Chapter 9
Chapter 9
POV: Diana Maureen Navarro
"Girls! Ingat pag-uwi" saka pumasok ng gate nila si Lyca, natapos na yung praktis namin, maganda naman yung kinalabasan, salamat talaga sa kapatid ni Lyca, si Lyco.
Gayunpaman, walang Kr na dumating. Tinadtad na namin ng text, hindi nagrereply so bahala siya. It's his choice and loss not ours.
"Girl, sino ba kasing susundo sa'yo?" katabi ko si Niobe, sabi ko sabay kami since may susundo naman sakin
"Bestfriend ko, si Tristan" I told her.
"Alin? Yung isa pang exchange student??? Close kayo??? Ayeee! I smell "something"!" agad ng galaw sakin ni Niobe. Bestfriend nga diba? Malamang close! Adik talaga 'to.
"Sira, walang "something", friends lang kami, para ko ng kapatid yun, atsaka may pinopormahan yun noh.." sabi ko sa kanya, baliw din 'to e, parang kanina, makairit nung nakita si Lyco, halatang type na type. Baliw. =O=
Pero, alam niyo, feeling ko, type din siya ni Lyco, napapasmile kasi si Lyco pag natingin kay Niobe.
Yung ang may "SOMETHING".
"Really? Sayaaaang naman! Bagay pa naman kayo! Then who is the girl?" tanong niya, teka sasabihin ko ba na si Cesium ang girl? Pinsan niya si Cesium diba? Baka mamaya sabihin kay Cesium at malaman ni Cesium at...
"Si Cesium" ayun, sinabi ko, makulit din kasi 'tong babaeng 'to. Hahaha.
*beep* *beep*
Ayan na, nandiyan na si Tristan
"Yanna! Tara!" saka niya ako pinagbuksan ng door
"Tris, si Niobe, hatid natin siya" sabi ko sa kanya
"Hello Tris!!! Hehehehe" si Niobe yan. napakafriendly niya talaga, always positive
"Hello Niobe! Tara?" si Tristan yan, isa pa din 'to, friendly, swerte ni Cesium sa bestfriend ko! :)
Umalis na din kami, gabi na din kasi, 8pm na.
"Anong gagawin niyo para bukas?" tanong ni Tris sa amin, si Niobe naman, agad sumagot, daldal talaga nito..
"Bale kakanta kami tapos yung kapatid ni Lyca, si Fafa Lyco, magpeplay ng guitar! Si Diana, mapeplay din ng guitar!" napatingin naman sakin si Tris.
"You will play guitar?! Wow. Nice Yanna! Panonoodin ko talaga yan!" manghang mangha siya, alam kasi niyang di naman talaga ako naggigitara. Lol.
"Che, wag na! Sira, kayo ba?" tanong ko sa kanya, ang alam ko kasi sa mga sasayaw siya kasama.
"Ayun, kume KPOP, puro kasi kami lalaki, walang babaeng sumali sa mga sasayaw, panoodin mo na lang bukas, mala EXO kami, HAHAHAHAHA" masaya siya niyan pero teka, WOW ha. KPOP daw! O.o
Ano kayang hitsura nun??? I'm so curious!
And there, after a moment, nakarating na kami sa bahay nina Niobe, isa pa ding malapalasyo, ang laki din ng house nila.
After that, ako naman yung hinatid ni Tris. Thank you talaga sa bestfriend ko, anytime, anywhere! Swerte talaga ni Cesium :)
"Sige Tris, bukas na lang, thank you talaga sa paghatid-sundo anytime, anywhere!" saka ako bumaba ng sasakyan niya.
"Kaw pa! What are bestfriends for?! Geh, pasok na, mahamugan ka pa. Bye! See you tom" saka siya umalis.
Di naman siya nagmamadali.
Pumasok na din ako sa bahay namin, isa pa ding malapalasyo. Char~
Biglang nagvibrate yung phone ko.
May nagtext.
Binuksan ko.
From: Horseey Kreepy
"Sorry, di na ako nakapunta, may inasikaso kasi akong importanteng mahalaga, sorry talaga. Hindi din naman ako makakapagpresent bukas if ever. ge, goodnight"
Kay Krypton pala galing, so he's sorry kasi hindi siya nakarating kasi may inasikaso pala.
At hindi naman daw pala din siya makakapagpresent bukas if ever.
Hindi talaga, hindi siya umattend kanina e. Sinong makakapagpresent nun?
