SPECIAL CHAPTER (1)
SPECIAL CHAPTER (1)
"Theyn, no." seryoso niyang sabi. Bigla naman akong nalungkot. Ilang beses ko na sakanya 'tong sinasabi pero lagi niya akong tinatanggihan. Hindi niya ba alam na kada no niya nasasaktan ako?
"Anim na buwan na tayong kasal, Kent. Pati pamilya ko nagtatanong kung kailan tayo magbe-baby. Lagi na lang akong nagdadahilan. Minsan nga ayaw ko nang bumisita sa amin at nahihiya ako sakanila!" naiinis kong sagot.
"Hindi mo kakayanin ang manganak, Theyn. Ayokong mawala ka sa akin!" sagot din niya sa akin at halata na ang irritasyon sa boses niya. Ilang beses na namin 'tong pinag-aawayan at pati ako napapagod na rin sa issue na 'to.
"Gusto ko nang magkaanak, Kent. Hindi mabubuo ang womanhood ko kung hindi ako magsisilang ng baby!" mangiyak-ngiyak kong sabi sakanya. I tilted my head upwards para hindi tumulo ang luhang gustong kumawala sa mata ko.
"Mamamatay ka kapag nagkaroon tayo ng anak!" he snapped. Natigilan naman ako. Lagi niyang sinasabi sa akin na it's dangerous for me to conceive a baby. At ngayon ko lang narinig ang totoong dahilan niya. Inaamin ko natakot ako. Kung magkakaanak kami at mawawala naman ako, parang wala rin naman kasi hindi ko maalagaan ang anak ko.
"W-wala ba tayong magagawa? Diba tao rin naman dati si Lorelei?" kalmado na ang boses ko.
He doesn't say anything. It was my cue to turn around. Umalis ako sa terrace at pumasok sa kwarto namin. Naupo ako sa kama.
After nang honeymoon namin ni Kent sa Japan, Monte Carlo, and Santorini, Greece—ay lumipat na kami ng bahay. Ayaw niyang tumira sa Hillside na mag-asawa na kami kaya bumili siya ng isang Villa sa isang Probinsya. Maliit na municipality lang siya at tahimik lang kaming namumuhay kasama ang mga bodyguards na kauri ni Kent. Madali lang naman para kay Kent ang bumyahe back and fort from here to work kaya ayos lang daw sakanya. Ako naman nagbabalak na magtayo ng Clinic sa bayan bilang Psychiatrics. Ayaw ko naman kasing maburo sa bahay namin at maghintay na umuwi siya.
Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin patagilid. Alam kong nalulungkot siya kasi nag-aaway nanaman kami.
"Gagawa ako ng paraan." Hinalikan niya ulo ko. Tumango lang ako sakanya. Okay na kami alam ko. Hindi niya 'ko kailangang lambingin. Ramdam ko naman na he's sorry. Hindi ako nagmamatigas pagdating kay Kent.
The next morning, I receive a text from Florence at niyayaya akong mag-shopping. Agad din naman akong um-oo kasi wala si Kent nasa work at wala akong gagawin dito sa bahay. Ginagawa pa lang kasi 'yung clinic ko so hindi pa ako makakapagsimula.
Nagpahatid ako sa driver papunta sa City. Sa isang mall naghihintay si Florence. Nagtext naman ako kay Kent at nagpaalam na magba-bonding kami ni Florence. 'Buti nga at pumayag siya.
"Kumusta ang buhay may asawa?" tanong niya habang naghahanap kami ng damit na puwedeng mabili. Kahit wala naman akong balak bumili ay pumipili rin naman ako para malibang.
"Ayos lang," tipid kong sagot.
"Hmm," nagulat na lang ako nang ipakita niya ang kamay niya. She was wearing a princess cut white gold ring.
"H-he..." I said trying to control my shriek.
"Yes!" masaya niyang sabi.
"He proposed! Migo proposed!" I burst out. Sa sobrang saya namin ay magkahawak kamay kaming nagtatalon at hindi mapigilan ang mapatili.
"Yes! Last night!" mangiyak-ngiyak niyang sabi. Natutuwa ako para sakanya. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Flo ngayon kaya sobra talaga akong masaya para sakanya.
