Chapter 7
POV: Kr
“Walang klase!!! Walang klase!!!” sigaw nung mga kaklase kong bano. Ang saya nila ha? =___= Wala daw kasing klase. Syete, nakapasok pa! Wala palang klase.
“Pero may praktis tayo ngayong hapon hanggang bukas, kelangan daw kasing magkaroon tayo ng production number sa isang araw…” si Kuya Zinc yan.
“Ha? Ano bang meron sa isang araw??? O_o Intrams na ba???” tanong nung isa kong kaklase. Oo nga naman.
“May Big Welcome Event daw kasi na magaganap sa isang araw…” –Kuya Zinc
“Huh? Sino naman daw iwewelcome???” –mga kaklase ko
“Yun lang ang di ko alam, di naman sinabi e, geh, isip na tayo ng production number, sasayaw? Kakanta? Ano? Suggest kayo” –Kuya Zinc
“Lahat ba kelangang sumali?” tanong nung isa ko pang kaklase, ayyyyt, si Diana pala. =_____=
“Oo, kelangan since required.” –si Kuya Zinc
Okay, sila na ang nagkakaintindihan, bahala kayo. Magsasoundtrip na lang ako dito sa may sulok.
Now Playing: Poppin’ Champagne by All Time Low
Yea ROCK! \m/
Hindi ko na sila pakinig, ang lakas na kasi ng earphones ko. HAHAHAHA *kriiippy laugh*
♫♪ Give up and let go, I’m just boy with a dream… And you can take one look as I’m falling between ♫♪
POV: Lyca Estrella
Grinoup kami ni Zinc into three para daw 3 production number yung magawa namin since Class A daw kami.
Yun daw yung sabi ni Dad kanina, daddy ko kasi President ng school. :)
“Isulat niyo dito sa bond paper yung mga kakanta, dito sa yellow paper yung mga sasayaw at dito naman sa intermediate paper yung mix and gagawin.” Si Zinc yan
Kinuha ko yung Intermediate Paper, sinulat ko yung pangalan ko…
“Leila Yesha Charmaine Ares A. Estrella”
“Grabe, Lyca, haba pala ng pangalan mo? O_O” nagulat na lang ako, may nagsalita sa likod ko, si Diana pala…
“Ah, Oo e, si Dad at Mom kasi nagpangalan sakin, teka, san ka nga pala sasali? :)”
“Hmm, di ko nga alam e, wala naman kasi akong talent sa mga ganiyan” tapos tiningnan niya yung hawak kong intermediate.
“Gusto mo dito ka na din? Para magkasama tayo! :)” yaya ko sa kanya, new friends kasi kami, para masaya lang.
“Hmm, ok! :D” saka siya pumirma dun sa papel.
“Kyaaaaaaaaaaaa!!! Ang daya naman e!!! Bakit dito ako? =____=” bigla na lang may umimik dun sa may pinto
“Zinc, since labis ang bilang ng mga students sa Section B at kulang kayo ng isa, sa inyo na si Niobium ha” saka umalis yung president ng Class B na naghatid kay Niobe.
“Hay naku! Pero ok lang, nandito naman si Lyca…” saka siya lumapit samin.
“Bet ka nandito?” napatanong naman ako
“Bakit? Ayaw mo? =______=”
“Hindi ah! Hehe, nagtataka lang naman” nakatingin lang samin si Diana
“Eh kasi nga kumpleto na yung gagawin sa section namin, ayun, ipinatapon ako dito. =.=”
“Ahhh, eh di dito ka na lang din! Sulat mo name mo dito oh” saka ko inabot sa kanya yung intermediate.
“Ok, ok” saka niya sinulat yung pangalan niya.
“Pakipasa na ng mga papel.” –si Zinc yan
“So ang mga sasayaw ay sina Blah… Blah… Blah…” then ayun nga, binanggit ni Zinc yung mga names for confirmation daw.
“Ang mga kakanta ay sina… Blah… Blah… Blah…” tapos binanggit yung mga names
“At ang mga mag mimix ay sina Leila, Diana at Niobe, teka, kayo lang?” tanong niya, teka, oo nga… Kami lang? O.o
“Malamang” si Niobe yan, hilig niyang barahin si Zinc, ewan ko sa dalawang yan, mag first cousin pa naman.
“Ok, teka, Kr, bakit wala ka nga pala sa mga list?” napatingin naman kaming lahat kay Kr. Deadma siya, Nandun sa sulok, nakapasak yung earphones.
“Hoy Kr!” tinawag ulit siya ni Zinc pero wala e, binge.
“Huy…” Kinulbit siya nung katabi niya, tiningnan lang ng masama ni Kr. Err. Kakatakot si Krypton Iron…
Umuusok na yung tenga ni Zinc, pasaway kasi si Kr. Pansin ata yun ni Kr so tinanggal niya yung isang earphone na nakapasak sa tenga niya.