Medyo naiiyamot ako, ewan ko ba.
Hala, bahala siya.
Hindi ko na nireplyan.
Pagkapasok ko, natulog na ako saka nagbihis.
Bahala siya, inis ako sa kanya.
Matutulog na talaga ako.
***
"Good Morning Ladies and gentlemen, let's stand up for the opening prayer to be lead by Berrylium Acziah Evangelista" nandito na kami sa school. Nagsisimula na yung program.Nasa reserved seats for 4yth year students nga pala kami, makikinuod muna kami ng mga unang magprepresent. By year kasi ang arrangement ng presentors, una first year tapos, second, third tapos kami ang pinakahuli.
Yung mga first year, nasa backstage na.
Yung mga school owners, kumpleto, nasa may harapan silang lahat, ang gwagwapo at ang gaganda nila.
Nandun si Tita Aika, yung mommy ni Krypton.
Natapos na yung prayer, si Berry yung naglead, isa sa mga anak ng school owners, halata naman sa pangalan diba? Berrylium Acziah Èvangelista daw, chemical element din bale sophomore student siya. Nagtataka lang ako, bakit hindi CORPUZ yung apelyido? Bakit Evangelista?
Okaaay.
Nevermind na lang. Medyo kinakabahan na ako.
"So once again, good morning ladies and gentlemen and welcome to Lycas International School Audotorium! We are gathered here to witness an extraordinary WELCOME EVENT to one of the most important personalities of the school" sabi yan nung emcee, ewan ko kung sino yun, di naman nagpapakilala.
"By the way, I'm Fracium Aziah Evangelista, emcee of the event" at ayun, nagpakilala din, so Chemical element din? Yung totoo?! Kaanu-ano niyan si Berrylium? Parehong Evagelista.
"Niobe, kaanu-ano mo sila?" napatanong na ako, katabi ko nga pala sina Niobe at Lyca
"Pinsan ko sila, sina Berrylium at Francium, anak nina Tito Ace Terrence Evangelista at Tita Trizia Villafuerte na pinsan ng Daddy Neon ko.. yun oh! (sabay turo sa may unahan) co-owners din sila dito sa school.. By the ways, Francium is gay. HAHAHAHAHA!" ah, so now I know. Teka, bakla yung Francium? Di nga??? O.o
"5 years ago, there was a beautiful young lady who was once been part of the success of the school. She has been an asset, an----" nagsasalita lang yung emcee, di ko na iniintindi, chikahan na lang kami nina Lyca at Niobe. Susunod na lang daw si Lyco, may dinaanan lang.
"Si Krypton hindi na nagpakita at nagparamdam sa atin" biglang sabi ni Niobe
Oo nga pala, di ko nasabi sa kanila na nagtext si Kr sakin kagabi
"Girls, nagtext sakin si Kr kagabi, ito oh, basahin niyo." binigay ko na lang ang cellphone ko sa kanila.
They read the message. Naghihintay lang ako ng kahit anong reaction.
And I didn't failed to get atleast a reaction.
"Owww, ganun?! At bakit hindi din siya makakapagperform?! Aber?!" tanong ni Niobe.
Nagshrug na lang ako,ewan ko ba.
Basta pag nakita ko yang Kr na yan, di ko talaga papansinin.
Bahala siya!
"Baka naman nga may ginawa lang na mahalaga?" sabi ni Lyca, kalma lang siya.
"EWAN" sabay pa kami ni Niobe, nagkatawanan na lang kami.
Bigla na lang nagtayuan ang crowd, teka ano ng meron?!
"And now! Let us now all welcome LADY METHANE CORPUZ together with her escort, Mr. Krypton Iron Corpuz! Let's give them a big round of applause!"
"ANG GWAPO NI KRYPTON!!!" sigaw nung mga babae sa likod ko, nanakirindi, infareness =O=
Pero teka daw, Krypton daw?! O.o
Napatayo na din kami nina Lyca at Niobe.
Nakita namin si Krypton, OMFG. Ang gwapo nga..
He's wearing tuxedo tas nakagel yung hair.. Parang aattend lang ng Prom.
May kasama siyang babae that looks really familliar.
"Nakauwi na pala si Methane?" napatanong si Lyca, teka, sinong Methane?
"OMG. Noooo waaay." yun lang nasabi ni Niobe.
Teka, sino ba yung Methane?!
