Chapter 11

Napapatawa pa siya habang nire-recall ang nangyari kanina.

Pagkatapos kasing lumayo ni Celso sa kaniya ay binantaan siya ng lalake na papalayasin kung hindi pa siya magbibihis. He then just trudged away from her after that and he didn't even spare her a single glance.

Ang init ng ulo ng lalakeng iyon. Hindi ba talaga siya naakit sa halos hubad na katawan ko?

She examined her naked body througly from the mirror that is situated at the right side of her bedroom.

Buti na nga lang talaga at walang nangyaring masama sa kaniya nang nagtime-travel siya dito.

I swear that I will choke Direct Percy if ever I got even the smallest scar while I'm here!

Ang mahal kaya ng Derma! 

Dahil sa naisip ay nawala na lang ang good mood niya kanina.

Inis siyang napalingon sa damit na pinahiram ni Celso sa kaniya.

Dumadagdag lamang sa inis niya ang baduy na damit na iyon.

Like, seriously?!

Did Celso actually thought that she will settle for this 'pipitsuging' outfit?!

Buti na nga lang at pinahiram siya ni Jose kanina ng sinulid at karayom. She can transform this horrible nonsense into something else.

She immediately walked towards it and picked it up.

Hmm... What can I do with this?

Sandamakmak na ideas ang pumasok sa isip niya pero may isang nagbubukad-tangi sa lahat.

Slowly, a devilish smirk appeared on her lips.

Fresh and sexy outfit, here I come!

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Tuwang-tuwa siyang napalakpak dahil sa obrang katatapos niya lang tahiin.

Gosh! Ang hirap talaga kapag talented! Kahit ako naiinlove sa sarili ko!

Agad-agad niyang tinanggal ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya at sinuot ang damit na ginawa niya. Hindi naman siya natagalan sa pagtatahi ng mga iyon.

The white t-shirt that Celso gave her is now a tube with rips on the back part. Tinali niya na lang iyon para magkaroon ng design. Bakat na bakat pa ang nipples niya dahil wala siyang bra na gamit ngayon. Basa pa kasi nilabhan niya kanina.

Well... she's not exactly sure if you can call it 'laba'.

Basta nilublob niya lang sa ilog kanina tapos piniga.

Ang itim na slacks naman ni Celso ay isa ng hapit na hapit na skirt. Kitang-kita na tuloy ang kurba ng katawan niya.

Perfect!


She twirled in front of the mirror once more before going out of the room in satisfaction.

Ang ganda niya grabe!

Dumiretso siya sa kusina dahil alam niyang kumakain na ang mga ito. They called her earlier but she told them that she needed to finish what she was sewing. Sinabihan lamang siya ni Celso na huwag daw takasan ang hugasin tulad daw ng ginawa niya kagabi.

Walang kagatol-gatol siyang pumasok sa kusina at binati ang dalawang lalake.

"Good morning people!", malakas niyang ani sabay upo sa katapat na upuan ni Celso.

May plato, kutsara at tinidor na kasing nakalagay doon kaya naman dumiretso na siya ng kuha sa pritong itlog at hindi pinansin ang kanin.

She was never been a fan of rice.

Rice can make her fat.

Maliit na piece rin ng itlog ang kinuha niya. She still needs to maintain her figure.

Susubo na sana siya pero biglang binagsak ni Celso ang kamao ng pagkalakas-lakas sa lamesa.

"Isabel!", sigaw nito sa kaniya kaya naman agad siyang napalingon dito. "Ano ba naman iyang suot mo?!", tila punong-puno nitong sabi.

Celso is huffing like a freaking buffalo while Jose is at her left side with his mouth agape.

"Damit? Duh.", walang pakialam niyang sabi at binalik na ang pansin sa itlog na kinakain.

"Damit?!", tila hindi makapaniwalang tanong muli ni Celso. "Damit ang tawag mo diyan?! Para kang puta, Isabel!"

Puta?!

She looked at him in disbelief.