“Huh?” tapos ayon, napagsabihan na siya ni Zinc
“Kr naman! Makinig ka kasi. We’re on rush! Oh ayan, pumirma ka sa isa sa mga yan” atsaka inabot ni Zinc yung mga papel
Bigla naman pumirma si Kr, natakot ata. Di na tiningnan kung ano yung pinirmahan
Pero kita namin, dun siya pumirma sa Intermediate.
PATAY.
POV: Diana Maureen
“Punta na kayo sa mga groupmates niyo, make sure may mapagusapan na kayo para bukas magpapractice na tayo” –si Zinc yan, saka umalis dun sa unahan
“So anong gagawin natin?” –Niobe
“Ano bang meron kapag Mix?” napatanong naman ako, hindi ko din kasi alam, nakipirma lang ako. Hihi :”>
“Diba kagrupo natin si Kr? Tawagin niyo…” –Lyca
Ok? Kagroup nga namin siya, e wala naman yung pakialam.
Nakatingin sakin si Niobe at Lyca, ayyy teka? Wag mong sabihing…
“Diana, kaw na tumawag, close naman kayo” –Lyca
Ngeeee? Naman! Ayoko nga, di kami close noh!!! =____=
“Ala, Niobe kaw na, magpinsan naman kayo” saka ako nagpa-cute kay Niobe
“Luh, suplado yan e, di kami close, kaw na! Go girl!” saka nila ako tinulak, hay naku naman
Ako na talaga, ME na…
“Huy” saka ko siya kinulbit, bigla naman niya akong tiningnan ng masama tapos biglang nagulat nung nakita niyang ako pala yung kumulbit, ayyy? Ano daw? Labo.
“Punta ka dun, magmemeeting tayo” nakakapanibago ‘tong si Kr, hindi na masyado nagsusungit.
Pumunta naman agad siya dun sa tinutumpukan namin.
Tahimik lang siya. Ano naman kaya padali ‘to?
“So, since kumpleto na tayo, anong gagawin natin? Suggest one by one! Lyca kaw muna… :)” –Niobe
“Hmm, siguro, kanta na lang tayo tapos sasayaw?” -Lyca
“Maganda sana kaso kakaunti naman tayo e, apat lang tayo, what if mag model na lang kaya tayo?” –Niobe
Walang pakealam si Kr, ewan ko dito, pero…
Parang, may katext siya e, sino naman kaya?
“Ok lang sakin” sabi ko sa kanila pero parang ang awkward naman, si Kr? Magmomodel din?
“Ok lang sayo Kuya Kr?” bigla namang nagtanong si Niobe, wow, kuya pala tawag niya
“Huh?” nakaearphones si Kr so di niya pakinig.
“Wala, OO na lang! =____=” –Niobe
“Sige, modeling na lang tayo, school uniform tapos mga casual attires and etc.” –Lyca
“So magdadala na lang tayo bukas ng mga damit tapos magpapractice tayo para mas madali” –Niobe
“Ok, san tayo magpapractice bukas?” tanong ko lang
Si Kr wapakels pa din, may katext e. Baka naman girlfriend, teka, girlfriend?
May girlfriend siya? =_____=
Eh pake ko ba?
Magsama sila. Aweeee~
“Sa amin na lang tayo” – Lyca
“Sige, sige, call time?” tanong ni Niobe
“Siguro mga 8am” –Lyca
“Wala daw bang klase bukas?” tanong ko
“Wala, rehearsal day daw bukas e” –Niobe
“Ok, kunin ko na lang number niyo para matext ko kayo” –Lyca
Tapos kinuha niya yung mga number namin, pati kay Kr na walang pakialam.
Chineck kami ni Zinc kung anong gagawin namin then we told him what we planned, nag approve naman siya.
After that uwian na.
“Sige, bukas na lang ha!” tapos ayon, tapos na yung meeting namin, modeling daw kami.
Si Kr naman, nagmamadaling umalis, ewan ko dun.
Bayaan niyo nga siya, malaki na yun.
Si Tristan naman, nawala din bigla, eh kasabay ko yung umuwi e, siguro nauna na?
Naman.
Umuwi na lang akong mag-isa. Wala akong kasabay e.
Papalabas na ako sa may gate ng may nabunggo ako…
Taob siya, taob yung nabunggo ko, taob din ako. Taob kami parehas.
“O-M-G! Ouch!!! My God!” tapos nagsisigaw na siya, English Speaking. Napatingin naman ako sa kanya.
“So-sorry, di ko sinasadya” tapos tumayo na ako, pinagpagan ko yung damit ko, yung nabunggo ko, nakataob pa din, ayyy sama ng term, nakataob. Lol.
“My God! You’re so careless naman, DUH?! Look what you’ve done to me! I’m so kadiri na!!! So many dirt, YUCK!!! So daming germs. Eeeew~ Feels like thousand of pathogen has invaded my skin! Yuckness!” ang arte niya. Kakasura. Pinagpasensyahan ko na lang, mukha naman kasing anak mayaman nga.
