Chapter 13



Wala man lang naginitiate na partneran ako, di katulad dun sa mga napapanood ko sa movies.

Wala man lang Alladin na ililigtas si Princess Jasmine.

O kaya isang prince charming na hahalik kay Snow White.

O kaya Edward Cullen ni Bella Swan, may Jacob pa...

Wala talaga! I'm alone in this world.

Sumayaw akong magisa sa gitna ng room kanina, nakakahiya. Yun ang puno't dulo.

At ngayon, hindi ako makausap ng matino

"Girls, tara magmall! He-he" and that's Lyca, nandito kami sa garden ng school

Kasama si Niobe ngayon, kaming tatlo yung magkakasama

"Mas maganda kung mas madami tayo, para party party!" -Niobe

Kanina pa silang masaya, ako naman depress na depress

"There oh si Cesium, isama natin" -Lyca

Napatingin naman ako kay Cesium, may kasama siyang bata, nakauniform ng pang elementary, kamukha siya ni Niobe

"OMG. Anong ginagawa ni Lithium dito?!" si Niobe yan, sina Cesium, papalapit sa amin

And wait, LITHIUM?

"Ate!" niyapos nung bata si Niobe

"Anong ginagawa mo ditong bata ka? Where's mom?" si Niobe yan, teka, kapatid niya ba yan? Well, I don't have any idea

"Ate Niobe, ikaw daw muna mag-alaga kay Lith, pinapasabi ni Tita Cassy." si Cesium yan, yung ultimate crush ng bestfriend kong si Tristan

"Ah! Ces, magmomall kami, you wanna join?" tanong ni Lyca kay Cesium

"Kayo na lang, I don't do the malling, sige, hinatid ko lang si Lith" -Cesium

"Ate Ces, sama ka na po! We'll go malling ate" nagpuppy eyes si Lith, kapatid nga ata 'to ni Niobe

Napatingin naman si Cesium kay Lith, "Sige na nga" then we stood up

"Girl Power! Let's go to the mall! Bonding tayo girls" aalis na sana kami pero bago pa man din kami umalis, may humarang na sa'ming tatlong chemical element.

Itago na lang natin sa pangalang, Berrylium, Francium at Methane

"Oh well, the reunion? Where do you think you're all going?" si Methane yan with her high heels on

"Nagsama-sama ang mga losers!" yan yung baklang chemical element na si Francium

Losers daw kami

Ok? Next topic please.

"Ano na naman?" that's Lyca, medyo mataray na mode na ulit

"Wala naman, I just want to congratulate Diana for an outstanding performance sa PE kanina. HA-HA-HA" then she clapped

Nangiinsulto ba siya?

"Let's give her a big round of applause guys" tas nagpalakpalakan silang tatlo, pertaining to Berry, France at Meth.

Hindi ko alam ang gagawin ko, medyo depress ako

"Thank you. Thank you" yan na lang yung nasabi ko sa kanila, ayoko ng patulan pa yung mga isip-bata nilang utak

Naglakad na ako at nilagpasan ko sila, kailangan kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay.

Pinaparusahan ba ako ni Lord?

Mas lalo ko na tuloy gustong bumalik ng Lycas!

Sana matapos na 'tong exchange student program na 'to.

"You're welcome poor girl! Ha-ha-ha" last line na napakinggan ko kay Methane

Sina Lyca naman, ramdam ko nasa may likod ko na

"Girl, ganyan ka ba pagnadedepress? Papaapi ka na lang dun kay Methatano na yun?!" si Lyca yan

"No room for narrow-headed people now" yun na lang nasabi ko, I need to relax

Kasama namin si Niobe, Cesium at Lithium

"Girls, magcocommute ba tayo?" tanong ni Niobe.

"Hindi, unless may sasakyan tayo. LOL" si Lyca at Niobe lang yung maingay samin

Nauuna akong maglakad, katabi ko si Cesium at Lith

Si Niobe at Lyca naman nasa likod ko

Bigla akong kinulbit nung si Lith, para siyang si Aye-Gee, kasing laki kasi siya ni Aye-Gee.

