03
Nakangiting sinalubong ni Sarah ang kanyang ate at ang kasama nitong lalake nang makahabol ang mga ito.
"Kuya! Buti andito ka?" natutuwang sabi ni Sarah.
Napangiti ang lalake atsaka ginulo ang buhok ng bata.
"Siya lang talaga ang namiss mo, Sarah?" may halong pagtatampong sabi ni Lee sa kapatid.
Ngumisi si Sarah sa ate. "Selos ka ate?"
Napaikot na lang ng mata si Lee. Kasabay nito ay ang pagdating ng kanilang ina at ama.
"Madami ka pa ba ginagawa, anak? Ayaw mo ba umuwi?" malumanay na tanong ng kanyang ina.
Napabuka ng labi si Lee at akmang sasagot nang mapansin niya ang kakaibang titig ni Sarah. Hindi matukoy ni Lee kung anong klaseng reaksiyon ang ipinapakita ng kanyang kapatid. Tila ba ito ay gulat o natatakot o naguguluhan. Napansin niya rin ang mahigpit nitong paghawak kay Vincent.
Nagkatinginan sina Vincent at Lee. Makalipas ang ilang segundo ay nagbigay ng maliit na ngiti si Lee sa kanyang magulang.
"Kaunti na lang po iyon. H'wag kayong mag-alala, matatapos na rin. Hindi ko lang sigurado kung kailan." sagot ni Lee.
Yumuko si Lee atsaka ipinatong ang kamay niya sa ulo ni Sarah. Gusto nitong iparamdam na wala ito kailangang ipangamba.
"Mukhang namiss mo nga talaga ang kuya Vincent mo. Hindi siya mawawala kaya hindi mo kailangan na hawakan siya ng ganyang kahigpit."
Doon na tauhan si Sarah. Agad niya namang binitawan ang kamay ni Vincent at umiwas ng tingin. Sabay na tumawa sina Vincent at Lee sa nakita nila.
"Maiwan ko muna kayong dalawa. Mag-uusap lang muna kami nina papa," paalam ni Lee kina Sarah at Vincent.
Nang maiwan ang dalawa ay tila biglang mas lumamig sa paligid nila. Hindi matukoy kung dulot ba iyon ng aircon ng mall o ano.
"Anong nangyari?" seryosong tanong ni Sarah sa lalake habang nakatingin pa rin sa papalayo niyang ate na si Lee. Ang tono ng boses nito ay para bang hindi mas matanda sa kanya ang kausap nito.
Kaagad na naintindihan ni Vincent kung ano ang tinutukoy ni Sarah. "May aksidente kaming nakita sa daan bago kami nakarating dito."
Napakunot ng noo si Sarah. "Anong klaseng aksidente para maging ganoon ang itsura niya?"
"Itsura?"
"There's something wrong with my sister, Vincent."
Vincent was amused by Sarah's statement. "She'll be fine. Don't worry" paninigurado nito.
Sarah squinted her eyes at Vincent as if she's doubting his words. "Who are you to her anyway?"
Vincent didn't gave her any answer but just gave her a meaningful smile. When Sarah realized that she'll get nothing from him, she changed her question.
"Was it similar to one of her paintings?"
"Ang alin?" Painosenteng tanong ni Vincent.
"The accident." Seryosong sagot ni Sarah. Vincent nodded which made her to look at her sister with mixed emotions.
"This is bad" she whispered.
"Why? Are you scared?"
Sarah glared at Vincent when she heard his question. "It's your fault, isn't?"
Vincent shrugged. "I'm just giving her what she wants. Lahat ng mga ito ay kagustuhan niya, Sarah."
"Then this mall? Why is it empty? Is it also her doing?"
Vincent chuckled. "What do you mean empty? There's a lot of people shopping right now. Also, if it really was someone's doing, it would definitely not be hers, Sarah. Malay mo, nirentahan ko talaga ang buong mall para sa'yo?"
Nagtatakang tinignan ni Sarah sa mata si Vincent. "Para sa'kin?"
"I want to see you smile just like your sister. Aren't I sweet?"
Kumunot ang noo ni Sarah. "Anong sweet? More like weird and creepy!"
Tumawa na lang si Vincent sa reaksiyon ng bata. "H'wag kang mag-alala. Hindi ako pumapatol sa bata."
Inikot ni Sarah ang kanyang mata. "Take good care of my sister, Vincent. Promise me."
"Hmm. Don't worry about it."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top