Maputi siya tapos nakashades, maganda yung damit niya, nakahigh heels, mukha nga siyang model. Yun nga lang, maarte siya. May papatho-pathogen pang nalalaman, anu ba yung pathogen na yun? Virus? Bacteria?
“Sorry miss ha, di ko naman kasi sinasadya” saka ko inabot sa kanya yung kamay ko, yung tipong “need help?”
“Umalis ka nga sa harapan ko! Naiinis ako!!! Layaaaas!!!” at ayun nga, siya pang may ganang magalit, siya na nga tutulungan.
“K” saka ako umalis, ang arte niya ha. Sino ba kasi yun? Iiitcha ko yun sa London Bridge e! =____=
Pasalamat siya wala akong topak ngayon kundi, makakatikim siya saken.
“Urgh! I hate this! Urgh!!!” at ayun nga, nagsisigaw lang siya dun habang nakataob.
Kakaunti na din naman kasi ang tao sa school so wala ng makakapansin sa kanya.
Hayy, sino ba kasi yun.
Umuwi na din ako, I wonder kung san nagpunta si Tristan, di ko na kasi nakita kanina.
Eh kasi nga sabay kaming umuwi nun. Nakakapagtaka lang. Inunahan daw ba ako? Sheez.
And for me? The day has ended.
So much for this day.
POV: Tristan Brian Ciceron
Nag CR lang naman ako kanina pero nawala na agad si Diana.
Sabay kaming umuuwi, pagbalik ko ng room kanina wala ng tao, ay ganun? Inunahan ako. =____=
Mga babae talaga.
Bale, kung tatanungin niyo ako kung anong estado namin ni Cesium.
Wala! Manhater yun e.
Pero hindi ko siya susukuan noh, lahat gagawin ko para kay Lady Cesium ^____^
Umalis na din ako, wala na si Diana e. Nauna na.
Dumaan muna ako sa building ng mga third year, balita ko kasi hindi pa sila umuuwi, sinulyapan ko lang naman si Cesium.
And I did not fail. Nakita ko siya.
Nakadungaw ako sa may pinto ng room nila.
Nakita niya din ako.
I smiled at her pero siya?
Siniringan niya lang ako.
Namaaaaan. =____=
Umalis na din ako, Makita ko lang siya once a day, kumpleto na ang araw ko. Buti na lang ako ang napiling exchange student sa school na ‘to.
Nagkachance tuloy akong mameet and greet si Cesium. Nakanang, parang wattpad meet up lang.
Papalabas na ako ng may gate ng may nakita akong babaeng nakataob.
Mukhang nadulas siya? May nakabunggo sa kanya?
Kawawa naman so nilapitan ko.
“Miss?” sabi ko sa kanya
“WHAT?!” galit siya, naman. Magalit daw ba saken? =___= LABO. Maganda pa naman sana ‘tong babaeng ‘to. Pero mas maganda pa din si Cesium. Siyempre. Labs ko yun e!
“Higblood ka miss? Tutulungan lang naman sana kita.” saka ako naglakad papalayo sa kanya, ang taray e. Gusto ko ang nagtataray lang sakin si Cesium.
“Wait! Wait! Help me kayaaa! You’re so ungentle huh?! Mygaaaaad!” tapos bumalik ako, ungentle daw, kaw lang maarte kamo. -____-
Tapos ayun, itinayo ko na siya. Wow. Tangkad, kung sabagay, nakaheels siya. Mabango din siya at saka, amoy mayaman.
“Geh, Miss, alis na ako. Bye” atsaka ulit ako naglakad.
“Hey, wait! What’s your name?” lumingon ulit ako sa kanya
“TB, call me TB.” Saka ako nagsmile, yung seductive. HAHAHA. LOL.
“TB? Tuberculosis? =___=” wow ha! Ayos din ‘tong babaeng ‘to ha! Tuberculosis daw! TB for Tristan Brian!!! ADIK.
“HA-HA-HA-HA” tinawanan ko lang sya, sarcastic.
“Well, I’m Methane, call me Lady Methane, thanks for helping and byes!” saka siya umalis.
“Methane?” teka, chemical element din? Chemical Compound pala.
“Meth---“ tatawagin ko sana siya kaso wala na, bilis makalakad ha.
If she’s a chemical Element este chemical compound, Kaanu-ano kaya siya ni Cesium?
I wonder.
Baka mamaya, sister-in-law ko na pala yun! Hahaha. Adik Tristan. =____=
Umuwi ka na nga lang.
Atsaka ako umuwi.
Tatanungin ko na lang siguro si Cesium kung kaanu-ano niya si Methane, wow ha. CLOSE kami ni Cesium ha. ;D
Baka upakan lang ako nun.
…to be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top