Chapter 11~Closure~




"Hoy! Aurry Keith!" Bumalik ang kaluluwa ko ng tampalin ni Melfeulle ang braso ko.

"Tagal mo naman nagbalik-tanaw? Lahat pa ata ng detalye isinama mo eh." Tinusok- tusok pa ni Melfeulle ang tagiliran ko.


"Ano na naman drama niya ngayon." I whisper to myself while closing the window. Nakita ko ang mukha ni Jarron na nakangisi pa sa akin. I feel irritated.


"Kumain na nga tayo. Hayaan mo siya. Walang magawa sa buhay. Papansin lang yan eh." Si Melfeulle na naglakad pabalik sa pagkain na nakahain sa sahig at sumalampak ng upo. Sumunod naman ako.


"Sayang nang effort nila. Baliwala lang. Haba ng hair eh. Hindi ka man lang kinilig friend?." Pangungulit ni Melfeulle na ngumunguya na rin ng dumplings.


"I'm not a kid para kiligin." Sagot ko. But my mind puzzling about Jarron. All of a sudden why he'll doing it. At ngayon pa na lumitaw na si Aeolus.

"Akalain mo unang araw pa lang naten dito sa taon na ito nagpaparamdam na naman si pag-ibig sayo Keith. Naku! Gupitan na naten buhok mo para ako naman magkalovelife." Iiling-iling si Melfeulle.


"Give him a chance. Malay mo nagbago na siya at para libre ang foods naten lagi." Pakindat pa si Melfeulle kay Rumi. "Baliw ka. No way." Ako.


Kinabukasan maaga akong nagising dahil ayoko makisabay at makipagsiksikan sa mga studyanteng gagamit ng banyo para maligo. Quarter to 5 ay gising na ako at nagkakape habang tulog na tulog pa si Melfeulle sa kabilang higaan, napagod kahapon kakadaldal. Binuksan ko na ang sliding window sa bandang likod ng kwarto namin. Wala na ang banner na nakasabit kahapon. Mangilan-ngilan na rin ang nakabukas na ilaw sa kabilang dorm. Alin kaya ang room ni Aeolus. His name sudden popped on my head. Woooh. Ang aga-aga Aurry Keith. Nakalimutan ka na nga noong tao pinagtutuunan mo pa rin ng pansin.


After ko magkape ay naligo na ako at nagbihis. Tulog pa rin si Melfeulle. Maaga pa naman kaya hindi ko muna siya ginising. Like I always do. I run outside the campus to Ate Anna's karenderya para doon kumain ng breakfast. Papasok lang naman sa isang kanto katapat ng school kaya medyo malapit lang naman.


"Good morning ate Anna." Nakangiti siya habang nag-aayos ng mga ulam sa loob ng glass cabinet.


"Aga mo Ma'm Keith ah. Almusal po kayo?." 6 a.m. sobrang aga ko talaga. Pero mas okay na rin para hindi ako magmadali sa almusal ko.

"Keith na lang po ate Anna. Yan na naman kayo eh.. Tapsilog lang po sa akin." At umupo ako sa palagi kong inuupuan sa tuwing kumakain ako dito.

"Magandang umaga. Kakain din iho?." Nakatalikod ako kaya hindi ko pinansin ang kinakausap ni ate Anna. But I heard he is a boy at hindi ako interesado kaya inabala ko ang sarili ko sa phone habang hinihintay ang order ko.


"Porksilog po and black coffee please." Lumaki ang tainga ko ng marinig ko ang boses. Hinila niya pa ang upuan sa katabing table ko lang. Alam kong siya iyon. My heart knows him well. Hindi ako pwedi lumingon kailangan ko pigilan ang sarili ko kahit ang puso ko ay nakalingon na-- kanina pa. Buti na lang dumating na ang order ko kaya nagpakabusy na lang ako sa almusal ko.


