Chapter 21



Krypton's POV

Palapit na ng palapit ang birthday ko, si Slave, ayun, busy pa din.

Hindi siya masiyado nagtetext, magtetext lang siya kapag tinetext ko siya at kinamusta ko siya. Yun lang, busy nga siguro. Kailangang intindihin.



Hindi ko din alam kung nareceive niya ba yung bulaklak o hindi. I really have no idea.

Nandito ako sa school, magtatime na pero wala pa din yung mga kaklase ko, nasan na ba ang mga yun?



Napatingin ako sa may bintana.



Pagtingin ko sa may hallway, nagkakagulo yung mga tao, teka anong meron dun?



"I TURNED INTO A FLOWER!" may kakantakanta dun sa baba, bumaba na ako, tiningnan ko kung anong meron

Pag dating ko sa baba, nakita ko yung mga classmate ko at si Tristan, bestfriend ni Slave, nakacostume na flower, floral yung damit niya tapos may bulaklak siya sa ulo

"I TURNED INTO A FLOWER!" kakantakanta siya tapos sasayaw sayaw, parang bata na nanalo sa pustahan

Nakita ko si Cesium, nasa may gitna, pinagkakaguluhan din

"You are definitely crazy" -Cesium

Nagkakagulo na yung mga tao, natatawa ako sa hitsura ni Tristan, para siyang Hawaiian na ewan, kamukha ni Lilo ng Lilo and Stich. Haha

"Yes I am. I'm crazy inlove with you" nagkagulo pa lalo ang mga tao

TEKA? O.o Anong klaseng kacornyhan ang sumapi kay Ciceron?!

"AYEEEEE! Haba ng buhok ni Cesium!" -crowd

Napatakip na lang si Cesium sa mukha niya, nahihiya ata?

"You told me that you're not gonna like me unless I turned into a flower right?" si Tristan yan, si Cesium naman nakatakip pa din ang mukha gamit ang kamay niya

Hindi umiimik si Cesium

"Hey. Talk" -Tristan

Si Cesium naman ganun pa din, ang crowd nanahimik bigla, iniitay siguro ang sagot ni Cesium.

Nag-intay pa kami ng konti, maya-maya pa, umimik na din si Cesium.

"FINE!" nagkagulo na ulit yung crowd. Anong pakulo ang naisipan ng dalawang 'to, naging center of attraction pa.

"YES!" nagsisigaw si Tristan

"My Floral Love" at unti-unti ng nagsialisan ang mga tao, yung mga tartel naman kinongrats si Tristan, "best wishes" daw, kinasal lang?

Bumalik na din kami sa room after that

Ngayon lang nagsink in, may gusto si Tristan kay Cesium? Woah. Kelan pa?!

At nagklase na nga, hindi ko na pinakaisip pa yung kina Tristan at Cesium, buhay nila yun so bahala sila. Patay lang si Tristan sa Papa ni Cesium, malupit yun, si Tito Barium. Good Luck na lang.

Iniisip ko si Slave, kamusta na kaya yun? Para namang napapadalas na yung pagiging busy niya.



Kasalukuyang nagaattendance yung teacher namin

"Corpuz, Krypton Iron E." -teacher

"Present" medyo boring ngayon, wala ako sa mood.

"Corpuz, Lady Methane E." -teacher

"Absent sir" sabi nung class monitor namin

Teka, bakit naman wala si Methane? Nasa yung pinsan kong yun?

"Ok, ok. Next, Corpuz, Zinc Iron M." -teacher

"Present" -Kuya Zinc

Tiningnan ko si Methane sa buong room, wala talaga, absent nga diba Krypton? Makulit lang?



♫♪ "I feel like a hero! And you are my heroine! Do you know that your love is the sweetest thing~"♫♪



Bigla namang nagring yung phone ko. Patay.

"Krypton, phone please?" -teacher

"Sorry po" tiningnan ko yung phone ko, si Methane pala yung natawag

"Excuse lang po sir" lumabas ako ng room, 'tong si Methane, absent na nga, may pagtawag pa. Nasang lupalop kaya 'to?



"Hello" ako yan to Methane.