"Hoy Celso! Lagyan ko lang ito ng blazer ay pwede ng tawagin itong formal attire sa panahon ko!", pagtatanggol niya sa sarili.

Meanwhile, Jose is just there at the side glancing back and forth between her and Celso.

"Ano bang pinagsasasabi mong panahon mo?!", Celso asked in confusion but it quickly changes into determination. "Magpalit ka!"

She crossed her arms in protest. "Ayoko!"

"Isa!", inis nitong ani.

"Dalawa!", she retorted back.

Mukhang hindi na ito nakapagpigil dahil tumayo na ito at nilapitan siya sa kinauupuan niya.

Agad siyang kumapit sa table dahil alam niyang hihilahin siya ni Celso papatayo.

No!

She won't change!

Pinaghirapan niya ang OOTD niya ngayon kaya bawal itong masayang!

Halos yumakap na siya sa gilid ng lamesa para hindi siya mahila ni Celso pero hindi niya inaasahan ang ginawa ng lalake.

He put both of his hands on her waist and yanked her effortlessly away from the table.

Yumuko ito ng konti at binuhat siya na parang sako. He then started walking towards her room.

"No way in hell!", she protested while wriggling like a worm on his shoulder.

Panaka-naka niyang sinusuntok ang likod nito pero parang wala lang sa lalake ang ginagawa niya.

Samantalang si Jose ay naiwan sa dining room na nakanganga pa rin at tila hindi pa naproproseso ng maayos ang nangyari.

Nang madala siya ni Celso sa kwarto ay agad siya nitong binaba.

"Magpalit ka!", mariin nitong utos sa kaniya.

She gave him a death glare as a reply.

"Magpalit ka, Isabel!", nagpipigil sa inis na ulit nito sa sinabi.

"Ayoko!", parang batang nagdadabog niyang wika.

"Binabantaan kita Isabel. Magpapalit ka o ako ang magpapalit ng damit mo.", he said in a very dangerous way. Na para bang hindi ito nagbibiro.

Napatawa siya ng malakas dahil sa sinabi nito.

"Anong akala mo sa akin, parehas ng mga bidang babae sa Wattpad na natatakot makita ang katawan niya ng bidang lalake?", sarkastiko niyang sabi dito. "Celso Montallana, that's not me. Gusto mo pa nga maghubad pa tayong dalawa dito! Come on, I'm willing to do it.", nang-iinis niyang sabi dito habang sinisimulang tanggalin ang tube niya.

Anong akala nito? Isa siyang pavirgin na babae? Isang Maria Clarang napakainosente?

Well, she's not a virgin anymore and her name is not Maria nor Clara.

She's freaking Beatrice Isabel Ramirez and she's far from the ideal 'Dalagang Filipina'.

Itataas na sana niya ang tube niya pero biglang nagsalita si Celso.

"Layas.", mahinang bulong nito.

Wait. What?

Natulos siya sa sinabi nito.

Mukhang naramdaman naman ni Celso ang kalituhan niya kaya naman bigla itong sumigaw.

"Layas!", galit na sigaw nito sa kaniya sabay hila sa kaniya papalabas ng kwarto.

Oh shit! She angered him.

"Magbibihis na ako! Ok! Take your hands off me. I will do it na!", agad niyang suko dahil sa nakikitang sudden outburst ng lalake.

Akala pa naman niya ay hindi magagalit ng ganoon ang lalake dahil pasyensyoso ito sa script.
She pried his grip off her arms and angrily went back to her bedroom.

"Sunugin mo ang damit na iyan, Isabel... dahil kung makita ko pa iyan muli ay hindi ako mangingiming palayasin ka talaga.", banta nito sa kaniya bago siya tinalikuran at umalis. Kitang-kita pa niya ang kamao nitong nakakumo.

Napababa naman ang tingin niya sa suot na pinaghirapan niyang tahiin.

Goodbye, my beloved babies. Guess I need to go back to this piece of trash they call 'proper clothes'.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top