Chapter 19

Krypton's POV

Nandito kami sa mall, halos isang buwan na rin ng ligawan ko si Slave.

At kahit nililigawan ko na si Slave, hindi ibig sabihin nun na hindi ko na siya Slave, slave ko pa din siya, hindi ko lang ipinapamukha kasi baka hindi ako sagutin! Mahirap na, first time ko pa namang manligaw, ayokong mabusted.

Hindi ko alam kung kelan ako sasagutin nitong si Slave, hindi ko naman siya minamadali though atat na atat na din talaga ako. LOL.

Lumabas na kami at umupo sa may bayside malapit sa mall.

May fireworks display kasi.

Hawak ko ang kamay niya, hindi naman niya tinatanggal.

"Oi" hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya

"Oh?" -Slave

"Pasensya ka na kay Methane kanina" humingi ako ng despensa para sa pinsan ko, kilala ko na kasi ang ugali nun

Alam niyo naman, ako lang ang kaclose nun sa mga magpipinsan namin tapos the past few weeks pa hindi ko na naintindi kasi may mas importante akong iniintindi so ayun, malamang, naghinanakit lang

"Okay lang yun, sanay na naman ako dun" ngingiti-ngiti siya niyan

Ang bait talaga ni Slave, ang swerte ko sa babaeng 'to. Mabait na understanding pa, idagdag pa nating maganda siya.

I'm the luckiest man alive ika nga dun sa kantang theme song nina Pare at Mommy.

"Lyca, di ka ba naiinggit?! Tingnan mo, ang sweet namin ng kapatid mo tapos si Kr at Diana ang sweet din... Bakit di niyo na lang kami gayanin?! May partner ka naman oh! Nandiyan si Kuya ZInc" ngunguso-nguso si Niobe kay Kuya Zinc

Si Kuya Zinc naman poker face, napilitan lang kasi siyang sumama dito. Hindi naman talaga dapat siya kasama, pinilit ko lang, baka nga kasi walang makapartner si Lyca

"HEH. Tigilan niyo nga ako" saka nagpout si Lyca

Maya-maya pa, nagsimula na ang fireworks display

"Alam mo ang tao parang langit..." -Slave

"Huh?" teka, anong sinasabi nitong si Slave, di ko magets

"Tapos yung fireworks ay love" -Slave

Di ko talaga siya magets. Paano naging langit ang tao at paano naging love ang fireworks? Yung totoo? =,=

Tiningnan ko na lang yung langit na sinasabi niyang tao.

Ang ganda, ang kulay lalo na't may fireworks.

"Mas maganda ang langit kapag makulay... Tulad niyan oh..." si Slave yan at tinuro niya yung langit

"Oo nga" yun na lang nasabi ko, ano pa ba?

Maganda naman talaga...

Parang siya...

****LYCAS INTERNATIONAL SCHOOL

Third Person's POV

♪ "There's somebody out there who's looking for you, someday he'll find you I swear that is true ~ He's gonna kiss you when you feel the world, stand still. There's somebody out there who will ~"

Nagulat siya ng biglang magring ang phone niya, tiningnan niya kung sunong tumatawag, mas nagulat siya sa nakita niya

"He---hello?" hindi niya alam pero kinakabahan siya sa pagsagot sa tawag

[He--hello tulungan mo ako aaaah!!!!] boses ng isang lalaking nanghihina, humihingi ng tulong

Biglang kinabahan ang babae at agad siyang nagpanic

"H---huh?! Te--teka?! Asan ka?!" hindi niya alam ang kayang gagawin, kanina lang natatakot siya pero parang bang bigla na lang nawala ang takot niya ng marinig nitong kailangan ng lalaki ang kanyang tulong

[Nandito ako malapit sa Zerafin...] hirap na hirap na ang boses ng lalaki

"Sige sige, malapit lang naman yan dito sa Lycas! Pupuntahan kita" at pinuntahan na nga ng babae ang lalaki

***

Krypton's POV

Kanina ko pang tinetext si Slave pero hindi siya sumasagot, tinawagan ko na din pero hindi ko naman macontact ng ayos, baka wala siyang signal

Kanina pa rin akong nandito sa labas ng Lycas, susunduin ko na kasi siya, hatid-sundo ko kasi siya

Nakita ko si Lyco, papalabas ng Lycas

"Uy, pare! Nakita mo si Diana?" nagulat naman siya ng makita ako

"Si Diana? Nakita ko siya kaninang nagmamadali, may pupuntahan ata? May tumawag kasi sa kanya" -Lyco

May tumawag daw kay Slave, sino naman kaya yun?

"Baka emergency lang yun pare sa kumpanya nila, alam mo naman yung soon-to-be-girlfriend mo, hard worker" siguro nga tama si Lyco, baka nga nagmadali lang yun at emergency talaga na sa kumpanya nila

Ano pa bang gagawin ko dito? Wala na pala yung susunduin ko?

"Pare, sabay ka na, ikaw na lang ang ihahatid ko, mukhang nakauna na yung ihahatid ko e" sinaman ako ng tingin ni Lyco, anong problema nito?

