Chapter 16
"si Sophy, Kamukha mo siya, nakikita ko siya sa'yo, feeling ko talaga ikaw si Sophy" nakaupo kami dito sa bench sa may park
"Huh? Eh hindi nga ako si Sophy, ako si Diana" kausap ko si Ken, yung cute este yung singkit na gangster mula sa Zerafin High
Kaya niya pala ako kinalagan nung gabing yun kasi may isang babaeng naalala siya sakin.
"Dito kita unang nakita, ikaw si Sophy" tinuro niya yung magazine na hawak niya
"Ah--- eh, ako nga yan pero hindi nga ako si Sophy" di ko na alam sasabihin ko dito kay Ken, pinipilit niyang ako si Sophy e malinaw pa sa sikat ng araw na ako si Diana.
"Alam mo Ken, hindi talaga ako si Sophy, sino ba kasi si Sophy?" umiwas siya ng tingin
"Wa-wala" bigla siyang tumayo
"Teka, san ka pupunta?" nagsimula na kasi siyang maglakad
"Uuwi na" hawak pa din niya yung magazine
"Teka, di pa ako nakakapagpasalamat, Thank you nga pala dun sa pagtulong mo last Friday night" inabot ko yung kamay ko sa kanya
"Di tulad nung iba mong kasama, mukha namang mabait ka" dagdag ko pa
"I'm Dianna Maureen Navarro, nice meeting you Ken--?" inabot niya yung kamay ko.
"Ken Zerafin" binitawan niya din agad yung kamay ko
"Uuwi na ako, umuwi ka na din" tinalikudan niya ako, kanina lang ang bait bait niya tapos ngayon biglang sumungit
"Sige, babye! See you when I see you again Ken Zerafin!" napatigil ako sa sinabi ko.
Ken ano?
Lumingon siya saka ngumiti.
"Zerafin? Zerafin High? Baka sila may-ari ng Zerafin High? Teka---" bigla na lang siyang nawala
****LYCOS INTERNATIONAL SCHOOL
Kr's POV
"Kr let's go malling and shopping and everything!" nakakabingi si Methane
"Madami pa akong gagawin" wala ako sa mood, wala na kasi si Slave, nasa Lycas na daw. Ang labo niya ha, di pa kami tapos sa kontrata ng pagiging slave niya tapos bigla bigla na lang mawawala
"K fine!" saka siya nagwalk out
"Krypton, yang pinsan mo nakakarindi ha" -Lyca.
"Masanay ka na" -Zinc
Umuwi na ako after school, ano pang gagawin ko dun?
****HOUSE
"Kuyaaaa Kreepy!" nagdadamba sa harap ko si Aye-Gee, yung kapatid kong palaka.
Dire-diretso ako sa loob, pagdating ko sa may salas...
TEKA NGA. ANONG GINAGAWA NIYA DITO?!
"Hija, kain ka muna oh" si mommy yan tas inabutan niya ng sandwich si Slave, anong ginagawa ni Slave dito?!
"Nak, nandiyan ka na pala! May bisita ka oh" tas ngumuso siya kay Slave, oyes mom kita ko. =,= Don't need to point lips.
"May dala akong saging oh" tas tinaas niya yung isang piling ng saging
"Ate pretty, you should have brought Bermuda grass not banana! Kuya is not a monkey! He's a horsey!" -Ayegee
"Mommy 'to ngang anak mo! Pakialis dito, baka maitapon ko!" agad naman kinuha ni Mommy si Froggy sister.
Umupo na ako katabi ni Slave. Medyo awkward.
Kinuha ko yung binigay niyang saging saka pumilas ng isa at kinain.
"Thanks" hindi naman sa naiilang ako pero parang ganun na nga.
*a moment of true silence*
Gusto kong itanong kung bakit biglaan naman yung paglipat niya sa Lycas.
Pero di ko maitanong, nahihiya ako
Iimik na sana ako kaso naunahan niya ako.
"Ok ka na?"
"Ah, oo medyo"
"Basta pagaling ka" nginitian niya ako
Pansin ko lang,mula nung nangyari nung Friday, mas bumait pa sakin si Slave.
