Chapter 16~ memories ~
Sa tuwing lalabas ako ng campus ay nakabuntot sa akin ang mga kaibigan ko. They're worried about me. Kaya hindi nila hinahayaan na lumakad ako mag-isa. Sobrang concern nila, sobrang protective at nagpapasalamat ako doon. Hindi ko na rin sinabi sa pamilya ko ang nangyari ng gabi na iyon dahil baka mag-alala pa sila at pauwiin nila ako sa maynila. And I think hindi na rin mauulit iyon baka napagkamalan lang talaga ako.
Ilang buwan na rin ang dumaan. Nang hapon na iyon nakaupo kami sa upuan sa lilim ng puno na may sementadong mesa sa gitna. Maaga pa naman kaya nagpapalipas lang kami ng oras while Kimberly reading books. Kami namang tatlo nila Rumi at Melfeulle ay nagkukwentuhan.
"Hey! Hey! Pwedi bang hiramin si Keith? Saglit lang." Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. Pero kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino iyon. At biglang tumahip ang dibdib ko. Si Jarron.
"Hindi pwedi.!." Si Melfeulle ang sumagot syempre. Feeling niya pag-aari niya ako. At wala siya tiwala sa lalaking ito kahit pa nakwento ko'ng siya ang naglitas sa akin ng gabing iyon.
"Saglit lang naman." Hinawakan na ni Jarron ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. "Please? Ibabalik ko siya ng buo okay." He added. Tiningnan nila ako at nakita nilang hindi naman ako kontra kaya pumayag na rin si Melfeulle at mukhang wala namang gagawing masama si Jarron sa akin. Mayabang lang kase siya noon at parang adik kung umasta. Kaya naging dahilan iyon para hindi siya tiwalaan ng mga kaibigan ko.
"Saan naman tayo pupunta?." Tanong ko sa kanya habang nakasunod ako.
"Samahan mo ko. Walang gustong sumama sa akin. So ikaw ang naisip ko dahil alam ko naman na mabait ka diba? Tsaka may utang ka sa akin. Diba baby." Tinapunan ko siya ng masamang tingin kaya nag peace sign siya. Naiinis ako sa tuwing tinatawag niya ako nang ganoon.
"Saan nga tayo pupunta hah? At anong utang ang sinasabi mo?." Nagtataka ako dahil palabas kami ng campus. "I saved your life." He proudly say.
"Oo na. At nagpasalamat na naman ako sayo diba?." Kahit paano ay parang gumagaan ang loob ko sa kanya.
"May bibilhin lang ako sa bookstore malapit lang naman at kailangan ko ng advice mo. At iyong utang mo. Ako lang naman ang nagbayad ng motel na tinulugan mo." Pinagluluko ata ako ng lalaking ito. Kung hindi ko lang naalala na savior ko nga pala siya. Hindi naman siya nagsinungaling. May binili talaga siyang regalo para sa babae. Sa girlfriend niya ata. Hindi naman ako nagtanong pa dahil hindi ako interesado sa buhay niya. Isa lang naman maliit na stuff toy ang binili niya na hindi naman ako nag effort mag-isip para maghanap ng gifts na iyon. Pagkalabas namin sa bookstore ay nilibre niya ako ng ice-cream sa ministop store. Hindi na siya awkward kausap tulad ng sa motel kami. Kung hindi lang siya naging badshot sa paningin ko noon ay pwedi ko sana siya bigyan ng chance. Kasu malabo na. Lalo't bumalik na ang lalaking laging laman ng isip ko.
"Keith? Are you okay?." Pukaw sa akin ni Jarron. Habang kumakain kami ng ice-cream. "Uh okay lang." Sambit ko na nakayuko.
"Seems not. Layo ng iniisip mo nandito lang naman ako. May problema ba?." At ngumiti siya ng ubod ng tamis.
"Baliw! Wala naman." Grabe ganoon na ba ako ka-obvious. Kahit meron naman akong problema ay hindi ko sasabihin sa lalaking ito. Mukhang hindi naman siya mapagkakatiwalaan kahit pa medyo okay na kami.
"Maaga pa naman diba? Tara samahan mo ko. May alam akong lugar na maganda." Walang alinlangang yaya ni Jarron. "May binabalak ka na naman."
"Wala. Hindi ko na kailangang magbalak. Maganda lang talaga yung lugar na iyon. Nadaanan namin nang tropa ko ng isang araw. Hindi naman pwedi na sila ang yayain ko doon"
"Okay, but saglit lang tayo." Sang-ayon ko. "Sure! Tara!." Pagkasabi niya noon ay pumara siya ng trysikel at sumakay kami. Halos ilang minuto lang ay huminto na ang trike.
"Dito na ba?." Tanong ko habang iniikot-ikot ang paningin sa paligid. Wala namang maganda eh, parang nasa malapit lang naman kami sa bangin.
"Oo dito na." At niyakag niya ko palakad papunta sa bangin--
"Hoy! Jarron! Ano bang lugar toh?! Baka itulak mo ko sa bangin. Umuwi na nga tayo." Natatakot ako pero curious naman ako sa kung anong gusto niyang ipakita sa akin.
