Chapter 12
Papadyak-padyak pa si Betty habang papalabas ng kwarto.
She's pissed off.
Really really pissed off.
Kinatok kasi siya kanina ni Celso. Ang sabi ay hihintayin siya nitong matapos magbihis para makita nito mismong susunugin niya talaga ang damit na suot niya kanina.
She went directly to the kitchen, her clothes rolled in a ball form in her right hand. Suot-suot niya ngayon ang extra clothes ni Celso.
Back to the loose shirt and baggy slacks... great.
Note the sarcasm.
Sinamaan niya lang ng tingin si Celso nang makita niya itong nakaupo sa pwesto nito kanina habang kumakain sila. Napadako naman ang mata niya sa plato nito.
Didn't he ate already?
Tila hindi pa nagagalaw ang pagkain sa plato nito. The amount of food that she saw in his plate a while ago is the same amount of food that is in his plate right now.
Hinihintay ba siya nito?
Wala na kasi si Jose sa kusina. Mukhang tapos ng kumain.
Nakuha ng lalake ang atensyon niya nang bigla itong tumayo at maingat siyang hinila papunta sa dapugan. May apoy pa doon at mukhang ginatungan ng lalake para hindi mamatay. Bigla nitong inabot sa kaniya ang isang gunting kaya naman taka siyang napatingin dito.
"Gupitin mo tapos itapon mo sa may apoy.", paliwanag nito sa kaniya habang minumwestra ang damit na dala-dala niya.
Wait.
What the actual hell?!
Is he torturing me?!
Gusto nitong siya ang sumira ng damit na siya mismo ang gumawa.
Agad siyang umiling-iling at tinulak ang nakarolyong damit sa mga kamay nito.
"Ayoko. Ikaw gumawa.", parang bata niyang sabi.
Napabuntung-hininga naman si Celso na parang pagod na pagod na ito sa mga kalokohan niya bago inabot ang damit na pilit niyang tinutulak sa direksyon nito.
He started snipping the cloth into thin shreds then throwing it into the fire one by one but he suddenly stopped when he heard her sniffing.
"Umiiyak ka ba?", hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya habang dumudungo para makita ang mukha niya.
Tinulak niya papalayo ang papalapit nitong mukha bago nagwika, "Hindi!"
She's not crying.
She's just sad.
That's her creation and it is now being destroyed in front of her.
Agad niyang pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata niya pero agad iyong tinabing ni Celso at ito na mismo ang nagpunas ng luha niya.
"Bakit mo ba iniiyakan ang damit na ito? Sino ba namang babaeng nasa matinong pag-iisip ang magnanais na suotin ang ganitong klaseng damit?", pagmamandar nito sa kaniya habang patuloy pa ring tinutuyo ang mukha niya. Para tuloy siyang bata na pinapatahan ng ama.
"Hindi nga ako umiiyak!", inis niyang saad at tinabig ang kamay nito sa mukha niya. Tinalikuran niya na lang ito at naglakad na papunta sa pwesto niya kanina.
She heard him sighed in defeat before following her on the table. Iniwan na lang muna nito ang damit sa may dapugan.
Nakanguso siya habang umuupo sa upuan niya. Celso followed suit.
She picked up her spoon and fork but suddenly stopped when she saw a plate full of rice and a large slice of sunny side up.
Bakit dumami laman ng plato ko?
Napalingon siya kay Celso nang bigla itong tumikhim bago tipid na nagsalita.
"Kain.", he said in a low tone before picking up his own eating utensils and started eating.
Nakatulala lang siya dito.
Did he just wait for me so he can start eating?
Kahit na naguguluhan ay nagsalita siya.
"Hindi ako kumakain ng kanin. Nakakataba.", she said while setting the rice and the other half of the sunny side up aside.
"Hindi ka dapat nagsasayang ng grasya, Isabel. Kumain ka.", mariin nitong sabi bago binalik sa gitnang parte ng plato niya ang lahat ng tinabi niya. "At saka anong sinasabi mong mataba? Para ka ng patpat sa payat mo kaya kumain ka na."
She glared at him in defiance but he just glared back at her.
"Kakain ka o papalayasin kita?", agad nitong sabi na kinainis niya.
He's pulling his ace card against me again. Damn it!
Kahit na nahihirapan ay unti-unti niyang nilapit ang isang kutsara na puno ng kanin at maliit na piraso ng itlog papalapit sa bibig niya.
Carbs!
So many carbs!
I can't take this!
Para siyang tinotorture habang pilit niyang nilulunok ang pagkain na nasa kutsara niya.
Lunok lang Betty. Kaya mo iyan.
After swallowing the food, she sneakily looked at Celso and saw him watching her intently. Like a Papa bear watching his Baby bear eat for the first time.
Papanoorin ba siya nito hanggang sa matapos siyang kumain?
"Kumain ka na kaya.", mungkahi niya dito dahil naiilang siya sa panonood nito sa kaniya.
"Ubusin mo lahat ng iyan dahil hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo nauubos ang pagkain mo.", banta nito sa kaniya bago nagsimulang kumain na rin.
The hell?! All of this?!
There are over 53 grams of carbohydrate in a single serving of white rice and she doesn't know how much of those carbohydrates are in her food.
What she surely knew is that it's a lot.
"Lahat?", hindi makapaniwala niyang tanong dito. "Pwedeng kalahati lang?", tawad niya dito.
She doesn't know if she can take eating that much.
Hindi siya sanay.
Lagi niyang iniingatan ang figure niya kaya nasanay na siyang konti lamang ang kinakain.
"Lahat.", mariin na sagot ni Celso. "Ubusin mo lahat ng iyan dahil maglalaba tayo mamaya.", dagdag nitong ani bago nagpatuloy sa pagkain.
Gosh... I hate my life right now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top