Chapter 14
Krypton's POV
Gusto kong kausapin si Diana pero nahihiya ako
Tanggap ko na, ako na yung may kasalanan ng lahat
Di ko lang talaga alam kung bakit umiinit ang bait ko sa kanya
Naexplain na din nina Lyco yung side niya about dun sa issue na kung saan kinainisan ko siya at nasuntok ko pa.
Ok na kaming mga boys, a matter of usapan lang din at ngayon nga, kasama ko sila
Si Tristan, yung Tartel Brothers at si Lyco. Nandito kami sa isang teashop, bagong bukas na teashop na malapit sa school, may tinitinda din silang mga cake at ibat' iba pang pastries.
Kung may bonding ang girls, ang mga lalaki, nagbabonding din
Don't get me wrong, hindi kami bakla.
Masarap lang talagang kumain
"Oi, Krypton, pare, bakit absent si Zinc kanina?" tanong ni Tristan, bestfriend ni Diana
"Hindi ko alam" hindi ko talaga alam
"Ang alam ko, may student affairs lahat ng president ng Student Council ng lahat ng school sa lugar natin ngayon" si Lyco yan
"Baka kaya? Kawawa naman kasi si Yannah kanina" -Tristan, oo nga naman, kawawa si Slave kanina, sumayaw siya mag-isa sa room para sa practical exam
Papartneran ko na sana siya pero may pumigil sakin, si Methane
Umoo na lang ako kay Methane, baka mamaya kung ano na namang gawin niya kay Slave, alam ko naman hindi magkasundo ang dalawang yun
"Pare, umamin ka nga sakin, may gusto ka ba kay Yannah?" si Tristan yan, teka, sinong tinatanong niyan?
Tumingin ako sa kanya, sakin siya nakatingin.
"A-ako?!" napatanong naman ako, anong klase yung tanong niya
"Kita ko kanina, tatayo ka na, papartneran mo na sana siya pero pinigilan ka lang nung pinsan mong hilaw" -Tristan
Kita niya pala, pero teka, kapag ganun, may gusto na ako agad hindi ba pwedeng---
Oo maganda si Slave, mabait, naiinis ako sa kanya sa di ko maipaliwanag na dahilan, naiinis ako lalo na nung magkapartner sila ni Kuya Zinc, nainis ako nung napaltan ako ni Lyco sa groupings namin dati
Eh ano naman?
Natural lang yun, nakakababa ng pride bilang lalaki
Hindi naman porke't naiinis ako sa mga ginagawa niya e gusto ko na siya
Diba nga,
"The more you hate, the more you----"
Natigilan ako.
"Love?" napaimik ako bigla
"ANO PARE LOVE?!" si Lyco at Tristan yan
"Sabi na e! Love mo si Yannah!" si Tristan yan, ang lakas ng boses
Napatingin samin yung ibang tao sa teashop
"Di noh!" para silang ewan, bahala kayo, change topic, kakain na lang ako ng masarap na cake
"Deny ka pa! Ayee!" yan yung Tartel Brothers, maka "ayee" daig pa ang mga kinikilig na babae
"HEH! Wag niyo nga akong pagtripan" kumain na lang ako ng cake, masarap
Wala akong gusto kay Slave, oo maganda siya, maganda tapos mabait. Ideal girl ba. Nakita ko yung pose niya sa Found Magazine kanina, ang ganda talaga niya. No wonder, di malabong magustuhan ko siya-----
Ayyy, ano? Teka, ano yung sinabi ko?!
Erase. Erase.
Di ako pedeng magkagusto kay Slave, sa magkagusto ako sa kanya ano namang mapapala ko e halos isumpa ako nun palagi
♫♪ "I feel like a hero! And you are my heroine! Do you know that your love is the sweetest thing~"♫♪
Nagring yung phone ko, nako, baka si Mommy tumatawag na.
Nagulat ako sa nakita ko sa screen, si Slave ang tumatawag
Napatunganga ako sa phone ko
"Pare, sino ba yan? Si Tita Aika? Bakit di mo sagutin?" biglang kinuha ni Lyco yung phone ko
"Woah, look who's calling" tapos pinakita niya kay Tristan at sa Tartel Brothers
"Sabi na e! Nagtatawagan pala kayo ni Yannah! Kaw Pare ha! Don't worry, boto ako sa'yo" teka nga, ano bang pinagsasabi ng mga 'to
"Sagutin mo na Lyco tapos pakinggan natin kung anong mga pinaguusapan nila!" si Raphael yan, isa sa mga Tartel Brothers
"I-loudspeaker mo pre!" -Leonardo Tartel
At pinindot na nga ni Lyco ang green button, saka niloud speaker.
["Dalhin sila, ang hindi sumama, patayin" ] natigilan kami sa napakinggan namin. Boses yan ng isang lalaki, ewan ko kung sino yan
Nag "ssshhhh" sign si Lyco
["HUH?! NO!"] boses ng dalawang pamilyar na babae
"FCK! Hello?! LYCA?! NIOBE?!" napasigaw na si Lyco
Pakinig namin, may umiiyak na bata.