[Hi Kr, looks like I saw your soon-to-be-girlfriend somewhere here at the mall]

"Huh? Ano?" nalalabuan ako sa sinasabi niya

[Diana in the mall with SOMEBODY]

"Wha-what?" si Slave daw nasa mall with somebody, sinong somebody?!

At teka, class hours, ano namang gagawin ni Slave sa mall during class hours with whoever is that somebody? Baka naman niloloko lang ako nitong si Methane?

[Well look Kr, ayokong manghimasok but this Diana, I think she's not good for you, hindi pa nga kayo tapos may nilalabas ng iba, what if maging kayo pa?]

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Methane o ano. Alam ko kasing may galit siya kay Slave at baka mamaya pinag-aaway niya lang kami.

"Look Methane, class hours tapos nasa mall ka at kung anu-anong sasabihin mo"

[So you think I'm lying Kr? So what naman kung nasa mall ako, problem of yours? Not naman diba? Concern lang ako kaya tumawag ako at kung ayaw mo 'kong paniwalaan, hindi kita mapipilit, bye] at binaba niya yung call.

Si Slave daw nasa mall na may kasamang somebody.

Maniniwala ba ako kay Methane?

Itext ko na lang kaya si Slave para makasigurado ako.



To: Slave

San ka now?



Pumasok na din ako ng room after nun, sa loob na lang ako magaantay ng reply.

Nagbeep yung phone ko, 1 message received.



From: Slave

School. Why?



Nireplyan ko siya.

To: Slave

Nakita ka daw kasi ni Methane sa mall, sabi ko na nga ba, nagsisinungaling lang siya. Sige, ingat ka diyan.

Tama ako, nagsisinungaling si Methane.

From: Slave

Nasa mall si Methane? Anong ginagawa niya dun? Wala ba kayong klase? Nasan ka?

Nakakapagtaka naman yung reply ni Slave, ang daming tanong. Teka nga...



Siguro...



To: Slave

Miss mo na ako noh? Kaya ka ganiyan?

Inintay ko siyang magreply





From: Slave

Hindi nga, nasan ka nga???

Grabe naman 'tong si Slave, di man lang ako namiss. Psh. Nakakasama ng loob.



To: Slave

Nasa school ako ngayon, absent lang si Methane kaya nasa mall siya.

Nakakainis 'tong si Slave.

Hindi niya ako namimiss. Asar.



From: Slave

Ok, sige, mamaya na lang ulit.

Kakaiba talaga mga reply niya, ang iikli, parang tinatamad na ewan. Nakakaasar na talaga.



Pinabayaan ko na lang, hindi ko na siya nireplyan.



Hanggang sa naglabasan na.



Dumiretso na ako sa bahay tutal di ko naman susunduin si Slave kasi busy pa siya sa company nila.

Palapait na ng palapit ang birthday ko pero bakit ganun?

Parang may mali.



***





Third Person's POV

"Ang tagal naman nina Mommy" isang bata ang naiinip sa paghihintay sa nanay niya, labasan na nila at kanina pa siyang naghihintay

"Hello pretty little girl" isang malaking mama ang lumapit sa kanya, may dala itong lollipop

"Huh? Bakit po?" tanong ng batang babae

"Gusto mong lollipop? Ito oh" saka inabot nung lalaki ang dalang lollipop, tuwang tuwa ang batang babae

"Wow! Talaga po?! Akin na lang po ito?! Salamat po!" kinain niya ang lollipop

"Sige pretty little girl, ang sarap niyang binigay ko diba?" tanong ng mama

"O-opo.. Ma-masarap nga poooo..." Unti unting nawalan ng malay ang batang babae

Binuhat ng mama ang batang babae at saka ito kumuha ng cellphone.

"Boss, ok na, hawak ko na yung batang babae" ngingiti ngiti siya.

[Sure ka bang yan yung Lady Silver?] tanong nung nasa kabilang linya

Tiningnan ng mama ang id ng batang babae.

Lady Silver E. Corpuz

"Opo boss, Lady Silver yung nakalagay sa ID" sabi nung mama at isinakay niya sa isang van ang batang babae

[Sige, dalhin mo na yan]

"Sige boss" at ibinaba ng mama ang telepono.

