Chapter 25

Christmas season.

FRIDAY.

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Bale, mga three months na din mula nung alam niyo na.

Hindi ko na siya nakita pa after that. No communication.

Wala talaga.

Tinanong nina Mommy kung kamusta daw kami, sinabi ko na lang na busted ako and they don't believe me.

Nga naman? Sino nga ba ang maniniwalang ang isang Krypton Iron Corpuz ay mababusted ng isang Diana Maureen Navarro.

Okay, "no to mention her name" campaign.

And there, next topic.

Three months na din na hindi ako tinatantanan nung unknown number na natawag sakin na kapag sinasagot ko, wala namang naimik. Sinasagot ko yung call hoping that one time may marinig naman akong "HELLO" back.

Kinukwento ko din dun sa tumatawag mga nangyayari sa buhay ko, ewan ko kung nakikinig si Mystery Phone Caller na yun. Basta kwento lang ako ng kwento, mismong lovestory at pagbusted sakin ni Slave kinuwento ko. Trip ko lang. Siya kasi, tawag ng tawag, hindi naimik.

At ayun nga...

Nandito ako sa room ngayon.

"Ano kaya yung importanteng sasabihin ni Tristan?" bulungan yung mga kaklase namin.

Oo nga pala, may importante daw sasabihin si Tristan

Maya-maya pa, dumating na yung teacher namin, kasama si Tristan.

"Class, we have a special announcement" sabi ni teacher, si Tristan naman nakatayo sa tabi niya

Nga pala, kung tinatanong niyo kung ano ng update kina Tristan at Cesium, bale, nililigawan daw ni Tristan si Cesium. End of story.

Back to the announcement.

"Matagal-tagal din nating nakasama si Tristan sa school na 'to, 6 months I guess?" si teacher yan

Nakikinig lang kami.

"Tristan.." tinawag ni teacher si Tristan

"So ayun classmates, maraming salamat sa pagtanggap sakin sa school na 'to, naging masaya ang pagstay ko dito." teka, ano bang sinasabi ng isang 'to, parang namamaalam na.

"Nakausap ko si Principal kanina and he said na..." he pause.

Tumingin siya sa amin.

"tapos na daw ang exchange student's program and I need to get back to Lycas." so ayun pala..

Ayyy teka nga..

WHAAAAT?!

Madaming nalungkot sa sinabi ni Tristan.

"Bakit di mo sinabi samin? Kelan ka babalik ng Lycas?" tanong ni Raphael, ang bestfriend ni Tristan dito sa Lycos, actually, bestfriend niya yung Tartel Brothers.

"May be January next year" sabi niya, ah next year pa pala.

Bale para sa kaalaman ng lahat 1 week na lang ang ipapasok namin at christmas break na kaya meaning, sa pagbalik namin sa January, wala na si Tristan.

"Don't worry class, Tristan will be joining our christmas party, kasama pa din natin siya" sabi ni teacher, oo nga pala. May christmas party pa.

Umupo na din si Tristan after nung announcement.

Itong isang 'to, mawawala na pala dito sa Lycos, pasuspense pa.

Pero mas okay na din yung sinabi niya kahit malapit na di tulad nung iba diyan, basta basta na lang nawawala.

Hindi na din masyado nagkaklase, magbabakasyon na kasi, pumapasok na lang kami para sa baon este para sa attendance. Lol.

Nandito lang kami sa room, kanya-kanyang tumpok.

Nakaheadset lang ako, as usual, soundtrip.

♪ Why don't you tell me that you love me? And it will be alright. Are you thinking of me. Just come with me tonight. You know I need you just like you need me ~

The Maine rocks.

♪ Can't stop, won't stop, I must be dreaming ~

Bigla akong kinulbit ni Lyca.

Tinanggal ko yung isang headphones sa tenga ko.

"Bakit?" i asked her.

"Kapag nagkita ulit kayo ni Diana, anong gagawin mo?" she asked me

Teka, ako yung nagtanong, bakit ang sagot niya tanong din? Pssssh.

"Ahhhh" saka ko binalik yung headphones sa tenga ko.

Hindi ko siya sinagot.

At kung sasagutin ko man siya, hindi ko din alam ang isasagot ko.

"Psh" -Lyca, base yan sa expression ng mukha niya

Nagsounds lang ako.

♪ Why don't you tell me that you love me? And it will be alright. Are you thinking of me. Just come with me tonight. You know I need you just like you need me ~

Lumapit si Kuya Zinc sakin, kumulbit din, Teka. ANO NA NAMAN?

Tinanggal ko yung isang earphones, medyo asar, saka siya bumulong sakin.

"Pinapatawag ka ni Principal, punta ka daw sa office niya after class" tiningna ko si Kuya Zinc with a question mark on my face.

"Hindi ko din alam" sabi niya

Okay? Punta na lang ako mamaya.

****PRINCIPAL'S OFFICE

Kumatok na ako

Pinapapunta ako ni Tito Luke dito, bakit naman kaya?

"Pasok" -Tito Luke's voice

Pumasok na ako and sit right infront tito Luke's desk.

"Kr, may passport ka ba?" nagulat ako sa tanong ni Tito Luke.

"Opo. Bakit po tito?" nakakapagtaka naman kasi yung tanong niya

"I asked Zinc at ikaw ang nirecommend niya sakin" huh?

"Recommend for what?" anong sinasabi nitong si tito Luke?