Teka, sino yun?!
[Ate Cesium! I don't wanna die *huk*] pamilyar din yung boses parang yung pinsan kong si Lithium at teka... Kasama si...
"CESIUM?!" napatayo si Tristan
"FCK! Sinong kasama nila?!" si Lyco yan
["SAN NIYO BA KAMI DADALHIN?! ANONG KAILANGAN NIYO?!"] bigla akong kinabahan sa boses na narinig ko...
"Slave..."
[Chill chicas, we won't hurt you, you'll see heaven soon] pinakinggan lang namin ang usapan over the line
"Sinong kumuha sa kanila?!!!" si Donatello Tartel yan
[Pare sa school tayo] boses pa ng isang lalaki
"Sht! San ba sila nagpunta?!" di ko na napigilan, napasigaw na ako
"HOY SLAVE!" hinawakan ko yung phone ko, ginawa kong walky-talky!
Maya-maya pa, bigla na lang namatay yung line.
"FCK!" napamura kaming tatlo.
"Nasa panganib sila, paano natin sila mahahanap?!" -Lyco
"Tumawag kaya tayo ng mga pulis?!" si Michelangelo yan, isa sa mga Tartel Brothers
"It will not help, baka lalo lang mas lumala" si Tristan yan
We need to think, si Slave at sina Lyca pati na ang mga pinsan ko, they are in danger.
♫♪ "I feel like a hero! And you are my heroine! Do you know that your love is the sweetest thing~"♫♪
Nagring ulit yung phone ko, agad kong tiningnan kung sino yung natawag, baka mamaya si Slave ulit pero negative, si Kuya Zinc ang natawag
"Hello?!" medyo panic ako
[Oi Krypton, nasa school ka pa]
"Nandito kami sa teashop malapit sa school! Punta ka dito, sina Lyca, Niobe, Cesium, Lithium at Slave nasa panganib! May dumukot sa kanila!!!"
[Huh?! Ano?! Di kita maintindihan! Sige sige, relax ka lang, punta na ako diyan]
"Sige, dalian mo kuya Zinc!"
[Oo na geh, malapit na ako] then he hanged up
"Sasabihin ba natin sa mga magulang nila?!"-Raphael
"It will not help, magpapanic lang lalo sila at pihado, magpapatawag na agad ng pulis lalo pa't si Mommy?! Nako" -Lyco
"So what to do?!" -Leonardo
"Krypton!" bigla namang dumating si Kuya Zinc, ito kaya ang tanungin namin, matalino 'to.
"Ano bang nangyari?! Anong sinasabi mong may masamang nangyari kina Lyca?" humihingal hingal siya, sigruo nagmadaling tumakbo
Kinuwento namin kay Kuya Zinc kung ano yung natanggap naming tawag kanina
"Baka napindot lang yun ni Diana as a sign na nasa panganib sila" -Zinc
"So ano ng gagawin natin?!" -Donatello
*a moment of silence*
"Alam ko na! Baka bukas ang GPS ni Diana o kung sino mang kasama dun" -Zinc
"Oo nga! Madedetect natin kung nasan sila!" -Tristan
"Tara, balik tayo sa school, maaga pa, wala pang 6pm, bukas pa ang technical department" agad naman kaming pumunta sa technical dept. Ng school, buti na lang at bukas pa nga
Sugudan kaming walo.
"Magandang gabi mga bata, magsasara na ang office, anong ginagawa niyo dito?" -Manong
"Manong, may ipapadetect lang kami, mabilis lang, pakidetect ng phone ni Miss Navarro, nasa system naman natin ang contacts niya diba?" -Zinc
"Sige mga bata, Mukhang importanteng importante, nawala ba ang phone niya?" agad namang inasikaso ni Manong yung pinapagawa namin
"Hindi lang po phone niya mismong sila po ay nawa----" tinakpan naman agad ni Lyco ang bibig ni Raphael
"Walang dapat makaalam" bulong ni Lyco kay Raphael
"ah--o-opo manong, nawawala nga po. He-he" -Lyco
"Ito na mga bata, teka, ang layo naman ng phone niya, nasa ZERAFIN HIGH" -manong yan
"ZERAFIN HIGH?!" kaming lahat except Tristan
"Manong, baka nagkakamali kayo?" si Tristan yan, teka bakit parang bigla siyang natakot
"Accurate ang device detector namin utoy, positive, nasa Zerafin High ang phone ng kasama niyo" napatingin naman samin si Tristan
Bakit?! Ano bang meron sa Zerafin High na yun?!