Nakatingin lang ako kay Krypton, bigla naman siyang napatingin sa may part namin.
Hindi ko alam kung masaya siya o ano, walang expression yung mukha niya.
Nagupuan na din yung crowd, so nakiupo na din kami.
"So si Methane yung iwewelcome natin?! Like duuuh, ayawan na!" si Niobe yan, parang ewan, ayaw na ayaw na di mo maintindihan
"Huy Niobe, behave. Pinsan mo pa din yun kahit ganun yun" si Lyca yan, teka ha, nakaka OP na.
"Girls, teka nga.. Anong meron? Sino si Methane?" napatanong na ako.
"Si Methane, pinsan ko, masama ang ugali, spoiled bratt and everything!" wow, ganda ng description ni Niobe, infareness.
"Grabe ka makadescribe Niobe, hard! super harsh!" si Lyca yan
"Hindi, ganito yun Diana, si Methane, pinsan ko, dati na siyang dito napasok, mula kinder hanggang elementary tapos nung mga grade 6 na kami, ipinadala siya sa France para maging representative ng school natin, international school nga tayo diba? so may international affairs, ayun, kayear lang natin siya.at ngayon, nagbalik na siya"
"Ah? So Nasan siya?" napatanong naman ako.
"Ayaaan! Yang ineescortan ni Krypton, look" napatingin ako dun sa kasama ni Krypton, yung mukhang familliar.
Siya pala, teka mukha talagang familliar, di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
Maganda siya, infareness.
Pero bakit ganun na lang ang galit ni Niobe dun? =O=
Nahihiwagaan ako.
"And to start our program, let's now all welcome the students from the first year level!" nagumpisa na nga ang program.
Bumalik na yung kaba ko.
Kakanta nga pala kami at maggigitara ako. Shocks.
Madaming makakapanood, lalo akong kinabahan.
Maya-maya pa natapos na ang first year.
***
POV: Krypton Iron Corpuz
"Ang ganda ng gown ko Kr diba?!" kanina pa siyang paulit-ulit. Pagsala sa "ang ganda ko diba?" eh, "ang ganda ng gown ko diba?" ang tanong niya, ganun lang siya ng ganun. Narcissistic din 'tong si Methane. Nakakasawa na ang mga pinagsasasabi.
Bale nandito na kami sa campus, welcome party niya sa school.
Di ko lang maintindihan, bakit sobra naman ata 'tong welcome party na 'to, parang presidente lang ng school ang dumating, ayun tuloy, di ko akaling magiging escort pa ako nitong si Methane, unexpected talaga.
Pati sa practice kahapon, hindi ako nakaattend. Hindi na nga ako nakasali.
Tumawag kasi 'tong si Methane e, sabi may sasabihin daw siyang importante, yun pala magmo MALL lang kami. Grabe.
Di naman ako makahindi, sabi kasi ni Tito Luke, sakin na daw niya ipagkakatiwala si Methane tutal ako na daw ang pinakaclose dito sa babaeng 'to. Di kasi 'to close sa iba, ewan ko ba kung bakit ako lang nakakausap nito.
And that's the story behind.
Ipit na ipit ako.
Di ko tuloy macareer ang pag SLAVE kay Diana Maureen.
Asar.
"Huy, Kr! Ang ganda diba???" ayan na naman siya, tanong kabi-kabila.
"Oo na lang" busy ako sa panonood ng mga presentation ng kadayear, nagiinit na yung pwet ko, kanina pa kaming nakaupo.
"Thank you, third year students! And last but not the least to present, let's now all welcome, the seniors!" ayan na, ano kayang gagawin nina Diana?
Yun lang naman inaantay ko. Bale nakita ko siya kanina nung umeentrance palang kami, poker face lang siya sakin, galit siguro. Tinext ko din yun kagabi, di naman ako nireplyan. Asar.
Galit nga ata.
Nanood na lang ako, kakausapin ko na lang siya mamaya.
Naunang magperform ang mga taga Class D. tapos Class C then Class B.
Magaganda naman yung performance.
Pero ang iniintay ko talaga, sa section namin at yung sa Slave ko siyempre.
"Wow, that was a very good performance from those sections, and now, last but really not the least, we are very please to welcome, the students from the fourth year- Class A! they are divided into three groups, one group will sing, the other will dance and there is also the mix group. So guys, sa Singing group muna tayo guys so heto na! Hindi na natin papatagalin pa!" si Francium yan, yung baklang anak ni Tito Ace, daming satsat. Simulan na!!!
