bahay.

This time, she's the first one to walk away. Leaving Celso dumbfounded there.

Pagkapasok sa bahay ay nilagay muna niya ang maliit na sisidlan na nilagyan niya ng pagkain sa manok kanina bago dumiretso sa kwarto niya.

Tapos naman na siya sa mga gawain niya kaya pwede na siyang magpahinga bago maghapunan.

She immediately walked towards the vase full of roses that she got from Celso for two weeks.

"Fifteen", mahina niyang sabi habang maingat na nilalagay ang bagong bigay na rosas ni Celso sa tumpok ng mga rosas na nasa vase.

A small smile appeared on her face while looking at it.

Hindi niya maintindihan bakit mas kinikilig siya sa ganitong paisa-isang bigay na ginagawa ni Celso. Kung iisipin pa nga ay may mas magandang bouquets pa siyang nakuha kaysa dito.

Yung mga tipong detailed at napakaganda ang arrangement.

Yung tipo na ang presyo ay pwede ng ipangkain sa mga mamahaling restaurants.

But right now... those bouquets doesn't hold that much greatness compared to Celso's roses.

Roses...

Agad siyang napatigil dahil sa naisip.

Oh... My secret admirer in my original time...

Biglaan lamang ang pagkakatanda niya sa lalakeng palaging nagbibigay ng bouquet of roses sa kaniya. Hindi niya ito kilala. She also doesn't know what he looked like. He's a total weirdo for her perspective.

Actually, he started giving her roses when she got her first modelling gig. Sunod noong naging cast siya ng isang kilalang teleserye.

From that, it gradually became constant.

Everytime she has a new movie project?

Roses.

Every birthdays of hers that passed?

Roses.

Evey new brand deals that she got?

Roses.

Laging may roses siyang nakukuha sa lalakeng iyon pero hindi naman niya napagtutuunan ng pansin dahil marami naman siyang ibang fans na nagpapadala ng iba't-ibang bulaklak para sa kaniya. Mas mahal at hamak na mas maganda pa nga.

He only started getting her attention one month before she said yes for the historical movie project that she would be working on with Direct Percy. Itong kwento ng buhay ni Celso.

Isang buwan bago niya nakuha ang offer ay nagsimula itong magpadala ng roses sa kaniya araw-araw.

Yup! Araw-araw!

For that whole month ay may natatanggap siyang bouquet of roses along with notes full of random messages but with apparent callname.

'Mahal ko.'

Hmm... that callname sounds good.

Magamit nga kay Celso.

Pang-inis lang.

She took her attention away from the roses and decided to look for Celso.

Mang-iinis siya.

Agad niyang inikot ang loob ng bahay pero wala si Celso doon kaya lumabas na lang siya.

Dire-diretso siyang naglakad papunta sa workshop nito pero agad napatigil nang makita ang bahay nito.

She felt that he's inside so instead of going towards Celso's workshop, she opted for the house instead.

Hindi na siya kumatok at padabog iyong binuksan habang sumisigaw ng, "Mahal ko! Are you here?"

The door swung strongly and slammed at the stone wall.

Agad namang napalingon si Celso sa kaniya. Nakatayo ito sa gitna ng bahay. He looked like he was pacing back ang forth before she barged in.

Ayiieee! Affected ata ito sa kiss niya kanina. Hindi mapakali ang damuho!

She plastered a big smile on her face and walked towards him.

"Hi, mahal ko! Kamusta ka na?", ika niya na parang hindi sila nagkita kanina.

His face immediately turned red but he was able to get a hold of himself before changing his expression into a poker face one.

He cleared his throat first before speaking, "Anong kailangan mo?"

"Magpapaturo akong magsulat.", agad niyang sagot dito. A full smile still stuck on her face.

"Bakit ka sa akin magpapaturo?", tuliro nitong tanong. "Kay Jose na lang.", ika pa nito na parang pinagtutulakan pa siya sa iba.

Umiling-iling kaagad siya.

"Ayoko.", she firmly said. "Ikaw gusto ko."

"May gagawin pa ako.", pagtanggi ulit ni Celso sa kaniya at akma na namang tatakasan siya pero yumakap na siya kaagad sa left arm nito.

"Mabilis lang naman. Magpapaturo lang akong magsulat gamit nung pangsulat niyo. Ang hirap kayang gamitin nun! I always get a large blob of ink instead of an actual letter whenever I write.", pagmamaktol niya habang nakayakap pa rin sa braso nito.

Pilit tinatanggal ni Celso ang pagkakayakap niya dito pero para siyang tuko na nakadikit sa lalake.

"Please!", pagpapa-cute niya kay Celso.

She even blinked her eyes rapidly just like how anime girls do it.

Hindi ito kaagad sumagot at parang nahihirapang nakatingin lamang sa kaniya pero eventually ay inis na umungol at napamura sa sarili.

A small celebration happened inside her mind because she knew that she's winning.

Eventually, he just nodded to her but she already knew what he meant kaya naman para siyang tangang palakpak ng palakpak.

I'm gonna get this man by hook or by crook!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top