Chapter 15





Aika's POV

"TIffany ko! TIffany ko! I'm baaaack!!!" si Tungsty yan, teka, naunahan pa niyang umuwi si Krypton?

"Tungsty, yang anak mo, kanina ko pang inaantay, 5pm labas pero hanggang ngayon wala pa, mag 7pm na, nagaalala na ako"

"Baka naman nakina Xenon Tiffany ko, tawagan mo kaya" tinawagan ko sina Xenon, si Camella ang sumagot

[Naku si Zinc nga din wala pa, gabi na, sabi ni Neon, si Niobe daw wala pa din, tumawag din sina Myka, si Lyca at Lyco wala pa din daw] kinabahan na ako kasi mismong si Zinc wala pa din

"Tungsty ko, tumawag na kaya tayo sa mga pulis, nag-aalala na talaga ako!" dinial ko na yung number ng mga pulis.

Ang anak ko. Nasaan ka ng bata ka!

***

****ZERAFIN HIGH



Diana's POV

"Ang gaganda niyo naman mga miss, hindi na ako makapagantay" sabi nung isang mukhang perv na lalaki, hindi kami makaimik, nakatape kasi ang mga bibig namin tapos nakagapos pa kami, ang saklap lang

"Mini-mini miney mo" at tumapat kay Cesium yung kamay niya

"Okay, dalhin siya sa likod" nagpupumiglas si Cesium, teka anong gagawin nila kay Cesium!

"HAYAAAAA!" maya-maya pa, may napakinggan kaming ingay mula sa labas

"Pare ano yun?!" dali-dali silang nagpuntahan sa may bintana, sinilip nila kung anong nangyayari

Pito yung mga lalaking mga mukhang gangster na confirmed na mga gangster nga talaga dito sa loob.

Hindi naman nila kami nagagalaw pa, siguro gagalawin pa lang at susko! Lord! Save me!

"Pare, may mga lalaki sa labas!" lumabas naman agad sila

"Ken, diyan ka lang sa loob, bantayan mo sila" napatingin ako dun sa Ken, siya yung kanina sa mall, yung singkit na lalaki na maputi, cute siya, infareness pero bad pa din siya! Kasbwat siya nung mga bad na lalaki na nandito kanina

Iniwan nung mga lalaki si Cesium na nakagapos sa may sahig

Biglang tumayo yung si Ken sa pagkakaupo niya, nilapitan niya kami, teka.

Anong gagawin niya?!

Lumapit siya sa may mukha ko, may tape ang bibig ko

Sina Lyca at Niobe pati Lith naman naungol, ako kinakabahan

Inilagay nung Ken yung kamay niya around the chair na inuupuan ko, teka, anong ginagawa niya?!

Tinggal niya yung pagkakagapos ko, agad naman akong nakatayo at tinanggal yung tape sa bibig ko, lumabas naman siya after nun, dun siya sa backdoor dumaan

Tinggalan ko sina Niobe , Lyca ayt Lith ng mga nakagapos sa kanila, si Cesium din, tinanggalan ko.

"Girls! Let's escape na!" nagtakbuhan kami sa backdoor, dito lumabas yung si Ken, mabait naman pala siya, biruin niyo, kinalagan kami este ako lang pala

Sa backdoor nga kami dumaan pero pumunta din naman kami sa harapan kung saan may mga nagbubugbugan na mga lalaki, ang likod kasi nung pinto mataas na dingding na.

Nakita ko si Kr. Siya talaga yung pinakauna kong nakita, dumudugo na yung ulo niya. Nandito din sina Zinc, Lyco at Tristan, pati na ang Tartel Brothers, dumudugo naman yung ilong nila. Nakikipagbugbugan sila!

"Kuya!" napasigaw si Lyca, napatingin naman si Lyco saka nagsmile at natumba

Tiningnan ko ulit si Krypton, dumudugo na talaga yung ulo niya, nakita ko yung lalaking nasa harapan niya, hahampasin siya ng kahoy

Tumakbo ako papunta sa kanya, niyakap ko siya, hinarangan ko siya ng---

*wihooo*wihooo*

Tunog ng mga police car, may kasunod na mga kotse biglang nagtakbuhan yung mga lalaking nakaleather jacket at sumakay sa limousine nila, hindi sila nahuli ng mga pulis, mabibilis sila.

"Salamat naman, lig---tas ka" nakayakap ako kay Krypton, nakayakap din siya sakin

"Sssssh" wag ka ng umimik na Kr ka, lalo kang manghihina

"Susko anak! Anong nangyari sa'yo?!" nakita ko yung mommy ni Kr, si Tita Aika

Saka nawalan ng malay si Kr.

"Diana! My daughter!" nakita ko si Mommy kasama si Daddy nandito din sila

Nilingunan ko pa yung iba, nandito din ang parents nila.

Isa lang ang masasabi ko, now I'm sure we're safe.

Thanks to My Krypton Knight.



***



***HOSPITAL



"Mr. Estrella, I know staying in the school vicinity is safe. No wonder na Lycos at Lycas ang isa sa mga trusted na school dito pero pwede bang pabalikin mo na ang anak ko sa Lycos? I think she will be more safe there" kausap ni Daddy yung isa sa may-ari ng school, yung daddy ni Lyco

Hindi ko masisisi kung gusto na akong pabalikin ni Daddy sa Lycas, sa nangyari ngayon, malaki ang possibility.

"Ok na po ang mga vital signs ng mga bata, nawalan lang po sila ng malay" sabi nung doctor

"Mr. Estrella, thank you so much, anak tara na" sumama na ako kina Daddy.