"Ako pa? Malakas 'to noh!" ngingiti ngiti ako, pero deep inside, may gusto talaga akong itanong
SIge na nga, itatanong ko na nga
"Hoy Slave, bakit biglaan ka namang nawala sa Lycos?" ayan na natanong ko na
Tiningnan ko siya, tumingin naman siya sakin saka siya napatawa, teka, anong nakakatawa dun sa sinabi ko?!
"HAHAHA! Bakit? Miss mo na agad ako?!" napalunok naman ako sa sinabi niya, pano niyang nalaman?!
Pero siyempre, ang tendency ko, e di tumanggi. Sino ba namang matinong lalaki ang bibigay agad? Siyempre, pakipot muna!
"Haha! Ang ganda ng JOKE mo! Wag mo na ulit uulitin." sabay hampas ko sa kanya, tropa tropa lang.
Napangiti naman siya
"Ikaw talaga!" siya yan tapos hinampas ako pabalik, laglag ako sa sofa.
"Aray naman" grabe 'tong si Slave, lakas makahampas!
"Ayy, sorry!" saka niya ako inalalayan pabalik sa sofa
Umayos na ako ng upo, saka ko inulit yung tanong
"Bakit nga kasi?" medyo seryoso na ako, medyo palang, meaning hindi pa talaga. HAHA
"Actually, hindi ko naman gusto yun, yun lang kasi gusto ni Daddy, sabi niya mas safe daw ako sa Lycas" hindi masaya yung tono ng pagsasalita niya.
"Ganun ba?" tumingin siya sakin, may naalala tuloy ako, last Friday night, niyakap niya ako ng mahigpit
Napapangiti ako pag naaalala ko yun.
I feel like a hero, and you are my heroine.
Tumngin ako sa kanya, biglang may tumunog.
♫♪ "There's somebody out there who's looking for you, someday he'll find you I swear that is true ~ He's gonna kiss you when you feel the world, stand still. There's somebody out there who will ~"♫♪
Phone niya pala, nagring.
"Woah, nice ring tone" yun yung kantang sinayawan namin nung practice.
"He-he" siya yan, saka niya sinagot yung tawag
"Ah---hello?" sa tono ng boses niya, mukhang di niya kilala yung tumawag
Hindi ko pakinig yung sinasabi sa kabilang line, hindi kasi naka loudspeaker, sino ba kasi yun? =,=
"Ken?! Ikaw yan? Luh, pa'no mo nakuha ang number ko?!" di ko alam pero bakit parang masaya siya? Sino ba yung kausap niya?!
Ken daw. Kentaki Fried Chicken?! Psssh.
"Sige, sige" -Slave
Agad din naman niyang binaba yung phone call.
"Sino yun?" napatanong ako, bakit ba, soon-to-be-boyfriend here. HAHAHA! Joke. =,=
"Wala, friend ko lang, hehe" tinago na niya yung phone niya
WALA DAW, FRIEND DAW TAPOS KEN ANG PANGALAN?! E di lalaki yun?!
"Gwapo?" yan yung natanong ko, kasi kung gwapo baka nanliligaw dito kay Slave
"Bakit mo tinatanong kung gwapo? BAKLA ka ba?!" siya yan with big wide eyes
"HINDI NOH! ANONG BAKLA KA DIYAN! HALIKAN KITA DIYAN E!" loko 'tong si Slave, bakla daw ako e soon-to-be-boyfriend nga niya ako diba?
"Joke lang! Alam ko namang lalaki ka, dalawang beses mo na nga akong niligtas diba? Kr, Thank you" hinawakan niya ang kamay ko, tinanggal ko naman agad, naiilang ako
"Chansing ka e!" sabi ko sa kanya, nanlaki ulit yung mata niya
"Baliw! Ewan ko sa'yo"
Bigla namang dumating si Mommy, sibihan si Slave na sa amin na magdinner, ipapahatid na lang kay Pareng Tungsten mamaya.
Dumating naman din agad si Pareng Tungsten.
