Chapter 17
***
"Ma'am gising na po, may bisita po kayo sa baba" nagising ako sa sigaw ni Manang.
"Ho?" mumulat-mulat pa ako niyan.
"May bisita po kayo sa baba ma'am, siya daw po ang pinakagwapo niyong kaklase, si Krypton" si Manang yan, napabalikwas naman ako
"PO?!" napasigaw ako, nasigawan ko si Manang
"Opo, kausap niya po ang daddy niyo ma'am"
Dali-dali akong nagayos ng sarili ko, saka bumaba
"Nakakatuwa ka naman hijo, yan bang mga bulaklak ay para sa anak ko?" nakita ko si Krypton, kausap si daddy, may dala siyang bulaklak, ang gaganda
"Hindi po, para sa inyo po ito! Hahahaha, joke lang po" nagtatawanan sila
"Nakakatuwa ka talagang bata ka" si Mommy yan
Napansin ako ni Daddy.
"Oh anak, gising ka na pala, halika" pinuntahan ko sila.
"Anak, nagpaalam na sa amin si Kr, liligawan ka daw niya, pumayag kami, mukha naman siyang mabait at saka isa siya sa mga nagligtas sa'yo dun sa Zerafin" nakangiting sabi ni Papa, kasalukuyan pang nagpaprocess ang utak ko.
Hanggang sa nakapagbuff na yung utak ko.
"WHAT?! ANONG LILIGAWAN?!" nakakagulat, si Kr, liligawan ako?
"Oo anak" sangayon sina Mommy at Daddy at------
***
"MA'AM! GISING NA PO KAYO! LATE NA PO KAYO!" boses yan ni Manang, naalimpungatan ako
Napatingin ako sa katabi kong relo.
11:45am na
Teka. Konti pa, antok na antok pa ako.
"MA'AM! 12nn po klase niyo diba?! GISING NA PO MA'AM!" nagising naman ako sa sigaw ni manang, oo nga 12 ng tanghali ang klase ko at 11:45am na at---
"PO?!" napabalikwas ako, malelate na ako!
At... At...
HINDI TOTOO YUNG NANGYARI KANINA! PANAGINIP KO LANG YUN?!
Dali-dali na akong naligo at nagayos.
Ang weird ng panaginip ko, liligawan daw ako ni Kr?! Eh?! Mukhang malabo naman!
Nagdalidali na ako, hindi na ako kumain, nagpahatid na ako sa driver namin diretso sa Lycas.
Tiningnan ko ang phone ko, ang daming message, mula kay Lyca, Niobe pero ang karamihan, galing kay Kr. May miss call din, si Ken.
Isa-isa ko silang nireplyan, pati si Ken, tinext ko na lang din.
Umabot naman ako sa klase, di naman ako nalate kasi late din yung teacher namin.
"Diana, pupunta ako mamayang Lycos, sasama ka?" ayan na naman yung tanong ni Lyco
Pupunta ba ako?
Eh.
Sige na nga!
Tutal nagtext naman si Lyca at Niobe na dalaw daw ako sa kanila ngayon after class, dun daw kami magkita sa teashop malapit sa Lycos.
"Sige sama ako" i told him
Nagklase lang, boring.
Klase.
Klase.
Klase.
Klase.
Klase.
At natapos ang klase.
Lumabas na kami ni Lyco.
Naglakad kami papunta dun sa sakayan papuntang Lycos.
♫♪ "There's somebody out there who's looking for you, someday he'll find you I swear that is true ~ He's gonna kiss you when you feel the world, stand still. There's somebody out there who will ~"♫♪
Naring yung phone ko, napansin ni Lyco, ang lakas ba naman daw ng tunog.
"Wow, nice ring tone ah" medyo nakagrin siya, ang bad niya =,=
Si Ken yung natawag, sinagot ko naman
"Ah---hello" naalala ko yung kagabi, nung sumunggab siya sa mukha ko, nakakakaba talaga.
[San ka pupunta?] teka, paano niya nalaman na?
"Huh?" napatanong ako
[Palagi kitang nakikita] napatingin naman ako sa paligid at nakita ko si Ken nandun sa may kabilang side ng street.
"Ah--- papunta akong Lycos" yun na lang nasabi ko
"Diana sino yan? Sina Lyca ba yan?" tanong ni Lyco
"Ah, hi-hindi, friend ko lang" sagot ko sa kanya
[Sino yang kasama mo? Parang namumukhaan ko siya] napatingin ako kay Ken sa kabilang street, nakangiti siya sakin
"Ah, 'tong kasama ko? Si Lyco, kaibigan ko" i answered
[Boyfriend mo ba siya?] bigla namang may tumigil na taxi sa harap namin ni Lyco
"Huy, hindi ah, sige, aalis na kami, babye" then I hanged up
Dirediretso ako sa loob ng taxi, di ko alam pero unti-unti na akong kinakabahan dun kay Ken na yun.
Oo mabait siya, tinulungan niya kaming makaligtas dun sa mga kasamahan niyang dumukot sa amin pero kinakabahan na talaga ako. Feeling ko, iniistalk niya ako.
Dumiretso na kami sa may teashop sa Lycos ni Lyco.
Pinatay ko muna yung phone ko. Baka mamaya tumawag na naman si Ken tapos nandun si Krypton, alam niyo naman ang isang yung ususero.
****TEASHOP
"Girl! Miss ka na namin!" niyakap ako ni Niobe, si Lyca din
"Ikaw! Basta ka na lang nawawala ha!" -Niobe
Nandito na kami sa teashop, nandito din sina Tris, yung Tartel Brothers, si Zinc at siyempre si Kr pero teka...
