My Love For Him: A Short Story


TIFFANIE

"BAKIT WALA ka pang jowa?"

If you are living in a world na ginawa ng norm ang pagdyo-jowa at single ka, talagang ma-e-encounter mo ang tanong na 'yan. Obvious na ngang single ka dahil parang may sign na sa mukha mo na "SINGLE PO AKO, HUWAG TULARAN", ipagdidiinan pa nila. Iha-hot seat ka nila na parang sikat na celebrity hanggang sa mag-overthink ka. Kung bakit nga ba single ka pa rin hanggang ngayon?

I'm Tiffanie Gomez, and well, I'm single. Yes, palagi akong naha-hot seat. Kapag nasa iyo na ang lahat - katalinuhan, kagandahan at kabutihan (not really, hehe) - talagang pag-i-interesan nila ang love life mo. I'm used to it, kaya hindi ako naiinis sa tuwing binabato ako ng paulit-ulit na tanong. Kahit parang sirang plaka ang marinig 'yon sa bunganga ng kung sino-sino, hindi ko naisip na pagtaasan sila ng boses, buhusan ng mainit na tubig o 'di kaya'y ipalamon sa natutulog kong pet dinosaur.

I'm contented with what I have. "Single and contented," ika nga nila.

Bukod doon, alam ko ang deserve ko.

It's not that I have high standards - pero parang gano'n na rin 'yon. Hindi ako naghahangad ng perfect na lalaki, pero choosy ako. I'm not the type of girl na sabihan lang ng maganda, eh mapo-fall na. Na kapag may nag-confess sa 'kin, eh go-gora na ako.

Big Y-E-S! I'm single by choice, not by chance.

I have admirers din, 'no. Ano'ng tingin n'yo sa 'kin - assumera na maganda? Psh! At hindi man nila aminin, alam kong maraming palihim na nagkakagusto sa 'kin. Kaso mga duwag sila. Hindi ko rin sila masisisi - sa perfect ko ba namang 'to? Angels like me can't fly down hell with them, 'no! And I'm glad they already know that.

Ayon nga, hindi ako maarte, choosy lang. Basta may feeling ako. Feeling na 'yong para sa 'kin ay biniyayaan ng out-of-this-world na kaguwapuhan, katalinuhan at kabaitan - siyempre, dapat na pareho kami ng qualities! hindi ako naniniwalang opposite attracts! - kaya dapat akong maghintay. When our paths cross, I'll just know it - I'll feel it. Malakas pa naman ang intense ng kutob ko.

Kaya heto ako, waiting for him. Sana'y huwag waiting in vain. Pero may solution naman ako kung sakaling hindi siya dumating. Magagawan 'yan ng paraan! Magiging single, rich tita na lang ako.

"Ang sarap mo talagang maging kaibigan, Tiff! Manlilibre ka na nga lang, twenty-five pesos pa na ice cream. Maganda ka nga, kuripot naman! Aanhin ko 'yang ganda mo? Heto pa, ah! Maganda ka nga, single ka naman. Walang kwenta."

Tinanggal ko ang kamay kong naka-lock sa kamay ni Tasha dahil sa sinabi niya. "Ang dami mong sinabi, pwede namang mag-thank you ka na lang. Ang mahalaga, nilibre kita. Pasalamat ka nga't nagkusa ako."

"Hoy!" Nakita ko ang pagtalsik ng laway niya. "Huwag mo ngang isusumbat sa 'kin 'tong cheap na ice cream mo. At dapat lang na magkusa ka kasi kapag ako naman ang nagbibigay, busog na busog 'yang mga bulate mo sa tiyan."

Napasimangot ako. "Sorry na. Tash, sana maintindihan mong magkabila ang mundo natin. I'm a teacher, not a fashion designer like you. Kung hindi mo pa nga ako binihisan, nagmukha na akong katulong mo."

Inilapit niya ang katawan ko sa kanya at ipinagdikit ang aming mga ulo. "Don't look down on yourself nga! Teaching is the most noble job kaya! At saka huwag kang magpalusot, kuripot ka lang talaga."

Natawa ako.

"No. You're not going to do anything until I get there. Wait for me, I'm coming."

Napanganga ako habang minamasdan ang papalapit na lalaking nasa itim na suit. Ang cool niya! Nakataas ang kanyang itim na buhok kaya kitang-kita ang maputi niyang noo, at may shades pa talaga! May mamahaling relo at dalang itim din na briefcase! Oh, perfect!

"Hoy! Laway mo, tumutulo na! 'Yon ba? That's Brix Cortez. Lawyer 'yon, beh, kaya huwag ka nang mangarap."

Tinitigan ko ang kotse niyang papalayo. "May asawa na ba siya?"

"Si Brix? Wala!"

"Eh, girlfriend?"

"NGSB 'yan, beh. Walang possibility, kaya malabong bakla. Hindi rin niya hate ang mga babae. Wala lang siyang paki sa romantic relationships. Dream niya yatang mamatay na virgin."

"That's all I need to know," I replied. "NGSB siya, NBSB ako. Fit na fit siya sa ideal man para sa 'kin. Perfect siya - "

"Pero 'di ka perfect. Tiff, seryoso, stop it now - whatever's on your mind. Malabo."

"Perfect din naman ako in my own ways. We're absolutely the perfect match!"

"Bahala ka sa buhay mo." She rolled her eyes. "Malaki ka na, kaya mo na 'yan."

Doon ko ipinangako sa sarili kong gagawin ko ang lahat mapalambot lang ang nagyeyelong puso ng lalaking 'yon. Brix Cortez, maghanda ka na at malapit nang matapos ang iyong single era. Brix Cortez, wait and see and just love me. Hehe!

Pero hindi ko alam na kailangan ko palang ibenta ang buo kong pagkatao bago makuha ang gusto ko. Bilang pa lang sa daliri ang pagta-try at effort ko, pero parang susuko na ang katawan ko. But not my heart. Lalaban ito para manakaw ang manhid niyang puso.

"For your kindness, thank you, Tiffanie. But will you please stop bringing food to my office? My colleagues are getting the wrong idea."

Paano ako titigil kung ang hinahon at guwapo niya?

"Brix, wala sa 'kin 'yo - "

"Hindi 'yon wala sa 'kin. It affects how they perceive me and work with me. We're in the office, pero para silang nasa kanto kung pag-usapan ako."

"Matalino ka, Brix. You should know that it doesn't matter what they think about you."

"I don't care. But you really have to stop this." Mas naging seryoso siya. "Tell me, Tiffanie, why are you doing this? What is your moti - What do you want?"

I smiled at him. "Love me, Brix. I want you to love me."

This is how far my love for him has gotten me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top