"Trust me okay. Kahit ngayon lang." Hindi na ako umimik. Sumunod na lang ako sa kanya palapit sa bangin. At doon ko unti-unti nakita ang magandang tanawin sa ibaba. Sa kaliwa makikita ang mga gusaling nakatayo mula sa malayong siyudad at sa kabila ay dagat naman ang natatanaw
"Wow!--." Tanging nasambit ko. Tiningnan niya ako at mukhang proud na nagulat ako at naamazed sa lugar na iyon. "This is so nice." Sambit ko ulit na para akong kinikilig sa tanawing nakikita ko.
"See. Maganda diba.?." Nakangiting sambit niya. Hindi ako umimik dahil ramdam niya naman na sang-ayon ako sa kanya. Hindi ko alam anong naisip ni Jarron bakit niya ako isinama sa ganitong lugar.
"Thank you for bringing me here." Super thankful talaga ako dahil nakaramdam ako ng katahimikan.
"You're welcome and, and-- I'm sorry. I'm sorry kung naging makulit ako dati-- ." Napanganga ako sa sinabi niya.
"What are you talking?." I ask. "Wala, wala naman.. I just want to apologize dahil sa katarantaduhan ko dati, I mean alam kong pangit yung naging impression mo sa akin noon.--so--sorry." Hindi makatingin na sabi niya.
"Ano ka ba. Ayos na yun. Wala ka namang ginawang masama sa akin noon. Makulit ka lang kase and mayabang?... Yun-- naasar lang ako."
"So? Are we good now?..?."
"Ofcourse. Oo naman. We're good now." Sagot ko sa kanya na mukhang kumalma siya at inilagay ang dalawang kamay sa may likuran niya at nakatingala sa langit.. Hindi ko alam kung may binabalak siya pero mukha namang sincere siya sa mga sinabi niya. At wala naman talaga kaming worst memories.
"So, kumusta kana? Tagal mo akong hindi pinansin eh. 2nd semester noong 2nd year tayo. Right?." Nakatingala pa rin siya sa langit habang kinakausap ako. "Wow ha! Naalala mo pa talaga. Okay lang naman ako."
"Sa tingin ko nga. Siya ba iyong sinasabi mong fiancee mo?." Nagulat ako sa tanong niya, paano niya nalaman iyon? Hindi ako agad nakaimik kaya nagsalita siya ulit.
"Nakita ko kase kayo na nag-uusap ng gabing iyon doon malapit sa dorm ninyo. So I thought siya iyon?."
"Yes but no. Hindi ko na alam. Hindi ko alam ang isasagot ko?."
"It's okay. Get's ko naman kahit paano." He sighed.
"Tara na. Bumalik na tayo sa school dahil hahanapin ako nila." Ilang minuto pa ang lumipas ng niyaya ko na siya dahil magdidilim na. Hindi naman siya umangal pa at naghanap ulit kami ng trike pauwi sa school. Jarron was a puzzle to me now hindi ko alam kung anong sadya na. Pero I'm not stupid enough na hindi maramdaman na may gusto siya sa akin. Ramdam ko naman. Sa dorm na ako tumuloy. Nagyayaya pa sana siya mag dinner pero hindi ko na pinagbigyan dahil mapagsasarhan na naman kami.
"So! Nandito na si Rapunzel! Saan kayo galing ha?!." Si Melfeulle ang unang nagreact pag pasok ko sa room namin. Nandoon silang tatlo na naghihintay sa akin habang kumakain ng noodles. Hindi ako umimik hinubad ko ang shoes ko at inilapag ang sling bag sa side table.
"Gabi na, saan kayo pumunta pinag-alala mo na naman kami. Ulitin mo pa tatawagan ko na talaga sila tita Aurora." Ulit ni Melfeulle.
"Bookstore nagpasama lang siya bumili ng regalo."
"Yun lang?." Si Rumi naman. "Yap." Maikling tugon ko.
"Eh bakit parang ang tagal niyo?. Baka kung saan ka na dinala nang Jarron na iyon hah. Sabihin mo lang resbakan namin." Pangungulit ni Melfeulle habang ngumunguya pa ng noodles.
"Oa mo. Kumain lang kami 'ice-cream', naglakad-lakad. Yun lang tsaka humingi lang siya ng sorry sa mga kabaliwan niya noon." Bakit ako nagpapaliwanag?! Kainis ang mga ito. Hindi naman sila ang magulang ko.
"Talaga, so matured na siya ngayon? Ganoon? Ikaw ha Aurry Keith! Tumigil-tigil ka.! No'ng nakaraan yung 'past' mo ang kinatagpo mo. Ngayon ang pasaway na Jarron na iyon!." I know they're worried at wala akong magagawa doon dahil bad records naman talaga sa kanila si Jarron.