"Ang sweet mo naman pare, as if may sasakyan ka?! HAHAHA"

Oo nga pala, wala akong sasakyan, nakalimutan ko

"Sabi ko sabay ka, hindi ko sinabing sasakay tayo sa kung anong kotse" palusot.com.ph

"Oo na. Oo na, tara" saka kami umalis ng Lycas, magtetext naman siguro si Slave mamaya, baka busy nga lang

****KR'S HOUSE

"Kuya Kreeeepy! Kuya Kreeeepy!" nandiyan na naman yung Kero-keropi kong kapatid, nagtatalon na naman as if bubuhatin ko siya

NO WAY

Nilampasan ko lang siya

Iniintay kong magtext si Slave

Umakyat ako sa kwarto kong black and white, humiga muna ako, siguro maya-maya lang, magtetext na din si Slave

***

"Sir, gising na po kayo, kakain na po ng hapunan" naalimpungatan ako, si Manang pala, ginising ako

Napatingin ako sa may bintana ng kwarto ko, madilim na

Teka, nakatulog ako?

Tiningnan ko yung phone ko, walang text galing kay Slave.

Bumangon na ako saka bumaba

Magtetext din yun mamaya...

"KUYAAAA! LET'S EAT NA!" PALAKA ALERT, nandiyan na naman yung kapatid ko

"Kr, halika na, kain na tayo, may pag-uusapan din tayong mahalaga" si Mommy yan

Ano namang pag-uusapan naming mahalaga?

"Ano pong pag-uusapan?" umupo na ako saka kumuha ng pagkain

"Pare! Malapit na ang birthday mo diba? 1 week na lang at tatanda ka na. Saan mo ba gustong magbirthday?" oo nga pala, malapit na akong magbirthday

"Dito na lang siguro Pare" kain lang ako ng kain

"Sige pare, mag 18 years old ka na, pede ka ng makulong" nabulunan naman ako sa sinabi ni Pare. Makulong talaga?! =,=

"Tutal anak legal age ka na sa birthday mo, invite mo na lahat ng friends mo, pupunta din kasi dito ang mga lolo mo at ang iba pa nating mga kamag-anak" teka nga, e ano naman kung legal age na?

"MAGDEDEBUT NA SI KUYA KREEEPY! YEY!" -AyeGee

Tae, magdedebut daw ako, ginawa akong babae! 21 pa kaya ang debut ng lalaki =,=

"Kailangan ba talaga mommy?" i need assurance, ang gay lang kasi

"Oo anak, atsaka, request ng Lolo Magnesium at Lolo Iron mo" umoo na lang ako, request pala nina Lolo Iron.

"Invite mo din ang girlfriend mo pare, yung si Diana nga ba yun?" sabi ni Pare

"Kayo na ba anak?!" napatanong naman si Mommy

"Kuya, girlfriend mo na po si ate pretty?! *O* aweee!" -Ayegee

Ano bang mga pinagsasabi ng mga 'to, siyempre...

"HINDI PA PO, WAG PONG EXCITED" to end the convo, hala at tayo'y magsikain muna

After kong kumain, umakyat na ulit ako sa kwarto ko, hindi pa din nagtetext si Slave.

Baka busy lang Kr, baka busy lang talaga.

****TEASHOP SA MAY LYCOS

"Pare, bakit parang di ka ata pumuntang Lycas ngayon?" tanong ni Donatello, isa sa mga tartel

"Nagtext kasi kagabi, di na daw muna siya magpapasundo, may importante daw siyang pupuntahan" sabi ko na lang, at oo, nagreply siya kagabi, may emergency lang daw kaya siya umuna agad at ngayon, may importante naman siyang pupuntahan.

"Ah, kaya pala pare" -Donatello

Nagmumini lang kami dito sa may teashop

24 hours ko ng hindi nakikita si Slave.

"Hi guys!" biglang dumating yung maiingay, pertaining to Niobe and Lyca

"ui, Kr! Di mo susunduin si Diana?" -Niobe

"Hindi" maikli kong sagot, di ko alam pero nagsisimula na akong mainis, siguro kasi hindi ko nakita si Slave

"Sungit naman nito, LQ kayo?!" -Niobe

"Hindi" sagot ko ulit sa kanya. Wala ako sa mood

Nakatingin lang ako sa may labas, ano kayang gagawing importante ni Slave?

May naalala ako bigla

"Oo nga pala, Saturday next week punta kayo sa bahay" sabi ko sa kanila

"Huh? Bakit pare? Anong meron?" -Leonardo Tartel

"Ah--- Birth----" di ko na natuloy ang sasabihin ko

"Oo nga pala! Birthday mo!" -Niobe, to talagang pinsan kong 'to =,=

"WOAH, pare advance!" -Micheangelo

"Thanks, punta kayo ah and don't forget to bring your gifts" in a joke tone, sabi ko

"Sure pare!" sila yan

Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Slave

Siguro bukas na lang pag sinundo ko siya

After ng pagtambay sa teashop, umuwi na din ako, tinext ko si Slave siyempre, inantay ko siya magreply pero di siya nagreply hanggang sa nakatulog na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top