"Tubig mo Keith. Gusto mo din kape.?." Offer ni ate Anna while smiling me na alam kong wala naman siya alam sa sitwasyon ko.

"Ay hindi na po. Nagkape na po ako sa dorm." Tanggi ko.  Ilang sandali pa ay tapos na ako kumain kaya kinuha ko ang wallet ko mula sa knapsack. Pero naalala ko na may isiniksik pala akong pera sa bulsa ng jeans ko kaya iyon ang iniabot ko kay ate Anna.  Habang hinihintay ko ang sukli ay sabay naman na tumunog ang phone ko sa loob ng knapsack ko na nasa ibabaw pa ng mesa kaya dali-dali kong kinuha at hinanap ang phone.


"Hello?" Sagot ko habang paalis sa karenderya. "Asan ka ba? Iniwanan mo ako dito. Aga mo naman umalis." Si Melfeulle sa kabilang linya.

"Lumabas lang ako nagugutom na ako. Tagal mo magising eh., bakit ano ba nangyayari?."  Mukhang natatae siya na ewan at natawa ako sa sinabi niya. Tama nga ang hula ko nag LBM siya at pinapabili ako ng gamot. Yan kase! Takaw niya sa dumplings kagabi.

"Okay. okay bibili na ako. Wait mo ako dyan." At hindi na siya nagsalita. Pinatay ko na ang tawag at pumihit na ako papunta ng botika para bumili ng gamot. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad dahil medyo may kalayuan din ang botika. Ilang hakbang pa may napansin akong nakasunod sa akin na tumatakbo rin. Napalingon ako ng tinawag ang pangalan ko.


"Aurry! Wait. May naiwanan ka sa karenderya." Naiwanan ko? Sino siya ba? Talaga? Napansin niyang umalis ako? Akalain mo naman. Nakita ko ang wallet ko na nasa kamay niya. Masyado naman ako nag expect. Excuse me. Ako ang iniwan mo! Ako yun. Sa isip ko. Pero gusto ko na sana siya suntukin at sumbatan pero naghihintay pa rin ako ng pagkakataon para malaman ko kung anong reason kung bakit niya ginawa iyon sa akin.


"Here's your wallet." At ibinigay niya sa akin. Sana ang sinabi niya. 'Here I am! Take me.' Tsk.! Mas maganda sana iyong pakinggan. At kilala niya naman pala ako, akala ko pati pangalan ko ay nakalimutan niya na.


"T-thanks. Sige una na ako." Kinuha ko ang wallet ko na sa kamay niya lang ako nakatigin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nagtama ang mga mata namin. Sabay talikod ko para bumili ng gamot at mabilis na bumalik sa dorm.
Habang lakad-takbo ako pabalik sa dorm ay tumatalon din ang puso ko sa kaba. Nakita ng gilid ng mata ko ang pagpasok ni Aeolus sa gate na nasusundan ko lang. Nilampasan ko siya. Pero nagwish ako na sana natisod ako sa tapat niya para masalo niya ako at maalala niya kung anong pakiramdam pag nakadikit ako sa kanya. Pero hindi eh. Hindi man lang ako natapilok kaya tuloy-tuloy na ako sa dorm. Jusko! Aga-aga eh pinagpapawisan ako. Ang Melfeulle kase'ng iyon!


"Oh! Ito yung gamot mo. Ayan kase masiba ka." Inabot ko kay Melfeulle ang gamot.


"Thank you Aurry. Sorry naabala tuloy kita." Nakayukong sambit ni Melfeulle habang binubuksan ang gamot at inabot ko naman sa kanya ang baso dahil namimilipit sa sakit ng tiyan habang nakaupo sa higaan. Pagkatapos niyang uminum ay nahiga ulet.


"Magpahinga ka muna dyan. Huwag kana muna pumasok ngayong umaga mayang hapon na lang pag ayos kana okay?." She didn't answered at ipinikit na lang ang mata. Sabay naman bumukas ang pintuan na iniluwa sila Rumi at Kimberly na nag-aalala ang mukha sigurado tinawagan rin sila ni Melfeulle.