"Naalala mo dati? He's just using you. Kunwari tropa-tropa tapos may binabalak pala. Aba, napapadalas ang paglabas-labas ninyong dalawa. Mag-ingat ka at umayos ka Aurry." Melfeulle warned me. Hindi na ako umimik para hindi na humaba ang usapan namin. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa assignments na hindi ko natapos kanina sa library.
Kahit ako hindi ako makapaniwala na magiging okay ulit kami ni Jarron. Baka hindi ko lang talaga siya binigyan ng chance noon. Lumipas ang mga araw at linggo na hindi na naman nangulit sa akin si Jarron. Pagkatapos niya akong yayaing mamasyal ng araw na iyon ay hindi ko na ulit siya nakikita. Isasauli ko sana iyong hiniram kong pj's ngunit sabi niya huwag na muna kaya itinago ko na lang.
Baka nagsorry lang talaga siya sa akin at iyon lang ang sadya niya. Minsan nakakasalubong namin sila at nginingitian lang ako. Ganoon din ang mga tropa niya, hindi na ako inaasar. Siguro matured na rin sila at nagsawa na maging immature. Mas okay na iyong ganito. Kahit paano naging maayos ang pakikitungo namin sa isa't-isa.
Hindi namin namalayan ang oras. Busy rin talaga kami sa school papers, projects hanggang sa magkakaroon daw ng school recollections. Graduating na kami kaya mandatory. Dapat sumali kahit alam naming boring iyon. Ang school admin ang naghanap ng venue para sa aming recollections. Some suggested na sa school na lang daw during PTA meeting. Pero overnight kase iyon kaya naghanap na lang ng safe na lugar na pagdadausan.
Syempre we're all excited about that experience kaya pinaghandaan talaga naming apat ang araw na iyon. Masaya at energetic lahat ng students ng araw na iyon. Excited kahit kami-kami rin ang magkakasama dahil kanya-kanyang venue each department. Kaya lahat ng BSED ay sa iisang venue lang. We're all excited lalo na paakyat ng Tagaytay iyong bus na nasasakyan namin. Nadaanan namin ang crossing papunta sa bahay na itinuro ko kila Melfeulle. But when the bus stop. Nagulat at nagtaka ako.
All of places? Dito pa talaga. Coincidence ba ito? I am here standing in front of Aeolus house kung saan niya ko dinala noon. I remembered it clearly; sa rooftop our first date, first kiss, first hug and first time he told me that he loves me. Ganoon pa rin kaya kaganda ang rooftop nila? Malaking pader pa rin ang nakaharang sa may gate kaya hindi namin kita sa loob.
I remember our memories in this place.
"So, nagustuhan mo dito?." Tanong ni Aeolus.
"Obvious ba? I love it.!"
"How about me? Do you love me?." Pumipiyok pang tanong ni Aeolus na ikinalingon ko naman kaya nahuli niya ang mata ko.
"W-what? Nagugulat naman ako sayo.!." Inirapan ko siya dahil akala ko nagbibiro siya pero hindi nagbago ang expression ng mukha niya.
"Hey.. seryuso mo." Inilayo ko ang tingin ko sa kanya pero biglang tumahip ang dibdib ko at feeling ko natutunaw ako dahil ramdam ko pa rin n nakatitig siya sa akin.
"Aurry?." He called me in softly tone. "Ohhh?." I answered yet I couldn't turn my head.
"I can't take this anymore."
"Nang ano?." I innocently say.
"Be my girl.." Nang-iinit ang mukha ko na para akong nakabilad sa araw at ramdam ko ang pagblush ng dalawang pisngi ko.
"I told you I'm a girl." I answered joke to calm my self.
"I like you. I love you. Be my girlfriend.".
"Uhmm--uhhh Yes. I will." I slowly turn my head towards him to see his reaction pero nagulat ako ng bigla niya akong dampihan ng halik. It's a soft kiss at mas lalong ikinamula ng pisngi ko. Kaya napatingala na lang ako sa puno para hindi niya makita ang mukha ko. But he suddenly put his hand on my shoulder then hug me tight.
"I'll waited this moment to come baby. I wanted to hug you ever since. I promise to be a good boyfriend." He whispered at kinilig ako sa 'baby' na sinabi niya. Kaya pala tinawag niya ko kanina nang ganoon may balak na siya.
Mas lalo ako naexcite na pumasok sa loob. But when someone open the gate my heart froze. Because it's not Aeolus house standing there. It's a new building. Three storey building at under construction pa ang sa taas. Nakaramdam ako ng lungkot. Parang tinutunaw ang puso ko na kasabay ang paglaho ng mga memories namin sa lugar na iyon.
Hindi ako makalakad papasok. Parang maiiyak ako. I'm asking myself if what happened to them? Aeolus property has been sold at nakakapanghinayang talaga. Sayang. Ano ba nangyari. Saan na ba siya nakatira ngayon. Hindi niya man lang pinanghawakan ang mga ala-ala namin. Binabalot ng kalungkutan ang puso ko. Wala na ba talaga? Maybe it's a sign na talagang hindi na maibabalik ang dati. Ang sa amin. Kung ano kami noon. Impossible na.
Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top