"Hoooooy! Anong ginagawa niyo sa pinsan ko?!" isang batang babae ang sumigaw

"Pare! Tara na!" dali-daling nag-alisan ang mga lalaki

"AYE-GEEEEE!!!" sigaw ng batang babae.

Wala ng nagawa pa ang batang babae kundi magsisigaw, nakaalis na ang van tangay ang pinsan niya.



***



Krypton's POV

Gabi na..

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko.

Hindi nagtetext si Slave, bakit naman siya magtetext e hindi naman niya ako namimiss?



Biglang may nagbukas ng pinto ng kwarto ko.

Si Mommy pala, hingal na hingal at umiiyak.



"Kr! Anak! Ang kapatid mo!" lumapit siya sa akin

Nagpapanic ba si mommy?!

"Oh? Ano pong nangyari sa palakang yun?!" napatanong naman ako.

Hindi ko pa nakikita yung Frog kong kapatid mula ng umuwi ako kanina.

"Anak! Si Aye-Gee! Nadukot!!!" napanganga ako sa sinabi ni Mommy.

"PO?!" hindi ako makapaniwala. Parang nung isang araw lang, sina Slave ang nadukot tapos ngayon, yung kapatid ko naman!

"TIffany ko! Tiffany ko! Nandiyan na sina Neon sa baba" sina Tito Neon daw nasa baba sabi ni Pare, dali-dali kaming bumaba ni Mommy.

Ang kapatid ko nadukot?!

"Tita Aika! *huk*" si Lithium yan, naiyak, yung pinsan ko, kapatid ni Niobe, anak nina Tito Neon at Tita Cassy.

"Lith, anong nangyari?! Saan mo nakita si Aye-Gee?! Anong nakita mo?!" si Mommy yan, kausap niya si Lith

"Nakita ko po *huk* kinuha po ng malalaking mama *huk* sinakay po sa van at *huk* umandar po ng mabilis *huk* tinawag ko po pero wala din po akong nagawa *huk" iyak ng iyak si Lithium

Maya-maya pa, dumating na din ang pamilya nina Tito Xenon, Tito Barium at Tito Nickel. Sina Tito Ace, nandito din.

"OMG. What happened to baby Aye-Gee?!" si Methane yan

"Nadukot daw" -Niobe

"What?! OMG!!!" panic na panic si Methane, as if close sila nung kapatid ko e halos ipagtabuyan nga siya ni Aye-Gee

"Grabe lang ha, makareact ka, anak mo yung nawala!" -Niobe

"Duh Niobe?! May puso din naman ako at nag-aalala ako sa pinsan ko, di tulad mo" at inirapan ni Methane si Niobe

"Abaaaa't" -Niobe

"Oh, oh, mag-aaway pa" -Zinc



Nag-usap lang sina Mommy kung anong gagawin.



Nagpatawag na sila ng pulis. After a while, may mga dumating na message sa phone ko, galing kina Lyca, Lyco at Tristan, alam na din nilang nawawala yung kapatid ko.

Ang bilis kumalat ng balita.

Pero bakit ganun? Kung kumalat na ang balita, bakit parang hindi alam ni Slave?

Bakit hindi siya nagtetext?



Maya-maya pa, may tumawag, pag tingin ko, speaking of the devil este angel.

Si Slave yung natawag, sinagot ko naman agad

"Hello" cool pa ako niyan, pero deep inside panic na at nawawala yung kapatid kong palaka

[Nawawala daw si Aye-Gee?] tanong niya, alalalang-alala yung boses niya

"Oo, nakita daw ni Lith may dumukot na mga lalaki" sabi ko sa kanya

[ganun ba?] nangingiyak si Slave niyan

"Oo, pero wag kang mag-alala, makikita din namin siya" sagot ko sa kanya

Umiiyak si Slave, halaaa, patay. Parang kanina lang naasar ako dito pero ngayon nag-alalala na ako

"Wag kang umiyak, makikita namin si Silver" sabi ko sa kanya

[Kr, sorry] huh?

"Huh? Anong sorry?" napatanong naman ako, bakit siya nagsosorry

[Ah---wa-wala, sige, makikita niyo din si Aye-Gee] ang gulo ni Slave, anong sinabi niya?

