Chapter 18
She loudly huffed while scrubbing the dirty laundry at the riverside.
One week has passed since her realization that she can't remember the script anymore and the passing days just made her anxious even more. Idagdag pa na sa isang linggong iyon ay ilang ulit na niyang napapanaginipan si Direct Percy.
Lagi niya itong hinahabol sa panaginip niya pero kapag naaabutan na niya ang matandang director ay iisang kataga lamang ang sasabihin nito bago biglang lalaho.
"Ikaw lamang ang makakapagpabago sa mapait niyang tadhana."
What the hell does he mean by that?!
How would she be able to change Celso's fate if she has no clue or whatsoever to what would happen to him?!
Nakakainis na talaga!
Idagdag pa sa inis na iyan ang panghahapdi na naman ng kamay niya.
She stopped scrubbing the dirty clothes and held out her palms in front of her.
Chipped nails plus wrinkled skin made up her ugly ass hands.
Sa hapdi ng mga iyon ay parang matutuklap na ang balat niya kahit konting sagi lamang.
Talagang kinareer ko na ang paglalaba sa panahong ito. I should just stop acting and start my own laundromat when I got back to my time.
Napapitlag naman siya nang bigla-biglang sumulpot si Jose na may dalang isang basket ng labahin.
Great... not.
"Binibining Isabel, mga labahin pa po. Kasama na po dito yung mga kurtina na dapat ng labhan. ", saad nito habang binababa sa gilid niya ang dagdag na labahin.
Inis niya iyong tiningnan pero kalaunan ay bumuntung-hininga.
She doesn't have a choice. Trabaho niya ito.
"Kasama na ba dito yung mga damit niyo?", agad naman niyang tanong kay Jose kasi aalis na sana ito.
"Yaong sa akin lang po, Binibining Isabel. Nakalimutan ko pong hingin kay Kuya yung sa kaniya. Pwede po bang kayo na lang ang kumuha? Baka po kasi masunog ang niluluto ko sa kusina.", halatang nagmamadali nitong sabi.
Tumango na lang siya para naman mabalikan na nito ang niluluto at mabagal na tumayo.
Gosh! My back hurts!
She stretched her body to soothe her aching body before walking towards Celso's stone house.
Siya na lang ang kukuha ng maduming damit nito para naman malabhan na niya ngayon. Ayaw niyang matambakan na naman ng mga labahin sa mga susunod na araw.
Nang makarating sa pintuan ng bahay na bato ni Celso ay nag-aalangan siyang kumatok.
Bawal nga pala ako dito.
"Tao po. Celso?", mahina niyang tawag pero wala namang sumagot sa kaniya.
Ilang ulit na siyang kumakatok pero wala pa ring sumasagot.
Oh well... Guess I should go?
Curious siya kung ano ba ang nasa loob pero at the same time ay natatakot siya. Baka kung ano-anong weird stuff ang tinatago ni Celso sa loob at hindi niya alam kung ready ba siyang malaman.
Tumalikod na siya at lalakad na sana pabalik sa ilog ngunit biglang nahagip ng mata niya ang tumatakbong si Maricel. Nilagpasan siya nito kaya naman napalingon siya ulit sa likod niya at nagulat nang pumasok si Maricel sa bahay ni Celso.
Napatakip siya sa bibig dahil sa gulat.
Nakaawang na pala ang pintuan nito. Hindi niya napansin kanina pero ang maliit na siwang na iyon ang naging dahilan kung bakit pumasok si Maricel sa loob.
Oh fuck! Maricel no!
She panickingly walked back and forth because she doesn't know what to do.
Tang-ina! Papasok ba siya o hindi?!
She kept on looking at Celso's slightly opened door and contemplated whether to go or not.
Maricel! Kung hindi lang kita favorite na manok ay wala talaga akong pakialam sa iyo!
She hesitantly walked towards Celso's stone house and slowly opened the door wide enough for her to peer inside.
"Hello? Tao po? Anybody here?", halos pabulong na niyang sabi.
A loud bang caught her attention and she immediately saw Maricel pecking something at Celso's table.
"Naku po, Maricel! Labas ka na! Baka maihaw ka ni Celso!", panic niyang sabi habang maingat na lumalapit kay Maricel. Ayaw niya itong gulatin dahil baka mas makagulo pa ito sa loob ng bahay ni Celso pero agad itong tumakbo nang makita siya.
The chicken ran towards the nearby cabinet, knocking the things placed there before flying towards the door and finally leaving.
Agad naman siyang nakahinga ng maluwag nang makitang nakalabas na si Maricel. Nilapitan niya ang mga natumbang gamit at dali-dali iyong inayos.
Bawal siyang maabutan ni Celso dito.
Lalabas na sana siya pero nahagip ng peripheral vision niya ang isang uniporme na nakadisplay sa may far side wall ng stone house.
It was hanged there as if it's one of those pieces that she often saw in museums. Kitang-kita na iniingatan iyon dahil kahit walang glass para protection sa alikabok ay malinis pa rin ang uniform.
Para ngang bagong tahi dahil sa ganda nito tingnan. Little stains at inconspicuous spot gave a little bit information that it was well-used before.
Sa tabas pa lamang ng uniporme na iyon ay alam na niya kung sino ang nagmamay-ari ng unipormeng iyon.
Si Celso.
Oh yeah... He used to be a soldier.
It is so sad to know that up until now, he's still longing for his dream.
A dream that used to be on his own hands but was suddenly taken away from him.
He wants to be a general.
Iyon ang natatandaan niya. Malapit na ngang matupad kung hindi pa ito pinagbintangan.
She can't imagine waking up every morning and sleeping during night with this uniform in front of her. Just reminding her how easy to dream for something that you've already achieved.
Something that was on your fingertips but fluttered away from you in an instant.
Napatungo siya dahil sa lungkot pero iyon ang naging dahilan kung bakit mayroon na naman siyang nakitang napaka-interesting.
Unti-unti siyang lumapit sa table na malapit sa kinakalagyan ng uniform at maingat na dinampot ang isang bagay na gawa sa kahoy.
It's her.
More specifically, it's her face carved on a wood.
Hindi pa iyon tapos pero kitang-kita naman na siya iyon.
She slowly traced her fingertips on every detail of the carved wood.
Kuhang-kuha ng gumawa nito ang lahat ng detalye sa buong mukha niya. Even the small mole situated at the far side of her right forehead, almost hidden on her hairline.
Para ngang totoong tao kung titingnan ang carved wood.
Bigla siyang napapitlag at nabitawan ang hawak-hawak dahil sa baritonong boses na biglang nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top