Chapter 13
"Anong gagawin ko dito?", naguguluhan niyang tanong nang ibinaba na ni Celso ang isang basket ng mga maduduming damit sa may batuhan na parte ng ilog.
Marami ang mga iyon dahil mga damit nina Celso at Jose ang nasa basket. Isama na rin ang damit na gamit niya kahapon at ang mga punda na nadumihan dahil nga hindi siya nakaligo kahapon.
"Basain mo muna ang lahat ng iyan tapos ipaghiwalay mo ang mga pang-ibaba at pang-taas. Pati na rin ang puti at de kolor. Tutulungan kita mamaya kapag magbabanlaw ka na.", ani ni Celso sa kaniya habang nagtatanggal ng t-shirt nito.
Wait. Why is he stripping off his shirt?
Nagtataka pa rin siyang nakatingin dito dahil hindi niya alam kung bakit ito naghuhubad ng t-shirt pero biglang binato ng lalake sa direksyon niya ang damit pang-taas nito bago naglakad papalapit sa isang malaking tapok ng mga kahoy. He picked up an axe and proceeded to chopped the woods.
Malapit-lapit lang ang pwesto nito sa kaniya kaya tanaw na tanaw niya ito.
Oh. He's gonna chop woods.
She eventually decided to start with her task and arrange all the clothes based on Celso's instruction.
Kahit pa man maraming damit na ina-arrange ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mapatingin sa direksyon ni Celso.
He has a nice body. Pwedeng itapat sa mga models na naka-fling niya. Toned is the right word for it pero hindi ang katawan nito ang nakakuha ng atensyon niya.
It's the situation that they are in right now that caught her attention.
Siya na naglalaba at ito ay nagsisibak ng kahoy.
They looked like a married couple.
Like those couple that came out of an old painting that shows simple, domesticated life of Filipinos during the old eras.
Para talaga silang mag-asawa... and oddly enough... that thought makes her feel different emotions.
Never niyang naisip ang pag-aasawa.
Being tied with a man and promising herself to him forever? Hell nah!
That's not her thing. She doesn't roll like that.
Pero habang nakatingin siya kay Celso... she just found herself liking the idea.
She's been so alone most of her life that she just suddenly wants to feel how it is like to have a family of her own.
What does it feels like?
To have a man that she could lean on.
To have a man that would make her feel safe and secured.
Napapitlag siya nang bigla siyang tawagin ni Celso.
"Isabel.", tawag nito sa kaniya kaya naman agad nawala ang lahat ng iniisip niya kanina. "Bakit hindi ka pa nagsisimulang magsabon?", dagdag nitong tanong.
"Uhmm... Hi-Hindi ako marunong...", nahihiya niyang sabi.
Totoo naman kasi. Hindi talaga siya marunong manglaba. Might as well use that as an excuse to dodge any questions about her ogling him.
Napabuntung-hininga lamang si Celso bago itinarak ang palakol na gamit-gamit nito sa kahoy na ginagamit nitong patungan para sa pagsisibak ng iba pang mga kahoy.
He walked towards her and then sat down next to her. Sinigurado muna nitong nakataas ang pantalon nito bago nilublob ang mga paa sa may ilog katulad ng pwesto niya ngayon.
Itinaas muna nito ang manggas ng damit bago dumampot ng isang t-shirt. He then picked up the yellowish looking soap near her.
"Kapag naglalaba ka ng mga pang-taas, ang dapat mong unang isipin ay ang manggas. Sabunan at kusutin mo ng maayos ang nasa bandang kili-kili at leegan dahil doon ang may pinakamaraming dumi o baho.", paliwanag nito sa kaniya habang pinapakita sa kaniya ang pagkukusot ng damit.
Dumako ang mata niya sa mga eksperto nitong kamay na makikitaan ng pamilyarisasyon sa gawain na iyon.
Halatang sanay itong manglaba.
Natandaan rin niya na ito nga pala ang nanghugas ng pinggan kagabi dahil nakatulog siya ng maaga.
Doing the laundry or washing the dishes aren't painted as manly duties by the society but watching Celso right now makes her admire him more.
Wala itong pakialam kung pang-lalake o pang-babae ang gawain. He just does it without care if he looks manly or not.
Tang-ina akala ko hindi na kita crush!
This man is too perfect. Huwag lang talagang lumabas ang pagiging antipatiko nito at talagang magiging perpekto na ito sa mga mata niya.
"Naiintindihan mo na ba, Isabel?", tanong nito sa kaniya sabay lingon sa direksyon niya. He got taken aback when he saw her watching him intently.
"Marunong ka bang magluto?", tanong niya pabalik dito. She disregarded his question because of her curiousity.
I swear to God that if this guy knows how to cook too then he must be unreal.
"Oo.", nagtataka pa nitong sagot sa kaniya. Nakakunot ang noo nito at tila hindi maintindihan bakit napunta siya sa pagluluto.
Goddamnit! Why?! Why can you be this perfect?!
"Marunong ka bang manahi?", tanong niya dito. Determined siyang mapatunayan na hindi ito perpekto.
That's just plain impossible.
"Hindi.", iling nito habang nakakunot pa rin ang noo.
"Good! At least may isang aspect na pwedeng ihandle ko!", tuwa niyang ani habang mahina pang pumapalakpak.
"Ano?", naguguluhan nitong tanong. Nakalimutan na nilang dalawa ang labahin at nakatambak lamang ang nga iyon sa gilid nila.
"You're hired! Be my husband!", enthusiastic niyang sabi na mas nagpakunot sa noo ng lalake.
"Sandali nga muna. Ano ang pinagsasasabi mo? Hindi kuta maintindihan.", he looked so confused with what she said so she immediately translated it.
"Pasa ka na bilang asawa ko! Magpakasal na tayo!", all-smiles pa siya habang sinasabi iyon.
Naintindihan naman kaagad ni Celso ang ibig sabihin niya kaya naman bigla nitong pinitik ang kaniyang noo.
"Aray naman!", she protested. "What was that for?!"
"Hindi iyan gutom dahil pinakain kita ng marami kanina. Hindi rin iyan antok dahil maaga kang natulog kagabi.", ani nito. "Kabaliwan iyan, Isabel. Kabaliwan.", dagdag nitong saad bago tumayo at binalikan ang sinisibak nitong kahoy. Nakasunod lamang ang paningin niya sa papalayo nitong porma.
Napanguso na lang siya at napaisip sa sarili.
I'm serious though...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top