"Oo, makikita din namin siya, wag ka ng umiyak" sagot ko sa kanya

[Sige, balitaan niyo na lang ako kung okay na si Aye-Gee, good night] bago pa ako nakasagot kay Slave, ibinaba na niya

Naasar na ulit ako! Bakit siya ganun?! Psh.

Maggogoodnight pa ako e!

Asaaaar!

At dumating na nga ang mga pulis, may nahanap na daw silang lead.



Agad naman naming pinuntahan yung sinasabi nila.



Ano ba 'tong nangyayari sakin at sa pamilya ko?!

Kung kelan naman papalapit na yung birthday ko?!

Wala na bang mangyayaring maganda?!

Chapter 22



Pinuntahan na namin yung sinasabing lead ng mga pulis.



Sama-sama kaming lahat.

Kung sino mang dumukot sa kapatid ko, mabubugbog ko.



Umuna ang mga pulis, isang abandonadong gusali ang sinasabing lugar kung nasaan yung kapatid ko.

Naiwan kami sa may labas, sina Mommy at Pare, mangiyak-ngiyak.



Kung kidnapping ito, bakit walang ransom?

Anong pakay nila sa kapatid ko?!

"I hope Aye-Gee is safe" si Methane yan

Kanina pa siya, alalang alala sa kapatid ko

Kinakabahan na ako hanggang sa...



Naglabasan na ang mga pulis, may buhat silang bata. Walang malay na bata.



"Anaaaak!" si Mommy yan, dali-dali.

Nagising ang bata na kapatid ko pala.

Binaba siya ng mga pulis at dalidaling nagtatakbo.

"Mommy!" si Frog yan.

"Ma'am, wala pong trace ng mga kidnappers" sabi nung mga pulis

"Pa'nong wala?" -si Pare yan

"Sir, mukhang iniwan na po ang anak niyo sa loob ng building" sabi nung pulis

"Anong? Teka nga--" bumaling si Pare kay Frog.

"Anak, anong ginawa sa'yo nung mga dumukot sa'yo?" tanong ni Pare kay Frog.

"Po? Ano pong dumukot?" nagtatakang tanong ni Frog sister.

"Anak, dinukot ka" sabi ni Mommy.

"Po? Wala po akong matandaan, kakagising ko lang po. Ang alam ko lang po, nawalan po ako ng malay kanina nung kumakain ako ng lollipop" si Frog yan, teka. Meaning? Tulog lang siya all the time?

"Anak, sinong huli mong kasama?" tanong ni Pare

"Isa pong malaking lalaki, binigyan nga po ako ng lollipop, teka po Daddy, bakit po tayo nandito? Ano pong ginagawa natin dito? Bakit po may mga pulis?" tanong nung Frog kong kapatid

Teka nga.

Hindi niya alam na nadukot siya?! Seryoso?!

"Sir, baka po pinatulog lang ang bata at may mga gusto lang manakot sa inyo, may mga nakakaaway po ba kayo?" tanong ng mga pulis

Nakakaaway? Wala namang nakakaaway yung pamilya namin ah

"Wala naman po" sagot ni Pare

"Baka po napagtripan lang ang bata" Napagtripan daw yung kapatid kong Frog, wow lang ha, lakas makatrip, pati palaka dinudukot

Pero yung totoo?

Nag-alala talaga ako sa kapatid ko.

"Hoy Frog" tinawag ko siya

Nagulat naman si Frog at lumapit sakin

"Bakit Kuya Kreep?" nakatunghay siya sakin

Binuhat ko siya, halata namang nagulat siya.

"Yey! Binuhat ako ni Kuya Kreepy!!!" siya yan, tuwang tuwa.

"Gusto mo buhatin kita palagi?" tanong ko sa kanya

"Opo naman kuya! Gusto ko binubuhat ako ng Kuya Horsey ko!!!" tuwang tuwa talaga siya

"Sige ba basta ba hindi kana ulit makikipag-usap at sasama kung kanikano ha" pinisil ko yung ilong ng kapatid kong Frog

"Ok po kuya Horsey!!! Yeepeee!!!"

Sa wakas, safe na yung kapatid ko.

At mabuti't walang nangyaring masama sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top