Bakit nandito din si-----
"Hi girl! Miss me?!" si Methane yan
Napabulong ako kina Niobe.
"Di niyo sinasabi, may pumalit na pala sakin" biro ko sa kanila
"Huy girl hindi ah! Siya lang yung sumama! No one invited her to come and join!" -Niobe
"Oo na lang" sabi ko kay Niobe
"Ah--hello Methane, nice to see you again" teka anong nice dito?
"Nice to see you too again" tapos bineso niya ako, ang plastic
Umupo na din siya dun sa katabi ni Krypton
At teka, saan ako uupo?!
Umupo na lang ako dun sa tabi ni Tris, bakante kasi.
"Girl, kamusta ka na?!" si Lyca yan
"Okay lang naman, ano pa nga ba?" sabi ko sa kanya
"Well good for you" si Methane yan, makaside comment.
"He-he" tinawanan ko na lang siya, sarcastic laugh. Inirapan ko na din. Para masaya. Saka kami nagkwentuhan nina Lyca at Niobe, namiss nga nila ako.
"Guys, una na ako ha, nagtext kasi si Daddy e, pinapauwi na niya ako" -si Methane yan, e di umuwi ka, mas maganda. Mehehehe
"Sige, INGAT KA" si Lyca yan, sarcastic
"Thanks! Sige bye guys, bye Kr" tapos kiniss niya si Kr sa cheeks. =,=
Grrrrr.
Ilayo niyo nga yan dito!
Umiinit ang bait ko.
At tuluyan na ngang umalis si Methane.
"Ayan, wala na yung halimaw! HAHAHA" -si Niobe yan
Napatawa naman si Lyco saka binatukan yung girlfriend niya
Ang sweet nila.
Napatingin naman ako sa bintana ng teashop, nagulat ako sa nakita ko.
Sinusundan niya ba ako?!
Nandun kasi si----
"Hoy Slave dito ka nga" napatingin ako kay Krtapos tinap niya yung katabing upuan niya
"Huh?" napa'huh' naman ako.
"AYEEEEEE!" sila yang lahat, mga siraulo, baliw, adik
Lahat na.
"HEH! =,=" lumipat naman ako dun sa katabing upuan ni Kr, uto-uto din ako e.
"AYEEEE!!!" mas lumakas pa yung 'ayee' nila.
Tiningnan ko ulit yung labas ng bintana pero wala na siya.
Wala na si Ken.
"Girl alam mo ba, may gusto daw sabihin sa'yo si Kr!!!" si Niobe yan, parang naeexcite na ewan
Tiningnan ko si Kr ng 'ano-yung-sasabihin-mo-look'
"Ano kasi eh----"
****
Kr's POV
Tinawagan ko si Lyco kanina, sabi ko pumunta siya ng Lycos after school.
Sinabi ko din na yayain niya si Slave, may sasabihin kasi ako sa kanya.
Sinabi ko kina Niobe at sa lahat yung sasabihin ko kay Slave. Para silang mga nanalo sa lotto, parang mga ewan.
At eto na nga, sasabihin ko na sa kanya yung sinabi ko kina Niobe na hindi ko pa nasasabi sa kanya at sasabihin ko na nga.
Ok? Medyo magulo pero heto na nga, sasabihin ko na. Buti umalis na si Methane, muntik ko na tuloy di masabi yung sasabihin ko sa kanya na dapat kanina ko pang nasabi.
Ang gulo ko talaga, sasabihin ko na nga kasi! =,=
"Ano kasi eh---" hindi ko masabi, nabablanko ako!
"Ano yun?" nakatingin siya sakin, silang lahat pala.
"Pwe-pwede ba kitang maliga-maliga---" hindi ko maituloy, natatameme ako. Syemay naman oh!
Napalunok ako, parang hindi ko kayang sabihin.
Nakatingin yung mga mata ng mga kaibigan ko sakin.
Ang sama ng tingin nila. Binibigyan nila ako ng 'SABIHIN-MO-NA-KASI-PARA-MAKAPAG-REACT-NA-KAMI-LOOK'
Pero hindi ko talaga masabi.
"Huy ano nga?!" naiinip na si Slave, di ko kayang sabihin. Ano ba yan!
"Pwe-pwede ba kitang ano----" itutuloy ko na sana pero inunahan na ako ng mga excited kong kaibigan, sabay sabay pa sila...
"KUNG PWEDE KA DAW MALIGAWAN NI KRYPTON?!" sila yang lahat. Woah, THANK YOU GUYS ha.
Nagulat naman si Slave.
Di siya nakaimik, naku, baka hindi pwede. Pahiya lang ako!
Nagiintay ako ng sagot pero kung titingnan niyo, mas excited pang malaman nitong mga kasama ko ang isasagot ni Slave.
Huminga ng malalim si Slave saka tumingin sakin.
Ngumiti siya.
"Gusto ko, ikaw ang magtanong" nagulat ako sa sinabi niya, gusto niya daw na ano?!
"Tanungin mo na pre!" si Tristan yan yung bestfriend niya
"Ano, pwe-pwede ba kitang mali-mali---" hindi ko talaga masabi ng diretso
Huminga ako ng malalim, sa ngalan ng PAG-IBIG!
Saka ako sumigaw ng:
"PWEDE BA KITANG MALIGAWAN DIANA MAUREEN NAVARRO?!" nagulantang halos lahat sa loob ng teashop, para akong ewan
Inintay ko yung sagot ni Diana, umimik din naman siya agad.
"OK, Ikaw bahala" napangiti naman ako sa sagot niya
"AYEEEEEE!!!" nagkantsawan naman yung mga tao sa loob.
Atlast nasabi ko na din at alam ko ng pede.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top