"I'm so happy for you!" niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sa'yo ko unang sinabi kasi alam kong maiintindihan mo ang nafe-feel ko." Sabi niya sa akin.
"I'm honored, Flo. Gosh! Excited na ako. I need details!" sabi ko sakanya. Tumawa naman siya.
"Sasabihin ko naman sa'yo, eh."
Dinala ako ni Florence sa isang coffee shop sa labas ng mall. Habang pinapanuod ko siyang magkwento hindi ko mapigilang maiyak. Nagiging okay na ang lahat. Ngayon na engaged to be married na si Florence na siya ring gusto ko para sakanila ni Migo. Si Haril nakapasa na sa board exam sa Civil Engineer last month. Si Mica naman pinayagan na ng tatay na sa Yale University ipagpatuloy ang college. Mas lalong lumago ang business ni Flo and Jean. Si Cindy nasa Vampire City at naglilingkod sa royal family. Si Ivo naman...
Ivo. Minsan ko siyang nakita sa office ni Kent at may pinag-usapan daw silang business. Sabi sa akin ni Sid, okay na raw ang dalawa at hindi na nagbabatuhan ng kung ano-anung quotable lines. Siguro nga nakapag move on na siya. 'Yon din naman ang gusto kong mangyari. He deserves someone better.
Naghiwalay kami ni Flo sa coffee shop kasi pupunta siyang flower shop niya at panay daw text ni Jean. Sasama sana ako sakanya kaso nakatanggap din ako ng tawag kay tita Shaila.
"Theyn, hija. Nandito kami sa hospital. Inatake sa puso ang tatay mo!" halos magimbal ako sa narinig ko. Agad akong sumakay sa kotse at sinabi sa driver na pumuntang hospital. Agad ko namang dinial ang number ni Kent. Nanginginig mga kamay ko. Natatakot ako. Para akong maiiyak. Pagkatapos ng isang magandang balita ito ang kapalit?
"Wife, what's wrong? I thought you're with Florence?" he asked. Hindi naman ako makapagsalita agad. Nanlalamig ang buong katawan ko.
"Kent, a-ang... ang tatay!" hindi ko na madugtungan ang sinabi ko dahil sa naiiyak na ako. "Inatake raw sa puso ang tatay!"
"Where are you? Saang hospital?"
Pagdating ko sa hospital, nakita ko na agad si Kent sa lobby at halatang hinihintay ako. He was worried. We went to the reception area at itinanong kung saang room si tatay. Sinabi naman ng nurse ang room number but it turns out na nasa ICU pala ang tatay.
Nakita namin si tita Shaila sa labas ng ICU at pabalik-balik na naglalakad sa harap ng pinto. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Do'n ko binuhos ang luhang pinipigilan. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang tatay. Malakas naman siya.
"Nawalan ng 200 million sa bank account ng company. Nalaman ni Theo na isa sa pinagkakatiwalaan niya ang may pakana. Sobra atang dinibdib ng tatay mo ang hinanakit kaya siya nagkagano'n. Akala ko kagabi okay lang siya kasi hindi siya nagsasalita. Kaninang umaga nag CR siya, napansin ko sobra na niyang tagal. Nadatnan ko siya nakahandusay sa sahig." Umiiyak na sabi ni tita Shaila.
Kent comforted me. Nakasandal lang ako sa dibdib niya. Hindi pa namin ini-inform si Mica and Haril sa nangyayari kasi parehong nasa Palawan ang dalawa at inaasikaso ang paglilipat sa libingan ni nanay dito lang sa malapit sa amin para lagi namin siyang mabibisita.
Pareho kaming napatayo ni Kent nang lumabas ang doctor. Tinanggal niya ang kanyang white mask saka kami hinarap.
"Mr. Torres is safe for now. This is the first time na inatake siya ng puso so I suggest na iiwas siya sa stress and problem. Ililipat na namin siya sa private room but I believe, half of his body was paralyzed."