"Hi ate! Ano pong name mo?" she smiled at me

"Call me ate Diana" i tapped her head

Ngumiti siya ulit sakin, she looks like a smart kiddo

"Okay ate Diana!"

Yung dalawa naman, nagiingay lang sa likod namin, we're close to the entrance gate

"Pa'no ba pumara ng jeep?" yan yung topic nila

"Ang alam ko, kakawayan mo yung driver tapos titigil na yun" -Lyca

Nagbagal ako ng lakad, pinauna ko sila

"Guys, magcocommute tayo, kapit-bisig!" si Niobe yan, parang ngayon lang magcocommute at...

Teka nga

"Wag mong sabihing ngayon ka palang magcocommute?" I asked

"Actually, parang ganun na nga. He-he, taxi pa lang nasasakyan kong public transpo e" -Niobe,no wonder, rich kid silang lahat na kasama ko, lahat anak ng may ari ng school.

Nakarating kami sa labas ng school.

"Kawayan mo yung jeep" si Lyca yan, nag-aantay kami ng jeep

Marunong akong sumakay ng jeep, pinaubaya ko na lang sa kanila yung pagpara ng matuto

Kanina pang madaming nadaan na luwag na jeep pero walang natigil.

Nagtataka na din ako, kanina pang nakatingin sa amin yung mga tao

Napatingin ako kay Niobe, kinakawayan niya nga yung mga nadaang jeep, pero yung kaway niya parang pang Miss Universe na ewan! =,= Serioulsy?!

"Ganiyan ba talaga pag nagpapahinto ng jeep? Baka ganito..." tapos nagtatalon si Lyca dun sa gitna, habang natalon, nakataas yung dalawa niyang kamay parang nahingi ng tulong.

Yung totoo? Hindi talaga kami titigilan ng mga driver dito. =,=

Parang mga baliw 'tong kasama ko

Napagod si Lyca, si Niobe naman, nangalay na ata

Bahala sila, willing ako maghintay at tumayo dito, sila nagyaya, sila gumawa ng paraan para makarating kami sa pupuntahan namin.

Napatingin naman ako kay Cesium, hawak hawak niya si Lith

Kita ko na kita niya na may paparating na jeep na papunta dun sa pupuntahan naming mall

She raised her right hand and she pointed to the air.

Tumigil yung jeep

"Galing ni ate Ces!" si Lith yan, sumakay na sila, sumunod na din ako

I turned back, nilingunan ko yung dalawa, nganga sila with big wide eyes

"You mean--- ganun lang pala yun?! WTF" sila yan

"Tara na" sumakay na kami





****mall



"Guys, sa Quantum tayo!" yaya ni Niobe right after we entered the mall

Sila na ngayon ang nauuna ni Lyca

Madaming students ngayon sa mall, I don't know why.

Kunsabagay, Friday today.

Si Niobe, parang walang pakealam dito sa kapatid niyan si Lith, si Cesium yung nagaasikaso

Dumiretso na kami sa Quantum, bumili ng token si Niobe, siya na lang daw ang bibili, treat daw niya.

Bale 200 tokens yung binili niya.

"Dun tayo sa shoot shoot!" si Niobe yan, parang bata, dinaig pa yung kapatid niya

Sinundan lang namin sila

Para kaming buntot nina Niobe at Lyca

"Woah, chicas" boses yan ng isang lalaking di ko kilala, napatingin ako sa may kanan namin, dun sa may palakang malaki na pag hinulugan mo ng token, naandar, may mga nakaupong lalaki na nakaitim na leather na jacket

Lima sila, yung isa gray hair, yung isa green eyes, yung isa may brace tapos yung isa may hikaw sa may labi niya at yung nasa gitna singkit na lalaki na maputi na may gulo-gulong kulay bleach na buhok.

For short, mukha silang mga member ng gang.

