Chapter 16

She sighed deeply while walking back towards the house.

Kakatapos lang niyang manglaba at ang sakit-sakit na talaga ng likod niya. Idagdag pa ang nanghahapding mga kamay niya.

Imbes na dumiretso sa kwarto ay napagdesisyunan niyang pumunta na lang sa kusina.

Mainit kasi sa silid niya. Nanlalagkit kaagad ang katawan niya dahil sa pawis.

Oh God! I miss air-conditioning. I might even kill for a simple electric fan.

Pagkarating sa kusina ay si Jose kaagad ang bumungad sa kaniya. Naggagayat ito ng mga panahog ngunit napatigil ito dahil sa pagdating niya.

"Binibining Isabel, tapos na po ba kayong maglaba?", magalang nitong tanong sa kaniya.

Tumango na lang siya dahil sa kapaguran at pasalampak na umupo katapat nito.

In fairness, mabait ito. Mga ilang taon nga lang ata ang tanda niya dito pero makaasta ito sa kaniya ay parang singkwenta na siya.

"Jose.", tawag niya dito dahil bumalik na ang atensyon nito sa paghihiwa ng sibuyas. Agad naman siyang tiningnan nitong muli.

"Bakit hindi ako tinatawag ni Celso ng binibini?", curious niyang tanong sa binata.

Noon pa niya iyon napansin pero hindi naman niya maitanong-tanong sa lalake.

"Hindi ko po alam, Binibining Isabel.", sagot nito sa kaniya habang nagkikibit-balikat pa.

Hmm...

She's still deep in thought but it suddenly cutted off when Celso came inside the kitchen while holding a chicken on his right arm.

Hindi niya alam kung anong nangyari pagkatapos niyang bumalik sa labahin niya kanina. Hindi na niya pinansin ang mga customers ni Celso matapos ang mga sinabi ng mga ito.

Biglang napakunot ang kaniyang noo nang ilahad ni Celso sa kaniya ang manok.

"Anong gagawin ko dito?", takot niyang saad habang todo effort sa pag-lean back para malayo sa manok na makatingin sa kaniya ay parang papatayin siya.

"Patayin mo tapos tanggalan mo ng balahibo.", tipid nitong sagot sabay lapit na naman sa manok sa direksyon niya.

Agad-agad siyang tumayo para makalayo at nagtago sa likod ni Jose na mukhang nagulat pa dahil mahina itong napatalon.

"Ayoko nga!", mariin niyang tanggi. "Have you seen the look on that chicken's face?! He looked like he would kill me!", dagdag niyang ani habang palipat-lipat ang paningin sa murderous look ng manok sa kaniya at sa annoyed face ni Celso.

"Ang rami mong reklamo.", bulong ni Celso pero rinig naman niya. "Jose, pakiabot ng kutsilyo.", dagdag nitong sabi na nagpakilabot sa kaniya.

Is he gonna kill the chicken?!

Agad namang sumunod sa utos ni Celso si Jose at kumuha ng kutsilyo at akma na sanang iaabot ito sa lalake pero agad niyang pinigilan ang kamay nito.

"No!", sigaw niya sabay hawak kay Jose kaya naman napatigil ito.

"Ano na naman bang problema, Isabel?!", iritang tanong ni Celso sa kaniya.

"You can't expect me to be a witness of a brutal murder?!", hindi niya makapaniwalang sigaw na nagpakunot sa noo ng dalawang lalake.

"Ano pong sinabi niyo, Binibining Isabel?", nagtatakang tanong ni Jose sa kaniya.

"Yung manok! Kaawa-awa siya!", agad niyang sabi na nagpaliwanag sa isipan ng dalawa.

Malakas na napabuntung-hininga na lamang si Celso bago tinuon ang atensyon kay Jose. "Jose, akin na ang kutsilyo."

Jose was about to hand-over the knife to Celso but she stubbornly stopped him again. Celso looked at her. Annoyance plastered on his face.

"Tigil-tigilan mo ang pagrereklamo mo Isabel kung hindi ay pipilitan talaga kitang patayin ang manok na ito.", banta nito sa kaniya kaya naman agad siyang tumigil pero sa loob-loob niya ay naaawa talaga siya sa manok.

Seeing as how she stand-back already, Jose decided to give the knife to Celso.

Para pa siyang batang naka-pout habang masamang nakatingin kay Celso.

Celso, however, dismissively looked at her and proceeded to go outside again. Mukhang alam na nito na ayaw niyang makita ang walang awa nitong pagpatay sa manok na dala-dala nito.

"Binibining Isabel?", nag-aalala ng tawag ni Jose sa kaniya. "Ayos lang po ba kayo?"

Naka-pout pa rin siya nang nilingon niya ito.

"Hindi iyon si Maricel, diba?", papaiyak na niyang sabi.

"Ahh... Binibining Isabel... Sino pong Maricel?", alangan nitong tanong sa kaniya.

"Yung manok. Hindi iyon si Maricel, diba?", balik niyang tanong dito na nagpanganga sa bibig ni Jose.

Pinalanganan kasi niya ang lahat ng manok ni Celso nang idagdag ng lalake ang pagpapakain ng manok sa to-do list niya.

Maricel is her personal favorite among the bunch.

She doesn't peck her legs and she would usually just stand far away and wait for her to fill her small coconut container with corn. Maricel would wait for her to go away first before walking towards the food.

Pabor iyon sa kaniya dahil takot siya sa mga manok.

She doesn't like the others because they would run towards her like a kid chasing for a bowl of French fries.

That's scary as hell.

Nagkakamot pa ng ulo si Jose dahil sa kalituhan nang padabog siyang lumabas.

I need to check on Maricel. I swear I'm gonna strangle Celso if he ever touches one single feather from my favorite chicken!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top