"Pare, ano bang meron sa Zerafin High na yun?" -Lyco
"Malapit lang yun sa Lycas" -Tristan
"All boys academy ang school na yun, nagsama-sama ang lahat ng mga arogante at bayolenteng mga estudyante don, bagsakan yun ng mga kick out" -si Manong yan
"Hindi allowed na pumasok ang kahit sinong babae don" -Tristan
"Huh? Bakit naman?!" -Raphael
"dahil... Puro member ng gang ang mga pumapasok don, mahilig sila sa mga babae at wala silang sinasanto" napalunok ako sa sinabi ni Tristan
"Mga bata, magsasara na ang office namin" -Manong
"Oh?! Ano pang hinihintay natin?! Tara na!" hinila ko sila
Hindi pwede, kailangang mapuntahan namin yung Zerafin High na yun, baka kung anong gawin nila kina Slave.
"Manong salamat ho! Guys, tara, dala ko sasakyan ko" -Zinc
Pumunta na kami sa Zerafin High na yun, alam kong may school nga daw na puro mga arogante at member ng gang ang estudyante pero di ko naman akalaing dun napadpad sina Slave.
Hindi naman kalayuan sa Lycas ang Zerafin, madami lang talagang pasikot-sikot.
"Natatakot ako guys" -Donatello
"Pare wag ka ngang mabading, isusumbong kita kay Methane. Haha" -Zinc
"Sabi na e! Kuya! May gusto ka kay Methane!" -Leonardo
Itong mga Tartel na 'to, buti kasama namin, pangpadami
Past 6pm na, madilim na, hindi ito magandang senyales
"Ano bang plano natin pag dating dun? Sinasabi ko sa inyo, mapanganib ang mga tao dun" -Tristan
"Hindi ko din alam, basta maligtas ang kapatid ko, si girlfriend ko at ang lahat" -Lyco
Kung ako ang tatanungin, hindi ko din alam ang gagawin.
Hanggang sa nakarating na kami dun sa Zerafin High, bukas ang gate ng school kahit gabi na, wala din guard, hindi mahigpit ang security
"Sure ba tayo sa gagawin natin?" -Donatello
Pumasok na kami sa loob, medyo creepy
Kulay black ang mga building pero wala namang sign na may tao sa loob, pumunta pa kami sa may paloob, malaki ang school
"Kanina ka pa ah, kung gusto mong bumaba at umuwi, ibaba ka namin dito sa gitna ng kawalan" -Lyco
"Deh ah! MATAPANG KAYA AKO!" -Donatello
Nagmasid ako sa paligid habang nasa loob ng sasakyan ni Kuya Zinc, hanggang sa may nakita akong limousine na nakaparada, limang limousine yun
May mga nakasandal na lalaki sa limousine, naninigarilyo sila
Sadi kalayuan, may building tapos may ilaw
Nakita ko, tinuro yung sasakyan namin nung mga lalaki na nandun sa may limousine
Pinarada na ni Kuya Zinc ang sasakyan, lakas loob, isa-isa kaming bumaba
"Hoy Donatello! May balak ka pang bumaba? Ilalock ka namin diyan, may mumu diyan!" -Lyco, kanina pa niyang pinagtitripan si Donatello
Bumaba na din si Donatello, natatakot din naman ako, tapang tapangan na lang, nasa panganib sina Slave
"Pare, mukhang may bisita tayo" sabi nung isang lalaking nakaitim na leather jacket, bale lahat sila nakaleather jacket na itim
Walo silang nandito sa labas, ang dami pala ng mga dumukot kina Slave
Walang umiimik samin, di namin alam ang sasabihin
Inumpisahan ni Kuya Zinc
"Alam niyo na naman siguro kung bakit kami nandito diba?" -Zinc
"Bro, baka kaibigan sila nung mga magagandang chica, tingnan mo yung mga uniform nila oh, uniform ng Lycos" isang slang na lalaki yung nagsabi niyan
"Mukhang nagkamali kayo ng pinuntahan, teritoryo namin 'to, sino ba kayo?" isang mayabang na lalaki na may brace
Iimik na sana ako pero naunahan ako nung mga Tartel
"Ako si Leonardo!"
"Ako naman si Michelangelo!"
"Ako si Raphael!"
"at--- a-ako si-si----- Dona----Donatello!"
"KAMI ANG TARTEL BROTHERS! *insert baduy na pose here*" natigilan kaming lahat sa ginawa ng apat na kambal na 'to. =,= Para silang engz.
"HAHAHA. What the fuck?! Stop the crap" sabi nung isang lalaking may hikaw sa labi
"Lol. Tartel Brothers daw! Baka Teenage Mutant Ninja Turtles!" at nagtawanan na yung mga lalaking nakaitim na leather jacket
"Hindi na importante kung sino kami, ang kailangan lang namin ay makuha yung mga kasama namin" -Zinc
Nagtinginan yung mga lalaking nakaleather jacket
"Pare naman, hindi ganun kadali ang hiniling niyo, mahirap ibigay yan" sabi nung isa sa kanila
At ramdam na lang namin, nagpapalagutok na sila ng kamao nila, nakakaamoy na ako ng away.
Unti-unti na silang lumapit sa amin at---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top