"Pare!" bati ko sa kanya saka ako nagmano
"Oi pare!" napatingin siya kay Slave.
"Pare, girlfriend mo?! Binata na ang pare ko!" nagulat naman si Slave, niyakap kasi siya ni Pare.
"Hoy Tungsten Iron, nasasakal si Diana" hinila naman agad siya ni Mommy.
"Pasensya ka na kay Pare" sabi ko sa kanya with poker face.
"Ok lang yun, ang cool nga ng family niyo" dumiretso na kami sa may dining area, si Mommy nagluto.
Kumain lang kami and after that, pinahatid na ni Mommy si Diana sa kanila, kasama ko si Pare.
"So ito pala ang bahay niyo, ang laki" malaki naman talaga, parang palasyo
"Oo. Gusto niyo pasok muna kayo? Tito?" bumaba na siya
"Nako, wag na hija, gabi na din, saka ko na imimeet ang mga balae ko, sa kasalan na. HAHAHAHA *handsome laugh*" kakaiba yung tawa ni Pare, ang gwapo. Pang mga gwapo.
"Sige po, salamat po, ingat po kayo" hindi pa pumasok si Slave sa bahay nila, inantay niya pa kaming makaalis
"Anak, pano naging kayo ng magandang dilag na yun?" tanong ni Pare sakin
"Pare, hindi nga kasi kami, kaklase ko lang siya" kanina ko pang sinasabi na hindi kami
"Pare naman, kita ko sa mata mo, type mo siya, bakit di mo ligawan?"
"Huh? Li-ligawan?!" napatingin ako kay Pare
"Oo pare, ligawan mo, ang tunay na lalaki pag gusto nila ang babae, nililigawan nila"
"Pare, ganun ka din ba kay mommy dati?" i asked
Napangiti si Pare
"Di noh! Wag kang maingay ha, pero mommy mo ang naghabol sakin dati! HAHAHAHA *handsome laugh*" yun na naman yung tawa ni Pare
Pero teka, bakit nga ba hindi ko siya ligawan?
"Ligawan?"
****
Diana's POV
After ko dun sa community park kung saan ko nameet si Ken, anak ata ng may-ari ng Zerafin High, pumunta muna ako sa bahay nina Kr kanina, dinalaw ko lang, miss ko na kasi. Okay?!
Medyo malandi! :3
Dumiretso ako sa kanila, may dala pa nga akong saging. And there, dun na din ako naghapunan.
Nagulat na lang ako, tumawag si Ken, di ko alam kung paano niya nakuha yung number ko.
At ngayon nga, nandito na ako sa bahay, papasok na ako ng...
♫♪ "There's somebody out there who's looking for you, someday he'll find you I swear that is true ~ He's gonna kiss you when you feel the world, stand still. There's somebody out there who will ~"♫♪
Nagring yung phone ko. Tiningnan ko kung sinong natawag, si Ken pala.
"Hello" inopen ko na yung gate ng bahay namin, medyo malamig na kasi sa labas, I need to get inside
[Wag ka munang pumasok, tumingin ka sa likod mo] huh? Napatingin naman ako sa likod ko.
I saw him standing across the street.
Hawak ko pa din yung phone ko.
"How did you--" unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko
[Biruin mo yun? Magkapitbahay pala tayo] tumuro siya dun sa katabing bahay ng bahay namin
"Really?" napasmile ako, what a small world, magkapit bahay lang pala kami?
Nasa harapan ko na siya.
Binaba na niya yung phone call, binaba ko na din.
"You really look like Sophy" hinaplos niya yung mukha ko.
Bigla akong kinabahan, ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sige, pasok ka na, masyado ng malamig dito" he stepped back.
"Ah---si-sige" dalidali akong pumasok sa may gate
Kinabahan ako dun.
"Sige Ken! Ah, Good Night!" nagtatakbo na ako sa loob ng bahay.
Weird. Kinilabutan ako.
Nakakakilabot talaga.
Sino ba kasi yung Sophy? Kamukha ko ba talaga yun?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top