"Hey.. are you okay? I'm sorry. I think the foods already expired." Malungkot na sabi ni Kimberly habang palapit sa higaan ni Melfeulle.

"Don't be sorry. Masiba lang talaga siya eh. Nakatatlo ba namang dumplings." Sabat ko.


"Eh masarap eh.." Mahinang sabi ni Melfeulle. Nagtawanan naman kaming tatlo. "Sorry again." Kimberly sighing.

"Ayos lang yan. Wala kase expiration date na nakalagay. Hahaha." Si Rumi naman na natatawa sa hindi maipintang mukha ni Melfeulle. My friends are obviously crazy. I met another bunch of crazy people again. It's so nice to have friends like them. Iyong palagi kang napapangiti at napapasaya. Nandiyan lang sa tabi mo. I'm sure kung same courses lang ang kinuha naming lima nila Lance, Abby, Jhyll at Meagan. Mas malala pa sila sigurado. Hayyss I miss them all. So the best way to lessen this feeling. I beep our chat group.


--i miss you all guys. Please keep in touch.-- I sent a message and no body seen. Sobrang aga pa naman kase. They're all preparing to school maybe.


--miss you too Keith..-- Meagan sent a message. She's online.

--sorry guys. Can't chat you right now.-- It's Lance with sad emoticon. -- But I miss you all always.-- she added.

Our conversation was shallow but it made me feel that I am not alone. We have different life, problems, pain maybe but I know they're always there. I had everything. Complete family. Friends. I had all those things in my life at wala na akong mahihiling kundi ang magandang future ko. But why I feel alone suddenly. I feel like incomplete, there's something unoccupied part inside my heart. Just like what always they say—sometimes in a crowded room, you can still feel alone. You still feel the loneliness within. And that's what exactly I felt right now.


Closure. That's what I need. I really need in order to keep going. Maybe I couldn't forget him because we don't have clear ending. At ngayon na nagpakita na siyang ulet siguro ito na yung tamang oras para linawin ko ang tungkol sa amin. I crave for his final words or final goodbye. Gusto ko marinig ang reason niya sa pag-alis niya dahil baka reasonable naman. At baka maintindihan ko siya. Kaya mapapalaya ko na rin ang nararamdaman ko.


Nagtataka ako bakit ang iba even their relationships are messy they ended fine, even the endings aren’t always clean they will become happy in the end. Siguro dahil hindi naman talaga nila mahal ang isa't-isa kaya madali lang silang makamove-on. Maybe because they're not seriously in love to each other like I did. I'm thirst for his final sentence. I really want a full concrete ending. 'At kung hindi niya kaya iyon ibigay. Ayusin niya ulit kung ano kami noon.' My lips smirking dahil sobrang advance ng utak ko.


"Kim, Rui you'll go back first to dorm. I need to settle something." Hindi na sila nagtanong pa dahil hindi sila tsismosa gaya ni Melfeulle kaya pumihit ako pabalik sa school. After a week I decided na ako na ang gagawa ng paraan para makausap ko siya. Buti wala si Melfeulle kaya madali lang ako nakapagpaalam sa dalawa. 'Saan ko kaya siya makikita'. Halos uwian na lahat ng studyante kaya pumwesto ako kung saan makikita ko ang mga lalaki na papasok sa dormitory nila. Iniisa-isa kung tingnan ngunit wala siya. Hindi ko siya makita. 'Asan kaya ang Aeolus na iyon?!. Baka nakahap agad ng babae at dinala sa kung saan'.


"Jarron! Keith is here. Inaantay ka ata!." Nagulat ako sa sigaw ng lalaki sa may likuran ko kaya napalingon ako agad. Halos napalingon lahat ang mga estudyanteng nakarinig sa tawag niya. Kilala ko ang mukha niya na palagi siya chaperone namin noon ni Jarron ng mga panahong okay pa kami.