At ayun nga, kumanta na yung first group. parang naging choir yung dating kasi majority ng mga kaklase ko nandun. Halos kalahati o lampas pa. Wow.
Okay naman yung kanta nila, Titanium yung kinanta nila remix with Grenade.
Pagkatapos nung performance, umentrada na ulit si Francium.
"WOW! AMAZING VOICES YOU GOT THERE GUYS!" sobrang emphasize siya diyan, manghangmangha.
"Anong amazing dun? Kaya ko din kaya yung like duh?!" bigla namang umimik 'tong katabi ko.
"Oo na lang" yan lang naman ang reply ko sa kanya palagi e.
"And ito na, isa pang performance mula sa class A, the dance group!" at nagsimula ng maglabasan yung member ng dance group.
Lima lang pala yung member.
Yung mga Roll-On este yung mga Tartel Brothers at yung si Tristan, isa sa mga exchange students, yung kasama ni Diana.
Mga mukha silang KPOP, nakasuot kasi sila nung EXO Jacket tas yung mga porma nila pang KPOP talaga.
Pero siyempre, mas gwapo pa din ako. HAHAHA.
Dami kayang nagsigawan kanina nung lumabas ako, ang gwapo ko daw.
At nagsimula na yung music nila.
Growl by EXO yung music.
KPOP nga.
Nagumpisa ng magsigawan yung mga babae.
"OMG! Ang gwapo ni Tristan!" sigaw nung karamihan.
Lutang kasi yung hitsura nung Tristan.
Mga mukhang roll-on este puro kasi kalbo yung Tartel Brothers, siya lang may buhok. =O=
Lulutang talaga. Lul.
SWAG kung SWAG.
E di siya na.
Mas gwapo pa din ako. =O=
Saka kaya ko ding sumayaw.
JOKE lang.
"Omg, is that TB?!" bigla namang napaimik itong si Methane. Teka, anong TB?
"Tuberculosis?" napatanong naman ako.
"Noooo! TB, yung lalaki sa gitna, isa sa mga nagdadance.." napatingin naman ako, si Tristan pala yung tinutukoy niya, teka kelan pa naging TB ang Tristan at paano sila nagkakilala???
"Pano mo siya nakilala?" napatanong naman ako.
"Nah, last last daaay, remember yung nakwento ko sayong may careless na babaeng bumunggo sakin na hindi naman ako tinulungan nung bumagsak ako, siya pa yung may ganang magtaray, siya (sabay turo kay Tristan), siya yung naghelp sakin, he's nice ;)" sabi ni Methane, wow. Nice daw. Feeling ko magkakasundo sila ni Tristan. Hahahaha. Nice pala daw e. Lul.
"Ahhh" yun lang nasabi ko, ano pang gusto niyong sabihin ko? Hahaha =O=
"But don't worry Kr~ You are nicer pa din" sabay hagod sa likod ko ni Methane, minsan kinikilabutan ako sa babaeng 'to. =O=
Di ko alam kung may pagkamanyak 'to o ano e.
Iniisip ko na lang, pinsan ko 'to, baka sadyang ganun lang talaga.
"Oo na lang" yan ulit yung sagot ko sa kanya, maya-maya pa, natapos ng magmala KPOP nung mga dancer wannabe ng section namin. Bigla namang may kinindatan yung si Tristan sa mga audience, napalingon naman ako kung sinong kinindatan niya.
Si Cesium pala, kasama si Aye-Gee.
Teka nga, nandito ang kapatid ko?! =O=
Nako, wag niyong ilalapit sakin yan, ibabalibang ko yang uniSilver na yan!
Siyempre joke lang.
"Wow, Kume-KPOP ang Section A Boys, and to recognize lang, ang isa sa mga KPOP Boys ng Section ay exhange student from Lycas, si Mr. Tristan Brian Ciceron, good job boys!" si Francium yan, di talaga nauubusan ng sinasabi. Daming alam.
"Last na yung susunod diba?" tanong ni Methane, mukhang inip na...
"Oo ata" yun lang sagot ko, last na nga at sina Diana na yan
I can't wait.
Ano kayang gagawin nila?
"And now last but not the least, MIX Group ang itinawag sa kanila since Mix daw ang gagawin nila? Ano kaya ito? Let's give it up for the last group, the Mix group of Class A!"
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top