Dadalawin ko na lang siguro bukas si Krypton.

Kailangan kong magpasalamat sa kanila at kailangan kong malaman kung bakit at paano nila nalaman na nandun kami.

"Anak, starting monday, sa Lycas ka na ulit papasok" hindi na ako nagulat pa sa sinabi ni Daddy.

I sense it.

"Yes dad" goodbye Lycos na, diba ito naman yung gusto ko?

Ang bumalik na sa Lycas kasi sa Lycas walang problema.

Pero bakit hindi ako masaya? I should be happy.

Kapag bumalik ako ng Lycas, wala ng issue, wala pang Methane.

Back to basic, yun nga lang.

Kapag wala ng Methane, wala na ding Lyca, Niobe at...

"Krypton" pero kailangan kong sundin si Daddy. My parents know what's best for me.

Nakarating na kami sa bahay, I should sleep. Tomorrow is a new day.







****LYCAS INTERNATIONAL SCHOOL



"Miss Diana Maureen Navarro, welcome back." si teacher yan

Hindi naman kumalat yung balita about dun sa nangyari nung Friday.

Walang nakakaalam, kami-kami lang na mga na-involve.

"So how's Lycos? Can you please share some experiences" tumayo na ako at nagkwento sa kanila, syempre yung magaganda lang na experience

Sina Krypton nga pala at yung iba pang naconfine, nakalabas na ng ospital, si Tristan naman, ayun, nasa Lycos pa din, ako lang naman yung napabalik agad dito sa Lycas, siguro ang tuwa ni Methane.

Bale, nalaman ko na din kung paano kami natunton ng aking Krypton Knight, dinalaw ko siya kahapon at nung Saturday. Sa GPS pala ng phone ko at nung time na hindi ko alam kung ano ng napindot ko sa phone ko e aksidenteng nadial ko yung number niya at napakinggan niya yung conversation between sa amin at sa mga gangster na kumuha sa amin.

Yung mga magulang naman namin, nagsugudan sa school at naabutan pa nila yung mga nasa technician at nalaman nila na dun pala galing sina Kr at sinabing nasa Zerafin High kami.

Bale, hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko sa Lycos na dito na ulit ako mag-aaral, alam kong magmamaktol sila. Ni si Tristan, hindi niya alam, di ko na sinabi pa.

Back to normal na ang buhay ko, school at sa ad agency namin tapos bahay.

May kasama naman ako dito sa Lycas na taga Lycos, si Lyco, diba siya ang exchange student na pinadala dito, so ayun.

Magkatabi kami ni Lyco.

"Pupunta akong Lycos mamaya, sama ka?" bulong niya sakin, ngumiti na lang ako sa kanya saka umiling.

Hindi na muna.

"Hindi mo ba namimiss si Krypton?" grabe makaintriga 'tong si Lyco, dinaig yung kakambal niya.

Nginitian ko na lang siya, isang araw pa lang naman at kakakita ko lang kay Kr kahapon at tama siya, namimiss ko na nga.

"Pag-ibig nga naman" -Lyco

Pagkatapos ng school, dumiretso na ako sa NavCi Ad Agency, matagal tagal din akong di nakapunta dito.

Ang dami kong paperworks na naiwan.

♪ "You deserve someone who listens to you. Hears every word and knows what to do. When you're feeling hopeless, lost and confuse, there's somebody out there who will ~ "

Nagring yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung natawag, si Lyca pala.

"Hello"

[Girl! Ang daya daya mo! Hindi mo sinabing lumipat ka na pala ng Lycas! Ayan tuloy, ang saya-saya ni Methantano!]

"Yaan mo na, bibisita naman ako diyan minsan e"

[Miss ka na ni Krypton! ---hoy di ah! Grabe ka!] napakinggan kong nandun si Krypton

"Miss ko na din naman kayo e, kelangan lang talaga" medyo nalungkot ako. Napamahal na sakin yung mga kaibigan ko sa Lycos.

[Siya sige na, basta dadalaw ka dito ha! Remember, hindi pa kayo tapos ni Methane!]

"Oo na, sige na"

[Geh, babye na!] saka niya binaba yung phone call

After ko sa ad agency namin, dumiretso na ako sa bahay, ramdam ko lang, parang may sumusunod sakin, kanina pa.



Siguro napapraning lang ako o ano.

Lumiko na ako sa unang kanto, madami namang tao, hindi naman siguro ako mapapano.

Pero..

Ramdam ko talaga, parang may sumusunod sakin.

Lumiko ako papunta sa isang community park, sigurado ako at di ako napapraning, may susumusunod sakin.



Dun ako lumakad sa may field para pag lumingon ako, walang tataguan yung nasunod sakin.

Bumwelo ako saka lumingon.

"Huli ka!" nagulat ako, isang lalaking may hawak na magazine na nakaleather jacket na black yung nakasunod sakin. Kilala ko siya. Siya yung singkit na maputi na taga Zerafin High. Kasamahan siya nung mga gangster na dumukot samin.

Hindi naman ako natakot sa kanya, siya din kasi yung nagkalag sakin nung gabing yun.

"I-ikaw?" napaturo ako sa kanya, bakit niya ako sinusundan?

Napaurong ako, baka nga naman dudukutin niya ulit ako?!

Baka namura siya nung mga kasamahan niya kasi pinatakas niya ako?!

Napalunok ako.

"Wag---wag kang matakot---hindi naman kita---" napatingin ako dun sa hawak niyang magazine.

FOUND MAGAZINE yung hawak niya, kung saan ako yung cover.

"Ba-bakit?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top