Mukha silang mga gangster



"I like that chica in the red ribbon" sabi nung si gray haired na mukhang gangster, napatingin naman ako sa mga kasama ko, yung may red ribbon, si Lyca yun, ang sama ng tingin sa kanya nung lalaki

"The girl in the curly hair looks good, I want her" sabi yan nung si green eyes na mukhang gangster

Curly hair daw, hinanap ko at si Cesium pala yung sinasabi niya

May nagsalita pang isa..

"That chica holding the ball looks hot" sabi nung lalaking may piercing sa may labi

I looked at Niobe, siya yung sinasabi nung lalaki

"The tallest chica, I think I've seen her somewhere" sabi yan nung may brace na lalaki

Teka tallest chica daw, tiningnan ko yung height namin

Ako pala yung pinakamatangkad.

"Based on their uniforms, they're from Lycos, BINGO." hindi ko na alam kung sinong nagsabi niyan

After that, wala na akong narinig na kung ano pero isa lang ang naramdaman ko, bigla akong kinabahan

Lumapit ako ng konti kina Niobe, enough para mabulungan ko sila

"Girl, alis na tayo dito, ang sasama na ng tingin sa'tin nung mga lalaking nakaitim na nakaupo dun sa giant frog" napalingon naman si Niobe

"Girl, baka naman hindi tayo ang tinitingnan ng mga yan" nagshushoot pa din si Niobe ng bola, stage three na siya

"Hindi girl, tayo talaga. Pakinig ko, pinaguusapan nila tayo" bigla namang napakapit sakin si Lyca

"Girl, ang sama nga makatingin, tara na" tinapos lang ni Niobe yung paglalaro niya dun sa shoot shoot tapos umalis na kami

Kinakabahan ako

Lumabas na kami ng Quantum, nilingunan ko sila bago kami umalis, yung lalaking singkit na maputi, ang sama ng tingin sa amin, OMG. No.

"Ate, bakit umalis tayo agad sa Quantum? Hindi pa ako nakakapagplay" si Lith yan, tanong kay Niobe

"Eh kasi Lith, nagtext na si Mommy, umuwi na daw tayo" binilisan lang namin ang lakad, feeling ko sinusundan nila kami

"Ganun ba ate? Sayang naman" nakalabas na kami ng mall, no trace nung mga mukhang gangster in the black leather jacket

I think we're safe.

Sa likod kami ng mall napalabas, wala masyadong tao, naglalakad lang kami ng naglakad at---

OMG. NO.

"Hello chicas" nandito sila, yung mga lalaking mukhang member ng gang

"OMG" si Lyca yan, we stepped back

Nasa parking lot kami sa may likod ng mall, nakita ko yung iba pa nilang kasama, madami pala sila, hindi lang lima

Binilang ko, 15 silang lahat, yung iba nakasandal sa itim na limousine. May limang itim na limousine kasi sa parking lot

"Ate, sino sila?" medyo natatakot yung boses ni Lith

"Ah kapatid kong maganda, hindi ko din alam. He-he" si Niobe yan

Nag-urungan na kami, masama na talaga ang kutob ko, kinuha ko ang phone ko pero patago lang

Binuksan ko ang gps, kita ko pa nung una yung screen pero nung unti-unti na silang lumalapit, di ko na alam kung anong napindot ko

"Dalhin sila, ang hindi sumama, patayin" utos nung isang lalaking naninigarilyo

"HUH?! NO!" sina Lyca at Niobe yan, si Cesium naman, hindi umiimik, hanggang sa mapapahamak na kami, tahimik pa din siya?!

Umiiyak na si Lith.

"Ate Cesium! I don't wanna die *huk*" si Lith yan, niyakap naman siya ni Cesium

Napakanonverbal ni Cesium.

Isinakay nila kami dun sa limousine nila, hiwa-hiwalay kami, ang magkasama sina Niobe at Lyca, tapos si Cesium, Lith at ako.

Teka...



"SAN NIYO BA KAMI DADALHIN?! ANONG KAILANGAN NIYO?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top