"Hi Keith." Kumakaway-kaway pa siya sa akin while I saw Jarron approaching me at nakangiti pa ng ubod ng plastic.
Jarron is fine. He is not so handsome but he has a face na pwedi mo na ring ipagmayabang. Bagsak ang buhok niya na sinusuklay lang nang kamay then okay na. Tan skin at malaki ang kulay brown na mata na bagay naman sa mukha niya at sa tangkad niya. Nagustuhan ko nga rin siya dati eh at sasagutin ko na sana kung hindi lang siya nakita ni Melfeulle na may babaeng kasama. Hindi ako tumugon. Nakalapit na si Jarron sa akin and acting like we're so close dahil aakbayan niya sana ako pero umiwas ako.


"Why you're here.. Keith? Ohh it's because you miss me too?." He's winking his eyes while biting his lower lips to seduce me? Ewwww! At siya talaga pala ang may gawa ng paBanner banner na iyon kahapon. He change a lot.

"Shhh. No need to answer it because your presence here while standing and waiting for me is enough. I know you miss me too." Nakapamulsa niya pang sabi na mukhang malakas ang hangin na pumasok sa kukute niya.


"Come here baby because I miss you too." At mafeeling na rin siya ngayon. Tiningnan ko siya ng masama but I just remember the way he look at me on that moment na maayos pa kami. Walang nagbago. Ganoon pa rin siya tumitig sa akin. Pero iba na ang mga kilos niya at ang pananalita niya. Ano ba nangyayari sa kanya.

"What happened to you."I seriously asked him in a low tone. Ayaw ko na marinig ng mga kaibigan niya.


"Why? Do you need me? I'm willing." Okay. It's a wrong move. Nakalimutan kong sobrang arogante niya na talaga ngayon. Ipinagkalat niya pa pala na naging kami noon at umiyak daw ako ng makipaghiwalay siya. Naku Aurry! I forget everything that happened long time ago. Dapat pala hindi ko na lang siya pinansin.


"Stop me! Hindi ikaw ang kailangan ko." Mahina kong sabi sa kanya. Hindi siya nakaimik kaya inirapan ko at tumalikod ako naglakad palayo.


"Asus! Pakipot kapa eh gusto mo naman ako.!." Sigaw niya ng medyo malayo na ako kaya mas lalo kong binilisan ang lakad ko para makalayo sa mayabang na iyon. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Pero bakit ganoon pa rin siya tumitig sa akin. Jarron has something in his. 'Uuwi na lang ako sa dorm bukas ko na lang hahanapin at kakausapin si Aeolus'. I was thinking that when someone hit my shoulder. Or I am the one who hit him. Him. I mean a Man.!


"Oh I'm sorry." Nakayuko akong nag-apology sa nabunggo ko. Then later I found my self looking him in the eyes. A familiar eyes. A familiar scent. A familiar feeling. Napaubo siya dahil siguro matagal na akong nakatitig sa kanya at doon na nagising ang diwa ko.


"I'm sorry ulet. Sige mauuna na ako."Sabi ko at tumango lang siya and I saw the side of his lips curving. Is he smiling me. Hindi nagkakamali lang ako ng hinala. Malabo talaga ang mata ko. At bakit ba ako nagsosorry sa kanya! Wala akong kasalanan sa kanya! Siya dapat yung humihingi ng tawad eh. Siya yung humihingi ng paumanhin! Hindi ako. Nakailang lakad ako palayo sa kanya..


"Aurry.." He is calling me or just muttered my name. Okay. Baka pagkakataon ko na ito para makausap ko na siya ng matino at para masabi ko na lahat ng gustong sabihin sa kanya.

"Yes?." Lumingon ako ng dahan-dahan. Yayayain niya na ba ako ng date. I saw him smiling at me. This is my chance.



Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top