"Natatandaan mo ba yung International School Affairs Exchange Student Program na dinaluhan dati ni Methane? I was planning na ikaw ang ipadala sa International Program na yun." nagulat ako sa sinabi ni Tito Luke, bakit ako?

"Bakit naman po ako tito? Bakit di na lang po si Kuya ZInc?" I asked.

"Sabi kasi ni Zinc, mas maganda daw na ikaw ang irepresent ng school natin and I trust him" -Tito Luke

Di ako makaimik, gusto kong tumanggi, ano namang gagawin ko dun?

"Bale hijo, hindi naman matagal ang Program na yun, isang buwan lang yun and it will be held this coming January sa Spain and by February, you'll be back" teka nga, bakit ba talaga ako? Si Kuya Zinc naman kasi.

Di ako makaimik, hindi ko talaga alam kung paano ako tatanggi.

"SIge hijo, I'll give you time to think. Until christmas party, makakapagisip ka." nginitian ko si Tito

"Sige po, pag-iisipan ko po tito" tumayo na ako

"Sige, sige." -Tito Luke

"Mauna na po ako" saka nagdalidaling lumabas, paglabas ko, nakita ko si Kuya Zinc

This is it.

"Teashop? Andun sila" tumango na lang ako, sa teashop ko na lang siya gigisahin.

****TEASHOP

"Kuya Zinc naman?! BAKIT AKO?!" at heto na nga, nagmamaktol na ako

"You mean Kr, ipapadala ka sa Spain?!" -Donatello

"OO, kapag pumayag ako" sagot ko sa kanya

Iniintay ko yung sagot ni Kuya Zinc pero tatawa tawa lang siya sakin

"Alam mo Kr, that's the best thing I can do for you, treat it as my Christmas Gift, pasasalamatan mo din ako pagdating ng araw" he told me like WHAT-THE-FCK

"At bakit naman?!"i asked him

"It's for me to know and for you to find out" at ininom ni kuya Zinc yung tsaa niya

Mukhang wala na akong magagawa, nakakahiya namang humindi kay Tito Luke.

"Mukhang di lang ako ang mawawala by next year" -Tristan

"Pare mamimiss ka namin!" -Raphael

At niyakap ako ng Tartel Brothers.

****KRYPTON'S RESIDENCE

"Oh anak, maganda yung pinaplano ng Tito Luke mo para sa'yo" sabi ni Mommy sakin, sinabi ko na kasi sa kanya

"You mean mommy aalis na si Kuya Kreepy?" mangiyakngiyak na sabi ni Frog.

"Paanong naging maganda yung mommy? Give me the best explanation"

"Anak, pagdating mo ng Spain, madami kang makikilala at makakahalubilong mga tao. Malay mo pagdating mo dun, umayos ka na. Tingnan mo nga yang sarili mo, napapabayaan mo na, pumapayat ka na. Ano ba kasi yan? Epekto ni Diana?" nagulat ako sa sinabi ni Mommy

PUMAPAYAT AKO? NAPAPABAYAAN KO NA SARILI KO?

WHAT-THE-FCK

"Wala siyang kinalaman dito" sagot ko

"Oh yun naman pala anak, e di pumunta ka na ng Spain, sure ako, madami kang makikilala dun" she's pushing me to go there.

Inilalako na ako ni Mommy, she's bad.

Ano pa nga bang magagawa ko? Yung mga kaibigan ko gusto din naman tapos itong nanay ko gusto din e di...

"FINE!" sa Spain na ako.

"Good, para sa'yo din yan anak, para naman umayos ka na. Nakakaawa ka na kasi" -mommy

At nakakaawa pa daw ako? Compliment ba yun? =O=

After nun, dumating na si Pare at sinabi ko na din sa kanya, payag na payag siya. Katulad ni Mommy, ganun din yung dahilan niya.

Itinatakwil na ako ng pamilya at mga kaibigan ko, sa Spain na ba talaga ang bagsak ko?!

Kung sa bagay, pag pumunta ako ng Spain, madami nga naman akong makikilalang iba.

Ok?

Pumunta na ako sa kwarto ko.

Spain. Spain. Spain.

I'm going to Spain?

♫♪ "Wherever I'll go, what ever I'll be, well I just hope that you're thinking about me. And that you don't tell my love you feel lonely ~ ♫♪

Nagring yung phone ko, si Mystery Caller pala ang natawag.

Sinagot ko na. I'm gonna tell this Mystery Caller what's new and what's going on. Baka mamaya mag "hello" back na siya.

Who knows diba?

"Hello." that was a statement. At yang hello na din na yan ang tawag ko sa kanya.

[.....................]

Alam ko namang ako lang din ang iimik until the end.

"Hoy Hello, alam mo ba ipintatapon na ako sa Spain" sabi ko kay Mystery Caller aka Hello

[.....................]

Hindi siya sumasagot

"Hello, siguro ito na nga ang time para makalimutan ko si Slave" nagkwento lang ako sa kanya, hindi naman siya sumasagot

"Sa tingin mo tama 'tong desisyon ko?" hindi naman ako nagiintay ng sagot, trip ko lang magtanong

"Hello, by January baka nasa Spain na ako, alam kong mamimiss mo ang boses ko..." Sabi ko sa kanya

[.....................]

Wala talaga siyang balak umimik.

"Don't worry Hello, sa February naman babalik din ako, 1 month lang yun" Sabi ko

[.....................]

"Sige na Hello, matutulog na ako, matulog ka na din, good night"

[.....................]

Wala talaga.

Ibinaba ko na yung call.

Hello Spain na talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top