I am relieved at okay ang tatay ko. Pero hindi ko lubos maisip na paralisado na ang kalahating katawan ni tatay. Oo dapat magpasalamat ako kasi buhay siya pero masakit para sa akin na malaman na gano'n ang nangyari sakanya.
Tatlong oras din ang hinintay namin bago magising ang tatay. Pinaliwanag sakanya ng doctor ang sitwayon niya at panay lang ang tango ni tatay.
"Anak, halika." Lumapit ako kay tatay. Hinawakan ko kamay niya at hinagkan 'yon. Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Ayaw kong maging mahina sa harap niya. Ngumiti naman siya sa akin. "Huwag kang mag-alala sa tatay. Malakas pa ako. Hindi ako puwedeng mawala na hindi ko man lang nasisilayan ang apo ko sa'yo." He said.
Pareho kaming nag-iwas ng tingin ni Kent. Eto 'yung opic na iniiwasan namin dahil dumadating sa puntong nag-aaway kami.
"Theyn anak, kailan niyo ba ako bibigyan ng apo? Nagkasakit na ako at lahat-lahat hindi ka pa rin nagbubuntis." Sabi niya.
"T-tay... kasi po..." naramdaman ko naman na inakbayan ako ni Kent.
"Don't worry, Pa. Mamaya rin at gagawa kami ng misis ko." Sabi ni Kent na nakangiti. Siniko ko naman siya. Sa harap pa talaga ni tatay!
"Ay bilisin niyo, Kent. Baka maunahan pa kayo ni Haril at Mica." Sabi ni tatay.
"Tay! Wala pa silang asawa!" gusto kong pagalitan si tatay. Pero this time, naiintindihan ko siya. Dahil sa inatake siya at half body stroke na, mas inasam niya magka-apo. 'Yon din kasi ang contentment ng isang magulang, eh. Ang makita ang anak nila na may anak na rin.
Gabi at lulan kami ni Kent sa kotse pauwi. Ayaw ko sanang umuwi sa amin kaso mapilit ang tatay. Tita Shaila assured me na magiging okay lang ang tatay. They hired a personal nurses para alagaan personally si tatay sa bahay.
Dumating kami sa bahay at pareho kaming walang imik. Pagod na pagod ako. Pakiramdam ko makakatulog agad ako, eh.
"Theyn," tawag sa akin ni Kent nang papasok na ako sa kwarto.
"Hmm?" nilingon ko siya. Seryoso lang 'yung mukha niya. Parang nag-iisip.
"Kung pumayag akong magka-baby tayo, are you ready for the consequence?" he asked. Natigilan ako. Payag na siya? Siguro kasi ayaw niyang biguin si tatay.
"Payag ka na?" nagagalak kong tanong.
"Yes, ngayon ko lang din napag-isip-isip na masarap magkaroon ng anak." May ngiting sumilay sa labi niya. Agad ko siyang sinugod ng yakap.
"Payag ako!" masaya kong pahayag. "What's the consequence?" hinintay ko siyang nagsalita. He stared at me and in just one second parag nahihigop ang lakas ko sa presensya niya.
"Be a vampire, like me."
xxx
SURPRISE!!! Halos 1 week na rin simula nang matapos ang MKiSF. So heto na ang Special chapter para sa mga nagrerequest. Hindi ko alam kung hanggang saan ang special chapter pero ia-update ko siya kapag namimiss ko lang si Theyn and Kent. Wahahaha.
HUWAG MAG-DEMAND NG UPDATE!!! The story has ended kaya please lang!
Basahin niyo ang Cold Fangs, ah? Doon ko binubuhos ang kaartehan ko sa buhay. Hahaha pati na rin yung Bloody Fangs. Hahaha at syempre yung last book ng Vampire City ang Crimson Love though ang tagal ng update nun. Medyo complicated talaga kasi ang storyang yun, nakakaloka. Gusto ko na ngang idelete eh. Kaso baka ma-bash ako. Wahahaha
Sa mga nanghihingi ng BS diyan, naku 'wag na. Kapag sinipag na lang ako. Kk.
GOODNIGHT, guys! Love lots.
XOXO
Add me: facebook/thyriza.wattpad
Tweet/Follow me: @theRealThyriza
©THYRIZA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top